Share

Kabanata 9

Author: pariahrei
last update Huling Na-update: 2025-06-01 16:09:57

CHAPTER 7

“Where was the airline’s money?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Summer nang sabihin ng kanyang kapatid na malapit na silang ma-bankrupt.

Kahit nagbigay sila ng pinansyal na tulong sa mga nabiktima ng sunod-sunod na insidente ay malaki pa rin ang matitira.

Vesarius airline is one of the top airlines in the world!

“It was gone. Sabi ng bangko, may nag-withdraw niyon isang buwan na ang nakalilipas.”

“A fraud?”

“They can’t tell. May pirma ni Daddy ang dokumento na ipinakita ng taong iyon. It wasn’t forged.”

“H-How about the stocks? Rozen, malaki ang posibilidad na ipatawag tayo sa senado.”

“Daddy sold those. I talked with Almeradezes and Ralvan, ang sabi nila balak ni Daddy mag-venture sa technology industry sa ibang bansa.”

“Hindi iyon magagawa ni Daddy!”

Pagod na napahilamos ng sariling palad ang kanyang kapatid. “They gave me proofs, Ate. With our parents’ signatures. We only have our trust funds left.”

Umiling siya. Hindi nila iyon pwedeng gamitin lalo na sa kanya dahil para iyon sa kinabukasan ni Autumn.

Daang milyones pa ang kailangan nila. They still need to pay lawyers, some debts and reconstructions of airlines.

“My, why sad?” Hinaplos ng maliit na kamay ni Autumn ang kanyang pisngi.

Maliit niya itong nginitian. “May iniisip lang. Bakit hindi ka pa natutulog?”

Kumurba ang bibig ng bata pababa. “Miss ko po Mimila and Diddy-Lo. Where are they? Don’t they miss me, the baby princess?”

“They are on vacation,” she answered. In her mind, her parents were just hiding somewhere, still in the Maldives or anywhere else where they were alive.

Ayaw niyang tanggapin na wala na ang mga ito.

“Why hindi call po? Hindi nila ako miss?”

Sa halip na sumagot ay mahigpit niyang yinakap ang anak. Paulit-ulit niya itong h inalikan sa noo na para bang sa pamamagitan niyon ay mababawasan ang bigat ng dinadala niya.

She wasn’t ready for her parents’ death nor the disasters that happened in their lives. Lahat ng tapang at katatagan na nakuha niya bilang militar ay nawala.

Sino bang hindi kung ang dalawang taong hinuhugutan niya ng lakas ay biglang nang-iwan.

Katulad niya, alam niyang papasuko na rin si Rozen. Lalo pa’t magta-tatlong buwan na ay hindi pa rin sila nakakabangon kahit kaunti.

Ralvan Banks approved their loan but only 40% of the money they need. Tali rin ang kamay ng mga ito dahil sa kinakaharap ng airlines na hearing sa Senado. While their other family friends cover the other 30%.

“Summer, you have a visitor,” katok sa kanya ng kapatid ng kanyang ama na sadyang umuwi mula sa Denmark para damayan sila.

She wiped her tears before opening the door. “Sino po, Auntie?”

“Your ex-husband. Gusto mo bang paalisin ko siya?” bawi nito nang makitang unti-unting nagsalubong ang mga kilay niya.

“Hindi na po.” Nang pumutok ang balita ay umalis ang lalaking iyon sa bansa.

“Everything will be fine, okay? Marami pa kaming kasama mo rito.” She hugged Tita Rollie for a while before going down to face Giovanni.

Sa hardin niya ito natagpuan.

“What are you doing here?”

Giovanni stared intently at her. She suddenly felt conscious. Lack of sleep, messy hair, and swollen, red eyes because of crying….

Masyado siyang pagod sa pagtulong kay Rozen.

“How are you?”

“Wala akong tulog, Giovanni,” aniya na para bang sapat na iyon para makuha nito ang lahat ng nasa isip niya.

He became more serious. “I’m here for Autumn. I haven’t seen my daughter for months.”

“Hindi mo siya anak.”

“I knew you will say that.” Dinampot nito ang envelope sa mesang naroroon at inabot sa kanya.

Hindi niya na kailangan pang buksan iyon para malaman na DNA test ang laman.

“Pina-DNA test mo ang bata na walang permiso ko? You know I can sue you for that.”

“I’m a lawyer,” simpleng sagot nito. Kapagkuwan, ay prenteng umupo na parang nasa gitna ng negosasyon.

“I want her to live with me, carry my name, and be a father to her.”

“Umalis ka na, Ivanovich!”

“I can take this to court—and trust me, you won’t like how it ends,” nakapaskil ang malamig na ngiti sa labi nito.

“Sige. Mag-korte tayo!”

His arrogant smirk widened like she was nothing but a joke to him.

“Do you still have the same influence as mine? Kaya mo pa rin ba akong tapatan sa usaping pera?”

Kumuyom ang kanyang mga palad.

F ucking insensitive heartless j erk!

“You don’t have money anymore, Ms. Vesarius. We both know the court tends to side with whoever can afford to win.”

Pigtas ang pasensya niya at umangat ang kamao para sikmuraan ito. Subalit, maliksing nasalo nito ang kanyang kamay at binigla siyang ikot.

His veiny, strong arms were caging her waist—hugging her from behind.

Akmang papalagan niya ulit nang dumapo ang malambot nitong labi sa puno ng kanyang tainga. Nanlalambot siya, nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok.

“I have a better offer,” namamaos nitong bulong.

“Let’s co-parent our daughter. Marry me and I’ll provide all the money you need.”

Pakiramdam niya ay tumaas lahat ng dugo sa mukha niya. Siniko niya ito sa tagiliran kahit nanghihina pa ang kanyang kalamnan.

He didn’t even flinch, yet his grip on her waist loosened.

“I’m not stupid to make the same mistake again, Giovanni Ivanovich!” Galit niya itong hinarap.

“Mistake,” gagad nito sa madilim na mukha. “Ang pagkakamali lang rito ay ang ipagdamot sa akin ang anak ko. Now, if you still hard-headed, see you in court and be drown in debt!”

“Bragging but using your parents’ money,” kutya niya para makaganti. Of course, she knew Giovanni had his own money. He’s a d amn international lawyer at the International Criminal Court!

Tumaas ang sulok ng labi nito sa paraang malamig at nagbabadya ng panganib.

“I’ll drain the Funtellion-Weinstein-Ivanovich money to get my daughter. You don’t want all three families against you, Ms. Vesarius.”

Itinulak niya ito at nanghahamon na sinalubong ang madilim nitong mata.

“Threats don’t work on me, Ivanovich. Ngayon, lumayas ka sa teritoryo ko! Ilang taon kaming nabuhay na wala ka. Hindi ka namin kailangan ng anak ko.”

Umigting ang panga nito.

Hindi siya nagpa-intimida bagkus ay muli niyang itinulak para layasan.

“THAT A-SS!” galit na bulalas ni Rozen nang mabasa ang kopya ng demand letter galing sa korte. “Cheating on you still wasn’t enough for him! What does he want from you this time?!”

“Gusto niyang makuha si Autumn.”

Ayaw niyang banggitin rito ang sinabi ni Giovanni na magpapakasal sila ulit dahil siguradong mas maghu-hurumentado ang kapatid niya.

“Nalaman niya pa rin. Our parents hid about Autumn for years.”

Kung nandito lang siguro ang mga magulang nila ay—no, they are adults now! They should know what to do.

“Kumusta ang meetings mo sa mga engineers? Magpahinga ka na. Ako na ang pupunta sa meeting mo mamaya,” naawang pinagmasdan niya ang nanlalalim nitong mata.

“They gave me estimated quotes already. I just came from a meeting with Uncle Spiel. Binawasan nila ang pwede nilang ipahiram sa atin.”

“What? I’ll talk to him…”

“Iyong pinahiram sa atin ay galing sa sariling bulsa ng mga Ralvan, hindi sa bangko. Board of Directors nor executives of the bank doesn’t want to be associated with Vesarius Airline.”

Pagod na napasintido ito at nilapitan siya.

“Don’t worry, Ate. Malalagpasan natin ‘to.” H inalikan siya nito sa ulo bago nagpaalam na matutulog muna.

Parang kinukuyumos ang puso niya habang nakatingin sa kapatid na halos hilahin na ang mga paa paakyat ng hagdan.

Bilang panganay ay siya dapat ang nangunguna sa pag-aayos ng mga problema. Subalit, limitado lang ang alam niya sa negosyo.

Mas lalo siyang na-guilty nang kinailangan lagyan ni Rozen ng IV dahil ang taas ng lagnat nito. Over-fatigue.

Muntik na rin siyang bumigay nang may dumating na sulat mula sa Senado.

She and Rozen were required for a scheduled hearing. Kailangan nilang kumuha ng dalawa o tatlong magagaling na abogado.

Summer doesn’t have a choice.

Pikit-matang nagtipa siya ng mensahe para kay Giovanni. Pumapayag na siya sa gusto nito.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cristy Bathan
salamat po sa update
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Chasing Giovanni   Kabanata 116

    CHAPTER 70 “SINO ang may sabi sa ‘yong pwede mong pakialaman ‘yan?!” Nawala sa pagkakahawak niya ang Photo Album nang may umagaw. Galit na mukha ng Nanay niya ang sumalubong kay Tori nang nag-angat siya ng tingin. Taranta nitong inayos ang mga picture na inalis niya sa pagkakadikit kanina. “N

  • Chasing Giovanni   Kabanata 115

    CHAPTER 69 Sinipa niya ang kamay ni Kwaichi nang makita niyang kumilos ito. Napasigaw ito sa sakit subalit wala siyang pakialam. “Ibaba ang baril o bali ang leeg ng amo niya!” maangas niyang sigaw. Ang isa niyang kamay ay nasa taas ng ulo nito habang ang isa ay nakasalo sa panga nito. Parang sa

  • Chasing Giovanni   Kabanata 114

    CHAPTER 68 Gulong-gulo ang isip ni Tori habang nakasakay si Tori sa bangkang de-motor. Papagabi na. Ilang oras siyang tumulala sa napuntahang restaurant sa Isla Molave. Iilan lang silang pasahero sa bangkang de-motor. Hindi niya na rin nakita ulit si Manong Ali. Nang makarating ang bangka sa dal

  • Chasing Giovanni   Kabanata 113

    “Baby…don’t cry.” “Mga pakyu sila!” hikbi niya. Tumawa si Anton kaya pumadyak-padyak ang paa niya. “Gusto ko silang suntukin lahat,” gigil niyang sabi. “I wanna cuddle the Baby boy Anton. I don’t want him alone.” Mas lalo itong tumawa. “Huwag kang tumawa!” Anton muffled his laugh by kissing

  • Chasing Giovanni   Kabanata 112

    CHAPTER 67 Hinayaan ni Tori na sumabog ang kanyang buhok sa dilim. Malamig ang simoy ng hangin sa gitna ng dagat subalit hindi niya iyon alintana dahil sa mainit na mga bisig na nakayakap sa kanya. P ahalik-h alik pa rin si Anton sa kanyang leeg. Sinandal niya ang likod sa d ibdib ng nobyo. Bumun

  • Chasing Giovanni   Kabanata 111

    CHAPTER 66 Yumuko siya para idampi ang labi sa labi nito. Awtomatikong sinapo ni Anton ang kanyang pisngi para palalalimin ang h alik. Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang bahagyang lumayo rito. Namumungay ang kanyang mga mga mata na tumingin dito. “Happy Birthday,” Tori whispered, sexily.”

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status