Share

K6

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-08-06 15:10:07

NATASHA

.

"Saan ka ba galing babae ka?" tanong ni Rhian nang maupo sa kaniyang tabi si Natasha.

Nginitian ni Natasha ang kaibigan. "Diyan lang, nagpahangin lang ako saglit. Napasarap kasi ako sa pagpapahangin kaya medyo natagalan. Nilibot ko rin ang paningin ko sa bahay na ito. Ang ganda kasi. Ang laki-laki pa. Balang-araw magkakaroon din ako ng ganito kalaking bahay," tila nangangarap niyang sabi.

Nakalolokong ngumiti si Rhian. "Magkakaroon ka talaga ng ganito kalaking bahay kung gagamitin mo 'yang alindog mo. Kung ako sa iyo, gamitin mo na 'yan ngayong gabi. Akitin mo si Mr. Ezekiel Ford. Kapag siya ang napangasawa mo, wala ka ng magiging problema pa dahil mayaman ka na! Bilyonaryo ang magiging asawa mo! At higit sa lahat, guwapo na, masarap pa! Kaya ano pang hihintay mo? Ibalandra mo na ang matambok mong pudáy!"

Siniko ni Natasha sa tagiliran si Rhian. "Bunganga mo Ryan! Napakalandi mo talagang bakla ka! Puro ka kabastusan!"

Umarko ang kilay ni Rhian . "For your information, my name is Rhian. Not Ryan. Who's Ryan huh? I don't know him," maarteng sabi ng kaibigan niya.

Hindi na lang nagsalita pa si Natasha dahil gutom na rin siya. Kumain na lang siya nang kumain. Masasarap kasi ang mga pagkain doon. At nang matapos siyang kumain, pakiramdam niya nagugutom pa siya.

Tumingin siya sa buffet table kung saan naroon ang mga pagkain. Gusto pa sana niyang kumuha ng pagkain kaso nahihiya na siya. Baka kasi isipin ng mga waiter, matakaw siya.

Ilang minuto ang lumipas, may mga waiters na naglapag ng iba't-ibang putahe sa harapan niya. Nangunot ang noo niya dahil sa pagtataka. Wala naman kasi siyang matandaang may pinakuha siyang pagkain sa mga waiter.

"Para sa inyo raw po iyan sabi ni sir Ezekiel. Enjoy eating ma'am," sabi ng waiter sabay ngiti.

Tiningnan ni Natasha ang mga putaheng nasa harapan niya. Ngayon niya lamang ito nakita at hindi niya alam ang mga pangalan ng mga ito pero mukhang masarap.

Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid para hanapin si Ezekiel ngunit wala naman ang binata. Hindi mahanap ng kanyang mata. . Akma na sana siyang titikim nang sikuhin siya ni Rhian.

"Hoy bruha ka! Nagkita na pala kayo ni Ezekiel?! Bakit hindi mo sinabi sa akin? Pinaglilihiman mo na ako?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Rhian sa kanya.

Ngumiwi si Natasha. "Hindi naman dapat kasi nagtago ako sa basurahan po nakita niya ako. Nilait niya pa nga ako eh. Kasi syempre, mahirap lang ako pero nandito ako. Nakikibisita kahit na hindi naman tayo empleyado dito."

Umirap si Rhian. "Ewan ko sa iyo! Pero kagaya nga ng sinabi ko sa iyo kanina, ganiyan talaga ang ugali niya. Madalas masama ang ugali. Bihira lang maging mabait. Kapat tinotopak siguro. Pero hayaan mo na. Ang mahalaga nandito tayo ngayon kumakain ng masarap. Huwag mo na lang isipin ang mga sinabi niya."

Tipid na ngumiti si Natasha sabay tango. "Ano pa nga ba? Wala tayong magagawa. Money is power. Eh tayong mahihitap, powerless."

Nagpatuloy kami sa pagkain. Pero hindi naman namin naubos ang binigay ng waiter sa amin dahil masyado itong marami. Kumuha si Rhian ng wine. Napangiwi si Natasha dahil hindi naman siya umiinom kahit wine.

"Uminom ka bruha. Nakahihiya naman kung hindi ka iinom. Huwag kang mag-alala, nandito naman ako. Ako ang bahala sa iyo," sabi ni Rhian sa kanya.

Nangasim ang mukha ni Natasha. "Pero kasi baka mamaya magsuka na lang ako diyan. Hindi kasi ako sanay uminom ng alak kahit na wine pa 'yan. Alam mo naman iyan. Allergic ako sa kahit anong klaseng alcohol," bulong niya sa kaibigan.

Pinandilatan siya ng mata ni Rhian. . "Sige na! Ako nga ang bahala sa iyo, 'di ba? Baka kasi isipin nila na ignorante tayo. Syempre makisabay tayo sa kanila ng kahit kaunti. Baka isipin nila, first time nating uminom ng ganito."

"Eh first time ko naman talaga."

Pinandilatan siya ni Rhian ng mata kaya hindi na siya nagsalita. Nanginginig pa ang kamay niyang kinuha ang binigay ni Rhian na baso.

Ngumuso na lamang siya bago dire-diretsong nilagok ang wine na nasa baso niya. Napapikit ako dahil sa pinaghalong pait at tamis na lasa nito. Muling nagsalin ang kanyang kaibigan ng wine sa baso niya. Nilagok kong muli 'yon na parang tubig lang. Ramdam niya ang mainit na likidong gumuhit sa kanyang lalamunan.

Maya-maya pa ay tila ba nakaramdam na siya nang pagkahilo. Naduduling na rin siya. Hindi niya kasi napansing napadami na siya ng inom. Basta lang kasi niya nilalagok ang nilalagay ni Rhian sa baso niya.

"Laklak pa! Sulitin natin ang gabing ito! Sosyal tayo ngayon!" sabi ni Rhian sabay hagikhik.

Muling niyang nilagok ang alak na nasa baso niya. May kaunting tumulo pa nga sa kanyang bibig. Pinunasan niya iyon gamit kamay. Mayamaya pa, napahawak siya sa kanyang sikmura. Tila ba nasusuka siya na hindi maintindihan. Kumapit siya sa balikat ni Rhian.

"Rhian, labas lang muna ako saglit. Nahihilo na kasi ako. Magpapahangin lang ako para mawala 'yong tama ng alak sa akin."

"Teka lang, baka magsuka ka sa labas," sabi niya sa tonong nag-aalala.

Ngumiti si Natasha.. "Mas ayos na 'yon kaysa rito ako magkalat."

Mabagal ang paglakad na ginawa ni Natasha patungong labas. Napahawak siya sa gilid ng pader dahil muntik na siyang madapa. Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa matalisod siya. Mabuti na lang may nakasalo sa kanya. Nag-angat siya ng tingin.

Si Ezekiel pala.

"Lasing ka na yata," malamig ang tinig na sabi ng binata.

Hindi nagsalita si Natasha. Yumakap siya sa binata upang hindi siya tuluyang matumba dahil umiikot na ang kanyang paningin.

'Ang init ng katawan niya,' saad ni Natasha sa isipan.

Tinikom ni Natasha ang kanyang bibig dahil nararamdaman niyang masusuka na siya anumang oras. Niyakap niya si Ezekiel ng mahigpit.

"Huwag mo akong yakapin dahil baka may makakita pa sa atin. Nakahihiya naman kayakap ko ang isang katulad mo," saad ni Ezekiel na sinusubukan siyang itulak.

Hindi pinansin ni Natasha ang sinabi ng binata. Mas yumakap pa nga siya kay Ezekiel.

Hanggang sa tuluyan na siyang nasuka sa dibdib nito. Nanlaki ang mata ni Ezekiel nang makita niyang puno ng suka ang damit niya. Galit siyang tumingin kay Natasha.

"What the fück?!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Monatskii Xtra
hahaha my bago Nanaman kami aabangan na magandang story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Chasing His Secretary Wife (SPG)   K46

    Limang taon ang lumipas.Parang kailan lang nang isilang si Nathan—at ngayon, nakasuot na siya ng maliit na uniporme, may backpack na mas malaki pa halos sa katawan niya, at nakapila kasama ng mga kaklase sa labasan ng eskuwelahan. Ang bilis ng panahon, parang isang iglap lang ang lumipas mula sa gabing pinaiyak ng tuwa si Natasha ng unang marinig ang iyak ng kanilang anak.Nasa gilid ng gate si Ezekiel, nakatayo roon na para bang isa pa ring CEO na fresh sa board meeting—malinis ang ayos, matikas, at imposibleng hindi mapansin. Nasa tabi niya si Natasha, naka-dress lang ng simple ngunit elegante, hawak ang maliit na payong kahit hindi naman masyadong mainit.“Mommy! Daddy!” sigaw ni Nathan habang kumaripas ng takbo palabas ng gate.Para siyang maliit na bala, dire-diretsong sumampa kay Ezekiel na agad namang yumuko para saluhin siya. Umangat ang bata sa braso ng ama, at sabay na hinalikan ito nina Ezekiel at Natasha.“Kamusta ang school, champ?” tanong ni Ezekiel, nakangiti ng maluwa

  • Chasing His Secretary Wife (SPG)   K45

    MABILIS NA LUMIPAS ANG ILANG BUWAN mula nang ianunsyo ni Ezekiel sa lahat ang katotohanan—na si Natasha ang kanyang asawa, at malapit na silang maging magulang. Mabilis ang naging pag-ikot ng mga araw, at parang isang panaginip lamang ang lahat. Ngayon, hindi na lamang lihim o simpleng kasunduan ang relasyon nila. Isa na itong totoong buhay na pinagbuklod ng pagmamahal, ng pangarap, at ng bagong simula. Sa unang araw na isinilang si Nathan Ford, muntik nang gumuho ang mundo ni Ezekiel sa kaba. Hindi siya halos kumurap habang hawak ni Natasha ang kamay niya sa delivery room. Ang CEO na walang kinatatakutan sa boardroom, ay halos mawalan ng lakas nang makita ang asawa niyang pawis na pawis, hingal na hingal, at umiiyak habang dinadala sa mundo ang unang anak nila. “Honey, kaya mo ‘yan. Konti na lang. Nandito ako,” paulit-ulit na bulong ni Ezekiel, hawak ang kamay ni Natasha na halos lamog na sa higpit ng pagkakapisil. At nang marinig nila ang unang iyak ng kanilang sanggol, tila nagdi

  • Chasing His Secretary Wife (SPG)   K44

    DALAWANG BUWAN ang mabilis na lumipas, at tila ba ang lahat ay nag-iba sa buhay ni Natasha. Sa unang pagkakataon, hindi na siya simpleng Natasha na nasa gilid ng opisina; ngayon, siya na si Mrs. Ford—at halata na rin ang kanyang baby bump.Habang naglalakad siya sa hallway ng Ford Enterprises, ramdam niya ang mga matang sumusunod sa kanya, ngunit hindi na iyon tulad ng dati—hindi na puro intriga. Sa halip, may halong respeto at kilig.“Good morning po, Mrs. Ford!” bati ng isang empleyado mula sa HR.“Ang blooming niyo po ngayon, Mrs. Ford!” dagdag pa ng isa, halatang napapansin ang pagkinang ng balat at ngiti niya.Natawa si Natasha, nahihiya pa rin sa mga ganitong pagkakataon. “Good morning din sa inyo.”Pero bago pa siya makalakad nang malayo, biglang may humabol—si Ezekiel mismo, nakasuot ng dark gray suit, halatang galing sa boardroom. Diretso itong lumapit sa kanya at walang pakialam sa paligid, marahang ipinatong ang kamay sa kanyang tiyan.“Slow down, Natasha. Hindi ka dapat na

  • Chasing His Secretary Wife (SPG)   K43

    Kumalat ang balita sa loob ng kumpanya parang apoy na tinamaan ng hangin. Hindi pa man umaabot ng tanghali, bawat sulok ng kumpanyang iyon ay may bulungan.“Narinig mo ba? May asawa na pala si CEO.”“At buntis pa ‘yung asawa niya! Grabe, bigla naman yata.”“Teka… si Natasha ba ‘yung madalas nating nakikita sa opisina? Yung parang PA niya?”“Oo! Siya raw si Mrs. Ford!”Lalo pang namula si Natasha habang naglalakad papasok ng lobby. Ramdam niya ang mga mata ng mga empleyado, parang lahat ay may radar na nakatutok sa kanya. Ang ibang babae, halatang naiinggit; ang iba naman, hindi makapaniwalang totoo ang lahat. Pero may ilan na mukhang kinikilig din.“Good morning po, Mrs. Ford!” bati ng isang receptionist na parang hindi makapaniwala sa sarili niyang sinabi.“Ah… g-good morning,” nahihiyang sagot ni Natasha, halos matapilok pa habang naglalakad. Grabe, Mrs. Ford agad? Hindi ba pwedeng hintayin munang magsink-in ‘to?!Pagdating niya sa 30th floor, mas lalo siyang nahiya. Lahat ng empley

  • Chasing His Secretary Wife (SPG)   K42

    Mainit ang sikat ng araw nang pumasok si Natasha sa opisina ni Ezekiel kinabukasan. Maaga pa lamang ay gising na siya, pinilit na huwag mahalata ang kaba at saya na nararamdaman. Hindi pa rin niya lubos maisip ang nangyari kagabi—ang bigat ng halik, ang mga yakap, at ang mga salitang iniwan ni Ezekiel bago siya makatulog.At ngayon, narito siya, nakatayo sa pintuan ng maluwang na opisina ng CEO.Nang mapansin siya ni Ezekiel, agad siyang ngumiti—hindi ang malamig at nakasanayan ng lahat na ekspresyon, kundi isang ngiti na para bang siya lamang ang nakikita.“Good morning, boss,” mahina at medyo nag-aalangan pang bati ni Natasha.Napakunot ang noo ni Ezekiel, saka tumayo mula sa swivel chair at marahang lumapit. Nang makalapit siya, yumuko ito at ibinulong, “Natasha… kapag tayong dalawa lang, huwag mo na akong tawaging boss.”Napalunok siya, hindi alam kung ano ang isasagot. “Ha? Eh… ano naman dapat ang itatawag ko sa iyo?”Bahagyang ngumisi ang lalaki, isang ngising may halong panunuk

  • Chasing His Secretary Wife (SPG)   K41

    Mainit ang hangin ng gabi, at parang lalo itong uminit nang yumuko si Ezekiel—sobrang lapit, halos maramdaman na ni Natasha ang init ng hininga nito. “Ezekiel…” mahina ang boses niya, halos hindi naririnig. Gusto sana niyang bumanat ng sarkastiko, pero nag-freeze ang utak niya. Ang tikas ng CEO na ito, ang lalim ng titig, at ang presensiya niyang parang sinisipsip lahat ng hangin sa paligid. Ngumiti si Ezekiel, bahagyang pilyo. “For once, Natasha… shut up.” At bago pa siya makapagsalita, lumapat ang labi nito sa labi niya. Para bang sumabog ang lahat ng naipon nilang tensyon. Hindi ito basta halik—mariin, mapusok, ngunit puno ng pag-aalinlangan. Laban o suko? Hindi alam ni Natasha kung paano gagalaw, pero ang katawan niya ang unang nagbigay ng sagot. Nag-init ang buong sistema niya, parang nakuryente. Sinubukan niyang itulak ito nang bahagya. “Ezekiel—” Pero mas hinigpitan ng lalaki ang yakap, hawak ang bewang niya, at lalo pang idiniin ang labi. “Don’t fight me this time…” bul

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status