NATASHASa gilid ng palengke, umaalingawngaw ang tinig ng dalaga.Kanina pa sumisigaw si Natasha para mapansin ang mga paninda niyang gulay at ang pinagmamalaki niyang talong. Kailangan niyang makabenta ng marami para masarap ang ulam nila mamaya. “Lumapit kayo, mga ginoo’t ginang! Magaganda at pogi! Sexy at matcho! Mga talong na mahahaba at matataba—sariwa, mabigat sa kamay, at tiyak na magugustuhan ng inyong pamilya!” Ang kaniyang boses ay may halong pang-aakit at kumpiyansa, gaya ng nakasanayan sa araw-araw na pagtitinda.Sa gitna ng mga dumaraan, may isang lalaking huminto. Nakasumbrero, nakamaskara, at matikas ang tindig. Wala itong bakas ng pagmamadali, tila ba sanay na sanay na siya ang hinihintay. Lumapit ito at malamig na wika, “Isang kilo.”“Ikaw na po ang pumili,” magalang na tugon ng dalagang si Natasha.“Ikaw na ang mamili. Siguraduhin mong walang butas at sira iyan," aniya, mababa ang tinig ngunit may halong awtoridad—tila hindi humihingi, kundi nag-uutos.Hindi na si
Last Updated : 2025-08-14 Read more