NATASHA
Mariing napapikit si Natasha sabay kagat ng kanyang pang-ibabang labi. Parang ayaw niya pang tingnan ang binata. Ayaw niya itong kausapin. 'Kainis naman!' sabi niya sa isipan. . Tumikhim ang binata. Nanatili pa rin si Natasha sa kanyang puwesto at hindi gumagalaw. "Ano? Ganiyan ka na lang diyan? Get up or else I will kick your áss," maawtoridad na sambit ng binata. Napalunok ng laway si Natasha. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Alanganin siyang ngumiti sabay tayo. Nagtama ang tingin nilang dalawa. Seryoso lamang ang guwapong mukha ng binata. Hindi niya makapa ang emosyon nito pero napakaguwapo nito. Binalot si Natasha ng matinding kaba sa hindi malamang dahilan. Makailang beses siyang lumunok ng kanyang laway. 'Sisigawan niya ba ako? Sasaktan niya ba ako? Huwag naman sana. Pero kung sasaktan man niya ako, gagantihan ko talaga siya. Magsapakan na lang kaming dalawa!' sabi niya sa isipan. "Sorry," tanging nasabi ni Natasha sabay yuko. Nakapamulsa ang binatang nakatingin sa kanya. Hindi pa rin kumakalma ang puso ni Natasha lalo pa't mas lumapit ang binata sa kanya. Siguro isang dangkal na lamang ang pagitan nilang dalawa sa isa't-isa. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga ng binata. "Anong ginagawa mo sa basurahan?" Tumaas ang kilay nito. Napakamot si Natasha sa kanyang ulo. "Natakot kasi ako sa iyo," nakangiwi niyang tugon. Nagtaka naman ang binata. "Natakot? Why? Ano bang akala mo sa akin? At isa pa, bakit ka nandito? Sino ka ba? Sinong nag-imbita sa iyo rito? Do you know that it's my birthday?" sunod-sunod nitong sabi. Nanlaki ang mga mata ni Natasha kasabay ng paglaglag ng kanyang panga sa gulat. 'Ano? Ibig sabihin siya si Ezekiel Ford?! Ang guwapong anak ni Mr. Robert Ford?!' sigaw niya sa isipan. Tumaas ang isang kilay ni Ezekiel habang nakatingin kay Natasha. Tila sinisipat nito ang kanyang itsura. "Parang nakita na kita before. I can't remember where or when, but you look familiar...." Napalunok si Natasha ng laway dahil sa sinabi ni Ezekiel. 'Punyemas! Mukhang maaalala niya pa yata na ako ang nagtitinda ng binili niyang mahahaba at matatabang talong!' sabi niya sa isip. "Saan mo naman ako nakita?" patay-malisya niyang sabi. Humawak si Ezekiel sa kaniyang baba na para bang inaalala niya kung saan ba niya nakita si Natasha. 'Sana hindi na niya maalala dahil hindi naging maganda ang unang pagkikita namin! At iyon ay dahil sa butas kong panty na kulay pink! Pero hindi ko magawang maitapon dahil sayang naman. Mahal rin kasi ang panty kaya hindi ko na binibigyan pa ito ng pansin. Pagkain talaga ang priority ko!' sabi ni Natasha sa isipan. Luminga-linga si Natasha sa paligid. Wala namang tao sa labas. Lahat nasa loob ng malamansyong bahay na iyon at nagpapakasosyal. Bigla siyang nag-angat nang tingin sabay ngisi. "I remember now. Ikaw 'yong babaeng may panty na kulay pink." Nag-init ang mukha ni Natasha. Sinabi naman iyon ni Ezekiel nang hindi ngumingiti o tumatawa. Ngunit kahit na ganoon, hiyang-hiya siya. Kasi naman kung may sobra siyang pera, bibili naman talaga siya ng bagong panty. Ngunit nanghihinayang siya lalo pa't nakatago naman ang kanyang püday palagi. Hindi naman sisilipin ng kahit na sino ang panty niya. Kaya mas inuuna niya ang pagkain. "But anyway, bakit ka nga nandito? Sino ang nag-imbita sa iyo rito? Wala akong matandaang inimbita kita. Maybe it's my dad, but you're not working with us. You're not one of our maids here," dagdag pang sabi ni Ezekiel. Tumikhim si Natasha bago umayos ng pagkakatayo. "Hindi nga ako isa sa mga kasambahay niyo rito pero inimbita kami ni aling Bernadette. Isa siya sa mga kasambahay niyo rito. Sa totoo nga lang, ayoko talagang pumunta dahil nakahihiya pero pinilit niya kasi kami kaya sumama na lang ako," palusot niya sabay nguso. Ngumisi si Ezekiel. "Yes you're right. Talagang nakahihiya. Puro mayayaman ang mga tao rito. You know it right? So what do you expect from my visitors? Of course, they are rich also. So why are you still here? Bakit hindi ka na lang umalis?" mayabang niyang sabi. Napairap na si Natasha sa hangin. Nagulat siyansa sinabi ni Ezekiel. 'Napakayabang! Akala kung sino. Ano naman kung bilyonaryo siya? Pakialam ko sa kaniya? Pare-parehas lang naman kaming tao. Hindi naman niya madadala sa hukay ang pera niya kapag namatay siya. Sarap bigwasan ng lalaking ito!' bulyaw niya sa isip. "Ang yabang mo naman! Wala naman akong pakialam kung mayayaman kayo dito. Nandito lang ako kasi napilit lang ako. At saka pakialam ko ba sa inyo. Makikikain lang naman ako. 'Yon lang. Hindi kami manggugulo. Talagang kakain lang kami kasi once in a lifetime lang ito, papalagpasin ko pa ba?" taas-noong sabi ni Natasha sa binata. Natawang bigla si Ezekiel. Tawang nang-aasar. Lalong nainis si Natasha. Pakiramdam niya, minamaliit talaga siya ng binata. "Anong tinatawa-tawa mo riyan? Minamaliit mo ba ang isang tulad ko? Okay sige ikaw na ang mayaman. Pakialam ko? Yayaman din ako. Soon but never." Inirapan ko siya sabay hawi ng aking buhok. Muli siyang tinawanan ni Ezekiel. Lalong nainis si Natasha. Lalo siyang naiirita sa mapang-asar na tawa ni Ezekiel lalo pa't iniisip niyang minamaliit siya nito ng sobra. 'Anong nangyayari sa kaniya? Nababaliw na ba siya? Hindi ko naman lubos akalain na baliw ang isang guwapong katulad niya. Abnormal pala ang lalaking ito,' pagmamaktol ni Natasha sa isip. "You know what? You're so funny. You make me laugh so hard. I appreciate that. Anyways, baka nagugutom ka na. You can go inside and eat what you want," nakangising saad ni Ezekiel. Napanganga si Natasha. Hindi niya inasahang sasabihin iyon ni Ezekiel. Napalunok siya ng laway. "Oh? Talaga? Tunay ba iyan?" paninigurado niya. "Paano ko makakain ang pagkaing gusto ko kung bawal kaming pumunta sa mga table ng VIP? Doon lang daw kami sa tabi sabi sa akin ni Aling Bernadette," nakangusong sabi ko. "Don't worry, I'm going to tell them na bigyan ka ng foods mula sa VIP table. Go inside now. Papasok na rin ako," seryosong sabi ni Ezekiel. "Wow! Bongga ka sa part na iyan! Mabait ka naman pala kahit ubod ka ng yabang! Salamat! Lalamon na ako!" magiliw niyang sabi bago pumasok sa loobNATASHA Mariing napapikit si Natasha sabay kagat ng kanyang pang-ibabang labi. Parang ayaw niya pang tingnan ang binata. Ayaw niya itong kausapin. 'Kainis naman!' sabi niya sa isipan. . Tumikhim ang binata. Nanatili pa rin si Natasha sa kanyang puwesto at hindi gumagalaw. "Ano? Ganiyan ka na lang diyan? Get up or else I will kick your áss," maawtoridad na sambit ng binata. Napalunok ng laway si Natasha. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Alanganin siyang ngumiti sabay tayo. Nagtama ang tingin nilang dalawa. Seryoso lamang ang guwapong mukha ng binata. Hindi niya makapa ang emosyon nito pero napakaguwapo nito. Binalot si Natasha ng matinding kaba sa hindi malamang dahilan. Makailang beses siyang lumunok ng kanyang laway. 'Sisigawan niya ba ako? Sasaktan niya ba ako? Huwag naman sana. Pero kung sasaktan man niya ako, gagantihan ko talaga siya. Magsapakan na lang kaming dalawa!' sabi niya sa isipan. "Sorry," tanging nasabi ni Natasha sabay yuko. Nakapamulsa
NATASHA Matapos kumain ni Natasha, iniligpit niya ang kanyang pinagkainan at saka naglinis sa kusina bago siya tuluyang pumasok sa kanyang kuwarto. Kinuha niya ang kanyang cellphone para makita kung may message ba si Rhian. Mayroon nga kaya kaagad niya itong binasa. Sinabihan siya nitong bilisan maligo para dumiretso na siya kanila dahil aayusan pa siya nito. Napangiti si Natasha. Magaling kasing magmake-up si Rhian. Talagang kahit na panget ka, mapagaganda ka niya. Hangang-hangga siya sa galing ng kanyang kaibigan. Iyon ang nagiging sideline ni Rhian kapag may mga okasyon. Inaayusan niya ang mga debutante, mga bride at iba pa. Malaki rin ang kinikita niya sa pagme-make-up. "Aalis na muna ako, okay? Kapag nagising si mama at hinanap ako, sabihin mo may pinuntahan lang kaming handaan ni Rhian. Huwag na kayong lalabas ng bahay," sabi niya sa dalawa niyang kapatid. "Okay po, ate," sagot ng bunsong kapatid niyang si Arman. Mabilis lang ang bawat galaw niya. Sinara ko na ang pinto
NATASHA ILANG ARAW PA ANG LUMIPAS, sumunod-sunod ang araw na maraming bumibili sa panindang gulay nina Natasha. Kung kaya naman ganadong-ganado siyang magbenta sa palengke. "Isang kilong talong nga ganda," sabi ng isang babae sabay pili ng paninda niyang talong. Matamis na ngumiti si Natasha sa mamimili. "Sige po, ate pili ka lang ng mga talong ko. Bukod sa mahahaba at malalaki ang mga paninda kong talong, masarap 'yan at masustansya! Siguradong magiging maligaya ang iyong buhay sa talong ko!" sabi niya sabay kuha ng pinakamahaba at matabang talong. Inabot niya ito sa mamimili. Bagong pitas sa bakuran ang talong na iyon. Pinitas niya kaninang umaga lang. Kaya s iguradong manamis-namis iyon kapag naluto. Nang matapos mamili ng babae, inabot na niya ito kay Natasha. "Ayos na ito. Pakilo na lang ako," sabi ng babae. "Lagpas isang kilo, ate. Seventy one po lahat, seventy na lang para sa inyo," magiliw na sambit ni Natasha. Kinuha ni Natasha ang isang daan na bayad ng b
NATASHAInasikaso muna ni Natasha ang kanyang mga kapatid bago tuluyang nagtungo sa palengke. Ganoon naman ang palagi niyang ginagawa. Hindi niya hinahayaang aalis siya ng madumi ang bahay.Kahit na maliit at hindi ganoon kaganda ang kanilang bahay, malinis naman ang loob nito. Kung may pera nga lamang si Natasha, ipinagawa na niya ang kanilang bahay. Iyon ang isa sa pangarap niya. Ang maipagawa ang kanilang bahay. Mabuti na lang talaga bago mawala ang kanyang ama, may naiwang lupa sa kanila. Kapag nagkapera siya, ipagagawa niya ang bahay nila. Pagagandahin niya ito. Bibili siya ng mga gamit. Bibili siya ng bagong kama, upuan, T.V. at kung anu-ano pa.Pagkadating niya sa palengke, inayos na niya ang kanyang paninda."Mga suki! Bili na kayo ng gulay! Pampahaba ng buhay! Kung gusto mong mabuhay ng matagal, kumain ka ng gulay! Bili na kayo!" sigaw niya sa mga taong dumadaan.Habang lumilipas ang oras, nakakabenta naman siya kahit paano. Masaya na siya sa ganoon kaysa naman wala siyang m
NATASHA Maalinsangan ang paligid. Kinuha ni Natasha ang binili niyang isang bottled water at saka uminom. Kanina ay nagye-yelo pa ito ngunit ngayon ay malamig na tubig na lamang ito. Wala ng yelo dahil sa init. Binilisan niya ang pagpaypay sa kanyang sarili lalo pa't napakainit. Umiihip man ang hangin ngunit mainit pa rin. Hindi maiwasang pagpawisan ni Natasha. Kinuha niya ang panyo mula sa kanyang bulsa atsaka pinunasan ang pawis sa kanyang mukha. Matagal nang pangarap ni Natasha na makaahon sa hirap ng buhay. Matagal na siyang nangangarap na maging mayaman at palaging iniisip na nakahiga siya sa kama na maraming pera.Minsan, naiisip niya ring gumawa ng ilegal para yumaman. Ngunit sa tingin niya, hindi kakayanin ng kanyang konsensya. Kaya naman patuloy na lamang siyang nakikipaglaban ng patas sa buhay. "Gulay kayo riyan mga mahal kong suki! Mga magaganda at guwapo, bumili na kayo sa amin ng gulay! Masarap ito at masustansya. Sariwang-sariwa! Mas sariwa pa sa inyo! Gulay pamp