Hindi inasahan ni Natasha na magbabago ang takbo ng kanyang buhay matapos niyang dumalo sa isang okasyon. Sa araw na iyon, ibibigay niya ang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. At matapos ang gabing iyon, nagbubunga ang mainit na sandaling pinagsalita nila dahilan para maging magulo ang payapang buhay ni Natasha. Dahil ang lalaking nakabuntis sa kanya ay si Ezekiel Villar. Ang lalaking ubod ng guwapo ngunit mayroon ugaling hindi kaaya-aya. Makakaya kaya ni Natasha na makasama sa isang bubong ang lalaking unti-unting dudurog ng kanyang puso kapalit ng karangyaan? O mas pipiliin na lang niyang lumayo kapalit ng katahimikan?
もっと見るNATASHA
Maalinsangan ang paligid. Kinuha ni Natasha ang binili niyang isang bottled water at saka uminom. Kanina ay nagye-yelo pa ito ngunit ngayon ay malamig na tubig na lamang ito. Wala ng yelo dahil sa init. Binilisan niya ang pagpaypay sa kanyang sarili lalo pa't napakainit. Umiihip man ang hangin ngunit mainit pa rin. Hindi maiwasang pagpawisan ni Natasha. Kinuha niya ang panyo mula sa kanyang bulsa atsaka pinunasan ang pawis sa kanyang mukha. Matagal nang pangarap ni Natasha na makaahon sa hirap ng buhay. Matagal na siyang nangangarap na maging mayaman at palaging iniisip na nakahiga siya sa kama na maraming pera. Minsan, naiisip niya ring gumawa ng ilegal para yumaman. Ngunit sa tingin niya, hindi kakayanin ng kanyang konsensya. Kaya naman patuloy na lamang siyang nakikipaglaban ng patas sa buhay. "Gulay kayo riyan mga mahal kong suki! Mga magaganda at guwapo, bumili na kayo sa amin ng gulay! Masarap ito at masustansya. Sariwang-sariwa! Mas sariwa pa sa inyo! Gulay pampahaba ng oten! Este buhay!" malakas na sigaw ni Natasha sa bawat taong dumaraan. Matapos ang ilang minutong pagtawag sa mga dumaraang tao, naisipan na niyang maupo sa kanyang puwesto dahil napagod na siya katatayo at napaos na rin siya. Kinuha niya ang karton at saka pinaypayan ang sarili para maibsan ang init na kanyang nararamdaman. "Marami ka na bang naibenta, Natasha? Ang tumal yata ngayon. Sabagay, napakainit pa. Mamaya pang hapon lalabas ang mga tao. Sana makarami tayo ngayon para naman bongga ang ulam natin mamayang gabi." Lumapit sa kanya ang kaibigan niyang si Ryan o Rhian na nagmartsa pa sa kanyang harapan. Binabae si Ryan at palaging naka-make up. "Sakto lang. Mamaya sanang hapon ay makarami ako. Nakaraan, ang daming nasirang gulay na hindi naibenta. Pero pinili naman namin ang iba para kainin. Sayang eh," sagot ni Natasha sa kanyang kaibigan. "Sayang talaga. Pero 'di bale, marami naman kayong tanim na gulay sa bakuran niyo, 'di ba? Mabuti na lang talaga may bakuran kayo. Ang mga tanim niyong gulay, puwede niyong ibenta nang hindi na nag-aangkat pa." Tumango si Natasha. "Siyang tunay. Kaya nga nagsisipag ako sa pagtatanim ng gulay sa bakuran namin. Iyong mangga namin sa susunod, magbubunga na iyon. May maibebenta na naman ako dito." Ngumisi ng mapanloko si Ryan. "Kung ako sa iyo gamitan mo ng iyong alindog! Iyong alindog na hindi mataganggihan ng kalalakihan! Alam mo sa ganitong uri ng pagkakakitaan< kailangan nating umisip ng technique! Bahagya mong ilabas ang iyong dibdib para makapang-akit ka ng mga customer! Siguradong manlalaki ang mga mata diyan ng lalaking dumaraan kapag nakita ang malaki at bilugan mong dibdib. Sana lahat ganiyan. Sa akin kasi patubo pa lang eh!" Natawa ng mahina si Natasha sabay hawak sa kanyang sintido. Natatawa na lang siya sa mga kalokohan ng kanyang kaibigan. At siyang nagiging dahilan para maibsan ang lungkot pati na ang pagkaburyo sa lugar na iyon. Ñasimple ko niyang g sinipa sa binti ang kanyang kaibigan sabay irap. "Tumigil ka nga sa kalandian mo. Mga payo mo talaga.. ikaw lang makakagawa eh." "Aray ko naman! Piste kang bruha ka! Ang sakit mo namang manipa! Dinaig mo pa ang isang kabayo! Huwag mo akong saktan dahil nababawasan ang beauty ko!" pagrereklamo ni Ryan. Hinawi niya ang kaniyang buhok pagkatapos inirapan niya si Natasha. "Ewan ko sa iyo, bakla! . Bunganga mo talaga walang preno kahit kailan. Bastos mo talagang bakla ka! Dapat sa iyo tinatapon sa Mars!" sigaw ni Natasha sa kaibigan. Tinaasan siya ng kilay ni Rhian bago ngumuso. "Huwag ako, Natasha. . Huwag kang pa-virgin diyan dahil hindi ka na virgin. Pinasukan ka na ng espada ex-boyfriend mong manloloko na akala mo guwapo, mukha namang kurimaw. Sa ugali na nga lang babae, hindi pa ginawa! Nakakaloka siya!" "Hoy! Huwag mo ng isali pa ang lalaking iyon sa usapan nating ito. No pets allowed," sambit ni Natasha sabay irap. Galit na galit kasi ang kaibigan niyang si Ryan sa ex-boyfriend niyang manloloko. Hindi kasi magawang ibigay pa ni Natasha ang kanyang sarili sa lalaking iyon kaya nagloko ito. At ang nakatatawa pa roon, wala sa kalingkingan ni Natasha ang pinalit sa kanya. Pangit na, dugyot pa. Dagdag pa doon, may amoy pa. Hindi lubos maisip ni Natasha kung paano natitiis yakapan ng ex niya ang babaeng nakamamatay ang amoy ng kili-kili. Kapag kasi nakaaamoy si Natasha ng putok sa kili-kili, nahihilo talaga siya. "Hay naku! Nanggigigil talaga ako sa lalaking iyon! Ang pangit kasi masyado para lokohin ka! Parang hindi ko talaga matanggap na nagawa niya pang magloko! Bulag talaga ang pag-ibig!" sabi ni Ryan bago kumisay-kisay. Bumuga ng hangin si Natasha. "Hayaan mo na siya. Wala na rin naman akong natitirang pagmamahal sa kaniya. Matagal ko na siyang nilimot. Mabuti sana kung magkakapera ako sa kaniya, baka pagtiyagaan ko pa siya. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Tahimik. Wala akong iniisip na lalaki. Hindi ako stress." Pumalakpak si Ryan. "Siyang tunay! Hindi dapat binibigyang pansin ang katulad niyang kurimaw! Gamitin mo na ang alindog mong taglay at humanap ka ng lalaking mayaman! Gawin mong puhunan ang matambok mong petchay! Iwagayway mo ito!" Sumayaw-sayaw pa sa kanyang harapan ang kaibigan niyang bading. Rhian ang gustong itawag niya sa kaibigan pero kapag gusto niyang asarin ang bading, Ryan ang tawag niya. Nag-twerk pa nga sa kanyang harapan ang kaibigan kaya tawang-tawa siya. Sa isip ni Natasha, laking pasalamat niya na mayroon siyang kaibigan na katulad ni Ryan. Handa siyang pasayahin kapag nalulungkot siya. At siya ang nandiyan noong durog na durog siya. Naging magkaibigan silang dalawa. simula nang lumipat ang pamilya ni Natasha sa Manila. Sariling bahay na nila ang tinitirahan nila ngayon. Bahay na iniwan sa kanya ng yumao niyang ama. Tandang-tanda pa ni Natasha kung paano malagutan ng hininga kanyang ama.. Hawak-hawak nito ang kaniyang kamay ng nga oras na iyon. Nakangiti ang kanyang ama nang mabawian ito ng buhay na para bang sinasabi ng kanyang ama na sa wakas ay makapagpapahinga na siya. Ramdam ni Natasha na pagod ng lumaban ang kanyang ama noon. Nais man niyang ipagamot ang kanyang ama ngunit wala siyangg sapat na halaga para gawin iyon. Isa pa, ayaw na ng kanyang ama na magpagamot dahil hindi na rin kaya ng kaniyang katawan. "Hoy Ryan tumigil ka na sa kagaganiyan mo. Pinagtitinginan ka na ng mga tao!" suway niya sa kaibigan dahil hindi pa rin ito tumitigil kasasayaw. "Wala akong pakialam kung pagtinginan nila ako. Ang sa akin lang ay bakit mo ako tinawag na Ryan! Rhian ang pangalan ko dahil artistahin ang beauty ko! Paepal ka talaga!" bulyaw ni Ryan sa kanya. "Ito naman! Biro lang mahal kong Rhian! Ang diyosa ng palengkeng ito!" Niyakap ni Natasha ng mahigpit ang kanyang kaibigan. ngunit tila nandidiring inalis ni Ryan ang pagkakayakap nito sa kaniya. "Kadiri kang babae talaga! Huwag mo akong yakapin! Sumasanggi pa ang dibdib mo sa akin. Yuck! Masyadong malaman!" Ibinaba ni Ryan ng bahagya ang suot na t-shirt ni Natasha para matakpan ang lumitaw niyang tiyan. "Ayusin mo 'yang t-shirt mo. Kita na ang dibdib mong malaki. Dapat sa lalaking mayaman mo ipakita 'yan! Kahit matanda na, go pa rin. May asim pa naman 'yon, kayang-kaya pa bumayo kaya iyon na lamang ang hanapin at asawahin mo. Kapag namatay 'yon, sa iyo mapupunta ang mga pera nito at ang mga ari-arian nito," saad ni Ryan sabay tawa. Natatawang umiling si Natasha. "Siraulo ka. Para namang lumalabas na mukha akong pera. Syempre mas gusto ko pa rin na mahal ko 'yong lalaki. 'Yong hindi ko pagsisisihan na siya ang pinili kong makasama. Mahirap na kasi 'yong hindi mo talaga mahal ang isang tao, parang awa lang ang nararamdaman mo sa kaniya habang siya ay mahal ka." Tumaas ang kilay ni Ryan at pagkatapos ay pinitik siya nito sa noo. "Bobo ka talaga. Maging praktikal ka Adora! Gamitin mo 'yang isip mo huwag 'yang puso mo. Oo sige, sabihin na nating mas mainam talaga na mahal mo ang isang lalaki pero nasisigurado mo bang mapapakain ka ng pagmamahal nito? Paano kung magkaroon na kayo ng sarili niyong pamilya? Mga anak? Hindi madali 'yon. Kailangan niyong kumayod para mabuhay ang magiging anak niyo. Kung sa mayaman ka, wala ka nang problema pa dahil siya na ang bahalang bumuhay rito gamit ang yaman niya. Isipin mong mabuti. Tama naman ako 'di ba?" Ngumuso si Natasha. May punto nga naman si Rhian, ang kaso lang talaga hindi niya alam kung makakayanan niyang makasama ang lalaking hindi naman niya mahal. Naisip ni Natasha na paano kung magsisiping sila? Hindi siya maliligayahan. Bukod pa roon, hindi siya mag-iinit ng husto. "Bahala na, day. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay. Basta, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para umangat ako sa buhay sa maayos na paraan. Mahirap man at mabagal ang usad, alam kong makararating din ako sa itaas," wika ni Natasha bago ngumiti ng tipid.NATASHA Mariing napapikit si Natasha sabay kagat ng kanyang pang-ibabang labi. Parang ayaw niya pang tingnan ang binata. Ayaw niya itong kausapin. 'Kainis naman!' sabi niya sa isipan. . Tumikhim ang binata. Nanatili pa rin si Natasha sa kanyang puwesto at hindi gumagalaw. "Ano? Ganiyan ka na lang diyan? Get up or else I will kick your áss," maawtoridad na sambit ng binata. Napalunok ng laway si Natasha. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Alanganin siyang ngumiti sabay tayo. Nagtama ang tingin nilang dalawa. Seryoso lamang ang guwapong mukha ng binata. Hindi niya makapa ang emosyon nito pero napakaguwapo nito. Binalot si Natasha ng matinding kaba sa hindi malamang dahilan. Makailang beses siyang lumunok ng kanyang laway. 'Sisigawan niya ba ako? Sasaktan niya ba ako? Huwag naman sana. Pero kung sasaktan man niya ako, gagantihan ko talaga siya. Magsapakan na lang kaming dalawa!' sabi niya sa isipan. "Sorry," tanging nasabi ni Natasha sabay yuko. Nakapamulsa
NATASHA Matapos kumain ni Natasha, iniligpit niya ang kanyang pinagkainan at saka naglinis sa kusina bago siya tuluyang pumasok sa kanyang kuwarto. Kinuha niya ang kanyang cellphone para makita kung may message ba si Rhian. Mayroon nga kaya kaagad niya itong binasa. Sinabihan siya nitong bilisan maligo para dumiretso na siya kanila dahil aayusan pa siya nito. Napangiti si Natasha. Magaling kasing magmake-up si Rhian. Talagang kahit na panget ka, mapagaganda ka niya. Hangang-hangga siya sa galing ng kanyang kaibigan. Iyon ang nagiging sideline ni Rhian kapag may mga okasyon. Inaayusan niya ang mga debutante, mga bride at iba pa. Malaki rin ang kinikita niya sa pagme-make-up. "Aalis na muna ako, okay? Kapag nagising si mama at hinanap ako, sabihin mo may pinuntahan lang kaming handaan ni Rhian. Huwag na kayong lalabas ng bahay," sabi niya sa dalawa niyang kapatid. "Okay po, ate," sagot ng bunsong kapatid niyang si Arman. Mabilis lang ang bawat galaw niya. Sinara ko na ang pinto
NATASHA ILANG ARAW PA ANG LUMIPAS, sumunod-sunod ang araw na maraming bumibili sa panindang gulay nina Natasha. Kung kaya naman ganadong-ganado siyang magbenta sa palengke. "Isang kilong talong nga ganda," sabi ng isang babae sabay pili ng paninda niyang talong. Matamis na ngumiti si Natasha sa mamimili. "Sige po, ate pili ka lang ng mga talong ko. Bukod sa mahahaba at malalaki ang mga paninda kong talong, masarap 'yan at masustansya! Siguradong magiging maligaya ang iyong buhay sa talong ko!" sabi niya sabay kuha ng pinakamahaba at matabang talong. Inabot niya ito sa mamimili. Bagong pitas sa bakuran ang talong na iyon. Pinitas niya kaninang umaga lang. Kaya s iguradong manamis-namis iyon kapag naluto. Nang matapos mamili ng babae, inabot na niya ito kay Natasha. "Ayos na ito. Pakilo na lang ako," sabi ng babae. "Lagpas isang kilo, ate. Seventy one po lahat, seventy na lang para sa inyo," magiliw na sambit ni Natasha. Kinuha ni Natasha ang isang daan na bayad ng b
NATASHAInasikaso muna ni Natasha ang kanyang mga kapatid bago tuluyang nagtungo sa palengke. Ganoon naman ang palagi niyang ginagawa. Hindi niya hinahayaang aalis siya ng madumi ang bahay.Kahit na maliit at hindi ganoon kaganda ang kanilang bahay, malinis naman ang loob nito. Kung may pera nga lamang si Natasha, ipinagawa na niya ang kanilang bahay. Iyon ang isa sa pangarap niya. Ang maipagawa ang kanilang bahay. Mabuti na lang talaga bago mawala ang kanyang ama, may naiwang lupa sa kanila. Kapag nagkapera siya, ipagagawa niya ang bahay nila. Pagagandahin niya ito. Bibili siya ng mga gamit. Bibili siya ng bagong kama, upuan, T.V. at kung anu-ano pa.Pagkadating niya sa palengke, inayos na niya ang kanyang paninda."Mga suki! Bili na kayo ng gulay! Pampahaba ng buhay! Kung gusto mong mabuhay ng matagal, kumain ka ng gulay! Bili na kayo!" sigaw niya sa mga taong dumadaan.Habang lumilipas ang oras, nakakabenta naman siya kahit paano. Masaya na siya sa ganoon kaysa naman wala siyang m
NATASHA Maalinsangan ang paligid. Kinuha ni Natasha ang binili niyang isang bottled water at saka uminom. Kanina ay nagye-yelo pa ito ngunit ngayon ay malamig na tubig na lamang ito. Wala ng yelo dahil sa init. Binilisan niya ang pagpaypay sa kanyang sarili lalo pa't napakainit. Umiihip man ang hangin ngunit mainit pa rin. Hindi maiwasang pagpawisan ni Natasha. Kinuha niya ang panyo mula sa kanyang bulsa atsaka pinunasan ang pawis sa kanyang mukha. Matagal nang pangarap ni Natasha na makaahon sa hirap ng buhay. Matagal na siyang nangangarap na maging mayaman at palaging iniisip na nakahiga siya sa kama na maraming pera.Minsan, naiisip niya ring gumawa ng ilegal para yumaman. Ngunit sa tingin niya, hindi kakayanin ng kanyang konsensya. Kaya naman patuloy na lamang siyang nakikipaglaban ng patas sa buhay. "Gulay kayo riyan mga mahal kong suki! Mga magaganda at guwapo, bumili na kayo sa amin ng gulay! Masarap ito at masustansya. Sariwang-sariwa! Mas sariwa pa sa inyo! Gulay pamp
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
コメント