Share

Kabanata 4

AGAD NA nilapag ni Hasumi ang kaniyang bag nang makapasok siya sa kanilang secret place. Umupo siya sa isang kulay itim na sofa. Inikot-ikot niya ang upuan habang naka-de quattro siya sa ibabaw nito.

"Oyasuminasai!" bati niya sa kaniyang mga kaharap.

Nakatitig lang sa kaniya ang dalawa. Alam niya na natatawa ang mga ito. Malamang narinig nila kanina paano siya binugbog ni Sathania. May device na naka-tago sa kanilang mga bra para marinig nila ang isa't isa.

"Kochira koso, konbanwa!" halos sabay na bati ng dalawa sa kaniya.

"Ano ba ang nakatatawa? Kanina pa kayo natatawa ha!" angal niya.

Lumapit sa kaniya ang isang babae na kasingtangkad niya. Maiksi ang buhok nito subalit bagay ito sa kaniyang perpektong mukha. She's Hakura Minotakuro. Miyembro ng Lady Serpents na pinamumunuan ni Hasumi.

"Wala! Gusto ko lang tumawa. Akala kasi namin ending mo na kanina! Ni hindi mo man lang naalalang hugutin ang kyoketsu-shoge na nakatago sa likod mo!" wika ni Hakura at humagalpak nang malakas na pagtawa. Malamang ay hindi na nito napigilan ang sarili.

Kumunot ang noo niya habang nakahalukipkip siyang nakatitig sa kaibigan niyang tawa nang tawa.

"Ano ba kasi ang nangyari kanina, Black Venom?" anang isa pa niyang kamiyembro at kaibigan rin.

Tumitig siya sa babaeng nagsalita. Abala ang babae sa paglagay ng pulang tinta sa kaniyang mga labi.

Sa kanilang tatlo, si Hanare Yakoraza ang mahilig magkolorete sa mukha.  Gamay niya ang pag-aayos. Madalas na siya ang nag-aayos at naghahanda ng mga kagamitan nila kapag kailangan nilang magpaganda sa gitna ng misyon nila.

"Wala na akong magawa! Na-corner na nila ako e! Fuck them all! Fuck that Sathania! Kapag muli niya akong babanggain ay sinisiguro ko talaga na makatitikim siya sa akin!"

"Sino ba kasi siya? Parang nadiin sa u***g mo ang speaker ng device kaya hindi namin narinig ang buong detalye ng ingkuwentro niyo ng Sathania," usisa ni Hakura.

"Ex-girlfriend ni Brael Montegarde!" inis niyang sabat.

"Really!? Baka naman kasi nagseselos sa iyo?" anang Hanare at agad nitong pinasok ang mga pampagandang ginamit sa kaniyang bag.

Umirap si Hasumi dahil sa sinabi ng kaibigan niya.

"Wala akong pakialam sa rason niya! Masyado siyang feeling entitled!" anas niya.

Sa bilis ng mga daliri ni Hakura ay hindi niya namalayan na agad na pala nitong hinanap sa UI o Underground Information ang detalye ng pagkatao ni Sathania.

Parang kidlat na tumabi sa kaniya ang mga kaibigan niya. Nakaharap sila ngayon sa litrato ni Sathania sa monitor ng laptop ni Hakura.

"She's pretty!" anang Hanare. "Ang sarap niyang make-upan!" dagdag pa niya.

"Make-upan mo nang pangpatay! Para matuwa ako sa iyo," iritang suhestiyon niya.

"Sathania Tsu is one of the best assassin and underground worker in the Philippines!" nanlalaking mga mata na anang Hakura.

"Really!?" sarkastika niyang tanong sa kaibigan.

"Huwag ka ngang bitter diyan, Black Venom!" Binatukan pa siya ni Hanare.

Sinamaan niya ng titig ang kaniyang kaibigan. Napalakas kasi ang pagbatok ni Hanare sa kaniya.

"Isa pang pambabatok, Peach Poison, at makikita mo kung paano ko tatadtarin ang mga pampaganda mo!" naiirata niyang babala.

"Harsh mo!" Tinuon ni Hanare ang kaniyang titig sa monitor. "Gosh! She is the number two in female rank! Her goal is to kill the ranked one female assasin all over the world!" gulat na anang Hanare.

"Mabuti na lang at nasa third rank lang si Black Venom. Nakikitaan ko kasi siya ng karuwagan pagdating sa second rank e! Baka kung siya ang nasa first ay agad siyang mapapaslang ni second rank," mapang-inis na sabi nitong si Hakura.

"Ikaw kaya paslangin ko riyan!? Para matapos na ang iyong role, Blue Killer?" iritang suhestiyon niya.

"Alam niyo,  girls, ilang years ng consistent ang first rank. Teenager pa lang tayo noon ay siya na ang nangunguna. Sino kaya itong si White Slayer?"

"Isang tanong mo pa, Hanare, isusubsob na kita sa monitor!"

"Enough wasting time for that Sathania. Ang dapat nating gawin ngayon ay pag-usapan ang pinagawa mo sa amin," anang Hakura sabay sleep ng monitor ng kaniyang laptop.

Tumikhin si Hasumi. Naalala niya na may pinatrack pala siyang tao sa dalawa.

"Kumusta na iyon?" tanong ni Hasumi.

"Well, as expected, nakuha ko ang routine ng life niya. After work, madalas silang gumagala sa isang sikat na club kung saan halos mayayaman lang ang nandoon. Mahilig din siyang tumable ng magagandang dancer sa club. Malamang winawarak niya bago iniiwan," anang Hakura.

Naipon na naman ang dugo ni Hasumi sa kaniyang mukha. Naiinis siya kapag may involved na babae sa pangalang Brael Montegarde. Hindi niya mawari kung bakit siya nakararamdam ng ganito sa tuwing pinag-uusapan ang lalaki.

"Papatayin ba natin si Montegarde?"

"No! H-Hindi siya papatayin! Hindi porque at pinata-track ko sa inyo ay papatayin niyo na agad! Mga putang anghel kayo!" halos pasigaw niyang sabi sa dalawa.

Sa halip na matakot ay tumawa ang dalawa at sabay na mapanuksong tinitigan si Hasumi. Doon lang napansin ni Hasumi na masyado siyang nadala sa winika ni Hanare.

"Kalma! Okay!? Huminga ka muna, Hasumi! Libre lang huminga!" anang Hakura na halatang pinagti-tripan si Hasumi.

"Nagtatanong lang naman ako nang maayos. Bakit ba hindi natin siya papatayin? Akala ko naiinis ka sa kaniya?" tanong ni Hanare.

"Minsan, Hanare, naiisip ko na ganda lang at pagpatay ang ambag mo sa underground world! Wala ka ba talagang katiting na talino?" aniya na tinawanan ni Haruka. "Tauhan siya ni Papa! At may gusto akong malaman tungkol sa kaniya!"

Mabuti na lang at sanay na sila sa isa't isa. Hindi na sila nasasaktan sa mga masasakit na birong binabato nila sa isa't isa. Kaya nga napag-isipan nilang tatlo na huwag na magrecruit ng ibang miyembro at kaibigan. Ayaw kasi nilang mag-adjust. Mabuti na itong kahit tatlo lang sila pero nagkaiintindihan sila sa halos lahat ng aspeto.

"Hindi niya ipapapatay si Montegarde kasi dakila raw ang junior nito!"

"Ay! Shutangina itong kaibigan natin, Hakura! May size discrimination palang nalalaman?" suporta pa ni Hanare sa pang-aasar ni Hakura sa kaniya. "So kapag juts, diretso shoot to kill?"

"Alam niyo ba na ang liliit na ng size niyo sa paningin ko? Mga putang anghel kayo!" anas ni Hasumi sa mga kaibigan niya.

Siya ang leader ng Lady Serpents pero siya itong madalas na pinagti-tripan ng dalawa. Hindi niya na nga makita ang taas ng tingin nila sa kaniya marahil puro na lang pambabanas at panunukso ang kanilang alay sa kaniya.

"Hanare, naiimahe mo ba na nakabukaka si Hasumi habang si Montegarde ay nakasisid sa ilalim niya't nilalaro ang perlas ng kaibigan natin?" Humarap si Hakura kay Hanare at hindi na pinansin si Hasumi na namumula dahil sa pang-aasar nila.

"How about, Hasumi kneeling down and waiting for Montegarde's healthy milk?" natatawang wika ni Hanare. "Tapos hahawakan niya pa sa base ang junior ni Montegarde at sasabihin niyang ‘diligan mo ang natutuyo kong lalamunan, dzadeh!’" Kunwari pa'y may sinasalsal na junior si Hanare habang nakanganga siya.

Biglang naligaw ang isip ni Hasumi sa mga eksenang sinasabi ng mga kaibigan niya. Napaisip tuloy siya kung ano ang pakiramdam na sinisisid ng isang Montegarde ang perlas niya. Uminit bigla ang kaniyang pakiramdam. Bigla na lang din nakiliti ang kaniyang kepyas dahil sa mga scenariong naiisip niya.

"Hoy!"

"Putang anghel naman kayo!" Napahawak na lang siya sa kaniyang dibdib dahil sa gulat. "Papatayin niyo ba ako!?"

"Hindi! Ginigising ka lang namin mula sa imahinasyon mo!" anang Hanare.

"Baka mamaya ay lumalapot na ang panty mo," natatawang sabi ni Hakura.

Umirap siya at napapunas na lamang siya sa kaniyang pawisang noo. Lihim lang ang pagpunas niya. Baka kasi'y makita ito ng dalawa at mas tutuksuhin pa siya.

"Panty check!" anang Hanare at agad na piniga na parang pigsa ang kepyas ni Hasumi.

"Putang anghel ka, Hanare! Ang sakit!" reklamo niya. "Leche ka talaga!" anas pa niya.

Tawang-tawa ang dalawa dahil sa reaksiyon niya. Halos maiyak siya sa masakit na pagpiga ni Hanare sa kaniyang kepyas.

"Hinahanda ka lang namin, Black Venom. Kung marahas at masakit ang pakikipaglaban ay mas masakit rin ang mapasukan! Pero kalaunan ay tamis na walang hangganan na lang ang iyong mararamdaman!" anang Hakura.

"Mapapasigaw ka na lang ng ‘ugh! Ugh! D-D'ont stop, dzadeh!’" nauulol na anang Hanare.

"Tumahimik na nga kayo!" sigaw niya sa dalawa.

Halos limang minuto na ang lumipas pero wala pa ring nagsasalita sa kanila. Halos magsampukan ang mga kilay ni Hasumi.

"Bakit ang tahimik niyo?" tanong niya sa dalawa.

"Sabi mo tahimik! Edi tahimik!" Sabay siyang inirapan ng dalawa.

"Saan ba ang night club na sinasabi niyo?" bigla niyang tanong.

Tumayo ang dalawa at sinukbit ang kanilang mga bag sa mga balikat nila.

"Let's go! Dadalhin ka namin sa tambayan ni Dzadeh Brael mo!" anang Hanare at hinila si Hasumi.

"Wait—!" Aangal sana siya subalit wala na siyang nagawa.

"Daan muna tayo sa bahay at maliligo tayo! Maghilod tayo baka himurin nila mga singit natin. Nakahihiya kapag maraming dumi," anang Hakura.

Nagtawanan sila dahil sa sinabi ni Hakura.

Huminga ng malalim si Hasumi. Hindi niya alam bakit nasa loob siya ng kotse ni Hakura ngayon at bumibiyahe sila papunta sa bahay ng kaibigan niyang ito.

Ang alam niya lang ay bigla na lang siyang nasabik na makita si Brael. Hindi lang iyon. Gusto niya makita kung sino ang tinitable ni Brael nang sa ganoon ay masindak niya ito at hindi na gagambalain ng babae si Brael Montegarde.

Bigla na lang hininto ni Hakura ang kaniyang sasakyan sa tapat ng bakery.

"Bumili ka ng pulutan natin," utos ni Hakura kay Hanare.

"Sure kayo? Puwede kaya magdala ng pulutan sa club na iyon?" tanong niya sa dalawa.

"Malamang!" anang Hanare at lumabas na nang nabuksan ang pintuan ng sasakyan.

Ilang saglit lang ay bumalik ang kaibigan nila at kumatok siya sa bintana. Binuksan ni Hasumi ang bintana ng kotse at tinaasan niya ng kilay ang kaibigan.

"Anong pulutan ang gusto niyo?" tanong ni Hanare.

"Star bread ang sa akin! Huwag kang tanga ha! Piliin mo iyong makapal ang asukal sa tuktok ng star bread," anang Hakura.

Biglang natawa si Hasumi sa sagot ni Hakura. "For real? Magpupulutan kayo ng tinapay?" hindi-makapaniwala niyang tanong sa dalawa. Ngayon lang kasi siya nakarinig ng ganoon.

"Oo! Huwag kang KJ, Hasumi! O ano ang saiyo? Star bread din?" tanong ni Hanare sa kaniya.

"Yuck! No!" Ginalaw niya ang kaniyang katawan na para bang diring-diri siya sa sinabi ni Hanare.

"Ano ang gusto mo? Bilisan mo na at maliligo pa tayo!" pagmamadaling sabi ni Hakura.

Huminga siya ng malalim. Dahil sa kulit at pagmamadali ng dalawa ay naisip niyang sabihin ang narinig niyang pangalan ng tinapay na binili ng isang bata sa kalye noong nagdaang araw.

"E-Ensaymada! Oo! Ensaymada ang gusto kong pulutan," aniya kahit hindi niya alam kung ano'ng uri ng tinapay ito.

"Okay! Star bread at saka Ensaymada ang sa inyo! Sige... Ang sa akin naman ay half-moon!"

Agad na kumaripas ng takbo si Hanare papunta sa bakery.

Nang makabalik siya ay agad siyang pumasok sa sasakyan at nagpatuloy na ang kanilang biyahe papunta sa bahay ni Hakura.

INIISIP NI Hasumi ang nangyari. Mabuti na lang at madaling bumuti ang pakiramdam niya dahil sa binigay na gamot ni Brael kanina.

Matapos silang dumaan sa bahay ni Hakura ay dumiretso na sila sa club na sinabing tinatambayan ni Brael... Ang Fantasia Night Club.

Entrada pa lang ng club ay alam mo na hindi lang kasiyahan ang nasa loob. Kaduda-duda ang club na ito. Nasa underground kasi ang club.

"Ano ba itong mga suot natin? Para tayong mag-a-audition bilang dancers!" reklamo niya.

"Tama na nga iyang reklamo mo! Halika na!" Hinila siya ni Hakura papunta sa kinatatayuan ng guwardiya. Ngumiti si Hakura sa guwardiya. "Hi, papsi!" bati niya at kinindatan niya ang guard.

"Pa-open po ng bag niyo," anang guard.

Umirap si Harane. Mabuti pa si Hakura dahil pinapasok agad. Hindi naman umuna ang kaibigan nila. Hinintay nito ang dalawa na nasa labas pa.

"Ma'am, ano po ito?" usisa ng guwardiya nang makita ang paper pag sa loob ng tote bag ni Harane.

"Shabu-! Aaay!" sigaw ni Harane nang bigla siyang tinutukan ng baril. "Shutangina ka, Manong Guard! Biro lang iyon!"

"Sorry po!" anang guard at binalik sa kaniyang baiwang ang baril. "Ano po pala iyan, ma'am?" usisa ng guwardiya.

Binuksan ni Hasumi ang bukana ng malaking paper bag at binunyag niya ang laman nito. "Iyan po, manong!" Umirap siya.

"Ma'am, pasensiya na po pero hindi po puwedeng lumako sa club na ito. Bawal po talaga ang pagtitinda ng kahit na ano po," anang guwardiya.

"Wow! Sa ganda kong ito? Manong, naman! Hindi ko ititinda iyan! Pulutan namin iyan!"

Napangiwi ang lalaki sa sinabi ni Harane. "Bawal po talaga, ma'am—!"

Nanlaki ang mga mata ni Hasumi sa ginawa ng kaibigan niya. Kinuha nito ang kamay ng guwardiya at bigla niyang pinasok sa kaniyang itim na tube.

"What the—!"

"M-Ma'am," nauutal na sambit ng guard.

"Lamasin mo na kasi! Pakipot ka pa, Manong Guard, ha! Pero hanggang 10 counts lang!" anang Hanare. "10, 9, 8, 7, 6," panimula niyang pagbilang.

Todo lamas naman ang guwardiya. Pawisan na rin ang noo nito at nangangatog ang kaniyang mga tuhod.

"5, 4, 3, 2, 1!" anang Hanare. Pinalo nito ang kamay ng guwardiya kaya natawa si Hasumi. "Hoy, Manong Guard, ha! Iyang kamay mo'y masyadong bad! Sumobra ng isa sa paglamas ng s**o ko!" wika pa niya at inirapan ang guard.

Matapos chineck ng guard ang kaniyang bag ay dumiretso na siya papasok.

"Alam mo, Hanare, para kang gaga! Pinalamas mo sa makalyong kamay ang s**o mo?" aniya sa kaibigan.

Hinarap siya ni Hanare. "Masarap din naman lumamas ang guard e. Nakita mo iyong umbok niya kanina? Ang daks kaya!"

Napabuntung-hininga na lang siya.

"Hayaan mo na nga si Hanare, Hasumi! Ayaw mo noon? Naipasok niya ang pulutan natin!" anang Hakura.

"Bahala na nga kayo! Tara na at humanap tayo ng puwesto!" pasigaw na sabi niya sa dalawa.

Natigilan siya sa paglalakad nang makita niya si Brael na nakasuot ng itim na pantaas at kayumangging pantalon. Napalunok na lang siya sa kaguwapuhan ng lalaki.

Nakita niya na may bakanteng upuan na malapit kina Brael kaya hinila niya ang dalawa papunta roon.

Kinubli nila ang kanilang mga sarili. Buti na lang ay hindi nahalata ni Brael ang pagdaan nila.

"Shutangina! Ang daks ni Dzadeh Brael!" anang Hanare.

"Tumahimik ka nga! Hindi lang tayo nandito para lumandi ha! Pinatutulong ko kayo para aralin ang pagkatao niya," aniya.

"Sus oy! Umupo na tayo!" anang Hakura.

Uupo na sana sila pero bigla na lang may nauna sa kanila.

"Miss, kami iyong nauna!" anas ni Hanare.

Tumayo ang babae na may kahil na tinta sa labi. "Bakit palag ka? Kami ang naunang umupo kaya humanap na lang kayo ng ibang puwesto!" satsat nito

Nilapitan ito ni Harane. Tinulak ni Harane ang babae kaya'y napaupo ang babae sa sofa. "Oo! Palag ako! Bakit?"

Tatayo na sana ang mga kasama ng babae pero pumagitna si Hakura.

"Hindi niyo kami kilala kaya—!"

"Hindi ka namin kilala kaya wala kaming pakialam!" anas ng babaeng kulot.

Huminga ng malalim si Hasumi. Inabot niya ang vase sa ibabaw ng table at bigla niya itong pinalo sa ulo ng kulot. Walang ilang segundo ay natagpuan na lang nila ang kulot na nakahandusay sa sahig.

"Iligpit niyo iyang basura na iyan baka isunod ko kayo!" utos niya sa dalawang naiwan.

"O-Opo!" naruruwag na sambit ng dalawa.

Nagtinginan ang tatlo nang nawala na ang mga atribidang-pabida na wala namang palag.

Buti na lang at walang pakialamanan kapag nasa loob ka na ng club.

"Napalakas yata ang paghampas mo," anang pamilyar na boses mula sa kanilang likuran.

Napangiti si Hasumi. She took that as a compliment. Hinarap niya ang lalaki. Biglang ngumiti ang lalaki kaya naman ay bigla na namang naatras ang dila ni Hasumi. Naamoy niya pa ang pabango ng lalaki na nakatatakam. Pati ang hininga ng lalaki na para bang hininga ng sanggol ay tiyak ring nakauulol.

Bigla na lamang siyang naririnig ng mga paputok na tiyak siyang siya lang ang nakarinig. Naulol na talaga siya kay Brael Montegarde.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fizz Jhyane
up mr.A ud muna iba pang chap agad ... namis ko to..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status