Share

Kabanata 3

GUMAAN ANG pakiramdam ni Hasumi matapos siyang lagyan ng kung anu-ano ng nurse na pinadala mula sa head office nila. Nakaiinis kasi si Sathania. Napakagat-labi lang siya habang inalala ang ginawa ng babaeng iyon sa kaniya. Sinisiguro ni Hasumi na hindi na siya magpapa-apak sa bruhang iyon.

Lumapit sa kaniya si Brael. "Supposedly, nagtatrabaho na tayo ngayon," ani'to.

Bumagting ang pandinig ni Hasumi dahil sa sinabi ni Brael. Kumunot ang kaniyang noo at sinamaan niya ng tingin ang lalaki.

"Sinisisi mo ba ako sa nangyari, Montegarde? Alam mo na tama ka! Supposedly, we are working right now! Ininis mo kasi ako kaya lumabas ako. Hinarang pa ako ng punyemas mong ex-girlfriend na feeling superior!" iritang sabi niya. "Putang anghel iyong ex-girlfriend mo! Leche siya na gaga pa!" mura niya.

"Ikaw naman daw ang nauna. Inirapan mo raw siya," wika ng lalaki.

Uminit ang mukha ni Hasumi. Pakiramdam niya'y naipon ang lahat ng dugo niya sa kaniyang mukha. Pakiramdam niya ay siya pa ang sinisisi ng lalaki.

"Punyemas ka rin! Pareho kayo noong punyemas mong ex-girlfriend!" Halos maluha siya dahil sa hindi maipaliwanag na inis na naramdaman niya.

Lumapit pa sa kaniya ang lalaki. Gusto niyang lumayo sa lalaki pero nangingilo pa ang kaniyang katawan dahil sa ginawa noong si Sathania sa kaniya.

"Tama na nga iyang kasupladahan mo. Kaya ka madalas na nagkaroroon ng ka-ingkuwentro ay dahil diyan sa ugali mo. Kahit na titig mo pa lang ay naka-iintimidate na!"

"Pasensiya ka na ha, pinanganak lang kasi ako sa mundo ng mafias at assassins! Nakakahiya naman kasi sa angkan ko kung puro sila maangas habang ako ay parang basang sisiw lang," aniya sabay irap.

Halos natigil siya sa kaniyang paghinga noong nilahad ni Brael ang kaniyang palad. Nakita niya ang isang gamot sa gitna ng palad ng lalaki.

"Take this! Kailangan mo maging okay agad para makasimula na tayo sa trabaho," ani'to. "Ano? Tititigan mo lang ba ang gamot?" tanong ng lalaki sa kaniya.

"Baka mamaya ay lasunin mo ako. Ayaw mo pa naman sa akin," aniya.

Nakita niya paano umiling ang lalaki. Ngumiti si Brael patingin sa kaniya kaya naman ay nakita niya kung gaano kaguwapo ang lalaki kung ngumiti ito. Napailing na lang siya't agad na kinuha ang gamot na inalay ng lalaki.

Inangat niya ang kaniyang mga kilay.

"Sorry," anang lalaki nang makuha ang ibig niyang sabihin.

Sinunod lamang ng kaniyang titig ang lalaki hanggang sa makabalik ito sa kaniyang tabi na may dala ng tubig.

"Thank you!" aniya at nginitian na niya ang lalaki.

Gusto niya pakitaan ng kasungitan ang lalaki. Pero sa pagkakataong ito ay hindi niya 'yon magawa.

"Iyan! Ganiyan nga, Hasumi! Ngumiti ka lang. Kasi mas maganda ka kapag nakangiti," ani ng lalaki sabay kindat.

Bigla na lang tumigil ang mundo ni Hasumi noong makita niya paano siya kindatan ni Brael. Pakiramdam niya na may mga paru-parong nagsipagsiliparan sa kaniyang sikmura.

"Iinumin mo ba ang gamot mo o tititig ka na lang sa akin?" tanong ng lalaki.

Patay-mali siyang umiling-iling nang natauhan siya. Nakabubuwesit itong si Brael. Ang dami niyang redflag pero hindi niya ito magawang kainisan ng pangmatagalan.

MATAPOS SIYANG uminom ng gamot ay nagsimula na sila sa trabaho. Mag-kaharap silang tatlo at parehong nakatuon ang pansin sa kani-kanilang mga laptop.

Natuwa si Hasumi sa dalawang lalaki. Unti-unti niyang nakikita ang mga sinasabi ng ama Papa niya tungkol kay Brael. Brael was seriously looking for something on the monitor of his laptop.

"Ito ang unang hakbang na gagawin natin," panimula ng lalaki.

Puwersa siyang tumitig sa monitor ng kaniyang laptop noong tumingin ang lalaki sa kaniyang gawi. Hindi niya kasi maiwasan na hindi titigan ang lalaki habang nagsasalita ito. The more she stared at him, the more she felt the butterflies' flock their wings inside her belly.

"Continue," sabat ni Joro.

Tumikhim ang lalaki. "Ang dapat nating gawin ay hanapin kung nasaan si Rafael Brocio. Kapag nakita na natin siya ay 'boom' patayin agad. Barilin kaagad sa ulo para tapos ang problema. Makukuha natin ang droga na sinasabi ng Papa mo," ani'to na nakatitig kay Hasumi.

"According to my research, hindi madaling hanapin si Brocio. Mayor nga siya ng Consuelo pero hindi siya madalas namamalagi roon. Kaya sinasabi ni Papa na patayin agad dahil mailap sa mga lugar kung saan nakipagnenegosasyon ang lalaki. He is a smart ass! Baka kapag nalaman niya ang plano ay tayo pa ang maunang matitigok," aniya.

Tumigil ang lalaki sa ginagawa nito. "Parang sinasabi mo na hindi tama ang plano ko," ani'to.

Tumikhim si Hasumi at agad niyang tinitigan sa mga mata ang lalaki. "I am not saying that you are wrong. Darating rin naman tayo sa pagkitil sa buhay ni Brocio. Pero siguraduhin muna natin na sa tiyak na lugar tayo. Tulad ng sinabi ko, mautak siya. Hindi nga natin alam na baka sa mga puntong ito ay may mga tauhan na siyang nakamanman sa atin. All we need to do is to find him and act as friends to him," suhestiyon niya.

Nakita niyang kumunot ang noo ni Brael. Baka hindi nagugustuhan ng lalaki ang sinasabi niya.

"So, you are trying to say that we will go near him and earn his trust? That is impossible. Bakit pa natin patatagalin kung puwede naman natin siyang patayin agad para tapos ang problema!? Isipin mo na baka mabenta niya ang droga kapag hindi pa natin iyon mabawi sa mga kamay niya," tutol ni Brael.

Umiling siya. "Mahal ang bili niya ng drugs kay Papa. Alam ko na hindi iyon idi-deal ni Brocio sa mababang presyo lang. Kung mukhang pera ang Papa ko ay mas mukhang pera ang Rafael Brocio na iyon," aniya. "And yes, we have to earn his trust!" diin niya pa.

"But it is very impossible to earn the trust of an enemy," anas ng lalaki.

Sumakit ang ulo ni Hasumi dahil sa tigas ng bungo ni Brael. Iba talaga ang mga lalaki kung ikumpara sa mga babae. Gusto ng mga lalaki na patayan agad kapag may misyon. Habang ang mga babae ay mas inuuna ang kaligtasan bago gawin ang misyon.

Kung gaano siya ka-bilib sa pagiging seryuso ng lalaki sa trabaho nito ay ganoon naman siya ka-bahala dahil sa madaliang pamamaraan ng lalaki.

"That's why we have to pretend as his friends. Simple lang ang gagawin natin, we will going to find his number and call him. We will be asking him to negotiate with us. Kapag pumayag siya ay makipagkikita tayo sa kaniya. We have to live as different person and in different identities. As simple as that. Masama iyong labis na pagmamadali, Montegarde. Lahat ng padalos-dalos ay napapalya," aniya. "I never failed a mission. Alam ko na pati rin kayo. Kaya sana galingan natin at huwag tayong magpadala sa emosyon at gigil natin na matapos ang misyon sa agarang paraan," paalala niya sa mga kasama niya.

Tumahimik si Brael pero bakas sa mukha nito na hindi siya natutuwa sa plano na inoffer niya.

"I agree with Hasumi, p're," anang Joro.

Tumitig si Hasumi sa gawi ng katrabaho.

"Alam ko na matalino si Brocio. Ilang beses ko na rin nababalitaan na halos lahat ng ka-negosasyon niya ay namamatay matapos ang ilang buwan. Masyadong inaalagaan ni Rafael Brocio ang kaniyang imahe sa Consuelo! He is a mayor! Kaya nga nahirapan tayo na ma-track siya. Hindi ba? Wala siya sa Consuelo as of now. Marahil, pinalalamig niya pa ang mainit na negosasyon nila ni Mister Yakuma. Tulad ng sinabi ni Hasumi, kailangan natin magnilay-nilay. Hindi pa naman niya tayo nakikilala. Kaya may posibilidad na magw-work ang suhestiyon ni Hasumi," patuloy ng katrabaho.

Napatango na lamang si Hasumi dahil sa husay ng mga analysis ni Joro. Akala niya'y hanggang biro at kalokohan lang ang katrabaho. May maganda pala itong kakayahang intelektuwal.

BUMUNTONG-HININGA SIYA habang nakahalukipkip na nakikinig sa mga kasamahan niya. Iniisip niya na mahihirapan sila sa plano ni Hasumi. Kahit na epektibo ito ay may katagalan naman ang proseso.

"Malaki ang sakop ni Rafael Brocio. Kung magalamay si Papa ay ganoon din siya. I'm pretty sure that he's not just sitting right now and enjoying the thought of having a high possible total gross of the drugs he has on his hands," anang Hasumi.

"Totoo! Iyan din ang iniisip ko. Nakakatakot kapag ang galamay ni Brocio ang makababangga natin. Hindi rin natin alam na baka pati rito sa Daemon Est Porta ay may mga alagad rin siya," anang Joro.

Naiinis siya sa nararamdaman niya ngayon. Palagi kasi siyang nasusunod. Kabago-bago pa lang ni Hasumi ay parang gusto na siyang palitan nito. Naiinis siya dahil sa husay at talino ng babae.

"Majority wins! Kailangan ko nang umalis dahil may iba akong aasikasuhin!" saad ng babae at agad siyang tumayo. Sinabit niya ang kaniyang bag sa kaniyang balikat na parang wala itong naramdamng sakit. "By the way, salamat sa gamot mo. Epektibo. Ang bilis nawala ng sakit sa katawan ko!" Kumindat ang babae at agad itong umalis.

Kalabog na lamang ng pagsarado ng pinto ang kanilang narinig.

Umiling siya at masamang tumitig kay Joro.

"Hoy! Montegarde, umayos ka sa mga titig mo sa akin ha! Parang gusto mo akong patayin," anang kaibigan niya.

"Ang sarap mong barilin kanina! Agree ka nang agree sa kaniya! Sino ba leader mo!?" inis niyang tanong sa kaibigan.

Joro leaned forward. "Ano ba ang plano mo?" Sa halip na sumagot ang kaibigan ay tanong ang binato nito sa kaniya. "Hindi ba ay gusto mo makuha ang loob ni Hasumi? Gagamitin mo naman kaya siya para paselosin si Sathania at para makaganti sa haliparot mong ex-girlfriend! Tama!?"

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya sa kaniyang kaibigan.

"Gamitin mo sa kaniya ang estratehiya niya. Kunin mo ang loob ni Hasumi, P're, nang sa ganoon ay mas madali mong magagawa ang plano mong paghihiganti sa ex-girlfriend mo!" Tumayo ang kaibigan niya at umunat. "Kapag nakuha mo ang loob ni Hasumi ay hindi na siya maiirita sa iyo. Sa paraang iyon ay makagagawa ka ng sweet moves kuno sa kaniya kahit na nasaan kayo. Lalo na kapag nasa paligid si Sathania. Mindset ba! Mindset!"

Napa-isip si Brael dahil sinabi ni Joro. Tama ang kaibigan niya. "Alam mo, Joro, sa tagal nating nagsama bilang Gray Wolves ay ngayon lang ako natuwa sa iyo! May silbi ka rin pala!?" nakangiti niyang saad. Sa wakas ay nawala na rin ang mga guhit sa kaniyang noo. "Dahil may pakinabang ka sa araw na ito ay ililibre kita!" Kumindat siya sa kaibigan.

"Huwag ka sa akin kumindat, ulol! Si Hasumi kindatan mo para mahulog sa iyo. Parang type ka naman noon e!" pabirong sabi ni Joro.

"Saan mo gustong kumain? Ano gusto mong kainin?" tanong niya sa kaibigan niya habang naglalakad sila palabas ng HQ.

Nakita ni Brael na dumating na ang guwardiya sa HQ. Baka umihi ito kanina kaya hindi niya nakita ang gulo sa madilim na corridor patungo sa silid ng team niya.

Nang nasa labas sila ay naabutan nila si Hasumi subalit paalis na rin ito. Inayos ng babae ang sarili. Sinuot nito ang kaniyang helmet sabay tadyak ng ilang beses upang paandarin ang kaniyang motorsiklo.

"Pero aminin mo, Montegarde, napabilib ka ni Hasumi kanina ano? Matalino kasi siya ano?" anang Joro.

"Oo na!" inis niyang sabi.

Siniko niya ang kaibigan niyang may mapanuksong ngiti sa mga labi.

"Ano na naman nginingiti mo riyan?" tanong niya sa kaibigan.

"Wala! Pakiramdam ko kasi ay pareho niyong gusto ang isa't isa!" tukso ni Joro sa kaniya noong nakasakay na ito sa kaniyang motorsiklo.

"Puwes masama ang pakiramdam mo, Joro Mendoza!" inis niyang sambit.

Sabay nilang pinaandar ang kanilang mga motorsiklo.

Palagi nilang ginagawa na magkaibigan ang magpabilisan ng takbo at mag-unahan patungo sa destinasyon nila.

Dahil sa mala-karera nilang pagpaharurot ng kanilang mga motor ay agad silang nakarating sa paborito nilang kainan.

Matapos nilang pinarke ang kanilang mga motor ay pumasok na sila sa kainan. Agad silang umupo sa isang sulok.

Pupunta na sana sa kahera si Brael noong bigla siyang hinila ng kaniyang kaibigan.

"Fuck, Montegarde! Nandito ang mga tauhan ng nakaingkuwentro natin noong nagdaang araw," mariing bulong ng kaibigan niya.

Lumingon si Brael sa direksiyon ng mga lalaking nakasuot ng puro itim. Kanina pa pala nakatitig sa kanila ang mga lalaki.

"Fuck," mura niya nang nakita niyang humugot ng baril ang isang lalaki. "Yuko!" imporma niya sa mga tao sa loob ng kainan at hinagis niya sa ere ang kaniyang katawan.

Tatlong putok mula sa kaniyang baril ang umalingawngaw sa buong kainan.

"Aaaah!" sigaw ng mga tao sa loob.

Humugot rin ng baril ang kaniyang kaibigan at agad nitong binaril ang iilang mga lalaki na natira.

Hindi man lang naka-alma ang mga kalaban nila dahil sa bilis ng mga kamay ni Brael at Joro.

Tumuloy si Brael sa kahera at humugot siya ng maraming pera. Nilapag niya ito sa tapat ng nanginginig na babae. Tinitigan niya ang babae sa mga mata nito kaya'y mas nanginig ang babae. May mga luha rin sa gilid ng mga mata ng kahera dahil sa takot.

"Walang puwedeng makaalam kung sino ang pumatay sa kanila. Tumawag ka ng pulis mamaya kapag nakaalis na kami. Sabihan mo ang mga pulis na hindi niyo namukhaan ang mga salarin!" aniya sa babae. Kinasa niya ang kaniyang baril habang matiim siyang nakatitig sa babae. "Nakuha mo ba ang sinabi ko?" mapanakot niyang tanong sa babae.

"O-Oo p-po," napilitang sabi ng babae.

"Montegarde, bilisan mo!" anang Joro.

Iniwan niya ang babae. Nakita ni Brael na gumalaw pa ang isang lalaki kaya'y muli niya itong binaril. Dahil doon ay napasigaw ang kahera.

Muli silang pumatong sa kanilang mga motor at agad na tumakas.

Kung hindi alisto si Joro ay napuruhan na sila.

Natawa sa isipan niya si Brael. Wala pa nga siyang ginagawa kay Hasumi ay kinakarma na siya agad. Kahit na ano pa ang mangyari ay itutoy niya ang pag-gamit sa babae para makaganti siya sa kaniyang dating kasintahan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status