Share

Kabanata 2

MARAHIL NAINIS siya sa lalaki ay minabuti niyang lumabas mula sa HQ nila. Nakaupo siya sa isang bangko na yari sa bakal habang nakatukod ang magkabila niyang mga kamay sa upuanan habang matalim siyang nakatitig sa lupa.

"Hayop na iyon!" anas niya. "Pinakaba ako ng 'tanginang junior niya!" dagdag pa niya.

Bumuntong hininga siya at tumitig na lang sa kawalan. Hindi niya maiwasan ang matulala habang inalala ang umbok ni Brael. Napakalaki talaga. Bakat na bakat pa ang ulo ng alaga niya. Uminit tuloy ang kaniyang katawan habang inaalala niya ang bukol ni Brael.

"You're crazy!" Marahas niyang inalog ang kaniyang ulo upang mawala sa isipan niya ang kaniyang nakita kanina. Nabigo lamang siya. Pumikit na rin siya saglit at muli niyang minulat ang kaniyang mga mata subalit ganoon pa rin. "Hentai! Hentai! Hentai!" paulit-ulit niyang sabi. Halos kapusin siya ng hininga dahil sa mabilis at walang-awat niyang pagsasabi ng salitang iyon.

Bastos si Brael. Pero bakit parang nagugustuhan niya ang kabastusan ng lalaking iyon? Kahapon pa lang din niya nakita ang lalaki pero naakit na siya sa ganda ng katawan ni Brael at angas ng kaniyang mukha. Kaso may attitude ang lalaki na hindi niya kayang sikmurain. Minamaliit din siya ng lalaki kaya may inis siyang nararamdaman sa tuwing nakikita niya si Brael Montegarde.

"Hi, Miss Hasumi!" bati sa kaniya ng isang lalaki na nakasuot ng puro itim. Gusto niyang matawa dahil bukod sa puro itim ang damit ng lalaki ay itim din ang vape na hawak niya. Humigop ng usok mula sa vape niya si Joro at bumuga ito sa hangin.

"Gusto mo ulit mag-pasipa? Sabihan mo lang ako!" aniya sabay irap.

"Grabe ang sama naman ng umaga ko! Maayos akong bumati e!" reklamo ng lalaki.

"Huwag ka kasing hambog! Kung mag-vape ka, mag-vape ka lang! Hindi na iyong gumagawa ka pa ng kung ano diyan sa hangin gamit ang usok ng vape mo! Para kang timang!" aniya.

Umupo sa tabi niya ngunit may distansiya ang lalaki. "Bakit ba kasi ang sama ng umaga ng aming haponesa?"

"Ginu-good time ako ng kaibigan mo! Nakaiinis! Sinabihan ko lang naman siya na bakla dahil ayaw niya ako isama sa team niyo," sumbong niya sa lalaki.

Humalakhak si Joro nang narinig nito ang sinabi niya. Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. Kaunti na lang at masusuntok na ulit niya ang lalaki.

"Kaya naman pala! Alam mo kasi iyang si Brael ay gusto niya mabilis ang trabaho. Nanliliit yata siya sa iyo," ani Joro.

"Pero, Miss Hasumi, huwag kang padalos-dalos na tawaging bakla iyang mokong na iyan. Baka 'pag pinatunayan niyang hindi siya bakla ay malagutan ka ng hininga," ani pa ni Joro. "Paano na, Miss Hasumi? Kapag handa ka na ay sumunod ka na lang po!" paalam ng lalaki at tumayo na ito.

Napabuntong-hininga na naman siya dahil sa kabang naramdaman sa mga anang Joro. Malaki naman kasi talaga ang umbok ng lalaking iyon. Nagsisisi siya ngayon dahil sinabihan niya ng bakla si Brael. Baka kapag pinatunayan ng lalaki sa kaniya ang sarili nito ay bigla na lang siyang lagutan ng hininga.

"Putang anghel naman! Umalis ka na kasi sa isip ko, jumbo hotdog ni Brael!" anas niya.

Umunat siya at inayos niya ang kaniyang sarili. Hindi puwedeng tangayin ng umbok ng lalaki palayo sa trabaho niya ang kaniyang isipan. Bahala na ang umbok na iyon kasi may trabaho pa siyang aasikasuhin. Baka kasi siya ang magkaumbok sa mukha kapag sinuntok siya ng tatay niya kung sakaling pumalpak sila sa misyong ito. Ito rin ang unang misyon niya sa labas ng bansang Japan. Kaya'y marapat na magseryuso siya.

Hindi pa napapalpak si Black Venom kaya marapat na itatabi niya muna ang imahe ng umbok ni Brael.

Tumayo siya at pinagpag ang kaniyang puwet. Inayos niya rin ang kaniyang buhok at tinanggal niya ang pagkatatali nito. Sinuklayan niya gamit ang kaniyang mga daliri ang kaniyang buhok bago niya ito muling tinali na parang buntot ng kabayo.

Lumakad na siya papasok sa HQ nila. Habang naglalakad siya sa madilim na corridor ay pinagtitinginan siya ng ibang team. Nakita niya ang tattoo ng mga nakatitig sa kaniya sa kaliwang bahagi ng mga leeg nila. Itim na gagamba ang tattoo. Inalala niya ang markang nakita niya. Base sa inaral niyang mga simbolo, ito ay ang Black Tarantulas. They are known as the members of Daemon Est Porta as the blade users. Ang mga blades na ginagamit nila ay binabad pa sa uri ng lason na kayang pumatay ng tao sa loob ng tatlong segundo lamang.

Lumapit sa kaniya ang isang miyembro ng Black Tarantulas. Nakasuot ang babae ng itim na boots, itim na tattered jeans at itim na croptop-longsleeve. Itim din ang mga labi ng babae at maging mga kolorete sa kaniyang kuko ay kulay itim rin. Sa aura pa lang nito ay nasabi ni Hasumi sa sarili niyang hindi niya dapat pagkatiwalaan ang babae.

"Bago ka rito ano?" sita ng babae sa kaniya.

"Y-Yes, actually--- AH!" Hindi napaghandaan ni Hasumi ang ginawa ng babae. Lumipad kasi sa ere ang babae at agad nitong sinipa ang sikmura ni Hasumi.

Napangiwi si Hasumi dahil sa sakit ng pagkakasipa sa kaniya ng babae. Ngayon ay naka-apak ang babae sa kaniyang balikat. She coughed. Hindi niya alam kung ano'ng klase ng martial arts ang inaral ng babae bakit ganoon na lang kasakit ang sipa nito sa kaniya.

"That is not how we greet our seniors before, dear!" anang babae na nakaapak pa rin sa balikat ni Hasumi.

"O-Ouch," reklamo ni Hasumi dahil diniin pa ng babae ang pag-apak sa kaniyang balikat.

Kung puwede niya sanang sabihin na siya ang anak ng chief ng DEP ay ginawa niya ito. Kaso, mahigpit na ibinilin ng kaniyang ama na bukod rito, kay Joro at Brael ay hindi siya puwedeng magpakilala.

"Hindi ko alam kung kaninong team ka napabilang. Sa halip kasi na magpakilala ka ay pinili mo pa kaming taasan ng kilay kanina at dumiretso ka lang na parang walang nakikita!"

Yumuko si Hasumi at nakita niya ang mga itim na pakete na nakahanay mula sa binti patungo sa biyas ng babae. Kahit na sanay siya sa underground fights ay nanginig ang kaniyang buong katawan. If the woman picked a blade from any of those black pockets and did cut her throat or even slice her flesh, that would be her end.

Lumunok si Hasumi. Sa halip na magmataas at makipagbangayan pa ay dinikit niya ang kaniyang noo sa sahig. "I'm so sorry! I disrespect my seniors. Even death is not able to pay my stupidity. I-I apologize, s-senior!" nanginginig niyang sambit.

"Ano ang nangyayari!?"

Isang bariton na boses ang umalingawngaw sa buong corridor. "Ano sabi ang nangyayari!?" sigaw pa ng lalaki.

Inangat ni Hasumi ang kaniyang mga sulyap. Nakita niya paano halos nagsampukan ang mga kilay ni Brael. Hawak pa niya ang kaniyang baril na siya mismo ang gumawa.

Sa halip na sumagot ang babae ay sinipa niya sa collarbone si Hasumi. Napatihaya siya. Kinapa niya ang kaniyang collarbone na sa tingin niya ay nabali. Parang bakal sa bigat ang paa ng babae.

"Ako si Sathania Tsu! Sa susunod na makasalubong mo ulit ako'y dapat matuto ka ng lumugar. Huwag mo ako tataasan ng kilay at lalagpasan na lang ng basta-basta. Baka magkamali akong kitilin ang buhay mo," babala ng babae. "Remember that name and praise me!" dagdag pa nito.

Humakbang pa ang babae palapit kay Hasumi. Yumuko ito kaya naman ay bumilis ang paghinga ni Hasumi. Nasindak si Hasumi nang kumuha ng isang blade ang babae. Pinaikot pa ito ni Sathania sa gitna ng hintuturo at hinlalaki. "Nakuha mo?" nakasisindak niyang tanong kay Hasumi.

"Y-Yes," nauutal na sagot ni Hasumi.

"Tinatanong ko kung ano ang nangyayari rito!?" muling sigaw ni Brael.

Sa pagkakataong ito ay lumingon na sa gawi ni Brael si Hasumi. Rumampa siya patungo kay Brael. Pinasok ng babae sa pakete sa gilid ng hita nito ang blade na pangsindak niya kay Hasumi.

"Tinuruan ko lang ng leksiyon ang bagong saltang iyan," ani'to at nilingon si Hasumi. "Parang kailangan niya muna aralin ang batas ng Daemon Est Porta," dagdag pa ni Sathania. "Bakit pala galit na galit ka kanina, Montegarde, kilala mo ba ang baguhang iyan?" tanong ng babae.

"She's my new teammate! Kaya huwag na huwag kayong magkamali na saktan siyang ulit. Lalo ka na, Sathania!" mariing sabi ni Brael.

Hindi alam ni Hasumi kung bakit nakaramdam siya ng kiliti sa kaniyang puso noong sinabi ni Brael sa malditang babaeng si Sathania ang mga katagang iyon.

"Won't you welcome me back first? natatawang sabi ng babae. "Himala! Tumanggap ng babae sa team niya ang aking ex-boyfriend! You're unfair! Noon gusto kong mapabilang sa team mo pero pinigilan mo ako!" anas ng babae. "You rejected me!" pasigaw na saad ng babae.

Biglang luminaw ang pandinig ni Hasumi. Kahit na pisikal siyang nasaktan ay nagawa niya pang matawa ng palihim. Pinatulan ni Brael si Sathania? Iba talaga si Brael Montegarde! Inisip ni Hasumi na siguro'y kahit sino na lang ang pinapatulan ng lalaki. Hindi niya kasi inakala na pinatulan ni Brael ang Sathaniang ito.

"Huwag mo na balikan ang nakaraan, Sathania. Don't even act that I am the one who broke up with you." Umangat ang kabilang gilid ng mga labi ni Brael. "Paalala ko lang sa iyo, kapag inabala pa ng team mo ang kahit na sinong miyembro ng Gray Wolves ay hindi ko kayo palalagpasin," banta ni Brael.

Lumapit pa si Sathania kay Brael. Tinikom ni Hasumi ang kaniyang mga palad nang makita niya paano tumingkayad si Sathania at hinalikan si Brael.

Hindi umabot ng dalawang segundo ang halik na iyon pero may kung anong naramdamang kirot si Hasumi. Gusto niyang pagtawanan ang sarili niya dahil sa naramdaman niya. That was so weird.

I can't promise you that, Montegarde! Lalo na ngayon na alam kong palagi mong makakasama ang babaeng iyan," ani'to at lumingon kay Hasumi na nanatiling naka-upo sa sahig.

"I'm not playing games here, Sathania. Kung iniisip mo na nasisindak ako sa tatlong segundong tagal ng buhay nng taong masugatan ng mga blades niyo ay mali ka ng iniisip. Higit pa riyan ang kayang gawin ng bala ko. My bullet kills people with less than .88 miliseconds," sabi ni Brael.

Muling tumawa si Sathania. "Me either. Hindi ako natatakot sa mga bala mo," anang babae. "Boys, let's go!" tawag niya sa mga kasamahan niya at iniwan niyang nakatayo si Brael.

Nakatitig si Hasumi sa blangkong mukha ni Brael. Pinunasan ng lalaki ang naiwang tinta ng lipstick ni Sathania na nagmarka sa kaniyang mga labi.

BINALIK NIYA ang kaniyang baril sa gilid ng kaniyang baiwang. Huminga siya ng malalim. Hindi niya inakala na nagbalik na pala sa Pilipinas ang grupo ng kaniyang dating kasintahan. Kaya ganoon na lamang siya ka-gulat.

Napailing siya nang naagaw ng babaeng nakaupo sa sahig ang kaniyang atensiyon. Lumapit siya sa babae at nilahad niya ang kaniyang kamay rito. Tinanggap ng babae ang kaniyang kamay.

Hinila niya patayo ang babae. Nasaktan siguro ng lubusan ang babae kaya'y halos mapaluhod ito. Mabuti na lamang dahil alisto siya't nasalo niya ang katawan nito.

"Akala ko ba si Black Venom ka?" tukso niya sa babae.

Inangat ng babae ang titig nito sa kaniya at umirap. "Kung tutuksuhin mo lang ako ay mabuti pa na hayaan mo na lang ako kanina! Epal ka kasi!" anas ng babae.

Umiling siya. "Wow! You're welcome! Ang galing ha! Ikaw na nga itong niligtas tapos ikaw pa ang may ganang magalit!? You're welcome talaga, Black Venom!" sarkastikong saad niya.

Sinubukan ng babae tumayo ng tuwid pero nabigo siya. Dahil doon ay hindi na nag-atubili si Brael. Binuhat niya ang babae. Napatitig lang sa kaniyang mukha ang babae na ngayo'y nasa mga bisig na niya.

"I-I can walk," ani Hasumi.

"You can't! Puwede bang huwag ka na kumilos ng kumilos? Hindi pa natin alam kung okay ang kalagayan mo. Better stay quiet on my arms!" awtoritaryan niyang sabi sa babae.

Umismid lang ang babae sabay tikom sa bibig nito. Nalito si Brael kung saan siya tititig, sa mukha ba ng babae o sa tinatahak niyang daan?

"Oy! Ano ang nangyari? Bakit may buhatan na nangyayari?" tanong ni Joro.

Hindi namalayan ni Brael na nakapasok na pala siya sa kanilang pribadong silid. Sinamaan niya ng titig ang kaibigan niya.

"Kahit siguro ano ang gulo na mangyayari ay hindi ka mangingialam ano?" inis niyang sabi.

"Sorry naman! Jebs na jebs kasi ako! Sumakit tiyan ko e! Ano ba kasi nangyari kay Miss Hasumi?"

Umiling siya. "Tumawag ka nga ng medical assistance sa head office!" aniya at marahang pinahiga si Hasumi sa sofa. "Huwag ka ng umahon," paalala niya sa babae.

"O-Okay," anang Hasumi.

Nakatitig lang siya sa kaibigan niyang nay kausap sa teleponong nakakabit sa isang sulok ng kanilang room.

Lumapit siya sa kaibigan nang nakita niyang binaba na nito ang telepono.

"Sumunod ka," aniya.

Sumunod ang kaniyang kaibigan. Ngayon ay nandito sila sa loob ng hindi gaanong kalakihang kuwarto kung saan nakatambak ang kanilang supply ng mga bala at mga armas.

"Ano kasi nangyari sa bago nating kasama? Bakit tila baldado iyon?" usisa ni Joro.

"Nagka-ingkuwentro sila ng Black Tarantulas' Queen," diretsahan niyang sagot.

"What!?" gulat na gulat na tanong ni Joro. "Hindi ba sa Chile sila naka-asign? Ano ang nangyari? Bakit bigla na lang silang bumalik sa Pilipinas!?" dagdag pa nitong tanong.

"Hindi ko pa alam sa ngayon, Joro," sagot niya sa kaibigan. "Ang alam ko lang ay galit na galit si Sathania kanina. Lalo na noong nalaman niya na ka-team ko si Hasumi," aniya habang may ngiti sa kaniyang mga labi.

"Well, hindi na ako nagulat doon. Nireject mo kasi siya noon noong gusto niya sumali sa team. Pero bakit may ganiyang ngiti sa mga labi mo, Montegarde? Don't tell me---"

Tumango siya at matalim na tumitig kung saan nakatambak ang ilang supot ng mga bala.

"She cheated on me. Galit na gakit siya kay Hasumi. Mas gagalitin ko pa siya. Gagamitin ko si Hasumi para makapaghiganti ako sa kaniya, Joro. Ipararamdam ko sa kaniya kung gaano kasakit ang ipagpalit ka," aniya.

"Baka mapahamak ang pain mo. Kawawa siya. Wala siyang alam sa nangyari sa inyo ni Sathania," anang kaibigan niya.

Umiling siya at hinarap niya ang kaibigan. "Hindi ko hahayaan na masaktan muli ang anak ni boss, Joro. Alam ko delikado ang gagawin kong ito kaya'y ihahanda ko ang sarili ko para maging taga-protekta ni Hasumi," aniya.

He bit his lower lip after he did wet it. He gave a half smile and he combed his hair using his fingers' tips.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status