Share

Kabanata 2 Moving Forward

Arwena couldn't help but sigh as she held the cup of coffee. Dinadama niya ang katahimikan at lamig ng hangin sa lugar kung saan malayo sa mga taong nanakit at sumira ng buhay niya.

Matapos mag-breakdown at mabagok ang ulo sa banyo noong huling nag-usap sila ni Jake ay natauhan naman siya.

Natauhan siya na kahit anong gawin niya ay hindi basta-basta mawawala ang sakit na itinanim ni Jake at Farah sa puso at isip niya. Hindi niya kayang makipagplastikan at makisama sa mga tao na dahilan kung bakit siya nagdurusa.

Kaya heto, naglakas-loob siyang mang ibang bansa. Sinusubukan na magbagong buhay at magsimula ulit na malayo sa mga taong nanakit at dumurog sa kanya. Pero kahit anong pilit niya, hindi pa rin mawala-wala sa sistema niya ang sakit. Hindi pa rin siya tuluyang nakalaya sa galit.

"My goodness, Arwena, you've been here for two months, pero wala ka pa ring ibang ginagawa; puro inum ka lang ng kape at tanawin ang mga alon, over and over again. Hindi ka pa ba sawa ha?"

Nilingon niya lang sandali ang kaibigan at humigop na naman ng kape, saka naman niya binalik ang tingin sa labas at paulit-ulit na bumuga ng hangin. Ramdam na niya ang malamig na hangin na dumampi sa pisngi niya.

"Hindi ba sabi mo, you wanted to forget? Kaya nga nagpunta ka rito sa Maine, but how can you forget if you keep reminding yourself, sa mga nangyari?"

Mapait siyang ngumiti at maya maya ay sinara ang bintana, saka niya hinarap si Archie— ang kaibigan niya na walang kapaguran na talakan siya tuwing madadatnan siya nitong nakatutulala habang hawak ang tasa ng kape.

Sa lalim kasi ng iniisip niya, hindi na naman niya napansin ang pagdating nito, kaya huling-huling na naman siya sa akto na wala sa sarili.

“Good evening, Arc," sagot niya sa talak ng kaibigan at umupo sa couch na kaharap nito.

“Arwena, lumabas ka naman. Mag-enjoy ka, don't waste your time, sa katitingin sa labas."

"Archie, porket hindi ba ako lumalabas ay hindi na ako nag-e-enjoy? Nag-e-enjoy kaya ako sa katitingin sa malawak na karagatan,” katwiran nito sa kaibigan na napapaismid na lang.

Ilang beses na kasi siya nitong inaya na lumabas kapag wala silang pasok, pero lagi siyang tumatanggi. Mas gusto niyang manatili sa loob ng apartment kay sa gumala at maalala lang ang nangyari sa kanya.

Bukod kasi sa ginawang kataksilan ng boyfriend at best friend sa kanya, paulit-ulit niya ring naalala si Mr. Tan. Naalala niya palagi kung paano siya niligtas at dinamayan nito. Nailabas niya ang lahat ng sama ng loob ng gabing ‘yon, pero kapalit naman ang pagsuko sa kanyang sarili.

"Oo nga, masaya ngang panoorin pero mas mag-e-enjoy ka kapag nasa labas ka, Arwena. Mas dama mo ang freedom at mas madaling maghihilom ‘yan,” turo ni Archie ang puso ng kaibigan.

Napangiti na naman ng mapait si Arwena. “Porket nandito lang ako lagi sa loob ay iniisip mo na hindi pa rin ako nag-mo-move on?” seryosong tanong niya.

Umaasta nga kasi siyang okay. Na nag-move on na siya, at naghilum na ang sugat sa puso niya. Pero ang lakas ng pakiramdam ng kaibigan niya, kahit anong pagkukunwari ang gagawin niya, alam nito na nagpapanggap lang siya.

"Ano pa nga ba? Hanggat lagi mo pa ring iniisip ang mga taong nanakit at ang masamang nangyari sa’yo, hindi ka makapag-move on, Arwena.”

Napakamot na lang siya sa ulo at napabuga ng hangin. Ayaw kasi patalo kaibigan niya. Igigiit at igigiit nito na hindi pa nga siya okay.

“Alam mo, katatalak mo mas hindi ko makakalimutan ang mga hïnayupak na ‘yon. Nagsisimula na nga akong kalimutan lahat, Archie, pero paulit-ulit mo namang pinaalala.” Inismiran niya ang kaibigan at nilapag na rin ang tasa na wala ng laman.

"Ako pa ang sinisi mo? Lokohin mo ang sarili mo, Arwena, pero ako, hindi mo maloloko. Kahit umabot pa ang ngiti mo sa tainga, alam at ramdam ko na nagpapanggap ka lang na okay, pero puso mo durog na durog pa rin."

Napayuko na lang si Arwena, nasapol nga kasi siya sa sinabi ng kaibigan. Alam niya na hindi tugma ang sinasabi niya sa mga kilos niya. Klarong-klaro na nagpapanggap nga lang siya. Klarong-klaro na nasasaktan pa rin siya.

“Hindi ko naman sinasabi na okay na ako, Archie. Nagsisimula pa nga lang—"

"Hindi—hindi ka pa nagsisimula, Arwena. Ang mga taong gustong mag-move on, kumikilos. Gumagawa ng paraan na makalimot at hindi magmukmok lang. Tulungan mo naman ang sarili mo. Nandito na nga ako. Handa kitang tulungan, pero lagi mo naman akong ni-re-reject—”

“Ni reject ka r’yan? Bakit, nanligaw ka ba?"

" ‘Wag mong ibahin ang usapan, Arwena. Lagi ka na lang ganyan. Lagi kang umiiwas kapag pinagsasabihan ka.”

Sa haba ng talak ng kaibigan niya, wala na siyang masasabi pa. Basang-basa rin nito ang ugali niya. Kaya kahit anong palusot ang gagawin niya, hindi siya lulusot.

"Alam ko, naintindihan mo ang pinupunto ko, Arwena. Kung ayaw mo na tulungan kita; tulungan mo ang sarili mo. Gumawa ka ng paraan kung paano ka makalimot. Hindi ‘yong tutunganga ka lang sa harap ng bintana at magkakape.”

“Ito lang naman kasi ang alam kong paraan—" sabi ko, at napabuntong-hininga na lang.

Kahit noong nasa Pilipinas pa siya, talagang hindi siya mahilig gumala, kaya nga madalas na si Farah ang kasama ni Jake. Akala naman niya, explore as friend lang ang ginagawa ng dalawa. Hindi niya alam ibang level na pala ang in-explore nila.

Hinawakan ni Archie ang kamay ng kaibigan at sinabayan pa nito ng matiim na titig. “Lumabas ka naman, kahit paminsan-minsan lang, Arwena. ‘Wag mong itingga ang ganda mo rito sa loob. Sama ka sa akin ngayon. Mag-explore at mag-enjoy tayo. May bagong bukas na club, malapit sa area natin,” nakangiting aya ni Archie at niyugyog pa ang kaibigan.

“Archie, naintindihan ko naman ang pinupunto mo. Alam kong concern ka lang sa akin, kaya mo ako pinipilit na lumabas, pero alam mo namang may trauma na akong lumabas dahil sa nangyari sa akin, hindi ba? Ayoko nang maulit ang karanasang ‘yon, Archie."

Tumayo si Archie at lumipat sa tabi ni Arwena. Inakbayan siya nito, saka hinaplos-haplos ang balikat. “Alam ko, hindi biro ang pinagdaanan mo, pero hindi ba’t ikaw na rin ang may sabi na gusto mong e-uplift ang sarili mo? But how would you do that, kung ikaw mismo ang pilit bumababa."

Napatitig si Arwena sa kaibigan. Seryosong-seryoso kasi itong tumitig sa kanya, at hindi niya itatanggi na nagugwapuhan siya sa mukha nito. Para pang laging nakangiti ang singkit nitong mga mata.

“Arwena, ‘wag mong pahirapan ang sarili mo. It’s time for you to move forward, gaya ng mga taong nanakit sa’yo na nagpapatuloy pa rin sa buhay matapos ka nilang sagasaan.”

“Archie, hindi ko naman mapipilit ang sarili na maging okay agad. Hindi ko rin mapipilit ang sarili na hindi na makaramdam ng sakit."

Niyakap ni Archie ang kaibigan na alam niyang nagpipigil nang umiyak.

"The best ka talaga, kahit dalawang buwan pa lang tayong naging magkaibigan, damang-dama ko na ang pagmamahal mo.”

“The best ka rin naman, Arwena, ang problema, hindi mo nakikita, natatakpan kasi ng sakit ang pagiging the best mo. Kaya tama na ang mukmok. Ilabas mo na ang best mo at mag-move forward ka na for real.”

Titig na lang ang sagot ni Arwena sa sinabi ni Archie. Mabuti na lang talaga at mabilis niyang nakagaanan ng loob si Archie. Bukod sa friendly nga ito, silang dalawa lang ang pinoy sa klase nila. Parehong business management ang kursong kinuha nila. Pareho rin silang tagapagmana ng business ng mga magulang.

Dahil rin kay Archie, kaya naisip ni Arwena na siya at siya pa rin ang magmamana ng business nila at hindi si Farah. Kaya kailangan niya maging handa. Kailangan niyang lamangan ang talino ni Farah sa pagpapatakbo ng negosyo.

“Archie, thank you, nakilala kita. Salamat dahil tinulungan mo ako no’ng panahon na nangangapa pa ako sa bagong journey na pinasok ko,” madamdamin nitong sabi sabay ang mahigpit na yakap kay Archie.

“Nagdrama ka naman. Arwena, ang gusto ko lang naman ay maging malaya ka na sa nakaraan mo. At saka, medyo toxic ka na kasi. Nahahawa na ako sa lungkot mo,” sabi nito sabay kulong ng pisngi niya sa mga palad nito.

Hinawakan niya rin ang kamay ng kaibigan at mapait na ngumiti. Totoong malaki ang pasasalamat ni Arwena na nakilala niya si Archie. Ang lungkot kasi niya no’ng dumating siya sa Maine.

Walang blessing from her parents ang pag-alis niya, hindi pumayag ang mga magulang niya na umalis siya, lalo’t alam na ng mga ito na may problema sila ni Jake. Ang masama, iniisip pa ng mga magulang niya na tumatakas lang siya sa problemang gawa niya. Hanggang sa huli kasi, nilihim pa rin niya ang totoong dahilan kung bakit sila naghiwalay.

Kaya kahit alam niyang masasaktan ang mga magulang dahil sa biglang pag-alis niya, pinanindigan pa rin niya ang desisyon na umalis. At nakarating nga siya sa Maine, pero parang pasan naman niya ang buong mundo.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin at kung paano magsisimula. Hanggang sa makilala niya Archie sa university kung saan din ito nag-aaral. Kaya hindi na rin nahirapan si Arwena na maghanap ng matutuluyan, sakto kasing naghahanap ng tetant si Archie.

“Archie…” Seryosong titig ang kasabay ng sinabi niya. "Gusto mo ba na dalhin natin sa ibang level ang friendship natin?" tanong ni Arwena na nagpa-awang sa labi ng kaibigan.

“W-what do you mean," nauutal na tanong ni Archie, kasabay ang dahan-dahang pag-atras. Unti-unti kasing lumapit ang mukha ni Arwena sa mukha niya.

“Arwena, what are you doing? ‘Wag mo nga akong pinagloloko ng ganyan!" sikmat niya kasabay ang pagtayo. "Eww… Arwena, nanayo ang balahibo ko sa’yo! Kadiri ka! Hindi tayo talo ‘no!" sabi nito, umismid at nag-hair flip pa.

Napailing-iling na lang si Arwena. Ang guwapo sana nitong kaibigan niya, pero pusong babae naman.

“Archie, sige na umalis ka na at mag-saya. ‘Wag mo na akong alalahanin. Okay lang ako kahit nandito lang ako sa loob. Mas nakakapag-isip pa nga ako, at mas nag-he-heal itong puso ko.” Turo niya ang puso at ngumiti ng matamis.

“Naintindihan ko nga na mas sanay ka na ni lo-lock ang sarili mo dito sa apartment, Arwena. But please, samahan mo naman akong magsaya kahit ngayong gabi lang. Sabay tayong mag-move on.”

“Move-on na naman? Pang-ilan na ‘yan ha?" napapailing na tanong Arwena.

“ ‘Wag mo na lang itanong, hindi ko na kasi mabilang,” sagot nito sabay upo na naman sa tabi ni Arwena, at hinawakan nito ang kamay ng kaibigan. Nagpapaawa ang hitsura. Kinurap-kurap pa ang mga mata.

“Tumigil ka sa kagaganyan mo, baka makalimutan kong hindi tayo talo at mahalikan na talaga kita." Agad itong bumitiw sa kamay niya at lumayo.

“Arwena naman puro kalokohan," tampo nitong sabi at humalukipkip. "Labas na tayo, Arwena. Let’s party. Sisimulan natin sa paggala ang pag-move forward natin. Kalimutan natin lahat; ang kalupitan ng mundo at ang sakit kahit isang gabi lang."

“Archie, staying home is my way of moving forward; ang kilalanin muna ang sarili ko, ang maghilum muna ang puso ko ang una kong gagawin, at kapag okay na ako, saka ako mag-e-explore sa labas, kasama mo,” sabi nito sa kaibigan niya.

“Ikaw ‘yan e. Way mo ‘yan. Wala akong magagawa kong ‘yan ang paraan mo, but paano naman ako? Ayaw mo man lang ba akong damayan? Gusto mo ba akong maglasing na ako lang mag-isa? Paano kung pagtripan ako, tapos kung mang-yari sa akin ‘yong nangyari—”

"Tama na nga ang satsat. Samahan na kita. Kulit-kulit mo.”

Ngiting tagumpay ang sagot ni Archie sa sinabi ni Arwena. Napapalakpak pa nga sa tuwa.

“Sige na bihis ka na friend. Bihis na rin ako." Patakbo na pumasok sa kwarto niya si Archie habang si Arwena, matamlay at walang ganang tumayo.

Sa club na bagong bukas nga nagpunta ang magkaibigan. Matapos nga ang ilang buwan na pagmumukmok, ngayon lang ulit naranasan ni Arwena na uminum, sumayaw, at tumawa. Inaamin niya, nakaramdam nga siya ng kalayaan. Nakaramdam ng saya habang kasayaw ang kaibigan.

“Ang saya, hindi ba? tanong ni Archie habang nasa dance floor sila sumasabay sa tugtog ng musika.

Paulit-ulit na tumango si Arwena at ngumiti.

“So, tuloy-tuloy na ang labas natin, every friday night?" bulong nito sa kanya.

“Tuloy-tuloy na!" masiglang sagot ni Arwena at muli na namang sumayaw. Tumatalon-talon siya kasabay ang ibang mga kabataan.

"Archie, upo muna tayo, medyo nahihilo kasi ako—" sabi niya sa kaibigan habang hawak nito ang ulo.

“Arwena, ‘wag mong sabihin na lasing ka na? Isang cocktail pa lang naman ang nainom mo?” Inalalayan ni Archie ang kaibigan pabalik sa table nila.

“Hindi ko alam. Basta nahihilo ako, at parang nasusuka," sagot niya kasabay ang pagtayo at pagtakip ng bibig.

“Arwena…” Sinundan na lang ni Archie ang kaibigan na patakbong pumunta sa ladies room, pero bigla naman itong tumigil at humawak sa dingding. “Wena, tara na nga lang labas…. W-Wena!” Tili ni Archie nang mawalan ng malay ang kaibigan habang yakap niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status