Share

Kabanata 3 Bagong Pagsubok

Palakad-lakad si Archie habang nasa loob ng hospital room ni Arwena. Paminsan-minsan din niyang sinusulyapan ang kaibigan na putlang-putla pa rin ang mukha.

Kanina no’ng mawalan ng malay ang kaibigan, sinisisi niya ang sarili. Pinipilit-pilit niya pa kasi ito na gumala. Pero matapos marinig ang sinabi ng doctor, hindi na siya mapakali. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ng kaibigan ang isa na namang problemang dumating sa buhay niya.

Ngayon pa na nagsisimula na talaga siyang kalimutan ang masamang nangyari sa kanya.

Maya maya ay tumayo siya sa gilid ng hospital bed kung saan mahimbing pa rin na natutulog ang kaibigan. Tahimik niya itong pinagmamasdan, kasabay ang panalangin na sana maging bukas ang isipan nito at hindi siya panghinaan ng loob sa bagong pagsubok na dumating sa buhay niya.

“Archie…” pupungas-pungas nitong tawag sa kaibigan.

"Wena, how are you feeling? Nahihilo ka pa ba? Nasusuka? May masakit pa ba sa’yo?" nag-aalang tanong ni Archie. Hinaplos-haplos din nito ang noo ni Arwena.

Napangiti naman si Arwena at hinawakan din ang kamay ng kaibigan. “I’m fine, siguro nanibago lang ako sa ingay at dami ng tao kanina," sagot nito.

Humigpit pa lalo ang paghawak niya sa kamay ng kaibigan. “Sorry, pinag-alala na naman kita, Archie. Nasira pa pag-e-enjoy natin. Ang weak ko ‘no? ‘Di bale, sa susunod na gala natin, sisiguraduhin ko na hindi na ako masusuka at mahihilo."

Pilit na ngiti ang sagot ni Archie, pero hinaplos-haplos din naman ang kamay ng kaibigan. “Totoo na pinag-alala mo ako. Takot na takot kaya, when you passed out. Pero hindi ka dapat humingi ng sorry. Wala ka namang kasalanan," sagot ni Archie pero hindi na makatingin sa kaibigan.

Utak niya kasi ay nagugulo. Gusto na niyang sabihin ang balita. Kaya lang, sa ganda ng ngiti ni Arwena, parang nag-aalangan siya na sirain ang saya nito.

Ngayon niya lang kasi nakita na ngumiti ng ganito ang kaibigan. Ngiting hindi pilit at totoong masaya.

“Arwena… gusto mo bang makausap ang doctor?” tanong ni Archie. Hindi niya kasi talaga alam kung paano sisimulan ang sasabihin.

“Hindi na…” Ngumiti ito at bumitiw sa paghawak sa kamay niya at dahan-dahan na umupo.

"Sigurado ka?” tanong uli ni Archie na sikreto pang bumuga ng hangin. “Baka may gusto kang itanong sa doctor. 'Yong tungkol sa kalagayan mo, kung bakit ka nawalan ng malay."

“Hindi na, okay na naman ako. Maayos na ang pakiramdam ko, at saka, sigurado naman ako na nakausap mo na siya, hindi ba? Wala naman siguro akong malubhang sakit.”

Sinandayang tawa ang naging sagot ni Archie na ikinatawa rin ni Arwena.

“Kaya mabuting pang ilabas mo na ako rito. Ayoko sa hospital, Archie. Ayokong lumaki pa bayarin ko," dagdag pa nito at akmang ibababa ang mga paa.

“Wena, ‘wag ka munang masyadong gumalaw, sabi kasi ng doctor, bukas ka pa pwedeng lumabas. Nag-advice din siya na kailangan mo ring magpahinga."

“Magpahinga? Parang hindi mo naman alam na puro pahinga lang ang ginagawa ko. Kaya mo nga ako pinipilit lumabas, hindi ba?"

“Humiga ka na nga lang at ‘wag nang magreklamo, hindi lang kasi basta pahinga ang kailangan mo, Wena. Kailangan mo ring umiwas sa stress at bawasan mo na rin ang pagkakape mo.”

Dahil hindi nga alam ni Archie kung ano ang magiging reaksyon ng kaibigan sa sasabihin niya. Dinahan-dahan niya. Paunti-unting clue ang mga sinabi niya. Pero parang hindi effective ang ginagawa niya.

Para ngang wala itong pakialam sa mga sinasabi niya. Ang gusto nito ay ang lumabas na kaagad ng hospital at sa bahay na lang magpahinga.

“Bawasan ang kape? E ‘di lalo akong ma stress no’n, alam mo namang stress reliever ko ang kape; parang vape mo. Hindi ba, ilang beses ko nang sinabi sa’yo na tumigil ka na sa pag-va-vape. Pero ayaw mo, kasi stress reliever mo ang vape."

Archie simply scratched his brow. "I'm going to stop vaping; I promise not to vape again, especially when we're together, masama kasi sa kalusugan mo at kalusugan ko ang usok, " nagkadautal-utal na sabi ni Archie.

“Mabuti naman na realize na mo ‘yan. Kailangan ko pa palang mahimatay sa harap mo, bago mo titigilan ang bisyo mo," natatawa na sabi ni Arwena.

Pero si Archie hindi man lang makatawa. Iniikot-ikot niya ang daliri sa kumot at doon lang siya tumingin. Para tuloy siyang batang paslit na may tinatago.

Hinawakan na naman ni Arwena ang kamay nito at niyugyog pa, "Archie, ano ba ang problema? Bakit parang ang tamlay mo? Bakit parang balisa ka? Ikaw yata ang may sakit at hindi ako? Gusto mo palit tayo ng pwesto?”

Ngiting aso ang naisagot ni Archie sa kaibigan at kaagad din namang yumuko. Saka lang napansin ni Arwena na parang may mali sa kinikilos nito.

Bibo at palatawa nga kasi si Archie, sa kabila ng domineering na awra nito. Kahit pusong babae kasi ang kaibigan niya, bumabakas pa rin ang pagiging bossy. Kay Arwena lang din siya mabait at malambing pero sa iba, medyo masungit siya. lalaking-laki rin itong tingnan kaya maraming babae pa rin ang nagkakagusto sa kanya, lalo na ‘yong hindi siya kilala.

“Archie? May hindi ka ba sinasabi sa akin? May tinatago ka?”

Napapikit si Archie. Ito na nga ang tyempo na kanina niya pa hinihintay. Pero parang umuurong naman ang dila niya. Hirap siyang magsalita. Paulit-ulit muna siyang bumuga ng hangin at umupo sa tabi ng kaibigan. "Arwena, kung ano man ang maririnig mo, ‘wag ka sanang mabibigla ha—”

"Parang sira ‘to? Archie, depende naman ‘yon sa kung ano ang sasabihin mo.”

"Basta, lawakan mo lang ang pag-iisip mo, at ‘wag ka rin padala sa emosyon mo.”

"Bakit ba ang dami mong paligoy-ligoy, Archie? Am I seriously ill? Am I about to die, kaya ka nagkaganyan?" naiiritang tanong ni Arwena. Pero kabado naman siya sa maaring malaman.

Paano kung may sakit nga siya? Paano na ang mga pangarap niya; ang mga magulang niya na alam niya na may tampo pa rin sa kanya?

“Archie, sabihin mo na, ‘wag mo na akong pahirapan mag-isip," medyo tumaas ang boses niya. Gusto na nga kasi niyang marinig ang sasabihin nito, pero ang dami pang sinasabi. Hindi niya tuloy maiwasan ang mainis.

“Ano kasi, Wena. Sabi ng doctor…” Hindi na naman natuloy ni Archie ang sasabihin. Napahawak siya sa ulo at nagpunta sa may bintana. Parang ayaw niyang makita ang magiging reaksyon ng kaibigan.

Bumuga muna ng hangin si Archie at muling humarap. "Wena, sabi ng doctor, you're seven weeks pregnant,” ayon at nasabi na rin ni Archie ang gusto niyang sabihin.

Pero hindi ang reaction na in-expect niya ang nakita niya kay Arwena. Ngumiti ito. Ngiting-ngiti habang tumititig sa kanya. Mabagal siyang naglakad palapit sa kama ng kaibigan.

“You're joking, right?” Nakanging tanong ni Wena, na nagpahinto sa paglalakad ni Archie.

Kitang-kita ni Archie kung paano unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ni Wena.

Sa tense kasi ng mukha ni Archie, alam na niya na hindi nga ito nagbibiro.

"Wena… "

“Hindi!” Paulit-ulit na umiling-iling si Arwena sabay sigaw, “no, Archie! Hindi totoo—nagbibiro ka lang! Hindi totoo… Archie… hindi totoo!”

Parang baha na rumagasa ang mga luha ni Arwena, kasabay ng mga tanong at sigaw nito. Para siyang baliw na nagwawala.

“Wena, please, huminahon ka.” Sinubukan pakalmahin ni Archie ang kaibigan pero hindi niya magawa. Lahat ng mahawakan nito ay binabalibag. Maski siya ay hindi nakaligtas sa mga hampas nito.

"Archie ayoko nito! Ayoko, Archie!” Buong lakas na hinawakan ni Archie ang mga kamay ng kaibigan na sinuntok-suntok ang tiyan niya.

"Wena… nurse!" Hindi na alam ni Archie kung sino ang tatawagin, mga nurse ba o pangalan ng kaibigan na parang baliw na sinasaktan ang sarili.

Mabuti na lang at alerto namang lumapit ang mga nurse. May nilagay sila na pampakalma sa dextrose nito, at maya maya ay unti-unti na siyang nanghina.

“Paano pa ako makapagsimula ng bagong buhay, Archie? Anong mukha pa ang ihaharap ko sa mga magulang ko?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status