Share

Kabanata 27.1

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2025-10-04 09:50:09

Tulalang naglalakad si Kayla papuntang Pediactric ICU para tingnan ang mga pasyente niya dun. Nang makapasok na siya sa pintuan ay inalis niya na sa isipan niya ang mga nangyari sa kaniya kahapon.

“Good morning doc,” bati sa kaniya ng mga nakaduty na nurse.

“Good morning.” Balik niyang bati saka nginitian ang mga ito. Binuksan niya na ang mga record ng mga pasyente niya. Tiningnan niya ang ventilator ng mga ito. Napansin niyang bumaba na ang settings ng ventilator ng isa niyang pasyente.

“Kailan pa binabaan ang settings ng ventilator ni baby Kate?” tanong niya dahil hindi naman siya ang gumawa nun.

“Bago doc nag-out si Doc Rommel kanina. Pinapractice niya kung kakayanin na ni baby Kate, okay naman siya doc. Wala namang nangyari, normal din ang mga vital sign niya.” sagot ng nurse na siyang nagbabantay kay baby Kate. Napangiti naman si Kayla.

“Very good baby, galingan mo pa ha? Para mabawasan na ang nararamdaman ng mga magulang mo. Mag-iisang taon ka na dito sa hospital kasama namin. W
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Chasing My Beautiful Doctor   Kabanata 38.2

    “Tara na po ma’am.” Wika ni John lee. Sinamaan naman ito ni Camille ng tingin. Hindi na lang pinansin ni John lee dahil sanay na siya sa mga masusungit na babae. Kinuha niya na ang company car saka pinuntahan si Camille na nasa harap na ng kompanya.Tinahak naman na ni Owen ang daan patungong hospital. Napapatingin siya sa oras dahil naipit siya sa traffic. Binibilang niya na kaagad kung anong oras siya makakarating ng hospital at dahil inabala siya ni Camille, male-late siya ng sampung minuto. Tinawagan niya na ang number ni Kayla para masabihan ito.“Hello? Nasa baba ka na kaagad?” tanong ni Kayla.“Wala pa, kalalabas ko lang ng kompanya. Male-late ako ng 10 minutes, hintayin mo na lang ako.” Wika niya.“Sige, wala namang problema. Huwag kang magmadali, hindi

  • Chasing My Beautiful Doctor   Kabanata 38.1

    Nakangiting nakatingin si Owen sa cellphone niya dahil nagpapalitan sila ng message ni Kayla. Napapatingin naman na sa kaniya ang mga kasama niya dahil nasa kalagitnaan sila ng meeting.Tumikhim si John lee para agawin ang atensyon ng Boss niya. Napatingin naman sa kanila si Owen. Nang marealize ni Owen na nadidistract siya sa meeting ay napatikhim siya. Ibinulsa niya na ang cellphone niya saka itinuon ang atensyon sa harap.“Continue,” seryosong wika ni Owen sa mga empleyado niyang nagpepresent ng mga proposal nila. Ramdam ni Owen ang pagvibrate ng cellphone niya, ibig sabihin may reply na ni Kayla. Tiningnan na muna ni Owen ang mga kasama niya sa loob ng conference room. Nang makita niyang nakatutok naman ang atensyon ng mga ito sa harap ay palihim niyang kinuha ang cellphone niya saka nagreply habang nasa ilalim ng lamesa ang mga kamay niya at ang cellphone.

  • Chasing My Beautiful Doctor   Kabanata 37.2

    Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa hospital. Sa admission area niya ibinaba si Kayla dahil dun naman palaging pumapasok si Kayla.“Thank you, mag-iingat ka sa pagdadrive.” Ani ni Kayla saka siya bumaba. Sinundan ni Owen ng tingin si Kayla hanggang sa makapasok na ito sa admission area. Umalis naman na rin siya kaagad dahil may mga sasakyan pa sa unahan niya.Nang maramdaman ni Kayla ang presensya ng hospital naramdaman niya na naman ang lungkot. Naalala niya na naman ang nangyari kay Kate. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya hanggang sa makarating siya sa office nila. Naghihintay naman sa kaniya si Jane at si Mylene.“Kumusta ka na?” nag-aalalang tanong ni Jane sa kaniya. Tipid namang ngumiti si Kayla.“Okay na ako. Pasensya ka na sa nangyari ka

  • Chasing My Beautiful Doctor   Kabanata 37.1

    Maaga pa lang ay pumunta na si Owen sa condo ni Kayla. Kumatok na siya ng ilang beses pero wala pa ring sumasagot. Iniisip niya na lang na baka naliligo pa si Kayla kaya naghintay na lang siya sa labas ng pintuan ni Kayla. May dala-dala na naman siyang pagkain na maaga niyang niluto para sigurado siyang makakakain muna si Kayla bago ito pumasok sa trabaho.Makalipas ang ilang minuto ay kumatok ulit siya pero wala pa rings umasagot. Naghintay siya ng kalahating oras sa labas ng condo ni Kayla. Idinikit niya ang tenga niya sa pintuan, sinusubukan na may marinig mula sa loob pero wala siyang marinig. Muli siyang kumatok hanggang sa pinagbuksan na siya ni Kayla.“Ang aga mo yata.” Nagtatakang saad ni Kayla. Pinapasok niya naman na si Owen.“Nagdala ako ng pagkain mo. Kumain ka muna bago pumasok. Kumusta na pakiramdam mo? Okay ka na

  • Chasing My Beautiful Doctor   Kabanata 36.2

    Ramdam pa rin niyang tila may nakabara sa dibdib niya. Kung makakamove on man siya sa paglipas na lang yun ng panahon. Ayaw niya sanang naaattach sa mga pasyente niya para hindi siya masyadong masaktan kung sakaling may mangyari sa mga ito pero hindi niya maiwasan dahil umaga at hapon niya namang binibisita ang mga ito. Nakasanayan na rin nilang kausapin ang mga pasyente nila para hindi matakot ang mga ito sa kanila lalo na kapag kailangan silang turukan o bigyan ng gamot.“Sigurado ka bang magiging maayos ka lang dito kapag iniwan kita?” wika ni Owen habang kumakain pa rin sila.“Oo naman, huwag kang mag-alala hindi na ako iiyak. Kita mo naman sigurong pagod na ang mga mata ko saka inaantok na rin ako.” Sagot niya. Nakangiti man ito pero ang mga mata niya punong puno pa rin ng lungkot.“Sasamahan kita hanggang sa makatulog ka. Kapag tulog ka na saka ako aalis para makasiguro akong tulog ka na.” tipid na ngumiti si Kayla saka tumango. Ayaw niya ng makipagtalo pa dahil pagod na siya.“

  • Chasing My Beautiful Doctor   Kabanata 36.1

    Sinamahan na muna ni Owen si Kayla sa condo nito. Tulala pa ring nakaupo si Kayla sa sofa. Iniwan naman na muna ni Owen si Kayla sa sala para makapagluto siya ng kakainin nila sa dinner. Habang naghihintay siya na kumulo ang niluluto niya ay sinilip niya si Kayla sa sala. Nakahiga naman na ito sa sofa at tila natutulog na. Napapabuntong hininga na lang si Owen dahil paniguradong napagod sa kakaiyak si Kayla. Nanguha siya ng blanket para ikumot kay Kayla dahil malamig ang ibinubuga ng aircon.Hinanap ni Owen ang remote ng aircon at pinahinaan na muna ito. Hinayaan niyang matulog muna si Kayla para makapagpahinga. Bumalik na siya sa kusina para ituloy ang pagluluto niya. Dinagdagan niya na rin ang putaheng niluluto niya dahil naniniwala pa rin siyang food is the best medicine for someone who is angry and tired.Makalipas ang isang oras ay natapos na siyang magluto. Nilinis niya naman na ang kusina at sink na ginamit niya para malinis ito bago sila kumain. Nang matapos siyang maglinis ay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status