ALIYAH'S POV
Panay ang tingin ko sa calling card na binigay sa 'kin ni Reid kagabi. Ilang beses ko ding inirapan 'yon, pilit tinatago ang interes na tawagan siya at yayaing mag-lunch.
If I call him now, that would only show that I am just one of the girls who can't resist him. Baka isipin pa ng walang hiyang iyon na mabilis lumipas ang galit ko. Well, lipas na talaga ang galit ko. The fact that he visited me here last night and apologized to me, that's an enough reason for me to forgive him. I just didn't like it when he speaks with full of arrogance.
I sighed heavily. Hinawakan ko ang sintido ko at bahagyang hinilot 'yon. I am just twenty-two, but this fixed marriage and my soon-to-be husband are both giving me headaches!
Ni wala pa ngang detalye na binibigay sa akin ang mga magulang ko. Kung kailan ang official announcement ng engagement. Kung kailan ang kasal. Kung tuloy ba ang kasal na 'yon, o umatras na ba si Reid dahil nakapagtanto niyang hindi kami bagay?
I cringed at my last thought. Noong una ay medyo interesado pa ako ng lubos sa kanya dahil challenging ang dating niya sa 'kin, ngayon naman ay interesado ako sa kanya dahil gusto ko siyang matauhan sa pagiging arogante niya. He's full of himself. Pakirandam niya ay isa siyang hari na hahabul-habulin ko. I'd like to see him being humbled because that's all he can do. Kung paano ay hindi ko pa alam.
* * *
Humagalpak ng tawa si Sydney nang ikwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Reid kahapon sa office niya. My face heated in shame. I was telling her what happened so I can get her sympathy but she ended up laughing at my story.
Sumimangot ako at nagsisi. I didn't like it when she's making fun of me. Kapag naaalala ko ang nangyari kahapon. Ang pagkapahiya at galit ko, sumasama pa din ang loob ko.
She sipped on her coffee and tried to control her amusement. Tumikhim ito at pilit na pinigil ang pagtawa.
"Walang nakakatawa, Sydney." inirapan ko ito at ininuman ang aking frappe.
"Sorry, Ali!" ngumisi siya at umiling. "Hindi lang ako makapaniwala na nangyari 'yon. I mean, I would understand if his secretary doesn't know the situation. Pero pati si Reid, hindi alam na may fiancée siya? That's weird! Baka sinadya niya 'yon!"
That's exactly what I've been thinking about. Pakirandam ko tuloy, hindi ako importante at isa lang laruan na magpapalago ng negosyo ng pamilya ni Reid. Pero, nag-sorry siya kagabi... He admitted that he forgot...
I don't even know if he's really telling the truth.
I shook my head. "Mukhang sasakit lang ang ulo ko sa lalaking 'yon. He isn't really nice like what I thought."
Sydney looked at me as if she's trying to read through my head. Naningkit ang mga mata niya habang pinag-aaralan ang emosyon sa mukha ko.
"Hindi naman lahat ng lalaki, makukuha mo agad ang ugali sa isang titig lang, Ali. He may be handsome and has an angelic face but you'll know his attitude once you see him twice or multiple times. Kung ako sa'yo, tatawagan ko siya at makikipag-date, just to test if he's just enough to be my husband. Alam mo 'yon? Kahit walang pagmamahal basta pareho kayo ng iniisip o nagkakasundo sa mga bagay, pwede na 'yon para matagalan niyo ang isa't-isa bilang mag-asawa."
Syd is probably right. Kinuha ko sa wallet ko ang calling card na binigay sa akin ni Reid.
I'm giving him the benefit of the doubt. What if he's just really arrogant because he doesn't know me yet? What if he's really a kind-hearted guy if I just get to know him more? Baka naman mabuti talaga siya at bunga lang ng sawing pag-ibig kaya gano'n kabastos ang ugali niya pagdating sa 'kin.
"Call him!" utos ni Sydney sa 'kin.
"Don't you think it's too fast if I'd call him now? Wala pang bente-kwatro oras nang mag-away kami, Syd..." I told her.
I just want to at least lie-low for forty-eight hours. Para lang hindi niya isiping naghahabol ako sa kanya. Ang hambog na 'yon, baka tumaas na naman ang pagiging proud sa sarili kapag tinawagan ko agad!
"You shouldn't be wasting time, Ali. Sa bawat oras na pinapalipas mo, nakakapag-isip si Reid. Hindi ka ba natatakot na baka magbago ang isip niya?"
Umiling ako. That's his decision to make. Basta ako, mahal ko ang pride ko!
Naningkit na naman ang mga mata ni Syd. "E, ang parents mo? Do you think they would accept it if Reid refuse to marry you?"
Natauhan ako sa sinabi ni Sydney. Umayos ako ng upo. Isipin ko palang ang pagkabigo sa mga mukha ng mga magulang ko ay nababarag na ang puso ko.
"See? Alam ko namang gusto mo talaga silang sundin. Ikaw na din ang nagsabi sa 'kin dati na alam mo na ang kapalarang binigay sa'yo ng parents mo. We both know how much they want this marriage to push through. And they would be disappointed if Reid will refuse just because you love your pride that much," she added.
"So, are you saying that I have to make a fast move on him? Hindi ba ako magmumukhang desperada non?" I asked her.
She smirked at me, crossing her arms against her chest.
"Ali, ang mga magulang mo ang desperada. Hindi ikaw. 'Yon lang ang isipin mo..." makahulugan niyang sabi.
My forehead creased. Minsan talaga, masakit din magsalita 'tong kaibigan ko. She's right, though. I am not that desperate. Ang mga magulang ko lang talaga...
* * *
Nag-dadrive na ako pabalik ng bahay. After meeting Sydney at our usual place, kahit papaano ay gumaan ang loob ko.
She's totally right. I should not waste my time spoiling my pride. Kailangan kong gumawa ng aksyon para maging maayos kami ni Reid. That's the least thing I can do so that even without love, our marriage will still last.
Iniisip ko lang kung anong mga aksyon ang dapat kong gawin. I was consumed by the thoughts of chasing Reid Alvedo discreetly and making him chase me desperately, when I accidently bumped into the car in front of me.
My lips ran dry. Biglang nanglamig ang buong katawan ko sa bilis ng pangyayari. Magkadikit na ang harap at likod ng mga kotse namin. Mula sa kinauupuan ko ay kita ko kung paano umusok ang likuran ng kotse sa harap ko.
Lumabas ang isang lalaking bigotilyo sa kotseng nabangga ko. Kita ko ang galit sa mukha niya habang palapit siya sa kotse ko.
Nanginginig ang mga kamay ko. Halos mapapitlag ako nang katukin nito ang bintana ng kotse ko.
"Lumabas ka! Tang-ina! Labas diyan!" sabi ng galit niyang boses sa maliit na tono dahil siguro nasa loob ako ng kotse.
Sa sobrang takot, ayokong lumabas. May mga taong tumitingin sa nangyari at may mga kotse ding walang tigil sa pag-iingay dahil nakakaabala na kami sa daan.
Shit.
What should I do?
My parents will kill me if I'd tell them what happened and make them come here to save me! I shook my head. Takot akong malagay sa kahihiyan ang parents ko!
Nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko sa purse at ang calling card ni Reid sa wallet. Without even thinking a single second, I dialed his phone number immediately hoping that he would answer and save me from this mess.
"Please answer my call..." bulong ko, habang nakatingin sa malaking kamay na paulit ulit na kinakatok ang bintana ng kotse ko.
"Hello?" a baritone answered.
Finally!
"R-reid... This is A-Aliyah..." panimula ko sa nanginginig na boses. "I... I n-need help..." hindi ko napigilan ang pag-iyak. "P-please..."
"What happened, Aliyah?" his tone was cold and curious.
"N-na... nakabangga ako... p-please... help me..." hindi ko na napigilan ang paghagulgol lalo na nang mamataan ang mga pulis na palapit sa amin.
"Where are you?" now his tone sounded aggressive.
Sinabi ko sa kanya kung saang highway ako naroon. Naririnig ko ang malalalim na paghinga niya sa kabilang linya. Pakirandam ko ay mali ang ginawa kong pagtawag sa kanya. But I have no choice! My parents will kill me if they know about this!
Reid can just kill me after cleaning this mess!
"Stay inside your car. I'll be there in fifteen minutes." Utos niya sa akin.
"Reid, galit na galit 'yong may-ari ng nabangga ko. Natatakot ako..." humikbi ako. "Mababasag na 'ata ang bintana ng kotse ko... M-may mga pulis na din!"
Nagpakawala siya ng malutong na mura.
"Huwag kang lalabas ng kotse. Ako na ang bahala. I'm on my way," aniya.
"O-okay..."
He ended the call. Probably he's really on his way to save me.
"Lumabas ka diyan! Walang hiya!" galit na galit na sabi ng lalaking may-ari ng kotse at ngayo'y inawat na ng mga pulis.
Isang pulis ang kumatok sa bintana ng kotse ko. I am totally in fear when he asked me to go out and show myself to them. Umiling ako at yumuko. I am crying endlessly because of this mess I created.
Wala pang sampung minuto ay tumigil ang mga pagkatok. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Reid na nakikipag-usap sa mga pulis at sa lalaking nakabanggaan ko.
Nakahinga ako ng maluwag. Nanginginig ang labi ko habang pinapanood ang pakikipag-usap niya sa mga pulis. He remained calm even when the owner of the car I bumped into is throwing a fit.
Lumapit si Reid sa kotse ko at kinatok ang bintana. Binaba ko 'yon para makausap niya ako ng maayos. I am still crying when he looked at me.
"We'll fix this mess but we should come with them at a police station." ani Reid sa kalmadong tono.
I shook my head. "Ayokong makulong..."
"Ofcourse, I won't let it happen, Aliyah. Trust me. Halika." hinawakan niya ang pinto at hinihintay akong bumaba.
I am really hesitant to go out knowing there are three policemen waiting for me...
"Aliyah, don't worry. I won't let you get jailed. You have my word."
Should I really trust Reid Alvedo?
REID'S POV"Please, Reid. Mahal ko si Skylus... I can't lose him like this... Palayain mo na ako... S-sa kanya ako sasama..." umiiyak niyang pakiusap sa akin.Tang-ina. Para akong pinipiga nang paulit-ulit. Sa bawat luha niya, nadudurog ako. Sa bawat pagmamakaawa niyang palayain ko siya, halos mamatay ako. Bakit? Ano'ng wala sa akin na mayroon ang lalaking 'yon? Bakit ako ang dapat na iwan?Ano ba ang kulang sa akin?"You're so heartless, Cassandra..." tanging nasabi ko at binitiwan ang kamay niya.Hirap na hirap akong huminga. Parang sasabog ang puso ko sa pagkabigo. Ano'ng ginawa kong mali para masaktan ng ganito?Nagmahal lang naman ako ng sobra."I'm sorry... I'm so sorry, Reid..." I heard her saying it repeatedly.Tinalikuran ko ang babaeng naging mundo ko. Kung alam lang niya kung paano ako nabuhay sa pangarap na kasama siya. Kung paano ko inasam ang gumising sa bawat araw na siya ang kasama. Kung paano ko ipinangako sa sarili ko na siya lang ang mamahalin ko hanggang sa huli ko
ALIYAH'S POVTanghali na nang magising ako kinabukasan. I shifted my position and noticed that Reid isn't on my bed. Aga naman nagising no'n! I inhaled heavily as I remembered the passionate kisses we've shared last night. Ni hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko. What happened last night was very intimate...Reid is truly righteous and gentleman. Alam kong bilang isang lalaki ay may pangangailangan rin siya pero nagagawa niyang magtiis at maghintay. I even tried seducing him last night so we can proceed with the most exciting part, kaya lang ay mission failed naman ako dahil nagpipigil siya ng sarili.Sana ako rin marunong magpigil... Umiling na lamang ako at tinabunan ng unan ang mukha. Why... why do I feel so lustful?I got off from bed and noticed a note on my side table. Dinampot ko iyon dahil sulat kamay ni Reid ang naroon.Good afternoon, love. We'll do island hopping and attend a colleague's beach party on a private island afterwards. Pack your bag. I'll wait for you in the yach
ALIYAH'S POVNaging busy kaming lahat kinabukasan. Birthday ni lola Helga at maraming mga bisita ang dumating- karamihan ay ang mga matalik niyang kaibigan, mga dating katrabaho, kaklase pati ang mga malalapit niyang kakilala sa Tagbilaran at Panglao.Ang selebrasyon ay dinaos sa mansyon. Bawat sulok ay may mga bisita at masayang binabati si lola Helga. Mas lalo pa itong natuwa nang tumawag sila Mama at Papa para batiin siya."Happy birthday, lola!" I greeted her happily and then hugged her tight."Thank you, hija!" aniya sa masayang tono at hinalikan ako sa pisngi."Nasa kwarto niyo po ang mga regalo ko." Saad ko nang kumalas ako sa kanya. "I hope magustuhan niyo.""Naku, nag-abala ka pa! Sapat nang nandito kayo ni Reid, apo. Masayang masaya talaga ako ngayon!""Happy birthday po, lola Helga." Bati rin sa kanya ni Reid at hinalikan ito sa noo. Inabot nito ang isang bouquet ng pulang roses kay lola.Halos maantig ang puso ni lola Helga dahil sa mga bulaklak na 'yon. Inamoy pa niya ang
ALIYAH'S POVMataas na ang sikat ng araw nang makarating kami ni Reid sa Tagbilaran airport. Sinuot ko ang aviator at nilingon ang boyfriend kong busy sa paghila ng mga maleta namin."Are you okay?" I asked him as he seems very annoyed.Namumula ang kutis nito at may kaunting pawis dahil sa init. Sa likod ng aviator nito ay alam kong nakakunot na ang kanyang noo."Do you have to bring your whole closet? Parang wala ka ng balak bumalik ng Maynila." Iritado nitong wika.Awtomatiko naman akong napatingin sa dalawang naglalakihang maleta na dala ko. I mean dala niya... Kaya siguro iritable dahil siya ang naghihila ng lahat ng maleta namin. I pouted my lips, pinipigilan ang pilyang ngiti dahil baka mas lalo siyang mairita sa akin."I brought so many things for Lola Helga. I'm sorry, love!" wika ko sa malambing na tono. Inangat ko ang kamay ko para hawiin ang haplusin ang kanyang buhok. "Don't worry, parating naman na ang sundo natin. Huwag ka na sumimangot!"Umismid lamang ito at hinila na
ALIYAH'S POVMadalas ang naging paglabas namin ni Reid. Simula nang ibigay ng mga magulang ko ang blessing nila, ginamit namin 'yon bilang pagkakataon para mapunan ang mga pagkukulang namin sa isa't-isa. We only hoped to be a normal couple just like the others, kaya naman iyon ang ginawa namin ni Reid.Watching movies, star gazing, going on a date in a broad daylight, shopping, going to amusement park for fun, joy ride at night, dancing at the bar, staying at home and watching old animes... That became our thing. Hindi ako makapaniwala na ang mga simpleng bagay na katulad ng mga 'yon ay masarap palang gawin lalo na't si Reid ang kasama ko.I feel so complete. Having Reid and fighting for him was the best decision I've ever made. Kung hindi ko ginawa 'yon at hinayaan ang sarili kong kainin ng kalungkot dahil sa nakaraan namin, sa tingin ko'y hindi ako magiging masaya ng ganito.It was all worth it."Masaya ako na maayos na ang lahat sa relasyon niyo, Ali. Natapos na rin ang kalbaryo ni
ALIYAH'S POVParang panaginip. Iyon lamang ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala na tinanggap na ng mga magulang ko ang relasyon namin ni Reid. Dahil ba 'yon sa mga nasabi ko kagabi? O dahil napagtanto nila na malinis talaga ang intension sa akin ni Reid?Kahit ano pa man ang dahilan, masasabi ko na nakahinga na ako ng maluwag. My heart doesn't feel the thorns anymore and I can breathe properly knowing my parents just gave us the blessing we need. It made me happy. They surely made me the happiest."Are you okay, Al?" mahinahong tanong sa akin ni Reid nang maiwan kami sa kanyang opisina.He explained that he went to a meeting with his secretary around seven in the morning reason why he wasn't able to call me, and I already forgave him for that knowing the nature of this business. Meetings at the most unexpected times can be done without my knowledge.Naupo ako sa couch na nasa harapan ng malawak niyang office table. I licked my lips and breathed out as I am still t
ALIYAH'S POVMatayog ang sikat ng araw nang unti-unti kong imulat ang mga mata ko. My eyes are too heavy that opening them feels difficult. Ramdam ko ang mga munting mga sinag ng araw sa mga ito kaya't umikot ako ng posisyon."Ouch..." I groaned as I felt the throbbing pain in my head. Kumurap-kurap pa ako at saka hinawakan ang ulo ko.What the hell, Aliyah? Umayos ako ng higa at tulalang tinignan ang kulay asul na kisame. In just a few seconds, the vivid scenes of what happened last night rewinded in my memory.Napangiwi ako nang maalala ang mga salitang binitiwan ko kay Papa. Hanggang ngayon ay para bang naririnig ko ang madidiin at galit niyang panghahamak kay Reid. Naalala ko rin ang mukha ng lalaking mahal ko. I inhaled sharply and feel bad. He didn't deserve all the insults from my father. He wasn't the one at fault when his intention was only to keep me safe.Bumuntong hininga ako at pilit na bumangon mula sa pagkakahiga. I bet my parents are fuming mad because of how I acted l
ALIYAH'S POVParang papanawan ako ng ulirat sa kasalukuyang nangyayari. Halos mawala rin ang pagkalasing ko. Kahit ramdam ang hilo't kagustuhang dumuwal, pinilit kong gisingin ang sarili ko.Sino ba namang hindi mahihismasmasan kung nasa gitna ka ng dalawang lalaking importante sa buhay mo? Nakaupo ako sa gitnang sofa samantalang nasa kaliwa ko naman si Reid, habang si Papa ay nasa kanan.Silence engulfed us. I couldn't even utter a single word because of the intense fear inside my chest. Kumakalabog ang puso ko. My father is obviously angry. Malamang ay dahil sa pagkikita namin ni Reid taliwas sa gusto niya.He made a rule that Reid and I can only meet once a month. That absurd rule, really. Alam ko naman... Ginawa niya iyon para kami mismo ang sumuko sa isa't-isa."Papa, it's getting late. Reid needs to—""I am very disappointed," matabang na saad ni Papa. Bumaling ang malalamig niyang mga mata sa akin at pagkatapos ay lumipat ang mga ito kay Reid.Suminghap ako, hindi makapaniwala
ALIYAH'S POVStrube lights and an earhammer music embraced my senses as we entered the bar. Nagulat ako nang itaas ni Sydney ang dalawa niyang kamay at nagsimulang sumayaw habang nakikisalo sa indak ng mga tao sa dancefloor. She looks very wild and carefree. Nagningning ang kanyang spaghetti strap na fitted dress na halos yakapin ng husto ang katawan niya. Dahil pinaghalong neon green at pink ang kulay ng kanyang suot at sa husay niya sa pagsayaw ay nakuha agad niya ang atensyon ng mga tao roon."Hindi pa 'yan lasing, ah..." naiiling kong wika kay Kaira.She glared at me and smiled, "Hayaan natin siya. She needs to loosen up a bit. She's really pressured because of Seiji."I nodded. Kung ang ibang babae ay pangarap na makasal, si Sydney naman ay hindi. Yes, she joked about wanting to have a baby but she's more obsessed with her dreams. Alam ko kung gaano katayog ang pangarap niyang maging kilalang pintor. Perhaps she's confused as to what should be her top priority— to settle down whi