Share

Chapter 5

Author: Madam Ursula
last update Last Updated: 2024-10-09 01:14:26

Napalingon si Nicolas sa bahay ng dalaga, hanggang ngayon ay hindi niya maisip kung bakit ganun na lamang ang inis ni Kaye sa kanya. Hindi naman niya masabing nakalimutan na siya nito, dahil ng unang araw na dumating siya mula sa Amerika ay nagkasalubong pa sila at binati pa niya ito at tumango ito.

Inaamin niyang ibang iba na ang Kaye na nakita niya mula ng magbalik mula sa Amerika kesa sa Kaye na kababata niya. Siya man ay malaki ang pinag iba lalo na sa ugali. Naging malaking dagok kase sa kanya ang pagkamatay ng totoong ina at ang dagok na dumating sa buhay niya noong graduation niya ng high school.

Miss na niya si YeYe, yung dating yeye hindi naman niya itinatanggi na nakakabighani ang bagong yeye pero ang poot sa mga mata nito ay kinakatakutan ni Nicolas. at gusto niyang malaman kung bakit.

Aminado naman si Nicolas na kasunduan lamang ang kasal mula sa kanyang ama at sa sa ama ni Kaye at may mabigat na dahilan iyon na hindi niya maaaring tanggihan pero napapaloob sa kasunduan na iyon ay ang kagustuhan niyang tuparin rin ang isang pangako. Pangako ng batang puso niya na nakalimutan niya dahil sa dagok sa buha niya noon.

Pagdating sa mansion ng mga Buencamino ay hinarap ni Nicolas ang sariling mundo at sariling problema. Noon pa man ay nagtataka na si Nicolas kung bakit iba ang kulay niya sa mga kapatid, kaya ng malama ang dahilan ay saka niya naintindihan kung bakit kinasusukalam siya ng ikalawang kapatid na si Nigel.

Anak kase siya sa labas yun nga lamang unang babae ng kanyang ama ang kanyang ina at ayun sa nasagap niya ang kanyang ina ang talagang mahal ng kanyang ama kaya hindi naman nakapalag ang ina ni Nigel. Nang pumanaw ang knayang totoong Ina, ay iniwan sa kanya ang lahat ng ari-arian nito sa Maynila kaya ang kayamanan ni Nicolas ay domoble at ikinaiingit iyon ni Nigel.

May malaking sekreto sa pagitan ng ama ni Nicolas at sa ama ni Kaye at ang ina ni Nicolas ang may kasalanan kaya kinausap siya ng amasi Nicolas na pakasalan si Yeye upang makabawi. Sa paliwanag ng kanyang ama ay sumanggayon si Nicolas dahil sa palagay nga niya yun ang makabubuti bukod pa sa okay naman sa kanyang pakasalan ang kababata.

Pero hindi niya akalaing magiging ibang scenario ang dadatnan ng umuwi siya ng matapos ang sampong taon. Bago makatulog ay ipinangako ng binata na gagawa ng paraan para makapagusap sila ni Kaye at malinawan ang lahat.

Dalawang araw na hindi nakadalaw si Nicolas sa dalaga dahil sa suliranin sa ngodyo ng kanyang ama at sa hidwaan nila ni Nigel. Inayos muna niya ito at tonulugnan ang ama na halos hindi na alamkung paano paliwanagan ang kapatid.

Samantala…

Laking ginhawa naman ni Kaye na walang kumakatok sa bahay nila ng dalos magkasunod na gabi. Ipinangpasalamat niyang walang sira ulong nakakagigil kapag nakangiti ang mangungulit sa kanya ngayon. Pero ang antok at tulog ay naging sumail kay Kaye ng mga sandaling iyon at nabubuwisit siyang tila apekatado siya ng hindi pagpapakita ng binata.

Sa ikatlong araw ay naging abala si Kaye dahil sa pagiging aktibo ng mga Kabataan sa darating na fiesta ng kanilang lugar. Tuwing sasapit ang kapistahan ay ang grupo ng kabataang kinabibilangan ni Kaye ay nagungumbida ng mga Kabataang babae at lalaki sa ibat ibang baryo para dayuhin ang kanilang Sayawan sa plaza.

May bayad ang lalaki sa entrance mura lang naman para lamang ito sa proyekto ng mga Kabataan. Kapag pumasok ka sa loob ng bulwagan ay maaai mong isayaw ang lahat ng babaeng iyong maibigan. May table din at may inumin yun nga lamang may bayad din VIP ang tawag doon at maaari mo ring imbitahin ang babaeng nais mong makasama sa table pero magbabayad ka ng VIP sa entrance.

Nang sumapit an gabi ng kapistahan, matapos maayos ang bulwagan ay nagkanya kanyang uwi na ang mga kabataang nagasikaso at kasama roon si Kaye. Umuwi ang dalaga para gumayak.Naantala ang dalaga na makabalik dahil sa inasikaso pa nito ang ama dahil lasing na naman ito at nahatak daw ni ka Upeng sa kawayanan para maginom.

Pusturado si Kaye, nagsuot siya ng off shoulder na blouse na medyo expose ng konti ang kanyang magandang cleavage. Hindi naman siya pinagpala sa dibidb normal lang sapat lang na may butas labasan ng gatas ng ina pero dahil sa makabagong desinyo ng bra ay naiipit ang kanyang taba at nagmumukha din namang may ibubuga.

Nang maalala ang kawalan niya ng masaganang dibdib ay may nanumbalik na poot sa puso ni Kaye pero ipinilig ng dalaga ang sariling ulo at muling nagpatuloy sa paglalakad. Simple lamang ang gayak niya. Naka tight jeans lamang siya at doon siya bumawi, hindi man siya pinagpala sa dibdib mala Jenifer Lopes naman ang puwet at balakang niya kaya ang pagsusuot ng tight Jeans ay lalong nagpalabas ng alindog niya lalo pa at balingkinitan ang kanyang bewang.

Hindi siya nagbistida dahil wala mana siyang balak umupo sa long chair kung saan naroroon ang mga dalagang maaring isayaw. Ang plano niya ay sa entrance table uupo o kaya ay magaasikaso ng sound system pero dahil late na nga siya nakabalik ay may tao na sa entrance.

“Kaye pwede paasikaso ng mga inumin noong mga kumuha ng VIP table” utos ng pinakaleader ng Sangguniang Kabataan. Kakamot kamot si Kaye na napilitang pumasok sa loob ng bulwagan.Umikot ang mga mata ni kaye sa loob at nakita ang mga babaeng nakahilera sa mahabang upuan.

Halos mapaantanda si Kaye ng makitang ang ilan dito ay halos kakaregla pa lang. Biglang naalala ni Kaye ang kanyang Kabataan. Napangiti ang dalaga minsan din siyang naging hangal pero ng maalala ang sanhi ng kahangalang iyon ay napasimagot si Kaye. Sa isang table na nadaan ni Kaye ay may mga dayo na napansin ang dalaga.

“Miss ikaw ang gusto naming kasama sa table maari ba?” Sabi ng lalaking medyo matangkad na nakaupo sa gawing kanan niya.

“Ay mga pogi hindi ako kasama sa mga maisasayaw ayun ang mga pwede” magalang na tanggi ni Kaye sabay turo sa mga babaeng nakaupo sa mahabang upuan.

“So, pili lamang ang dalagang pwedeng isayaw? sabi ninyo noong nag imbita kayo ay lahat ng kadalagahan. I’m sure naman dalaga ka pa miss” Singit ng isa pang medyo chubby na lalaki sa kanyang kaliwa.

Naisip ni Kaye na oo nga nga pala lahat nga pala ng babae lalo pa at nasa VIP ang mga ito. Sasagot na sana si Kaye para sabihng pwede naman pero tatapusin muna niya ang pagseserv ng drinks sa ibang table pero nagulat siya ng may humawak sa bewang niya.

“Guys sorry, pero nakareserve na siya alas singko palang ng hapon. You can check the list mas nauna ako ng magreserve ng table so ako ang unang pipili and i choose her name nakasulat na doon” Sabi ng lalaking biglang humawak sa bewang niya na walang iba kundi si Nicolas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 111 (Final Chapter)

    Tulad ng inaasahan ay nagwala si Sheryl at halos pagmumurahin silang lahat. Sa pagwawala nito ay nahablot pa ng kamay nito ang bestida ni Kaye at kay Kaye, ibinuntong ang lahat ng sama ng loob. "Ikaw talaga ang salot sa buhay ko, ikaw at ikaw ang may gawa ng lahat ng ito. Kung hindi mo inagaw sa akin si Nicolas hindi ako magkakaganito." sabi ni Sheryl habang abala naman si Nicolas at Dex sa pagawat sa babae. Isang malakas na pagtulak ang ginawa ni Kaye saka isang malakling hakbang ang ginawa palapit kay Shery at sinampal ito. "Para yan kay Nigel na ginago mo at sinayang sa maraming taon." sabi ni Kaye at isa pang sampal sa kabilang pisnge ni Sheryl ang pinakawalan pa nito. "At yan naman ay para sa akin na pinahirapan mo at muntikan mo nang inagawan." pagkatapos ay isang malakas na tadyak sa sikmura ang ibinigay ni Kaye sa babae, "Love...." awat ni Nicolas. "Para yan sa walang muwang na pinalaglag mo at sa anak kong kamuntikan ng mawalan ng ama." matapang na sabi in Kaye bago tumal

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 110

    "Ano? Kawawa naman pala si Dex." sabi ni Nigel. "Hinulog niya ang regalo ko, love. Anong kawawa? Ang siraulong yan, bumalik pa siya sa amin para magbihis habang inuutusan ang mga tao sa mansyon na hanapin ang nahulog na regalo. Ang kaso, hindi niya matandaan kung saan."kuwento ni Nicolas. "Hindi na nahanap ang maliit na kahon pero nagpunta pa rin si Dex kahit late na, ang kaso galit ka raw at wala na sa mood kaya pinatapos mo nang maaga ang kasiyahan at umakyat ka na sa kwarto mo. Hindi naman kilala si Dex sa inyo kaya hindi na siya nangahas na kausapin ka. Hindi ka raw lumabas nang mga isang linggo. Wala nang pagkakataon dahil babalik na rin si Dex sa Maynila para sa resulta ng kanyang board exam." paliwanag ni Nicolas. "Ah, ganun ba ang nangyari, anyway salamat pa rin sa effort mo Dex!" sabi ni Kaye. "Love, Attorney Dexter Buencamino Solis ang itawag mo sa kanya. Isang magaling na abogado yan matapos gumapang sa pilapil sa sakahan ninyo." sabi ni Nicolas sabay humagalpak ng

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 109

    "Miss Sheryl, sarili mo ba ang tinutukoy mo?magdahan dahan ka aa binganga mong walang preno. Hindi ito lugar ng mga desperada Baka nakakalimutan mo bisita ka lang sa selebrasyun ng kasal ko." Taas noong sabi ni Bernice. Nagkatingonan sila ni Nigel, ang paghanga sa katatagan ng kanyang asawa ay hindi niya naitago. "Shut up, sino ka ba?Ah nakita na kita, di ba piangsilbihan mi pa ako, isa kang alila sa mansion na ito.Aba..! kita mo nga naman ang linta, nakakapit lang sa mapera, akala mo na ay kung sino ng reyna kung umasta. Hoy, sigurado ka ba pinakasalan ka?o bindyaran ka? uulitin ko sayo mahaderang babae, halos limang taon na naulol sa akin si Nigel, ilang taon akong sinasamba halos gapangin ako kapag katabi ang kuya niya, halos ipagtanggol ako at pagtakpan para lang manatili ako sa tabi niya. Isa kang tanga kung naniniwala kang sa loob lang ng tatlong buwan ay magbabago yun. Huwag kang mangarap baka bigla kang lumagapak." sabi ni Sheryl. Nakita ni Nigel ang pagdaan ng lakaibang sa

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 108

    Patuloy naman na umaagos ang luha ni Kaye at Nicolas habang kinu congratulate ng lahat. Ang sunud-sunod na kaligayan nilang magasawa ay hindi nila maitago ng sandaling iyon. Maging ang kani kanilang ama ay malapad ang ngiti sa mga oras na iyon. Mahaba-haba rin ang panahon na naghirap ang kalooban nilang magasawa pero ngayon ang pinakaligayang araw nila. Halos hindi matapos ang pasasalamat ni Nicolas sa diyos dahil hindi lang nito ibinalik sa piling niya si Kaye kundi may panibagong blessing pa. At isinumpa ni Nicolas , hindi na niya papayagan na mawalay sa kanya ang kanyang magina at lalong hindi papayagan ni Nicolas na maulit sa kapatid niyang si Nigel ang nangyari paghihirap niya noon. Kaya ng huminahon sa kaligayahan ang mga naroroon, senenyasan na ni Nicolas ang kanyang Ama. Tumango naman si Don Alfonso may ngiting malapad sa mukha at naglakad patungo sa gitna ng bulwagan. "Mga mahal kong panauhin sandali lamang...sandali lamang.... Ikinalulungkot kong putulin ang ating kal

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   chapter 107

    Dumating ang araw ng hinihintay ni Sheryl, abala na sa mansion at nagsisimula ng gayakan ang bahaging malapit sa terrace. Nakagayak na rin si Sheryl ng sandaling iyon para sunduin ang kanyang ama, ngayon ang araw na ipinangako sa kanya ni Don Alfonso na i aanunsiyo ang engagement nila ni Nigel sa harap ng kanyang ama. Ang usapan nila ay engagement lang muna pero wais si Sheryl, kukumbinsihin niya ang kanyan Papa na kausapin na si Don Alfonso at itakda agad ang kasal isang linggo mula ngayon.Tiyak na dahil sa pride at prinsipyo hindi makakahindi ang matandang Buencamino lalo na kung may mga taong mahahalagang bisitang makakarinig. Hindi niya nababalitaan na nagpaimbita ang matanda kaya naman palihim na nag imbita si Sheryl na magpunta sa mansion ng mga Buencamino para sa kanilang engmement party sa bunsong anak nito at inimbitahan ang lahat ayon pa sa kanya, kahit hindi naman totoo. Sinabi ng matandang Buencamino na private lamang ang okasyun pero hindi iyon sinunod ni Sheryl. Du

  • Chasing The CEO's Peculiar Wife   Chapter 106

    "Ganito iyon, bukas na bukas din dadalhin namin kayo sa munisipyo at ipapakasal. Pagkatapos, sa Linggo iaanunsyo nating ang kasal ninyo ni Sheryl!" "Papa!" "Paano po iyon? Ikakasal ng dalawang beses si Nigel, pwede ba iyon!" "Oo nga, balae, paano ba iyon?" "Ganito iyon, nakapangako na ako at kapag nalaman ni Sheryl ito ay tiyak na magugulo iyon at iiskandaluhin si Bernice kaya ililihim nating ang kasal ninyo bukas. Pagkatapos ay iaanunsyo ko ang kasal ninyo ni Sheryl ayon sa usapan. Darating sa Linggo ang ama ni Bernice at gusto kong ipahiya silang mag-ama sa araw na iyon pero dapat kunwari ay hindi ko alam na kasal na sila." "Teka, Papa! Parang na-pi-picture ko na ang gusto ninyong mangyari." "Tumpak, iho, iyon nga!" sabi nito kay Nigel. Napadugtong ng yakap si Nigel sa ama. Si Bernice naman ay kay Mang Fidel ang yakap dahil tulad nito, parang ama na rin ang turing nito sa ama ni Kaye. Bumaba sina Bernice at Nigel sa sala, desente na ang suot ng dalawa. Naroon ang mga ito sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status