His Executive Obsession

His Executive Obsession

last updateLast Updated : 2025-08-04
By:  athrunyoeishiOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
21Chapters
403views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Matapos ang isang gabing pagkakamali, sinubukan ni Elara Vance na kalimutan ang nangyari at umusad na lamang sa kanyang buhay ngunit hindi ganun kadali nang magkrus muli ang landas nila ni Felip Saavedra, isang motocross racer at CEO ng kompanya kung saan nagtatrabaho si Elara. Paano niya ngayon makakalimutan ang isang gabi ng pagkakamali kung may bata sa loob ng sinapupunan niya? May pagmamahal nga bang mabubuo o isa lamang itong tawag ng laman sa isang gabing pareho silang nakalimot?

View More

Chapter 1

Prologue

Minsan sa buhay, mapapaisip ka na lang talaga kung tama pa ang ginagawa mo.

Bukod sa pagpasok sa opisina na walang ibang ginawa kundi ang maupo at tumitig sa computer, may Boss ka pang nakakainis at mga katrabaho na feeling tagapagmana.

Nakakapagod di ba?

Hindi ka lang sa trabaho mapapagod kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa'yo at isa rin sa malaking problema ay ang makita mo ang boyfriend mo na may kasamang babae sa condo unit niya.

Hubo't-hubad.

"E-Elara," tawag sa akin ni Vince nang mahuli ko siyang may kasiping na iba at kasalukuyan silang nasa ibabaw ng kama na minsan ko na ring nakita ang sarili ko habang yakap ang lalaking mahal ko ngunit hindi ko inaasahan na magagawa niya sa akin to.

"Kailan pa Vince?" malamig na pakikitungo ang binigay ko sa kanya habang nakatingin sa hubad nilang katawan.

Hindi ako mag-eeskandalo. Pagod na ako sa trabaho, papagurin ko pa ang sarili ko para sabunutan at tadyakan silang pareho? Huwag na lang.

"M-Mali ang iniisip mo, Elara."

Nangunot ang aking noo. "Mali? Sa paanong paraan ba ang dapat kong isipin gayong kita ng dalawa kong mata na wala kayong saplot sa ibabaw ng kama!?"

Tumayo si Vince mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama at hindi alintana ang kahubaran niya sa harapan namin ng babae niya.

Umatras ako dahilan para matigilan si Vince sa paglapit sa akin.

"Elara,"

"Minahal naman kita di ba? Sa loob ng pitong taon, minahal kita. Bakit mo nagawa sa akin to? Ang katawan ko ba ang dahilan dahil hindi ko maibigay sayo kaya naghanap ka ng iba?"

"H-Hindi--"

"Pvtangna, Vince!" sigaw ko sa mismong harapan niya at masama na ang aking tingin dahilan upang mapaatras siya. "Ito ang tandaan mo, maghiwalay na tayong dalawa at ayoko nang makita ang pagmumukha mo!"

"Elara--"

"Nakakadiri ka!"

Marahas ko siyang tinalikuran at mabilis akong naglakad palabas ng kanyang condo. Mabibigat na hakbang ang aking ginawa hanggang sa tuluyan akong makalabas ng Kurusaki Condominium at walang pagdadalawang isip na nagpara ng taxi.

"Manong sa Grind Me Harder po," utos ko sa driver at saka ako sumandal sa upuan dito sa back seat ng sasakyan.

Napahilot na lamang ako sa aking sintido dahil sa loob ng pitong taong pagsasama namin ni Vince, nagawa niya akong lokohin.

Akala ko perpekto na ang relasyon naming dalawa at kasal na lang ang kulang ngunit nagkamali ako.

Huminto ang sinasakyan ko sa harapan mismo ng Grind Me Harder at agad na akong nagbayad at lumabas ng sasakyan. Tinahak ko ang entrance ng nasabing lugar at lumapit ako sa bar counter.

"Two bottles of Whiskey, please. Pakidala na lang sa VIP room under Elara Vance's name," utos ko sa bar tender.

"Right away, Miss."

Agad akong umalis doon at saka naghanap ng VIP room at napili ko ang room 0838 at pabagsak akong naupo sa couch nang makapasok ako.

Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. Imbes na umuwi na lang, narito ako sa bar at magwawaldas ng pera para sa alak.

Makalipas lamang ang ilang minuto, dumating ang order ko at dinagdagan na rin nila ng pulutan kahit hindi naman ako kumuha. Nang makaalis ang waiter, agad kong nilantakan ang bote ng alak at doon na ako mismo uminom.

Nanuot ang init ng alak sa aking lalamunan ngunit wala na akong pakialam doon. Bumalik sa alaala ko noong mga panahong nililigawan pa lang ako ni Vince ngunit isang alaala na lamang 'yon ng kahapon.

Hanggang sa hindi ko namalayang ubos na ang dalawang whiskey na inorder ko, hindi man lang ako tinamaan kaya nagdesisyon akong lumabas ulit at magliwaliw na lang sa dance floor.

Pagkarating ko, marami nang tao at halos mapuno 'yon kaya nakipagsiksikan ako at parang timang na sumayaw sa indayog ng tugtugin nang may matamaan ako.

"Woah, easy there, babe."

Nilingon ko ang taong yumakap sa bewang ko upang mapigilan ang nagbabadyang pagtumba ko ngunit biglang sumikdo ang aking dibdib ng masilayan ko ang gwapong mukha nito.

He's smiling at me.

"You okay?"

Marahan akong umiling. "Paano ba maging okay kung makita mo ang girlfriend mo na may ikinama sa loob ng condo niya?"

Nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Want some company? You can talk to me about that matter if you want,"

"Sige."

Ngunit ang pag-uusap na gusto ko, nauwi sa mainit at bugso ng damdamin nang makabalik ako sa VIP room kasama ang lalaking hindi ko naman kilala.

Nagising na lamang ako sa walang saplot sa ibabaw ng kama at tanging kumot lamang ang tumatabing sa aking harapan katabi ang lalaking hindi ko kilala.

"Ang tanga mo, Elara!" singhal ko sa aking sarili at mabilis na bumangon at nagbihis ng damit ko bago tinungo ang pintuan.

Agad rin akong natigilan at nilingon ang natutulog na lalaki sa ibabaw ng kama ngunit napailing na lang ako at saka tuluyang umalis sa lugar na 'yon.

I ended up my relationship with Vince and I resigned from my work. The worst part is, I didn't expect that a blessing came to me after five months of hiding from everyone.

I am carrying the child of that man I spend my one night of mistake.

And that man is Felip Saavedra.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
yumi
highly recommended
2025-07-27 18:59:09
0
21 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status