Kaagad namutla ang mukha ko nang bumaba sa slacks niyang napunit ko ang tingin ko. Kaagad kong tinanggal ang kamay ko saka do'n ko pa lang nakitang nakasuot siya ng pink na boxer. Nabalik lang ako sa ulirat nang marinig ang tawanan at bulungan ng mga istudyante. Halos lahat sila inaasar si Josh kasi pink ang suot niyang boxer.
Nakagat ko na lang ang labi ko nang maalalang pink nga pala ang favorite color niya. Ngunit bigla ay nakaramdam ako ng inis sa lalaking nasa gilid lang namin nang sabihin niya ang salitang 'bakla.' Mukhang senior namin siya pero wala na akong pakialam.
"It doesn't make him less a guy just because he is wearing a pink boxer. Kaya huwag mo siyang tatawaging bakla. That's not the basis for a person to be called a real man. At hindi mo kina-cool ang pagtawa mo, kuya."
Bawat salita ko ay may diin at halos isigaw ko iyon sa harapan niya. Natigilan naman lahat ng tawanan at bulungan na naririnig ko kanina. Wala na akong ibang marinig kung hindi ang sarili kong hininga.
"What have you done?" pagbasag ng kung sino sa katahimikang namamayani.
Napalingon ako kay Tamara na ngayon ay tumayo sa tabi ni Josh. Mababakas ang galit sa bawat pagpukol niya sa akin ng tingin.
Alam kong concern lang siya kay Josh dahil kaibigan niya ang taong gusto ko. Pero kung susumbatan niya lang ako para magpabida, siguro huwag ngayon.
Balak ko pa sanang isuot kay Josh ang jacket na kinuha ko sa bag ngunit tinampal niya ang kamay ko bago ko pa man iyon maisuot sa kanya. Susubukan ko pa sana ulit pero galit niyang iwinaksi ang kamay kong may hawak ng jacket kaya iyon nahulog sa sahig. Binigyan niya ako ng isang malamig na tingin na nakapagpatayo ng balahibo ko sa batok.
"Stop this nonsense game of yours, Miss Avery."
Tuluyan na siyang naglakad habang may ngiting tagumpay namang pumaskil sa labi ni Tamara saka na siya sumunod kay Josh.
Ito ang unang beses na may gumawa sa akin neto. Si Josh lang ang nagpaparamdam sa akin na para bang wala akong halaga, pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin kayang bitawan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi lang dahil siya ang sumagip sa buhay ko, kung hindi dahil gusto ko na talaga siya.
Tumingala ako para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko. Hindi ang ganitong klase ng treatment niya ang makakapigil sa mas lalong lumalalim kong nararamdaman para sa kanya.
"Tapos na ang palabas. Makakaalis na kayo. Huwag kayong tambay sa hallway!" Rinig kong sigaw ni Dwight bago niya pulutin ang jacket kong nasa sahig. Walang lakas na kinuha ko iyon nang iabot niya iyon sa akin. "I'm sorry."
"You're sorry?" Alam mo ba ang ginawa mo, Dwight?" natawa ako ng pagak. "Hindi ka sa akin dapat humihingi ng pasensiya, Dwight! Dapat kay Josh! Naging katawa-tawa lang naman siya sa harapan ng maraming tao." Pinigilan ko ang sarili kong sigawan siya, pero hindi ata naging sapat iyon para kumalma ako.
"I was just joking, okay? Hindi ko intensiyon na mapahiya siya. Maniwala ka."
Napailing naman ako nang ilibot ko ang kabuuan ng building.
"And do you expect me to believe that? Of course he will be here, Dwight. This building is for department of architect for goodness sake!"
Bumaling akong muli sa kan'ya. "I don't like this joke of yours. This is not funny!"
Naiirita kong hinablot ang diary ko mula sa pagkakahawak niya saka malalaki ang hakbang ko para lang maiwan siya roon mag-isa. Ngunit mukhang wala siyang balak tantanan ako dahil nagpatuloy pa rin siya sa pagbuntot sa akin.
Maya-maya lang ay hinawakan niya ako sa braso saka siya humarang sa dinaraanan ko. "I'm sorry, okay? I'm really sorry, Lex. I just want to get your attention. I want to tease you because this is the only way for you to notice me."
"You already got my attention, Dwight. Hindi lang ako kung hindi pati na rin ang mga istudyanteng nakakita kanina. Siguro naman ay sapat na iyon para tantanan mo na ako."
Iwinaksi ko ang pagkakahawak niya sa braso ko saka siya nilagpasan. Ngunit napahinto rin ako dahil sa sinabi niya.
"I like you... I like you, Euphrasia Lexus. I really like you. I don't know why you're so clueless about my feelings for you but yeah, I really like you. So, please, ako na lang. Akin ka na lang. He can't give back the feelings you have for him. But I can treat you better."
Huminga ako nang malalim bago ako pumihit paharap sa kanya. I don't know what is this for. I don't have a clue for his sudden confession.
"He deserve me, Dwight. You have no rights to say if he can or he cannot reciprocate my feelings. I like him. I can't see myself liking someone rather than him. So, I'm sorry. I can't like you back. Reserve your feelings for someone who can accept that."
"Hayaan mo lang akong gustuhin ka kahit gusto mo pa siya. Kasi katulad mo, hindi ko rin kayang magkagusto sa iba."
Tila naman huminto ang oras sa pagitan naming dalawa. Hindi dahil katulad ng mga korean dramas na may nararamdaman ako sa kanya, kung hindi dahil napagtantanto ko na pareho kaming nakakaawang dalawa. Gusto niya ako pero gusto ko si Josh. Gusto ko si Josh pero hindi ko alam kung gusto niya ba ako. Ngunit hindi iyon magiging sapat na rason para lang magustuhan ko si Dwight. Hindi ko hinabol si Josh at magpunta rito para lang magkagusto sa iba.
"Dwight."
He hushed me by placing his one finger on my lips.
"Hindi mo kailangang pag-isipan, Lex. Hayaan mo lang akong gustuhin ka. Baka sakali lang namang magawa ko siyang mapalitan diyan sa puso mo."
Napailing-iling lang naman ako. Hindi ko alam pero hinayaan ko siyang hawakan ako sa magkabila kong pisngi para mapanatili ako habang pinaglapat niya ang noo naming dalawa.
"I'll accept this rejection but you can't stop me for liking you, Lex. I'll not stop here. I can't!"
Napahiwalay lang kami sa isa't isa nang makarinig ng kaluskos. Sabay kaming napalingon na dalawa sa gulat na hitsura ni Jam.
"You two.. a-are you confessing to each other?"
Naibaling niya bigla sa akin ang tingin. "Bebs, si Dwight na ang gusto mo?"
Mabilis naman akong napailing. "Isang tao lang ang gusto ko, bebs. It's just like.." hirap na hirap akong sambitan ang salitang 'rejection.'
"I confessed but I got rejected."
Halos malaglag naman ang panga ni Jam dahil sa naging pahayag ni Dwight. Wala akong nararamdaman kay Dwight pero hindi ko mapigilang maawa sa kanya. I know that he's a jerk sometimes. But I can feel his sincerity and a little bit of his kindness.
"Dwight. I'm sorry," paghingi ko ng dispensa.
"No! Don't be!"
Pinilit ngumiti ni Dwight pero kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya.
"Parang gusto kong kumain ng popcorn habang pinapanuod kayong dalawa. Para akong nanunuod ng live korean drama," ani bebs na sinabayan pa niya ng pagtawa. Alam kong pilit niya lang pinapagaan ang sitwasyon.
Nagpaalam na kaagad ako kay Dwight saka nagmamadaling pumunta na sa first period namin. Mabuti na lang at wala pa ang prof namin.
Sumaglit akong lumabas sa room para tawagan si dad. Tatlong ring lang ay sinagot niya na rin 'yon.
"Hi, Dad!" kaagad kong bati.
"Sweety. How are you?" Dinig kong sabi niya sa kabilang linya.
"I'm fine, dad. I just want to ask you."
"Okay. What is it?"
"Do you have anything to do with the granted of my scholarship, dad? Be honest, please."
Ilang minuto muna ang dumaan bago ko siya narinig magsalita. "Yes, sweety. I'm sorry I just want to help you. You can't blame me. I –"
Bago pa man matapos ni dad ang sinasabi niya ay ibinaba ko na ang tawag.
That's it! I already got the answer that I want. I don't want to be rude. Alam kong hindi nila ako pababayaan ni mom. But I want to prove a thing. I don't want to depend myself to them for a long time.
Napahugot na lang ako nang malalim na hininga nang mapagtantong masyadong maraming nangyari sa araw na 'to. First, the granted of my scholarship na nalaman kong may kinalaman pala si dad.
Second, iyong encounter na nangyari sa building ng mga architect. I don't know how to face him after that incident. Alam kong galit siya sa akin. Ngunit hindi iyon sapat na rason para kalimutan ko na kung ano ang nararamdaman ko para sa kan'ya.
Lastly, Dwight's sudden confession and my rejection.
JOSH SIDE STORYBakas ang inis sa mukha ko dahil sa ipinapagawa ni Kuya Lay."Sige na. Iaabot mo lang naman 'to kay Rosie."Si Rosie ang girlfriend ni Kuya Lay. Sa isang private school nag-aaral ang babae. Kumbaga, their relationship is between public and private school.Nag-away kasi ang dalawa kaya ako ang gustong maging tulay ng mokong na 'to. Kagaguhan ba naman kasi niya. Nalaman kasi ni Rosie na may iba siyang kasama kahapon. Kahapon pala dapat ang monthsary nila. Kaya tuloy ngayon ay ayaw makita ni Rosie maski ni anino niya.Sa huli ay wala rin naman na akong nagawa. Sakay ng sarili kong motor ay pinuntahan ko ang school ni Rosie. Maya-maya pa iyon lalabas kaya naghintay pa ako ng ilang oras. Para hindi mabagot ay inabala ko ang sarili sa paglalaro ng mobile games na kinaaadikan ng mga kaklase ko.Maya-maya lang ay tila may magnet na humihila sa mga mata ko
Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatayo rito sa harapan ng Singapore Flyer. Matapos kasi nang naging usapan namin ni Dwight ay lumibot ako at napadpad sa Marina Bay. Dahil nga malapit lang ang Singapore Flyer mula ro'n ay dumiretso na rin ako papunta rito.Nahawakan ko na lang ang aking leeg dahil magkaka-stiff neck yata ako, matanaw lang ang tuktok neto. Nang magsawa sa pagtingin ay binaba ko na ang mata ko at nabaling iyon sa lalaking ilang layo lang ang pagitan mula sa akin. Kinailangan ko pang paliitan ang mga mata ko para makumpirma kung siya nga ba ang nakikita ko.Ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso nang unti-unti siyang maglakad papalapit sa akin. Tumama sa mukha niya ang ilaw na nagmumula sa Singapore Flyer kaya natutop ko na lang ang aking bibig nang makumpira kong siya na nga ito. Hindi ako nanaginip lang, totoo ko na talaga siyang nakikita.Huminto siya ilang layo lang ang hakbang mula sa akin. May hawak-hawak siyang cardboard.
Hindi ko naman napigilang mapangiti. "Dwight," pagbanggit ko sa kanyang pangalan. Lumapit naman siya sa pwesto ko. Ngunit tumigil din ng ilang layo na lang ang pagitan namin para bigyang distansya ang isa't isa. Saka siya may kinuha sa bulsa ng kanyang trench coat. Nang ilabas niya iyon ay doon ko lang nakumpira na gloves pala iyon. Hindi siya nagdalawang-isip na kusa na iyong isuot sa mga kamay ko. "Thank you," aniko matapos niyang maisuot sa akin ang gloves. "Can I talk to you while we are sipping a coffee?" aniya at itinuro pa ang coffee shop na malapit lang mula sa pwesto namin. "Sure," pagtanggap ko sa imbitasyon niya. "Ladies first." Napailing-iling na lang ako nang paunahin niya ako sa paglalakad. Kaagad naman kaming pinagbuksan ng pinto ng staff doon saka kami binating dalawa ni Dwight. Nakaupo na kami ngayon sa loob netong coffee shop, malapit sa glass wall. Isa kasi ito sa mga spot na paborito ko dahil gustong
Matapos kong magbihis ay inabala ko naman ang aking sarili sa paglagay ng make-up sa mukha ko. Pinili ko ang kulay pulang lipstick ko na ibinigay pa sa akin ni Cecil, ang kasamahan ko sa trabaho.Nang makuntento sa aking hitsura ay ang buhok ko naman ang pinasadahan ko ng suklay. Pinag-iisipin ko pa kung anong magiging ayos ng aking buhok, pero sa huli ay hinayaan ko na lamang na nakalugay iyon.Matapos kong makapag-ayos ay sandali akong dumapa sa aking kama saka binuksan ang aking laptop. Hinanap ko sa mga files ang ginawa kong resignation letter kanina. Nang mahanap ay mabilis ko iyong sinend sa gmail ni Mrs. Samaniego. Napagbigay alam ko na kasi sa kanya ang pagbabalak kong mag-resign sa trabaho. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya na bitawan ako, but she respected my decision.I was about to shut down my laptop when suddenly my phone vibrated. Nang tingnan ko iyon ay naka-receive ako ng tawag mula kay Jam. Kahapon niya
Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, dahil iniisip ko na kapag ginawa ko iyon ay baka bigla akong magising sa isang magandang panaginip na ito. Mas lalo lang pinag-igting ng titig niya ang kagustuhan kong manatili sa ganitong posisyon. Na iyong tipong hindi namin maalis ang mata sa isa't isa. Na ngayon ay nasa iisang lugar na ulit kami. Ramdam ko ang init na hatid ng bawat tinging ibinibigay niya. Ginigising no'n ang bawat himaymay ng aking katawan. Nang hindi ko na makayanan ang titig niya ay binawi ko ang tingin ko sa kanya saka ako naglakad papalapit. Ngunit siniguro kong may distansya pa rin sa pagitan naming dalawa. "For the last time, I want to see you." Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang sa wakas ay marinig ko na ang boses niya. I miss him so bad. Kahit na nandito na siya sa harapan ko ay pakiramdam ko ay nangungulila pa rin ako sa kanya.
I was busy putting make-up and fixing my hair when someone knocked at the door. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ko ipihit ang katawan ko paharap sa pinto, saktong pagpasok ni Jam. Malapad akong ngumiti sa kanya saka tumayo at niyakap siya. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang pagtapik niya sa likod ko. "Everything is going to be fine, bebs. Remember that I am always here for you." Kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin saka sinilip ang mga mata ko. "Oh. Bawal umiyak. Baka masira ang make-up mo." Napailing-iling na lang naman ako sa sinabi niya. "You look good," komento niya saka pinasadahan ng tingin ang ayos ko. Suot ko ngayon ang biniling white dress ni Sean para sa akin.Maya-maya lang ay sabay na kaming lumabas ni bebs sa dressing room at bumaba sa ikalawang palapag ng hacienda. Kitang-kita ko ngayon ang pagiging abala ng mga maids dahil na rin sa dami ng bisita sa araw na ito. Abala sila sa dam