Share

CHAPTER 21

Mabilis na natapos ang klase namin kaya dumiretso na kaagad ako sa Sweet N' Tasty. Kinawayan ko lang saglit si Kuya Jerik at kaagad na akong pumasok ng staff room. Nagpalit ng uniform at nilagay ko sa locker ang mga gamit ko.

Pagkalabas ko ay tila dinagsa ang coffee shop. Mukhang mapapasubo kami ngayon sa dami ng customer. Kaagad akong naglakad palapit sa counter nang tawagin ako ni Kuya Jerik para ihatid ang tray na naglalaman ng mga order ng customers namin.

Akala ko matatapos ang araw na iyon kagaya ng mga naunang araw ko rito. Ngunit tila ako pinagsakluban ng langit at lupa nang tumunog ang chime senyales na may bagong dating ulit na customer. Nawala ang ngiti sa labi ko nang bumungad sa mata ko sila Tamara at Josh. Naghihintay pa ako ng dadating pero mukhang dalawa lang sila.

Kaagad na nagtama ang mga mata namin ni Tamara at otomatikong tumaas kaagad ang kilay niya. Nagkunwari pa siyang may ibinubulong sa honeybunch k

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status