Share

CHAPTER 18

Napangiti ako nang makitang naglalaro ng soccer si Josh. Bawat pagsipa niya sa bola ay sumasabay ang buhok niya sa paghampas dala marahil ng hangin. Kahit pawisan na siya ay hindi ko maipagkakailang napaka-gwapo niya pa rin sa mata ko.

Umupo ako sa pinakamalapit na bench kung saan mapapanuod ko siya nang malapitan. Medyo namumukhaan ko na ang mga kalaro niya. Naalala kong sila ang apat na architects din na kasama ni Josh no'ng hinihintay ko siya noon sa corridor.

Nakita ko pang saglit silang tumigil para magpahinga. Maya-maya lang ay pinalibutan ng apat si Josh. May sinabi sila pero syempre hindi ko rinig dito sa puwesto ko. Kita ko na lang kung paanong kumunot ang noo ni Josh at nang bumaling siya sa gawi ko ay kaagad tumambol ang puso ko. Tila kilala neto kung sino ang totoong nagmamay-ari sa kanya. Only Josh can make my heart beat so fast.

Nagsalubong ang kilay ko at sinundan ko ang paggalaw ng labi niya. Kung hindi ako nagkakamali ay ang salitang 'sige' ang namutawi sa bibig niya, saka na ulit sila nagpatuloy sa paglalaro.

Maraming sumisigaw para sa team nila Josh. Medyo dumarami na rin kasi ang nanunuod ngayon dito sa soccer field. At hindi nakatakas sa paningin ko ang kadarating lang na si Tamara. May dala itong face towel at bottled mineral water. Napatingin naman ako sa hawak ko ring face towel at mineral water. 

Sumaglit akong pumunta sa cafeteria kanina nang nabalitaan kong may practice game ngayon sila Josh.Dahil sa pagkakatulala ko ay hindi ko na namalayan na tapos na pala ang practice game nila. May nakapaskil na ngayong ngiti sa labi ni Josh. Ngayon ko lang siya nakitang sobrang lawak ang ngiti. Lagi kasing salubong ang kilay at kunot ang noo niya kapag nakikita ako. Kaya napangiti na rin ako. Saka ko lang naalala ang hawak kong face towel at mineral water.

Tatayo palang sana ako para puntahan siya, pero naunanahan na ako ni Tamara. Kaagad itong lumapit kay Josh at siya pa ang kusang nagpunas ng pawis neto. Inabot niya rin ang mineral water sa kanya saka sila nagtawanang dalawa. Hindi ko maiwasang mapahawak sa dibdib ko nang makaramdam ng sakit. 

Dapat ako 'yon e. Dapat ako ang nagpupunas sa pawis niya at ako ang nag-aabot ng tubig sa kanya.

"They look like a couple."

Nabaling naman ang tingin ko kay Dwight na nakaupo na sa pwesto ko kanina. Bakit hindi ko namalayang nandito pala ang isang 'to?

"Ang ganda ni Tamara. Tapos sabi nila gwapo raw si Josh. At lahat ng mga babaeng may gusto kay Josh ay iniiwasan ang lalaking iyan dahil kay Tamara na raw." 

Mula sa pagtingin niya sa dalawa ay nalipat sa akin ang atensiyon niya. 

"At kailan ka pa naging chismoso, Dwight?" Hindi ko na napigilang pagtaasan siya ng kilay.

"Ngayon lang. Dahil sayo."

"Ang labas niyan ay kasalanan ko pa? Kung nandito ka lang para asarin ako ay umalis ka na lang, Dwight. Kasi hindi ka nakakatulong."

Bigla naman siyang tumayo saka lumapit nang bahagya sa akin. Huminto lang siya ng ilang layo na lang ang pagitan naming dalawa. Nagulat pa ako nang itaas niya ang kamay ko na may hawak na face towel, saka siya ang kusang nagpunas ng pawis sa gilid ng kanyang noo. Pagkatapos ay kinuha niya rin pati ang hawak kong mineral water at saka niya ininom.

"Kung hindi mo magawa sa kanya ang mga simpleng bagay na ganito, Lex, then do it with me. Imagine that I'm him, instead. Willing akong maging substitute."

"Dwight.."

Para akong naghihina dahil sa mga sinasabi niya. Parang tinotorture niya ang sarili niya. Handa siyang maging substitute para lang hindi ako masaktan? Handa siyang gawin iyon dahil lang sa hindi ko magawa ang mga bagay na ganoon kay Josh?

Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko saka ginulo-gulo ang buhok ko. "Hindi ko gusto ang tinging binibigay mo sa akin."

"Ano bang tingin ang ibinibigay ko sayo?"

"You pity me."

Nakagat ko naman ang labi ko. Hindi ko maiwasang maramdaman ang pakiramdam na 'yon kay Dwight. Naaawa naman talaga ako sa kanya dahil hindi ko kayang suklian ang mga bagay na ipinaparamdam at ipinapakita niya sa akin.

"Dwight, I'm sorry," I sincerely said.

"Don't be, Lex. Dapat nga ako ang humihingi sayo ng dispensa ngayon because I act like a jerk yesterday. Pasensiya na kung umaakto akong parang boyfriend mo kahit wala namang tayo. I can't help but to feel jealous."

Saka siya nameywang sa harapan ko at bawat salitang sinasabi niya ay sinasabayan niya ng pagkumpas niya ng kamay. "Kasi bakit binabalewala niya lang ang babaeng gusto kong mapasa akin? Bakit hindi niya kayang alagaan ang babaeng hinahangad ko? He's lucky to have you but he choose to be a jerk because he doesn't want you, like I do."

I can't help but to feel emotional. Hindi ko na namalayang tumulo na pala ang luha ko kung hindi lang iyon pinunasan ni Dwight.

"I hate seeing you cry, Lex. Kaya sana kapag tayo ang magkasamang dalawa, kalimutan mo ang sakit at lungkot kapag nakikita mo siyang masaya sa piling ng iba. Ngumiti ka habang kasama mo ako, Lex. Tumawa ka hanggang sa mapaos ka. Kasi mas gugustuhin ko pang makita kahit ang peke mong mga ngiti. Kesa makita kong umiiyak ka nang dahil sa kanya."

Hinayaan ko lang si Dwight na yakapin ako, pero hindi ko man lang magawang yakapin siya pabalik. Gulong-gulo na ang utak ko.

May taong handang gawin ang lahat mapasaya lang ako, pero bakit hindi ko magawang maging masaya? Bakit kahit yakap na ako ni Dwight ngayon, nakatanaw pa rin ako kay Josh na kausap pa rin si Tamara?

"Martyr na nga ba talaga ako?" pabulong na tanong ko.

Mas lalo ko namang naramdaman ang paghigpit pa lalo ng yakap sa akin ni Dwight. "Hindi. Nagmamahal ka lang."

"Enjoy your coffee, ma'am and sir," aniko habang may ngiti sa labi pagkatapos kong ilapag ang order ng magjowa na ito. 

Mas bitter pa ata ako sa in-order nilang kape.

Iniwan ko na rin silang dalawa na naghaharutan doon habang nagsusubuan pa. Naglakad na akong muli pabalik sa counter. I'll just wait here for the next order.

Inabala ko na lang ang aking sarili sa paglibot ng aking tingin sa mga customer na kumakain at umiinom ng kanilang kape. 

Ang iba sa kanila ay mag-isa lang. 

Ang iba naman ay kasama ang boyfriend or girlfriend nila. 

Nahinto lang ang tingin ko sa grupo ng mga highschooler. Mukhang tinutukso nila ang isang babaeng naka-ponytail. 

Pulang-pula na kasi ang mukha neto. Mas lalo pa ata siyang tinukso ng mga kasamahan niya nang biglang tumunog ang chime, senyales na may bagong dating – it's Stevan.

Katulad ko ay isa rin siyang working student, pero mas matanda ako sa kanya. At siya ang pinaka-bata sa aming lahat na nagtatrabaho rito sa Sweet N' Tasty. Kinawayan ko siya nang mapatingin siya sa gawi ko. Tinanguan niya lang naman ako saka na siya pumasok sa staff room. 

Sanay na kaming ganito si Stevan. May pagkakataon talaga na tahimik siya. Minsan naman magugulat ka na lang dahil bigla na lang siyang magsasalita at ikaw na pala ang kinakausap niya.

"Lex," pagtawag sa akin ni Kuya Jerik. 

Kaagad ko naman siyang nilingon. "Order ng table 3, paki-serve na lang."

Tumango naman ako saka na kinuha mula sa kanya ang tray. Mukhang sa table 3 nakaupo ang mga highschooler na nagtutuksuhan kanina.

Naging malinaw na sa pandinig ko ang pinag-uusapan nila nang makalapit ako. Ngunit kaagad din silang napahinto nang ilapag ko sa table nila ang kanilang mga in-order.

"Enjoy your coffee."

Nang nginitian ko sila ay ngumiti rin sila pabalik. Hindi pa man ako nakakalayo ay bigla nang nagsalita si short haired girl.

"Huwag ka na kasing in-denial, Elis. Crush mo si Stevan, hindi ba?"

Hindi ko ugaling maki-chismis. Pero gusto ko ang topic nila tungkol sa mga crush thingy. Lalo na't mga highschooler pa lang sila.

"Hindi ako in-denial, Eisha. Hindi ko siya crush, okay?"

Napailing-iling lang naman ako sa isinagot ni ponytail girl. Hindi naman siguro siya mamumula nang ganyan kung hindi niya tipo si Stevan. 

Well, may hitsura naman talaga ang binata na iyon at sa tingin ko bagay sila ng Elis na ito. Hindi na ako nakatiis at sumingit na sa kanila. Mabuti na lang at malapit sa pwesto ko si Elis girl kaya malaya akong tapikin siya.

"Alam mo, baby girl. Wala namang masama kung magkakagusto ka sa isang lalaki. It's part of your teenage life. Kaya huwag kang magpatumpik-tumpik pa. If you have a crush on him, chase him. Ika nga nila, you only live once. Life is short kaya mas magandang ilaan mo ang buhay mo sa mga may katuturang bagay," mahaba at madamdamin ko pang pahayag.

Mukhang nagulat sila sa sinabi ko. Hindi ko na sila hinintay pang makasagot at tuluyan na akong naglakad pabalik sa counter. Kailangan ko rin i-apply iyon sa sarili ko. Hindi dapat ako huminto sa paghahabol kay Josh. Kaya nang mapatingin sa malaking wall clock dito sa coffee shop ay tuluyan na akong napangiti.

"Kuya Jerik. Out ko na. Babush. Babush din Stevan."

Ngiting-ngiti akong nagpaalam sa kanila. Si stevan kasi ang kapalitan ko.

Halos takbuhin ko na ang staff room para lang makapagpalit na at makapunta na sa 7-eleven. Balak kong sundan ngayon si Josh. Ika nga nila, chase your dream. Kaya I'll chase Joshua Arcel Gonzales because he is my ultimate dream.

Matapos makapagpalit ay lumabas na rin ako ng staff room. Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng coffee shop. Nakita ko pang sumakay sa van ang mga highschoolers kanina. Mukhang may ibang pupuntahan kasi walking distance lang naman ang paaralan ng mga higschool dito sa coffee shop unless hindi sila rito nag-aaral at nagawi lang.

Kaagad kong pinara ang napadaang tricycle saka na nagpahatid sa 7-eleven kung saan nagtatrabaho si Josh. Hindi na ako makapaghintay na masilayan siyang muli. Kung pwede nga lang ay ako na ang magpatakbo netong tricycle. But I control myself.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status