Share

CHAPTER 10: TRAPPED

I WOKE UP that I’m still inside the hospital room of the stranger that I saved who I named Alas. I’m sitting on my chair beside the hospital bed, and I didn’t know how I dozed off that long while waiting for the doctor to arrive.

Sobrang inaantok pa ako nang dumating ako rito sa Borram Hospital dahil madaling araw na rin kaming natapos sa inuman ni Cindy. Sinulit na namin lalo na’t walang training ng isang linggo at para makapagpahinga kami. 

Si Dick ang naghatid sa aming dalawa ni Cindy na bagsak dahil sa kalasingan. Mas nauna akong nakauwi at siyempre diretso agad ako sa pagtulog ngunit nagising ako dahil tinawagan ako ng nurse na nagbabantay kaya’t dali-dali akong pumunta rito kahit medyo lutang pa ang diwa ko.

I combed my fingers through my messy jet-black pixie cut hair with red highlights. I knew to myself that I really looked horrible right now, especially that I’m only wearing a big shirt, shorts and two pairs of slippers that were different from each other. I immediately opened the drawer, and grabbed the bubblegum tube inside. Cindy always left some bubblegum tubes inside the drawer whenever she visited here. I’m really grateful that I found one. I popped inside my mouth a piece of bubblegum, and munched it.  I slightly raised my bottom to scratch my butt like what I always do whenever I wake up. I couldn’t help but to moan in satisfaction.

Wala sa sariling tumingin ako sa hospital bed at nanlaki naman ang aking mga mata nang nakita kong nakatitig siya sa akin. Muntik ko na tuloy malunok ang bubblegum na nginunguya ko dahil sa gulat. 

Tumikhim muna ako bago ako nagsalita at saka naiilang na ngumiti. “Ah. . . Kumusta na ang pakiramdam mo? Ako nga pala si Trisha, ang nagligtas at nagdala sa iyo rito sa Borram Hospital. May natatandaan ka ba kung sino ka at kung saan ka rin galing?”

He didn’t respond, and just stared at me intently. I’m suddenly trapped deeply through his green orbs that were swirled with gold flecks that were really suitable to his thick brows. His face was indeed dashing and perfect, and his physique screamed with an oozing sex appeal.  In my entire life, I didn’t know that I would be fascinated with it.

I swayed my hand in front of his face. I sighed in relief when his green orbs followed my hand movement. I’m grateful that his eyesight wasn’t damaged.

“Ahm. . . Naiintindihan mo ba ang mga sinabi ko? Ano pala ang pangalan mo? Saan ka nakatira?” tanong ko ulit at baka hindi lang niya ako nadinig kanina.

He just blinked his eyes while his intense gaze was only at me. I might be exaggerating, but my heart stopped from beating.

Umiling siya at saka pumikit. “I-I don’t know anything. . .”

Until he groaned in pain while holding his head. The apparatus that was attached to him started to beep loudly which made me panic.

“Wait! Kumalma ka lang at maayos natin ang lahat ng ito. Nandito lang ako at hindi kita iiwan,” mahinahon kong turan kahit sa loob ko’y gusto ko nang magmura.

Unti-unti siyang tumango kahit mukhang nahihirapan. Agad kong pinindot ko ang buzzer na nakakabit sa dingding at mabilis naman nagsipasukan ang mga nurses at pati na rin si Dok na nag-opera sa kaniya nang itinakbo ko siya rito sa Borram Hospital. 

Sinuri siya ng mga ito. Habang ako naman ay nasa gilid lang. Hindi pa rin ako makapaniwala na gising na siya ngunit nakaramdaman naman ako nang pagkahabag sa kaniyang sitwasyon.

“May natatandaan ka ba sa nangyari sa iyo at kung sino ka?” tanong ni Dok.

Ngunit umiling nang umiling siya at saka napasabunot sa kaniyang buhok na tila naguguluhan sa nangyari. “I-I don’t know anything. . .”

Agad niya akong nilingon na tila nanghihingi ng tulong kaya’t lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay para kumalma siya. Kulang na nga lang ay magsumiksik siya sa katawan ko.

“Ano po ang nangyayari sa kaniya, Dok?” nag-aalala kong tanong.

“Sa tingin ko’y mayro’n siyang Post-Traumatic Amnesia mula sa aksidenteng nangyari sa kaniya. Kailangan muna niyang mag-stay dito ng ilang araw para sa mga tests bago ko siya pauwiin,” sagot nito. 

Wala sa sariling tumango ako habang nakasiksik siya sa akin. “Sige po, salamat, Dok.”

Tumango naman ang doktor at saka umalis.

Agad naman lumapit sa akin ang nurse na laging nagbabantay sa kaniya. “Kapag may kailangan po kayo ay pindutin niyo lang po ang buzzer, Ma’am Trisha. Masaya po ako at sa wakas ay gising na ang nobyo niyo po pero sana’y manumbalik ang kaniyang alaala lalo na’t ang hirap pong hindi maalala ang mahal sa buhay.” 

Tumikhim naman ako at saka tumango habang namumula ang aking mukha. “Ahm. . . Alam kong malalampasan niya ito. Sasamahan ko siya hanggang sa gumaling siya at makaalala. Maraming salamat pala, Nurse.”

Nakangiting tumango naman ang nurse na kausap ko at lumabas na rin ito pati na rin ang mga kasamahan.

Kanina ay may itinanggal na rin na konting aparato sa kaniya dahil gising na siya kaya’t medyo nakikita ko na ang kaniyang itsura. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay na parang bata na ayaw mawalay sa ina kahit damulag na siya at ang macho ng katawan. 

“Sa ngayon ay ikaw ay si Alas Totso, ang nobyo ko. Kailangan mong magpagaling dahil isasama kita sa bahay ko. Gustong-gusto kang makilala ng aking ama. Alam mo bang binisita ka niya rito? Siya rin ang mayor dito sa Isla Fiji. Sabik na sabik na ang pamilya ko na magising at makilala ka,” sambit ko.

Again, I’m trapped again with his green orbs, and my breath hitched when he smiled regardless of what he was dealing with right now. 

“P-Please, don’t leave me. . .” he pleaded like a little boy even though he was now a big boy with a buff build. 

I smiled. “Promise, hindi kita iiwan kaya naman magpagaling ka, ha?”

He nodded like a little boy while staring at me intently.

‘P*nyeta! Kung nakakalusaw lang ang titig ay kanina pa ako nasa sahig. Grabe naman siya kung tumitig sa akin at daig ko pa ang pinakamagandang babae sa buong Isla Fiji.’

Aalis na sana ako ngunit hindi ko magawa dahil nakahawak siya sa aking kamay na parang bata. Gusto ko sanang kumain man lang dahil nagugutom na ako.

“Ahm. . . May kailangan ka ba?” tanong ko.

“S-Stay here with me. . .” he answered like a little boy.

I bit my lip, and stopped myself to pinch him, because he was really adorable right now. He kept on telling me that I should stay here with him. I’m already trapped with his green orbs which made my heart leap fast for an unknown reason, but I immediately shrugged it off, especially that I’m already famished as hell which made me imagine things. Our staring contest was interrupted by a loud rumble from my stomach, and my face flushed in shame.

“B-Bibili muna ako ng pagkain kasi gutom na ako. A-Ahm. . . Dito ka lang muna at babalik ako agad,” nauutal kong turan at saka dahan-dahan na inalis ang kaniyang kamay na nakakapit sa akin. 

He just pouted. “B-Balik ka, ha?”

Tumango naman ako. “Oo, naman. Nag-promise ako sa iyo, hindi ba?”

Unti-unti siyang napangiti dahil do’n kaya’t nakalabas na din ako. Napapikit ako habang ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Pilit kong kinalma ang sarili ko dahil daig ko pa ang napunta sa Nursery dahil sa pagiging clingy ng estrangherong lalaking iniligtas ko. 

‘P*nyeta! Kaya ito. Hahabaan ko lang ang aking pasensiya.’

I sighed heavily before continuing to walk until I crossed-paths with the nurse that always looked after him. 

“Ahm. . . Puwede bang pasuyo? May bibilhin lang akong pagkain at wala kasing kasama ang nobyo ko at baka mapaano,” sambit ko.

Lumawak naman ang ngiti ng nurse. “Walang problema po, Ma’am Trisha. Babantayan ko po siya habang wala po kayo.”

Tumango naman ako. “Sige, babalik din ako agad. Salamat, Nurse.”

Hindi na rin ako nagpaligoy-ligoy pa at nagsimula na ring naglakad palabas ng Borram Hospital. Dumaan ako sa parking space para puntahan si Zebby. Binuksan ko ang compartment gamit ang aking susi at nando’n ang isa ko pang wallet na agad kong kinuha bago isinarado. 

Pumunta na ako sa canteen malapit sa Borram Hospital at mabuti na lang ay wala pang masyadong tao. Bumili na agad ako ng aking almusal at saka dumiretso na pabalik sa Borram Hospital. Ni-hindi pa nga ako nakababalik nang biglang bumunggo sa akin.

“P*nyeta—” Ni-hindi ko na naituloy ang pagmumura ko nang nakita ko kung sino ang pangahas na bumunggo sa akin at agad namang uminit ang ulo ko. Hindi ko alam na ma-ta-trap ako ngayong umaga kasama ang isa sa kampon ng kadiliman.

“Wala ka pa ring pagbabago at bastos ka pa rin kahit kailan, Trisha.” malditang turan ng sopistikadang babaeng nakasuot ng mga gintong alahas at bestidang may makintab na tela at sapatos na halatang mamahalin. Malakas din ang kaniyang loob at kung makaasta ay akala mo’y may-ari ng Isla Fiji kahit na hindi naman. 

I smirked. “Pili lang po ang ginagalang at gagalangin ko.”

Mukhang nairita siya sa aking sinabi at suminghal pa. “Walang delikadesa! Masaya ako at hiniwalayan ka ng anak ko dahil ayaw kong magkaro’n ng dumi na makakapasok sa pamilya namin. Mas mainam na napunta ang anak ko sa mas may delikadesa at mayaman katulad ni Horice.”

I smirked. “Ayos lang din po. Masaya rin po ako na wala po kayo sa buhay ko kasi ayaw ko rin po magkaro’n ng kapamilya na marumi ang budhi at napakataas ang tingin sa sarili kahit na mula sa hirap lang. Natural lang pong suportahan niyo si Horice dahil bagay na bagay po kayong maging mag-ina lalo na’t pareho po kayong kampon ng dilim.”

Akmang sasampalin niya ako nang hawakan ko ang kaniyang kamay. “Hindi po kita kaano-ano kaya’t huwag na huwag niyo akong sasampalin dahil kapag oras na hindi ako makapagpigil sa inyo ay paniguradong mahihiga ka sa stretcher sa Borram Hospital.”

She was really furious to hurt me, but I wouldn’t let her hurt me. 

Ngunit hindi ko inaasahan na may isa pang asungot na malakas ang loob na sumampal sa akin. Hindi nila alam na gutom ako at talagang papatulan ko sila ngayong umagang ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status