Share

CHAPTER 9: SURPRISE

I STARED at the meals in front of me that were all freshly cooked, and settled on the heated banana leaves. We were having a boodle fight, because Coach Idy had an important announcement to us.

“Hala! Ano kaya ang sasabihin ni Coach Idy? Kinakabahan ako kasi papakainin muna niya tayo ng mga masasarap na pagkain bago sabihin ang announcement. Bakit kaya hindi na lang niya unahin ang pagsabi ng announcement bago kumain? Paniguradong mas lalo akong gaganahan kapag nangyari iyon,” bulalas ni Cindy na halatang hindi mapakali.

“Ang ingay mo naman. Huwag mo nga akong istorbohin,” asik ko habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa mga pagkain sa harapan. Mamaya kasi kapag lumingon ako ay biglang mawala. 

She gasped exaggeratedly. “Putek! Hindi ka mauubusan ng mga pagkain dahil mukhang kakatayin na tayo pagkatapos nito. Imbes na damayan mo ako ay nakatuon ang atensyon mo sa mga pagkain. Mas masarap ako kaysa sa mga iyan pero hindi ko puwedeng ipatikim ang sarili ko sa iyo dahil hindi naman tayo talo.  Ano ba naman iyan! Mas lalo tuloy akong kinakabahan sa sasabihin ni Coach Idy.”

I scoffed. “P*nyeta! Ang kapal naman ng mukha mo para tikman kita. Kadiri ka talaga kahit kailan. Bakit ka ba kasi kabadong-kabado, ha? Announcement lang naman iyon at hindi ka naman kakatayin ni Coach Idy. Siguro ay kinakabahan ka dahil darating si Dick, ‘no?”

Muntik ko nang makalimutan. Kambal sina Coach Idy at Dick. Sa tuwing nagkakaro’n ng mga ganitong announcement ay umoorder si Coach Idy sa restaurant ni Dick. Hindi lang halata pero si Dick ay may-ari ng mga sikat na restaurant dito sa Isla Fiji at hindi ko nga alam kung bakit ba patay na patay si Dick kay Cindy. Kung ako nga ang tatanungin ay mas pabor ako kay Dick dahil mahal na mahal at kaya nitong buhayin si Cindy na kabaligtaran naman kay Juts na walang ibang ginagawa kung hindi ang magpalaki ng mga bayag habang nakikipagsiyahan sa kaibigan nitong babae.

“Yuck! Ew! Bakit naman ako kakabahan kay Dick? Ang kapal naman ng mukha niya kung siya ang magiging rason kung bakit ako dapat kabahan,” nandidiri niyang turan.

I just shrugged, and used my finger to slightly touch the Spicy King Crab in front of me which I bet was delicious as ever. Until I heard a shriek from her. My gaze went on her to see that her face was flushed while Dick was beside her looking flushed and dazed.

“Putek! Bakit ka naman nasa gilid ko at ni-hindi ka man lang nagsasalita! Yuck! Ew! To the second power, ang lips ko ay kontaminado na ng virus!” asik niya.

My eyes widened in realization. 

‘Naghalikan ba nang hindi sinasadya sina Cindy at Dick?’

Halos lahat ng kasama namin ay tinukso ang dalawa na sobrang pulang-pula ang mga mukha. Si Cindy naman ay galit na galit habang si Dick ay nakatulala at mukhang naabot na ata ang cloud nine sa ligaya.

“Oh, bakit ang ingay ninyo? Ano ang mayro’n, ha?” tanong ni Coach Idy habang may hawak na kahon.

I smiled devilishly. “Naghalikan na ang mga bagong kasal. Dapat mong batiin ang sister-in-law mo, Coach.”

Humalakhak naman si Coach Idy at saka tumingin sa kapatid na si Dick na nakatulala pa rin kay Cindy habang pulang-pula ang mukha. 

“Aba! Umaariba ka na, Kuya? Tamang-tama at dapat talaga ay mag-settle down ka na para magkaanak lalo na’t sabik na sabik na sina Mommy at Daddy na magkaapo,” bulalas ni Coach Cindy.

The four of us were all the same age too, but Coach Idy was the first one who got married among us.

“Ay hindi! Walang kami, Coach Idy. Issue ka, ha? May boyfriend na ako at siya rin ang lalaking pakakasalan ko,” kontra ni Cindy.

Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata ni Dick kaya’t agad akong umeksena.

Agad akong umiling at inakbayan si Dick na halatang gulat na gulat. “Wala iyan. Basta’t kung ako ang tatanungin ay mas boto ako kay Dick para sa iyo lalo na’t mukha siyang loyal at patay na patay sa iyo. Hindi tulad ni Juts na parang walang oras sa iyo at mas kasama pa ang kaibigan niyang babae.”

“Oh? May kasamang ibang babae ang boyfriend mo tapos mas may oras pa siya sa kaniya kaysa sa iyo? Iba na iyan, ha? Ingat ka at baka madurog ka sa huli,” payo ni Coach Idy at ibinaba ang hawak na kahon sa gitna ng mesa.

“Kaya ikaw, gumalaw ka kapag may tiyempo na. Hayaan mo’t tutulungan kita basta’t padalhan mo ako ng masasarap na pagkain, ha?” bulong ko sa tainga ni Dick na agad namang tumango na parang tuta. Natatawang hinampas-hampas ko ang kaniyang likod.

Umiling si Cindy habang nakanguso. “Hindi naman gano’n si Juts, Coach. Loyal siya sa akin lalo na’t nagplano na rin kaming dalawa na magpakasal.”

“Kasali ka ba sa plano? Bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin niya pinapakasalan? Kung walang budget, may libreng kasalan na programa si Tatay. Baka naman sa iba niya planong magpakasal. Naku! Sasakalin ko iyang si Juts hanggang sa mahimatay siya,” komento ko.

Sandaling natigilan si Cindy at napayuko habang nilalaro ang kaniyang mga daliri.

“Kapag ikinasal ka, ano ang ibibigay mo sa babaeng mapapangasawa mo, Dick?” tanong ko para naman maiba ang usapan dahil iiyak na si Cindy at ayaw ko naman umatungal siya rito.

Tumikhim muna si Dick ngunit ang mga mata nito ay nakabaling kay Cindy. “Buong atensyon, puso at kaluluwa ko. Gusto kong ibigay sa kaniya ang lahat para maging masaya siya sa piling ko hanggang sa tumanda kami.”

‘P*nyeta! Lover boy talaga itong si Dick kahit na hindi halata dahil laging nakapikit. Ang suwerte talaga ni Cindy dahil may nag-aabang sa kaniya na tunay na nagmamahal sa kaniya. Masyado lang kasi nabulag sa pagmamahal si Cindy kay Juts na halata namang may ibang gusto. Sana naman ay mahintay pa rin niya si Cindy dahil bihira sa lalaki na ganito katindi ang pagmamahal.’

“Pasensiyoso ka naman ba, Dick?” tanong ko.

Tumingin si Dick sa akin at tumango. “Oo naman, kaya kong maghintay hanggang sa mapansin niya ako.”

Napangiti naman ako at saka tinapik-tapik ang kaniyang balikat.

‘Sana nga’y hindi ka magbago at patuloy ka pa ring maghintay kahit nakakapagod.’

Naputol lang ang lahat nang tumili si Coach Idy habang hawak-hawak ang laptop nito at itinutok ang camera sa pwesto. Nakita ko ro’n ang asawa nito na si Lieutenant Park Bolz na mukhang kasali rin pala.

“I have an announcement to make, and I want every one of you to know this special moment of mine,” panimula ni Coach Idy at saka dahan-dahan binuksan ang kahon na kaninang hawak nito habang nakatapat pa rin ang cellphone sa mukha para makita ng asawa ang nangyayari.

Biglang nagtilian ang mga kasamahan namin at nagpalakpakan. Tumayo naman ako para lumapit dahil gusto kong malaman kung ano ba ang nangyayari. Binasa ko ang nakasulat sa cake nang tahimik.

‘Daddy ka na, Mahal. . .’

Nanlaki ang aking mga singkit na mata dahil nasorpresa ako. “Hala! Buntis ka, Coach?” 

Lumingon din ako sa laptop at nakita ko ang gulat sa mga mata ni Kuya Park pero agad din napasuntok sa hangin at kitang-kita ko ang pagpalakpak nito.

Masayang tumango naman si Coach Idy at saka nilingon ang asawa na nasa laptop na tuwang-tuwa sa anunsyo. “Oo, isang buwan na ang dinadala ko. Hindi ko lang nahalata agad kaso medyo sumobra naman ang morning sickness ko at umiinit agad ang ulo ko sa simpleng bagay.”

“Lah? Mainit naman talaga ulo mo lagi, Coach.” pang-aasar ko.

Tumawa naman ang lahat pati na rin si Kuya Park sa kabilang linya dahil naka-video call.

“Gago ka talaga, Trisha. At least, may tumanggap sa akin kahit na ganito ako samantalang ikaw naman ay single pa rin hanggang ngayon,” kontra ni Coach Idy habang nakangisi.

I couldn’t help but to scoff while the others were laughing at it.

‘Masyado naman atang namemersonal si Coach Idy. Pasalamat siya at buntis siya kung hindi ay aawayin ko siya.’

“Congratulations, Idy at Park! Paniguradong matutuwa sina Mommy at Daddy sa magandang balitang ito. Hayaan mo’t lagi ko siyang babantayan habang nasa nad’yan ka, Bro. Mag-iingat ka lagi dahil naghihintay sa pagbabalik mo ang mag-iina mo,” pagbati ni Dick at lumapit sa kakambal na si Coach Idy para yakapin na ngayon ay umiiyak na. 

“Thank you, Bro. Asahan mo at gagawin ko ang lahat para ibigay ang magandang kinabukasan sa aking mag-iina. Uuwi ako oras na matapos ang misyon namin dito sa Mindanao. Sobrang saya ko sa sorpresang inihanda sa akin ng asawa ko. Also, I would like to thank each of you who always with my wife. Alam kong sobrang haba ng pasensiya ninyo sa kaniya lalo na’t istrikta siya oras kapag nasa trabaho pero ginagawa niya ang lahat para maging maayos at maging matagumpay ang lahat ng sakripisyo ninyo. Sisikapin ko rin na mapanood ang Tournament,” sambit ni Kuya Park sa kabilang linya na may malawak na ngiti sa labi pero kitang-kita ko ang pananabik sa mga mata.

“Huwag kang mag-alala, Kuya. Oras na sungitan kami ay ipapadala namin siya sa giyera kung nasaan ka,” pagbibiro ko.

Humalakhak naman si Kuya Park sa kabilang linya at nagpunas din ng luha. “Ang kulit mo talaga kahit kailan. Pero nagpapasalamat din ako sa iyo dahil lahat nang itinuturo ng asawa ko’y sinusunod mo at natutulungan kayo para manalo ang team ninyo. Ngunit hangad ko pa rin na maging masaya ka at magkaro’n ng bagong boyfriend. Kung wala pa rin hanggang ngayon ay irereto kita sa kaibigan kong sundalo.”

I rolled my eyes annoyingly at him. 

“Naku! Huwag na po dahil may bago na siyang boyfriend na gwapo at macho, Kuya. Kaya nga naka-move on na iyan sa ex-boyfriend niyang walang kwenta,” singit ni Cindy.

“Talaga? Naka-move on ka na kay Carl?” tanong ni Kuya Park na halatang hindi pa rin makapaniwala.

“Bakit parang ayaw mo maniwala, Kuya? Ang bastos mo talaga. Bagay na bagay talaga kayong dalawa ni Coach Idy. Natural lang na may papatol sa akin na gwapo at macho dahil maganda ako at ang suwerte niya kayang pinatulan ko rin siya, ‘no!” sagot ko.

Tawa naman nang tawa si Kuya Park sa kabilang linya at ginawa pa yata akong clown samantalang ang mga kasama naman namin ay natahimik.

“Ang yabang talaga, oh! Mula Isla Fiji ay abot hanggang dito sa Mindanao ang kayabangan mo! Pero congrats dahil may pumatol sa iyo. Kapag umuwi ako ay gusto ko siyang makilala,” bulalas ni Kuya Park.

“Hindi na, aasarin mo lang ako at baka hindi ako makapagpigil ay bibiyan kita ng sommersault roundhouse kick,” kontra ko.

Tumawa na naman si Kuya Park at binalewala lang ang aking sinabi. Si Kuya Park kasi ang nag-train sa akin sa martial arts at kickboxing noon kaya’t sanay na sanay sa ugali ko.

“May bago kang boyfriend, Trisha? Bakit hindi ko alam lalo na’t agi pa naman tayong magkasama nitong mga nakaraang araw, ha?” tanong sa akin ni Coach Idy na halatang tsismosa pala.

“Bakit maniniwala ka ba kapag sinabi ko iyon? Magsasayang lang ako ng laway sa iyo at saka pagod na rin ako sa training, Coach.” sagot ko.

Until we were all interrupted by a loud rumbling of stomach that I’m grateful that it wasn’t mine, but I’m really famished as hell too. 

“Kumain na kayong lahat at lalong-lalo na ikaw, Mahal. Kumain ka ng mga gusto ninyong dalawa ng anak natin. Mamaya ay tatawagan kita, ha? I love you,” sambit ni Kuya Park.

Napanguso naman si Coach Idy habang namumula ang mukha dahil tiyan nito ang tumunog nang malakas. “Sige, Mahal. I love you rin. . .”

Nang namatay ang video call sa laptop ay nilingon kaming lahat ni Coach Idy at saka tumingin sa akin kaya’t tinaasan ko ng kilay.

“Tara na’t mag-boodle fight!” sigaw ni Coach Idy.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat habang ako nama’y napangisi at dali-daling bumalik sa puwesto ko kanina para sunggaban ang Spicy King Crab habang nakakamay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status