Share

Chapter 1

STUDY, Eat and sleep. Paulit ulit lang iyan na nangyayari sa akin noong bata ako hanggang sa nag 18 ako. I'm an adult now and I can do whatever I want. The only problem is, iyong gusto ko ay pilit akong tinatakasan at inaayawan.

Napatingin ako sa lalaking nakatitig sa akin at nakita siyang bumaling agad sa mga nagsasayawan sa dance floor nang makalingon ako. Nasa isang table kami na wala ang mga kasama niya. Ako lang at siya pero...malayo siya sa akin dahil hindi raw pwede. I'm confused pero hindi nalang ako nagsalita. Maybe, hindi niya lang talaga ako matandaan.

"Kilala mo ba si Nove Basañes?" tanong ko. Dahan dahan siyang lumingon sa akin tapos tinuro niya ang sarili niya. Gusto ko sana siyang ikutan ng mata dahil sa inis pero sa itsura niya ngayon...ang inosente niyang tingnan. Tumango ako.

"Hindi. Sino siya?" Bigla akong nakaramdam nang pinagsamang inis at pagtataka. Matapos makita sa mukha niya ang pagtatanong, agad na bumuga ako ng hangin.

Medyo bumigat ang dibdib ko dahil sa hindi niya ako maalala. Ano bang nangyari sa lalaking 'to at mukhang hindi niya ako matandaan? E, kaunti lang naman ang nagbago sa akin. Ang buhok ko noon ay kulay itim. Ngayon, pula na. Well, not really red. Sobrang dark niya lang kaya hindi mo na mapapansin na red. Kapag sa malayo, para na siyang kulay itim.

"Well, she likes you. She really likes you..." sinabi ko na parang wala lang. Mas lalo siyang nagtaka at medyo lumapit ng upo sa akin. Napangiti ako.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"What I mean is, the woman named Nove Basañes has a crush on you. She likes you and wanted to meet you here..."

"Bakit...siya may gusto sa akin?" Napaikot ako ng mata. Tinitigan ko ang lalaking 'to at saka hinaplos ang balikat niya pababa sa dibdib niya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya bago umatras sa akin.

"Dude! Umaayaw ka na naman! Inom muna tayo!" Napabaling ako sa mga kaibigan ni Zander na naglalakad na ngayon papunta sa table namin. May hawak silang mga baso na may laman na alak. Iba't ibang kulay at paniguradong, iba't iba ang lasa.

I look at Zander to see his reaction. I saw how bored he is nang makita ang mga kaibigan niya na nagsasaya. Gusto ko sanang malaman kung umiinom siya. Kaso, it looks like he doesn't want his friends to be here. I bit my lower lip and move closer to his side.

"Gusto mong lumipat sa ibang lugar?" bulong ko gamit ang malambing na tono. Napansin ko ang pagtigil niya sa kakamasid sa mga kaibigan na nakaupo na ngayon sa mahabang sofa ng table namin. Tiningnan niya ako at nagtagal roon sa mukha ko ang mga mata niya. I winked at him that made him laugh. Mahinang pagkakatawa lang.

"Sorry. Pero hindi talaga pwede..." sagot niya at bumuga ng hangin. Peke akong tumawa.

"Why? May girlfriend ka?"

"Uh...Oo?" Mas lalo akong natawa. I saw how embarrassed he is that made me kissed him in his cheek. Natigil siya at lumayo sa akin.

"Oh, come on..." Linapitan ko siya ngunit mas lalo siyang lumayo.

"Pre, naman!" angal ng isang kaibigan niya. Iyong katabi kong isang lalaki ay may inabot sa akin. Isang inumin na alam kong mabilis makalasing sa isang tulad ko. Bumuga ako ng hangin bago tumingin sa nagbigay. Kumindat lang ito sa akin bago humarap sa kasama niyang malanding babae.

Wala akong nagawa kung hindi ang inumin iyon. Also, It looks like they won't let me leave with Zander if I didn't take it. Mukhang alam nila na may gusto ako sa kaibigan nila. Good, then.

"Okay!" Matapos kong mainom ang binigay ng lalaking katabi ko, narinig ko silang lahat na nagsigawan. I looked at Zander and saw he also took the drink that gave by one of his friends. I smiled sweetly and came closer to the man.

Matapos niya iyong mainom, agad siyang bumaling sa akin at ngumiti. Maya maya, napansin ko ang ilang pagtanggap niya sa mga baso na ibinigay ng mga kaibigan niya. Minsan ay napapatingin siya sa akin at napapailing.

Nang ilang minuto ang lumipas, nakita kong ang iba niyang mga kasama ay unti unti ng umaalis.

Mabuti naman. Para na rin magawa ko ang plano ko.

Ngumiti ako at tahimik na inaya si Zander na lumabas nang magkatitigan ulit kami. Tumango siya at hinawakan ang kamay ko dahilan para mabigla ako ng kaunti.

He agreed...

Tumayo kami ng sabay at naramdaman ko ka agad ang kamay niya sa kamay ko. The way our hands touched, para itong magnet sa bilis ng pagkakalapat. 

Habang naglalakad papaalis sa table, nakaramdam ako ng kung ano sa ulo ko dahil kumikirot iyon. Kahit na ganoon, hindi ako tumigil sa kakaisip tungkol sa plano. 

Gumawa ako ng galaw. I tried whispering into his ears while walking, away with his crazy friends that I didn't even notice. All of them are cheering like they are proud of someone. Sumisigaw at tumatayo ang iba dahil siguro sa kasama ko ang kaibigan nila.

Crazy people, and crazy me for falling...really hard.

Nang makalabas sa bar kasama si Zander, napansin kong hindi na maayos ang pagkakalakad niya. Napansin ko rin na nasa bewang ko na ang kamay niya. Ngumiti ako at tinuro ang kotse ko na malapit lang sa kinatatayuan namin.

"My car..." Tumango siya. Napatawa ako ng mahina nang makita sa mukha niya ang pagod. Kahit ako, nakakaramdam na rin ng pagkahilo.

Pumasok ako sa kotse ko at saka si Zander. Nasa driver seat ako habang nakapikit. My head hurts and I think, may kung ano akong nainom. Siguro dahil iyon sa alak na ibinigay sa akin kanina. Pero, isang shot lang iyon. At, sa tingin ko, hindi naman gaano katapang iyong ibinigay sa akin noong isang kasama ni Zander.

Imposibleng mahilo ako ng ganito. Sobrang sakit ng ulo ko at parang may nararamdaman ako na kakaiba sa katawan ko. This is new to me. And I don't like it.

"Ang init..." rinig kong bulong ng katabi. Pagod ko siyang nilingon at nginitian. Seeing the view makes me thirsty. Para akong uhaw na uhaw dahil sa nakikita ko ngayong naghuhubad na lalaki. Nakapikit siya habang tinatanggal ang damit niya.

My plan earlier was to seduce him. Papainumin ko siya. Idadala ko siya sa isang hotel at pagsapit ng umaga, sasabihin kong may nangyari sa amin kahit na wala. Of course, he'll confront me after that, right? Para mapalapit kami sa isa't isa.

But now. This kind of feeling, para akong natutunaw dahil sa init ng katawan ko. Gusto ko rin maghubad katulad niya. Pero naisip ko rin na hindi iyon magandang gawin. Ang plano ko lang ay mapalapit sa kanya. Not in bed with him, alright? All I do before was tease and touched. Iyon lang. I don't do shits.

"Sa hotel tayo?" paos kong tanong habang walang kurap na nakatitig sa katawan niya. Nilingon niya ako. He smirked as if he knew what I was thinking. I smiled. I don't why I like his reaction. Kung iniisip niyang may gagawin kami, nagkakamali siya. And, the Zander I know was innocent. Well, this Zander is innocent, too.

Pero sa nakikita ko ngayon kaysa sa nakikita ko kanina, ibang iba ang kanina sa ngayon. The way he look at me with those eyes, para siyang may pinagmamasdan na pagkain. Para siyang...nagugutom at kayang kaya akong sunggaban kung gusto niya man.

Nag-drive ako kahit na nahihilo papunta sa hotel ng kapatid ko. Siya ang may ari no'n kaya madali lang akong makakapasok.

"W-Wait, Zan..." Kaka-parking ko lang ng kotse ko sa tapat ng hotel nang bigla niya nalang ako iniharap sa kanya at hahalikan na sana. Nagulat ako roon. Hindi lang sa gagawin niya sana, kung hindi sa ekspresyon rin ng mukha niya. Hindi siya ang Zander na kilala ko. He's way too different now. But, I don't know. My heart still beats for him.

Ang lakas pa rin ng pintig ng puso ko. Katulad ng dati, hulog na hulog pa rin ako.

"Why? Ayaw mo ba?" bulong niya, sumisinghap. Ngumiti ako.

"Not here. And...may inihanda ako. Gusto ko sa kama na..." Napatawa siya ng mahina at agad na tumango.

Habang magkalapat ang katawan na naglalakad papasok sa hotel, pansin ko ang bilis ng paglalakad niya na para bang nagmamadali. Mabilis rin ang paglalakad ko kaya ngayon ko lang rin napansin. Napatawa ako ng mahina at agad na bumulong.

"Ang bilis mo. Dahan dahan lang..."

Hindi niya ako binalingan pero ramdam kong nakangiti siya.

Nang nasa harapan na kami ng pintuan nang kuwarto, agad niya akong pinalapit pa sa kanya bago kami sabay na pumasok. Hindi pa man ako tuluyan na nakakalakad papasok, agad na niya akong ipinaharap sa kanya at mapusok na hinalikan.

I was stunned for a moment because of what he did. Kitang kita ko ang pagpikit niya dahil sa paghahalikan namin.

Before he even touch my breast, agad ko na siyang itinulak at inilingan. Sumisinghap siyang nakatingin sa akin. Nagtataka ang kanyang ekspresyon.

"Let me wear something hot first..." sinabi ko. Sandaling pumungay ang kanyang mata bago pilit na tumango.

"Fine."

This is my first time. Iyong kumuha lang ng hotel room para sa isang lalaki, I haven't done this before. Yes, may mga lalaki ako. But all of those doings is just nothing to me. Nakikipag halikan lang ako. Hindi ganito.

Iyong plano ko, kailangan ko iyong magawa. Papatulugin ko lang siya para pagsapit ng umaga, iisipin niyang may nangyari sa amin dahil sa magkatabi kami.

"Hmm..." Sinakop niya ulit ang labi ko at hindi ako pinakawalan sa bisig niya. Hindi pa man ako nakakatalikod ay ito na naman. Natataranta akong lumayo at ginawang natatawa ang mukha matapos ang halikan. Kahit na hindi naman talaga ako masaya sa nangyayari, kailangan ko maipakita sa kanya na parehas kami ng gusto at iniisip.

"Sa kama ka muna. Maliligo lang ako sa banyo." Hindi siya gumalaw o inalis man lang ang mata sa akin.

Hindi siya si Zander ngayon. Pero siya ang lalaking hinahanap ko, at...hindi niya ako matandaan.

Naglakad ako papalayo sa kanya ngunit nakarinig ako ng ilang bulong. Pansin kong bumubulong siya ng kung ano.

"May sinasabi ka?" Lumingon ako at nakita siyang umiigting ang panga. Namumungay ang mga mata niya at parang halimaw na uhaw uhaw sa pinagmamasdang pagkain. Napalunok ako pero seryoso pa rin ang mukha.

Ang alam ko lang matapos ang ganoong eksena, naligo ako sa banyo at paglabas, nakatulog na si Zander sa kama. Iyon lang. Walang nangyari.

Pero, sa isip ko, hindi ko alam. Iyon nga ang naaalala ko pero parang may mali.

Pagsapit ng umaga, masakit ang ulo ko at kumikirot iyon. Napaungol ako dahil doon. Ang sakit, parang pinipiga.

Tiningnan ko ang nasa kilid ko para sana makita si Zander, pero wala. Wala ni isang katawan roon ng tao ang nakita ko. Ako lang mag isa sa kama at may damit pa rin ang katawan ko.

Thank God...

Pero, nagtaka ako dahil sa napansin. May panty sa gilid ng higaan ko at medyo basa iyon. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi at napunta ang hintuturong daliri sa labi.

Kinakabahan ako.

Sa isip ko, walang nangyari. Pero sa nararamdaman ko, parang meron. At matindi.

Wala akong maramdaman sa katawan ko na kirot o hadpi. Pero may napansin ako sa suot ko. Meron nga akong suot pero...iyong dress ko ay baliktad. Parang ang nagsuot sa akin nito ay nagmamadali lang.

Dahil sa nakita, duda na ako sa nangyari. Wala akong maalala except roon sa paghahalikan namin ni Zander. Iyon lang. Iyong pagiging halimaw niya habang pinagmamasdan ako, iyon lang ang tanging nasa isip ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status