Mag-log inMabigat ang bawat hakbang ni Samantha habang bumababa siya ng sasakyan.Mahigpit niyang hawak ang papel na naglalaman ng lokasyon ng templo.Hindi pa rin siya lubos na makapaniwala sa lahat ng nalaman niya.Parang isang iglap lamang, biglang nabaligtad ang buong mundong pinanghahawakan niya sa loob ng mahabang panahon.Lahat ng galit.Lahat ng sakit.Lahat ng paninisi niya kay Billy… unti-unting gumuho sa harapan niya.At ngayon, iisa lang ang malinaw sa puso niya— ayaw niyang mawala si Billy.“Sam, sigurado ka ba rito?” tanong ni Eris habang nakaupo sa driver’s seat.Tahimik siyang napalunok bago tumingin sa malayong kalsadang tinatahak nila.“Huli na ba ako?”Walang agad nakasagot.Maging si Anton ay napabuntong-hininga lamang mula sa likurang upuan.“Ang sabi nila,” marahang sagot nito, “kapag nakapasok na siya sa loob ng templo at tuluyang manumpa bilang monghe… hindi na siya maaaring bumalik pa.”Parang may malamig na kamay na humawak sa puso ni Samantha.Hindi.Hindi maaari.Hin
“HINDI ba kayo nagkaayos ni Billy?”Mahinang napakurap si Samantha nang marinig ang tanong ni Anton. Nakaupo ito sa tabi ng kama habang chine-check ang dextrose at temperatura niya.Tahimik muna siyang napatingin sa kisame bago umiwas ng tingin.“Hindi ko siya kailangan,” mahina niyang sagot.Matigas ang mga salita niya, ngunit hindi maitago ng kanyang boses ang lungkot na kaakibat niyon.Nagkatinginan sina Anton at Eris.Parang pareho silang may gustong sabihin ngunit nag-aalangan.“Akala talaga namin magiging maayos na kayong dalawa,” maingat na wika ni Eris habang inaayos ang kumot ni Samantha. “Alam mo bang isa-isa niya kaming kinausap?”Napakunot-noo si Samantha.“Ano’ng ibig mong sabihin?”“Pumunta siya sa amin ilang linggo na ang nakalipas,” dugtong ni Anton. “Pati ang papa mo, kinausap niya.”Bahagyang natigilan si Samantha.“Si Papa?”Tumango si Anton.“Humingi siya ng basbas. Gusto niyang ayusin ang lahat at manligaw ulit nang maayos sa’yo.”Parang may kung anong bumara sa l
"Walang hiya ka.." mahina ang tinig ni Samantha, "hindi na kita mamahalin kahit kailan! wag ka ng lumapit sa akin.."Nadurog ang puso ni Billy ng marinig iyon. Hindi siya agad nakakilos.Malalim pala talaga ang sugat na idinulot niya dito..Hindi niya akalaing halos isumpa na siya ni Samantha.Nakaramdam siya ng lungkot..Walang katapusang pagsisisi..Naupo na siya sa tabi nito. Hinawakan niya ang kamay ng babae."Patawad Sam.." hindi niya maiwasang umiyak. "Pag galing mo, pangako ko sayo, lalayuan na kita.. Hindi na ako lalapit sayo kahit kailan.."Tahimik ang buong silid matapos bumuhos ang emosyon ni Billy.Tanging ulan lamang sa labas at mahihinang hikbi niya ang maririnig.Mahigpit niyang hawak ang kamay ni Samantha habang nakayuko ang noo niya rito. Hindi niya inaasahang darating siya sa puntong ito—iyong siya naman ang nagmamakaawa.Dati, wala siyang pakialam kung sino ang masaktan.Sanay siyang umalis.Sanay siyang mang-iwan.Pero ngayong nakikita niyang kahit sa lagnat at pan
Malakas na kumulog sa labas.Kasunod noon ang nakakabinging tunog ng ulan na walang tigil sa pagbuhos sa bubong ng lumang apartment. Paminsan-minsan ay may matatalim na kidlat na sumisilip sa madilim na silid, sapat lamang upang bahagyang luminaw ang mukha ni Billy—at sapat din upang mas lalong kabahan si Samantha.Nakasandal siya sa dingding habang pilit pinapakalma ang kanyang sarili.Hindi lang dahil sa mga lalaking nasa kabilang unit.Kundi dahil pakiramdam niya ay unti-unting nanghihina ang kanyang katawan.Kanina pa masama ang pakiramdam niya. Mula pa umaga ay halos hindi siya nakakain dahil sa sunod-sunod na problema sa restaurant at sa mga tenant. Nagkape lang siya, saka nagtuloy-tuloy sa trabaho.At ngayong gabi…pakiramdam niya ay bumibigay na ang katawan niya.“Ano bang nangyayari sa’yo?” puna ni Billy nang mapansing namumutla siya.“Ayos lang ako,” mabilis niyang sagot.Pero kabaligtaran noon ang totoo.Nahihilo siya.Parang umiikot ang paligid.Pinilit niyang tumayo nang
WALANG KURYENTE.Biglang nagdilim ang buong isla.Mula sa mga kabahayan hanggang sa malalayong establisimyento sa tabing-dagat, isa-isang namatay ang mga ilaw. Tanging tunog ng malalakas na alon at hangin ang pumalit sa dating maingay na paligid.Napamura si Samantha habang paulit-ulit na pinipindot ang power button ng kanyang laptop.“Ano ba naman…” inis niyang bulong. “Ngayon pa talaga?”Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at sumandal sa upuan. Mabuti sana kung sakop ng generator ang buong building, pero hindi. Ang generator na nabili niya noon ay sapat lang para sa maliit niyang restaurant sa ibaba. Hindi na niya naisamang ipaayos ang para sa mga paupahan at sarili niyang unit dahil sa sobrang mahal ng gastos.At ngayong gabi pa talaga nagloko ang panahon.“Ugh… lowbat pa,” dagdag niya nang makita ang halos mamamatay nang screen ng cellphone niya.Wala siyang magawa kundi maupo sa dilim habang pinakikinggan ang malakas na ulan sa labas.Ngunit maya-maya—parang may narinig s
Naglakad si Samantha palayo, pilit na pinapatatag ang bawat hakbang kahit na sa loob niya ay tila gumuho ang isang dam ng emosyon. Hindi niya nilingon si Billy. Alam niyang kapag lumingon siya, baka makita niya ang hitsura nitong wasak, at baka manghina na naman ang kanyang puso. Pumasok siya sa loob ng restaurant, ang lamig ng aircon ay agad na yumakap sa kanyang nag-aapoy na pisngi.Namasyal muna siya saglit, saka tumawag sa isang restaurant upang magpareserve ng table. Bago pa man siya makalapit sa lugar, punatak na ag malakas na ulan.PAGDATING NIYA SA LUGAR..Hinanap niya ang kanyang table, ngunit laking gulat niya nang makitang may nakaupo na doon—isang pamilya na masayang kumakain. Tumingin siya sa paligid, puno ang lahat ng mesa. Ang ingay ng tawanan at kalantog ng mga pinggan ay tila nanunukso sa kanyang nararamdamang pag-iisa."Miss, sorry po, wala na po tayong bakanteng table," lapit ng isang waiter sa kanya. "Pero kung gusto niyo po, doon sa may sulok, may isang upuan pa p
Nagulat si Samantha. “Lola, bakit niyo po ako ibinili ng damit?”Ngumiti ang kanyang lola saka marahan at malambing na nagsalita. “Noong asawa ka pa ng apo ko, hindi kita naasikaso nang maayos. Palagi akong nakakaramdam ng guilt dahil doon. Isipin mo na lang na pambawi ko na ito sa iyo.”Hindi naka
Nakatitig lang si Samantha sa mangkok ng lugaw sa kanyang harapan, at pagkatapos ay sa lalaking nasa tapat niya na bakas na bakas ang pag-aalala.Nakapantulog pa ito. May bahid ng pagod ang mata.Gulong-gulo ang kanyang isip. "Paano ako nakarating dito?"Umupo si Billy sa harap niya, kaswal ang ton
Para masiguradong makakapagpahinga nang husto si Samantha, binigyan siya ni Anton ng banayad na pampatulog. Dahil dito, naging mahimbing ang kanyang tulog.Sa kanyang pag aagaw antok, tila naramdaman niyang may bumuhat sa kanya. Isang pamilyar na bango ang bumalot sa kanya, na nagbigay ng likas na
Pinakawalan lang siya ni Billy matapos masigurong wala siyang bakas ng halik o kagat sa kanyang mga labi at leeg. Dahan-dahang ngumiti ang lalaki.“Sabi niyo ni Anton, pupunta kayo doon para sa trabaho, pero nag-date talaga kayo, ’di ba? Mukhang nag-enjoy ka sa dalawang araw at isang gabing iyon.”







