"BILISAN niyo! bago pa magising ang lalaking yan!" utos ni Lucy sa mga tauhan ng kanyang asawa."Saan po namin ilalagay si sir, ma'am?" tanong ng isa."Ipasok sa silid na tinutuluyan ni Samantha! gawing malinis ang lahat, para walang bulilyaso!" mariing utos ni Virgilio.********************Ngayong gabi, sa seaside na malapit sa isang Bar sa isang kilalang Mall.. ang MOA, naroon ang pares ng tao na mukhang magkasintahan.. Si Edward ay nakaupo na tila ba ninanamnam ang lamig ng hangin, habang ang babaeng kasama niya, ay nakahilig sa kanyang kanang balikat.Tila ba, inaalo niya ito sa isang napaka romantikong posisyon..Hindi nila alam, na sa hindi kalayuan, naroon ang isang pares ng mata, na matigas, may galit at puno ng poot na nakatitig sa kanila, si Samantha. Tahimik siyang lumapit sa mga ito, walang ingay, walang bakas.Napansin na siya ni Billy, subalit tila ba wala lamang siya sa buhay nito, na parang isa lamang siyang ordinaryong tao na dumaan. Malalig ang mga mata ng lalaki h
最終更新日 : 2026-01-25 続きを読む