Sheiha Fajardo's POV
Dinampot ko kung ano lang ang mahawakan ng mga kamay tapos tulak na ulit sa cart. Naiinis ako. Nababanas ako. Gusto kong manuntok pero dahil mabait ako, mas magpapakabait pa ako kaya restrain lang self.
Nginitian ko ang bawat taong nakakasalubong ko rito sa grocery store. Na kahit langgam ay magsisilapitan dahil sa tamis niyon. Gusto kong mambalibag ng mga paninda. Kahit isang lata lang para kahit papaano ay mawala itong inis ko.
Alam naman ni Brimme na hindi ko gusto ang mag-grocery! Nakapadaming iba't ibang brand tapos kailangan ko pang mamili ng trusted. Alam kong pinaparusahan ako ng pinsan kong 'yon dahil sa ex boyfriend niyang kulukoy! Kapag ako talaga nakita ko ang jowa ko noon baka siya ang pagbuntungan ko ng galit.
"Miss, pinapatay niyo na po iyang fudge bar... nadudurog na po," sabi ng isang lalaking stuff.
Napangiwi ako saka dahan-dahan ibinalik ang fudge bar na kanina ko pa pala hawak. Paano ko mapapatay ang isang bagay na wala namang buhay? Napakadaling pumatay ng walang buhay, jusmi.
Napailing ako saka huminga ng malalim. Balak ko sanang matulog ng buong araw pero ito, bumibili ako ng grocery. Mamaya naman ay mamamalengke ako sa talipapa.
"Ano bang kamalasan ang nakuha ko ngayong araw?" bulong ko sa sarili.
Nasa juice section na ako nang makakita ng isang napakapamilyar na tao. May kausap ito sa cellphone habang namimili ng juice. Nanlaki ang mga mata ko saka agad na tumalikod sa gawi niya. Nagtakip ako ng nahawakan kong bote ng juice sa mukha saka pilit na binabaliktad ang cart. Nang mabaliktad ko na iti ay agad akong pumila sa counter para magbayad na. Bahala na 'yung juice, hindi naman importante 'yun.
"Kamalasan nga naman, oh!"
Hindi ako mapakali habang pumipila. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa kaya agad ko itong kinuna para tingnan ang text.
From: Bryly mi biyutipol pinsan🥺
Huwag mong kakalimutan ang juice ko. Kapag hindi mo 'yun dala pagkauwi mo, sa labas ka matutulog mamaya.
Napangiwi ako saka napakamot ng ulo. Iyong huli kong grocery ay sadya ko talagang kinalimutan ang juice dahil sa banas ko. Kaya ayun, sa labas ako natulog. Buti na lang kalaunan ay pinapasok niya ako kung hindi ay ubos na ang dugo ko dahil sa lamok. Warning pa lang kuno 'yun. Kapag inulit ko pa ay talagang sa labas na ako matutulog. Alam kong hindi nagbibiro si Brimme. Lahat ng banta nito ay ginagawa niya talaga.
Wala akong choice kung hindi ay bumalik sa juice section. Taena naman, o...
"Apple, orange, mango, tea, lemon, grapes... Ano pa ba? Ayshh..."
Bakit ba kasi kailangang lahat ng flavor meron siya? Kung ako adik kay Lee Min Ho, siya naman ay sa juice. Hindi kaya ito healthy kapag palagi mong iniinom. Kahit pa sabihin nating mga prutas ang ingredients nito, madami pa ring kemikal ang hinalo rito.
"Sheiha...?"
Bigla akong tinulos sa kinatatayuan ko pagkatapos kong marinig ang boses na 'yun. Nakalimutan ko na may iniiwasan pala akong tao! Nyeta! Kailangan ko nang magpakunsulta sa doktor dahil nagiging makakalimutin na ako! I have a retentive memory but why I am becoming a goldfish? Memorizing pa naman ang pinaka-special talent ko. That is a rare one. Iyong makaalala ng bagay sa isang tingin lang nito.
Dahan-dahan ko siyang hinarap at napipilitang ngumiti. Bakit ba napakamalas ko ngayong araw? Ano bang ginawa ko para makasagap ng masamang inerhiya?!
"Oy, D-Dane... m-musta na?"
'Bakit ka nauutal?!' kastigo ko sa sarili.
"Sheiha, ikaw nga... Long time no see."
Hindi ko alam kong masaya ba siyang makita ulit ako o' hindi. Dahil hindi ko mabasa ang ekspresiyon niya. His green eyes is still mesmirizing upon seeing it.
"Long time no see rin. Anong ginagawa mo pala rito?"
Nag-imaginary batok ako sa sarili. Gague ka, Sheiha! Malamang grocery 'to. Anong ginagawa sa grocery store? Naghahanap ng ex girlfriend?
"Just buying some things, how about you?"
Isa pa 'to.
"Ganoon din."
Ngumiti ako, saka siya tinalikuran. Hindi ko kasi kayang pakisamahan ang mga mata niya na kung makatitig ay wagas. Napaka-intimidating na niya ngayon. People change, and feelings do change. Noon, nakakaya ko pang salubingin ang mga titig niya. Natutuwa pa nga ako kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa 'kin. Ngayon, halos iwasan ko na ang presensiya niya. Hindi na kasi komportable para sa 'kin.
"Nangongolekta ako ng juice, ikaw din ba?" Nagpatuloy ako sa pagtingin-tingin ng mga flavors. Lahat ng brand ng juice inisa-isa kong kinuhaan ng iba't ibang flavors pero feeling ko, may kulang pa rin.
Tinutulak ko ang cart ko habang pumipili. Ramdam ko naman ang presensiya niya sa likod ko na nakasunod.
"Kinda, may sinamahan lang ako."
I closed my eyes tightly upon hearing his deep baritone voice. Kailan ba noong huling dinig ko ng boses niya? Back when I was what? Highschool? Since then, parang hindi nagbago ang boses nito. Mas lalo lang lumalim saka naging mas manlier.
"Ah, ganoon ba?"
Napangiwi ako nang hindi siya nagsasalita at nakasunod lang. Ganito siya, e. Kapag alam niyang dead end na ang usapan, hindi siya gumagawa ng paraan para mapahaba ito.
"Damon!"
Napalingon kami sa babaeng tumawag sa kaniya. Nakangiti ito habang papalapit sa 'min.
"Tapos na ako, ikaw ba–"
Ngumiti ako nang mapansin niyang hindi man lang natinag si Dane sa pagtingin sa 'kin kahit na nandiyan na ang kasama niya. Nakatingin–nakatitig ito sa 'kin.
"Hi..." bati ko.
"Hello..." Balik na bati nito.
Awkward kong sinita si Dane gamit ang mga mata ko. Pinandilatan ko ito ng mata pero tumaas lang ang isang kilay nito at ngumisi. Napangiwi naman ako dahil alam ko ang reaksiyon niyang ito. Pinaglalaruan ako ng timawa!
"Ah, ako nga pala si Sheiha... magkaibigan kami ni Dane."
I offer my hand on a handshake to the girl. Agad naman niya itong tinanggap.
"Shane Ledezma...."
Pagkabitaw namin ng kamay ng isa't isa ay si Dane naman ang binalingan ko. Piningot ko ang ilong niya na siyang pinakaayaw niyang gawin ko.
"Damon Dane Sanchez."
"Sheiha Fajardo."
Napakunot ang noo ko dahil sa pagsagot niya. Anong nasa isip ng lalaking 'to? Unti-unti na namang akong nababanas!
"Ms. Sheena Gozon?"
"Huh...?"
Napalingon ako sa likuran ko ng may magtawag ng pangalan ni mama.
"Dr. Andrius Lexton..."
Sheiha Fajardo's POV"Akala ko nakalimutan mo na kung paano maglaro," sabi ni Calex habang hinaharangan ang goal net.Nagkibit-balikat ako at naghandang sipain ang bola. I should focus enough to set a goal. Even though I don't remember this guy, my heart feels like Calex had been my friend for a long time."Huwag mo masyadong galingan!" sigaw na niya nang bumwelo ako pasipa.Nang masipa ko na ay siya namang pagtakbo niya paharang sa bola para hindi ito makapasok. Napangisi ako pagkatapos niyang madapa at hindi naharangan ang bola."I thought you'll teach me how to play? It turns out..." I cover my mouth to suppress my chuckle.Umingos siya at bumangon. Pinagpagan muna niya ang sarili bago nag-umpisang naglakad papalapit sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko at agad na tumakbo palayo sa kaniya.Run for your life. An enemy is after you!
Sheiha Fajardo's POV"Vice! Sabi ko naman sa 'yo, walang makakatanggi sa ganda mo!" sigaw ni baklang Ruiz-za habang tumatakbo.Muntik pa itong madapa buti na lang ay nakahawak siya sa railing sa gilid ng bletcher. Naku, kung hindi..."Jusmi, vice! Pumayag si Mr. representative natin! Wala na tayong problema, all we have to do was to practice the walk and your talent," Excited itong pumunta sa harap ko, tinulak pa si Clinton na napayakap kay —Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng taong ito? — at lumuhod sa harapan ko na para bang walang ibang tao bukod sa amin."O-Okay, na... hehehe."Napangiwi ako sa itsura niya ngayon. Kung kanina ang haggard lang niya, ngayon naman mukha na siyang aswang sa pagka-haggard. Jusmi, anong pinaggagawa ng babaeng ito? May uling pa siya sa mukha!Agad akong kumuha ng panyo sa bulsa ko at i
Sheiha Fajardo's POVNagtataka lang ako kung bakit hindi tumunog ang selpon ko kahapon noong nasa library ako. Nang chineck ko ang selpon ko, naka-set naman ang alarm. Hindi rin naka-silent. Wala rin namang miss alarms.Hindi kaya...Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa hawak kong phone. Hindi kaya totoo iyong bali-balita na may multo talagang nagpagala-gala sa library? Jusmi, buti na lang talaga tulog ako sa panahong iyon, kung hindi, baka nahimatay na ako. Takot pa naman ako sa multo."Biyutipol, bise! Magchi-cheer ka ba ngayon kila Kian?!" Napalingon ako kay bakla na dalawa ang kasarian."Boy—""Bae! Bise, Bae ang pangalan ko!"Umiling-iling ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Sinilid ko na rin sa bulsa ko ang cellphone ko, dahil kung hindi, baka mabaliw ako kakaisip sa timawang multong nakatira sa library na i
Sheiha Fajardo's POVBlink, blink, blink..."Salamat po sa tulog, at walang mga alien ang umistorbo—"Agad akong napabangon dahil sa ilaw na tumambad sa akin pagkadilat ng mga mata ko. Agad kong dinampot ang cellphone kong nakapatong sa lamesa at tiningnan ang oras. Napatakip ako ng bibig pagkakita ko sa oras.Seven p.m. na..."Bakit ka hindi tumunog selpon ko!" bulyaw ko sa cellphone kong walang kamuwang-muwang.Agad akong tumayo at patakbong nagtungo sa pinto. Sa nanginginig na kamay, kinuha ko ang ID ko at ini-scan ito sa pinto pero hindi gumagana."Si Bryly, jusmi... Si Bryly!" Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Brimme. Iyon na lang ang huling option ko para makalabas!"You don't have enough load balance to make this call..." Naiiyak kong inilayo ang cellphone sa tainga ko ng marinig sa
Sheiha Fajardo's POVAng saya talaga kapag walang klase, ano? Nagagawa mo ang lahat, matulog, kumain, maglakwatsa, maglampungan, lahat-lahat na. One for all, all for one."Nauuhaw ako, gusto ko ng juice. Magpapabili ka ba, Bryly?" Lumapit ako sa desk niya at pumangalumbaba roon.Nagbabasa siya ng libro habang may head phone. Pero alam kong hindi siya nakikinig ng music. It's her way of saying, 'stay away from me', 'don't approach me'.She just hummed. Hindi man lang ako tinapunan nang tingin kahit saglit. Ouch, na hurt ako ng slight doon."Sheiha, pakitago muna 'to." May inaabot si Clinton na isang brown envelope na nakasilid sa plastic envelope. Lumapit siya sa akin habang nakatingin sa hawak na selpon. Naglalaro na naman ito panigurado."Ano 'to?" Sinisipat ko ang bagay na 'yun pagkaabot ko mula sa kaniya."May k
Andrius Lexton's POVI stare at him."I beg your pardon?"He sighed and smiled. Tumingin siya sa hindi kalayuan namin kung saan nag-aasaran sina Brimme at Clinton. Well, more on nang-aasar si Clinton kay Brimme."You see, everything are not in there right places as of now. Kapag nakialam pa ako, kami.... mas gugulo lang." Naiintindihan ko siya. I always do, cause he's my patient."You save her before–""And that would be the last time. Hindi naman talaga si Sheiha ang dahilan kung bakit ko 'yun nagawa. I beg someone inferior to reach my goal, and I already reached it. It is a coincidence that someone also beg for Sheiha to live, and that's not me. I've already move on, and I plan to move forward. I want to set aside everything and focus on healing," Tumingin siya sa akin, maaliwalas na ang mukha niya ngayon."If you already reached