Share

Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge
Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge
Penulis: catalyst

Chapter 1: The Ex-Boyfriend's Return

Penulis: catalyst
last update Terakhir Diperbarui: 2026-02-26 01:00:04

Sabi nila, ang karma raw ay hindi magnanakaw; isa itong tapat na maniningil. At para kay Celine Villareal, ang paniningil ay dumating nang may kasamang interes.

Anim na taon.

Anim na taon na ang nakalilipas nang durugin niya ang puso ng isang Jaxson De Silva. Tandang-tanda pa niya ang eksena: ang ulan, ang usok ng sigarilyo, at ang mga salitang binitawan niya na parang patalim.

“Let's stop wasting time. You were a fun project, Jax, pero tapos na ang charity work ko. I need a real man now, not a charity case.”

Wala siyang naramdamang awa noon. Siya ang prinsesa ng Villareal empire, at si Jax ay isang hamak na pahina lang sa kanyang kwento. Sumama siya kay Rico Alcantara, ang lalaking akala niya'y kapantay ng kanyang estado.

Pero ang ginto ay naging tingga. Ang palasyo ay naging bilangguan.

Sa loob ng mansyon ng mga Alcantara, natutunan ni Celine ang tunay na kahulugan ng sakit. Hindi sa salita, kundi sa kamao. Ang kanyang imperyo ay gumuho, ang kanyang ama ay nalugmok, at ang kanyang dangal ay unti-unting inubos ng asawang demonyo.

Kagabi ang huling patak.

Hindi ulan ang pumatak sa kanya, kundi dugo. Isang ashtray ang humampas sa kanyang noo dahil sa isang simpleng pagkakamali sa hapag-kainan. Habang nakahandusay siya sa sahig, namanhid na ang kanyang katawan, pero nagising ang kanyang kaluluwa.

Present Day. BGC, Taguig.

Nakatayo si Celine sa gitna ng matatayog na gusali. Hawak ang envelope ng annulment papers, tiningala niya ang langit. Walang ulan ngayon. Mainit. Maliwanag.

Ito na ang simula ng kanyang pagtakas. Ito na ang simula ng kanyang laban.

Pumasok si Celine sa loob ng Single Origin coffee shop at nagtungo sa sulok na tila ba may sinusubukan syang itago. Ito ay ang mga mata niya sa likod ng malaking sunglasses at hila-hila pababa ang suot na itim na baseball cap. Todo ang aircon sa loob, pero tumatagaktak ang malapot na pawis sa kanyang leeg.

Panay ang tingin niya sa wristwatch niya. 10:15 AM.

Ang usapan nila ni Atty. Cruz ay alas-diyes. Ito lang ang nag-iisang abogadong sumugal na tanggapin ang kaso niya dahil takot ang lahat na banggain ang pamilya Alcantara. Bakit wala pa siya?

Nanginginig na kinuha niya ang phone para i-dial ang numero ng abogado nang biglang bumukas ang glass door. Tumunog ang chimes, dahilan para mapatingin ang lahat.

Pumasok ang isang lalaki.

Naka-suot ito ng charcoal gray na three-piece suit na bumagay sa malapad niyang balikat. Nakabukas ang unang butones ng itim niyang polo, at wala siyang suot na kurbata, isang itsurang delikado, tila walang pakialam sa mundo, pero umaapaw sa awtoridad. Amoy na amoy ang mamahalin niyang pabango, tila amoy ng tagumpay at mamahaling tabako, kahit mula sa malayo.

Agad na nagbulungan ang mga barista. Kahit ang mga babaeng abala sa kani-kanilang laptop ay napatigil para titigan siya. Hindi nga naman pangkaraniwan na makakita ng ganitong mukha sa isang kapihan, mas bagay ang mukha niya sa mga billboard sa EDSA kaysa sa isang café ng Martes ng umaga.

Pero si Celine? Halos huminto ang tibok ng puso niya. Nanlamig ang buong katawan niya hanggang dulo ng mga daliri.

Dahil ang lalaking naglalakad palapit sa kanya ay hindi ibang tao.

Si Jaxson De Silva. Ang first love niya. Ang lalaking winasak niya.

Jax.

Ang laki ng ipinagbago niya sa loob ng anim na taon. Ang Jax na kilala niya noon ay laging naka-faded na shirt at laging may malumanay na ngiti na parang sikat ng araw. Siya 'yung klase ng lalaki na mag-iipon ng isang linggo mabili lang ang paborito niyang milk tea.

Pero ang lalaking nakatayo ng ilang metro mula sa kanya? Mukhang kaya nitong bilhin ang buong gusali at paalisin ang lahat ng tao sa loob dahil lang sa maingay na paghinga. Mas matalas na ang panga nito, mas madilim ang mga mata. Wala na 'yung init. Ang natira na lang ay yelo.

Shit. Shit. Shit.

Nag-panic si Celine. Yumuko siya lalo, pilit na tinatakpan ng cap ang mukha, umaasang hindi siya nito makikilala.

Mukha siyang basahan. May pasa siya sa gilid ng mata na pilit tinatakpan ng concealer, at may plaster sa noo. Ayaw niyang makita siya ni Jax ng ganito. Gusto niyang ang maalala nito ay 'yung mataray at high-maintenance na heiress na dumurog sa puso nito, hindi itong bugbog-saradong asawa na nanginginig sa takot.

Pride na lang ang meron siya. Ayaw niyang makita ni Jax na tama ang karma.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana.

Dire-diretsong naglakad si Jax sa mesa niya, hinila ang bakal na upuan sa tapat niya, at umupo nang dahan-dahan.

"Traffic sa C5," sabi nito, sa boses na malalim at garalgal.

Nanigas si Celine. Anong traffic?

"Excuse me?" Pilit niyang iniba ang boses niya, pinababa ng kaunti. "Sir, baka nagkakamali ka lang. May hinihintay ako."

Hindi gumalaw si Jax. Sumandal lang ito, nag-krus ng binti, at tinitigan siya. Kahit naka-shades si Celine, ramdam niya ang init ng tingin nito na tumatagos sa salamin.

"Miss Villareal, 'wag na tayong maglokohan. Kilala kita kahit maging abo ka pa."

Miss Villareal.

Natigilan si Celine. Mula nang bumagsak ang pamilya nila at maikasal siya kay Rico, ang tawag na sa kanya ay "Mrs. Alcantara" o kaya naman ay simpleng "Hoy" ng mga biyenan niya. Wala nang tumatawag sa kanya ng Miss Villareal.

Dati, ‘yan ang paboritong itawag ni Jax sa kanya. Binubulong niya 'yan habang nagtatago sila sa library, ninanakawan siya ng halik sa likod ng mga estante ng libro.

"Miss Villareal, bawal maingay…"

"Miss Villareal, akin ka lang ha?"

"Miss Villareal, I love you."

Ang sakit palang marinig ulit 'yan. Kasi 'yung tono ni Jax ngayon? Puno ng galit. Puno ng pait.

"Sir, please," giit ni Celine, mahigpit na hinawakan ang bag niya. "Hindi ako ang hinahanap niyo. 

Paparating na ang kausap ko. Please leave."

Sinenyasan ni Jax ang waiter at umorder ng black coffee nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Atty. Cruz isn't coming."

Napatingala si Celine. "Ha? Anong pinagsasabi mo? We confirmed last night!"

"Finally, tumingin ka rin," ngisi ni Jax. Hindi iyon ngiti ng tuwa. Nakakatakot na ngisi iyon.

Tinanggal ni Jax ang shades niya. Bumulaga ang mga matang malamig at walang mababasang emosyon. "Atty. Cruz violated multiple ethics regulations. Dinismiss siya kaninang umaga. Wala na siyang lisensya."

Nanlaki ang mata ni Celine. "Imposible! Kagabi lang kausap ko siya! Paanong-" Napatigil siya. 

Tinitigan niya si Jax, ang kalmado at mapanganib nitong presensya.

"Ikaw," bulong niya. "Ikaw ang may gawa?"

"Does it matter?" Humigop si Jax ng kape na kakarating lang. "Ako na ang hahawak ng annulment case mo."

Parang gumuho ang lupa sa ilalim ng mga paa ni Celine. "No. Ayoko. Kahit sino, 'wag lang ikaw."

"Bakit? Takot ka?" Lumapit si Jax, ipinatong ang mga siko sa mesa. "Feeling mo ba may gusto pa ako sa'yo, Miss Villareal?"

Ang pangungutya sa boses nito ay mas masakit pa sa mga sampal ni Rico.

"Of course not," nauutal na sagot ni Celine, pilit na kinakalma ang sarili. "Alam kong galit ka sa akin. No man in his right mind would still want a woman who treated him like garbage."

"Good. At least alam mo."

"Then why are you doing this?" hamon niya. "Gusto mo lang ba akong makitang magdusa? Gusto mong pagtawanan kung gaano ka-miserable ang buhay ko ngayon?"

Matagal siyang tinitigan ni Jax. "Kung sabihin kong oo?"

Inamin niya.

Gusto niya siyang makitang bumagsak.

Kahit expected na niya 'yun, ang sakit pa rin palang marinig na manggaling mismo sa bibig nito.

Sa loob ng anim na taon, tiniis ni Celine ang lahat. Ang mga tsismis ng mga amiga, ang paniningil ng mga debt collector, ang pang-aabuso sa loob ng mansyon. Unti-unting nadurog 'yung mataray at proud na Celine Villareal. Pero ang mapagmahal na si Jax, ang Jax niya, ay isa na ngayon sa mga manonood sa pagbagsak niya? Parang may nabasag sa loob niya.

"Fine," bulong ni Celine, nanginginig ang boses. "Kung 'yan ang gusto mo, sige. Panoorin mo."

Nanginginig ang mga kamay na dahan-dahan niyang inalis ang baseball cap. Sunod niyang tinanggal ang sunglasses.

Masyadong maliwanag ang ilaw sa café. Wala nang matataguan ang mga sikreto niya.

Walang makeup si Celine. Maputla at tila walang buhay ang balat niya. Ang pasa sa kaliwang pisngi ay nangingitim na, at may sariwang sugat sa labi. May band-aid din sa noo na tumatakip sa hiwa mula sa ashtray.

Hindi na siya ang dyosa ng unibersidad na tinitingala ng lahat noon. Mukha siyang manikang sira-sira.

Biglang nagbago ang mukha ni Jax.

Nawala ang pangungutya. Lumaki ang mga mata niya. Namuti ang mga kamao niya sa higpit ng pagkakahawak sa mesa, na sa sobrang diin ay akala ni Celine mababali na ang kahoy.

Biglang bumigat ang hangin sa paligid nila. Nakakasakal.

"Sino'ng gumawa niyan?" Ang boses niya ay mababa, mapanganib. Parang ungol ng hayop na handang pumatay.

"Masaya ka na ba?" tanong ni Celine, hindi pinansin ang tanong nito. Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata niya. "If not, I can explain the details. 'Yung sa noo, ashtray 'yan. 'Yung sa labi, singsing niya 'yan nang sampalin niya ko. Okay na ba? Satisfied ka na ba, Attorney?"

"Tumahimik ka!"

Hinampas ni Jax ang mesa. Napatingin at nagulat ang ibang customers.

Mukha siyang nasasaktan. Mukha siyang papatay ng tao.

"Ginusto mo 'to!" asik niya, pilit na tinatakpan ng galit ang pag-aalala. "Pinili mo siya! Iniwan mo ako para sa kanya, tapos ganito lang ang gagawin niya sa'yo?!"

"Oo! Pinili ko 'to!" humagulgol na si Celine, tuluyan nang bumagsak ang mga luha. "Kasalanan ko lahat! I deserve this, okay? Kaya pwede ba, Jax? Quits na tayo. Nakaganti ka na. Nakita mo na akong wasak. So please… let me go."

Hindi na niya kaya. Dinampot niya ang cap at bag, tumayo, at tumakbo palabas.

"Celine!"

Hindi siya lumingon. Tumakbo siya palabas ng café, pumara ng unang taxi na nakita niya, at sinabihan ang driver na magmaneho palayo, kahit saan, basta malayo doon.

Naiwan si Jax sa mesa.

Habol niya ang kanyang hininga, mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib. Ang imahe ng bugbog na mukha ni Celine ay nakaukit na sa utak niya.

How dare he touch her.

Ang lakas ng loob ng gagong 'yun na saktan ang Miss Villareal niya.

Tumunog ang phone niya, bumasag sa katahimikan.

"Attorney De Silva, nasan ka na? Hinihintay ka na ng board," sabi ng partner niya sa kabilang linya.

"Meeting a client," malamig na sagot ni Jax.

"Client? Kaka-uwi mo lang galing New York ah? At saka, akala ko ba corporate law na tayo? Why did you suddenly take over Atty. Cruz's workload? Sayang sa oras 'yang mga annulment cases na 'yan- "

Pinutol ni Jax ang sasabihin nito. Tumayo siya at naghagis ng isang libong piso sa mesa.

"May ipapagawa ako sa'yo."

"Ano 'yun?"

Tumingin si Jax sa bintana, sinusundan ng tingin ang direksyon kung saan nawala ang taxi ni Celine. Ang mga mata niya ay malamig, kalkulado, at walang awa.

"Alamin mo lahat tungkol kay Mayor Rico Alcantara. Ang dirty money niya, ang mga kabit, ang illegal deals. Lahat."

"Wait, teka- bakit?"

"Wawasakin ko siya."

Binaba ni Jax ang tawag. Inayos niya ang suit niya, naglakad palabas ng café na parang hari, at nag-dial ng panibagong numero.

"Ihanda mo ang kotse," utos niya. "Pupunta tayo ng Batangas."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 5: The Trap

    Pagkauwi galing sa school ni Clara, hindi na nag-aksaya ng panahon si Celine. Agad siyang sumabak sa paghahanap ng bagong abogado.​Nakaupo siya sa sahig ng guest room ni Sam, napapalibutan ng mga calling cards at listahan ng mga law firms na nahanap niya sa Google. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang dina-dial ang bawat numero.​Pero isa-isa siyang binabagsakan ng telepono.​"Sorry, Mrs. Alcantara, but we have a conflict of interest."​"Pasensya na po, puno ang schedule ni Attorney."​"We don't handle cases against politicians."​Napahilamos na lang si Celine sa mukha sa sobrang frustration.​Naiintindihan naman niya. Si Rico Alcantara ay hindi lang basta Mayor; siya ay miyembro ng isang makapangyarihang political dynasty. Senador ang tatay nito, at malalim ang impluwensya nila sa lipunan ng Maynila. Walang abogadong gustong magpakamatay sa career nila para lang ipagtanggol ang isang "disgraced heiress" na walang pambayad at kalaban ang higante.​May isang pangalan sa listahan

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 4: We Are Not Done Yet

    Tahimik na umandar ang itim na Mercedes-Benz G-Wagon palabas ng underground parking ng The Proscenium.​Sa loob, mahigpit ang hawak ni Atty. Jaxson De Silva sa manibela. Namumuti ang mga buko ng kanyang mga daliri sa diin, isang matinding kontraste sa madilim na leather ng sasakyan. Mahigpit na nakatiim ang kanyang panga, habang naglalaban ang galit at pagkalito sa kanyang kalooban.​Pagliko niya sa kanto ng Estrella Street, nakita niya ulit sila.​Dalawang pigura na naglalakad sa ilalim ng lilim ng mga puno ng banaba. Isang malaki, at isang maliit. Magkahawak-kamay.​Tumagos ang sikat ng araw sa mga dahon, na tila bang nilalagyan ng spotlight ang bata. Naka-pigtails ito, at may suot na cherry hair ties na kumikinang tuwing tinatamaan ng liwanag. Masaya itong tumatalon-talon habang naglalakad kasama ang kanyang ina, walang kamalay-malay sa mabigat na tingin na sumusunod sa kanya mula sa loob ng tinted na sasakyan.​Biglang bumukas ang isang lumang kahon ng alaala sa utak ni Jax. Isang

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 3: The Familiar Stranger

    Hindi dinalaw ng antok si Celine nang gabing iyon.Pagulog-gulong siya sa malambot na kama ng guest room, nakatitig sa kisame habang tumatagos ang mga ilaw ng Makati sa siwang ng kurtina. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang imahe ni Jaxson De Silva kanina, ang mga mata niyang nanlalamig, ang matalas na panga, at ang tingin na punong-puno ng poot.​Bakit siya bumalik?Bakit ngayon pa?At bakit kailangan niyang maging abogado ko?​Alas-tres na ng madaling araw nang makatulog siya, pero parang ilang kurap lang ang lumipas, tumunog na agad ang alarm niya.​6:00 AM.​Bangungot man ang gising, kailangan niyang bumangon. Wala siyang karapatang magmukmok dahil sa nakaraan. Kailangan nya muna maging isang ina, bago maging isang babaeng muling dinudurog ng pag-ibig.​Kinaladkad ni Celine ang sarili papasok ng banyo. Sa harap ng salamin, napabuntong-hininga siya. Kahit sa malamlam na ilaw, nangingibabaw ang kulay ng mga pasa sa mukha niya. Ang lila sa pisngi niya ay nangingitim na, at a

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 2: Unforgettable Old Feelings

    Halos hindi maramdaman ni Celine ang mga binti niya nang lumabas siya ng Single Origin sa BGC.Parang hinigop ang lahat ng lakas sa katawan niya, iniiwan siyang manhid at halos hindi makatayong tuwid. Napakapit siya nang mahigpit sa railings ng bangketa para lang hindi siya tuluyang matumba. Ang maalinsangan na hangin ng Maynila ay nakakasakal, pero mas nakakapigil-hininga ang bigat ng mga alaala sa mga mata ni Jax.​Sa loob ng anim na taon, pilit niyang ibinaon ang pangalang Jaxson De Silva sa pinaka sulok sulukan ng kanyang puso. Nilunod niya ang bawat alaala, ang halakhak nito, ang amoy nitong parang pinaghalong ulan at sabon, at ang paraan ng pagtingin nito sa kanya na para bang siya ang buong mundo nito.​Akala niya, okay na siya.​Akala niya, manhid na siya.​Winasak niya ang puso nito noon dahil wala siyang pagpipilian. O 'yun ang pilit niyang sinasabi sa sarili niya. Pero nang makita niya si Jax ngayong araw, nang hindi inaasahan, habang nakasuot ng mamahaling suit at mukhang

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Chapter 1: The Ex-Boyfriend's Return

    Sabi nila, ang karma raw ay hindi magnanakaw; isa itong tapat na maniningil. At para kay Celine Villareal, ang paniningil ay dumating nang may kasamang interes.Anim na taon.Anim na taon na ang nakalilipas nang durugin niya ang puso ng isang Jaxson De Silva. Tandang-tanda pa niya ang eksena: ang ulan, ang usok ng sigarilyo, at ang mga salitang binitawan niya na parang patalim.“Let's stop wasting time. You were a fun project, Jax, pero tapos na ang charity work ko. I need a real man now, not a charity case.”Wala siyang naramdamang awa noon. Siya ang prinsesa ng Villareal empire, at si Jax ay isang hamak na pahina lang sa kanyang kwento. Sumama siya kay Rico Alcantara, ang lalaking akala niya'y kapantay ng kanyang estado.Pero ang ginto ay naging tingga. Ang palasyo ay naging bilangguan.Sa loob ng mansyon ng mga Alcantara, natutunan ni Celine ang tunay na kahulugan ng sakit. Hindi sa salita, kundi sa kamao. Ang kanyang imperyo ay gumuho, ang kanyang ama ay nalugmok, at ang kanyang d

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status