Share

Kabanata 2

Penulis: catalyst
last update Tanggal publikasi: 2026-02-26 01:00:18

Halos hindi maramdaman ni Celine ang mga binti niya nang lumabas siya ng Single Origin sa BGC.

Parang hinigop ang lahat ng lakas sa katawan niya, iniiwan siyang manhid at halos hindi makatayong tuwid. Napakapit siya nang mahigpit sa railings ng bangketa para lang hindi siya tuluyang matumba. Ang maalinsangan na hangin ng Maynila ay nakakasakal, pero mas nakakapigil-hininga ang bigat ng mga alaala sa mga mata ni Jax.

​Sa loob ng anim na taon, pilit niyang ibinaon ang pangalang Jaxson De Silva sa pinaka sulok sulukan ng kanyang puso. Nilunod niya ang bawat alaala, ang halakhak nito, ang amoy nitong parang pinaghalong ulan at sabon, at ang paraan ng pagtingin nito sa kanya na para bang siya ang buong mundo nito.

​Akala niya, okay na siya.

​Akala niya, manhid na siya.

​Winasak niya ang puso nito noon dahil wala siyang pagpipilian. O 'yun ang pilit niyang sinasabi sa sarili niya. Pero nang makita niya si Jax ngayong araw, nang hindi inaasahan, habang nakasuot ng mamahaling suit at mukhang diyos ng paghihiganti, ay tuluyang nagpagunaw sa mga pader na itinayo niya.

​Bakit ikaw pa? bulong niya sa hangin. Sa lahat ng tao sa mundo, bakit ikaw pa ang kailangang makakita sa akin ng ganito?

​Biglang nag-vibrate ang phone niya sa loob ng bag. Ang makita ang pangalan sa screen ay sapat na para kumalma ng kaunti ang nagwawalang kaba sa dibdib niya.

​Ito ang kanyang salbabida.

​"Hello, baby?" sagot ni Celine, pilit na pinapasigla ang boses.

​"Mommy..." Isang malambing at matamis na boses ang sumagot sa kabilang linya. "Uwi ka na po. Are you done with work?"

​Napapikit si Celine, pilit na pinipigilan ang pagtulo ng luha. "Yes, baby. Mommy will be back soon. Be a good girl kay Tita Sam, okay? Pauwi na si Mommy."

​Pumara siya ng Grab at inilagay ang location sa Rockwell, Makati.

​Doon siya pansamantalang nakikituloy ngayon, sa condo ng best friend niyang si Sam Perez.

​Isang bangungot ang nangyari kagabi. Kagabi, matapos siyang pagbuhatan ng kamay ni Rico dahil sa init ng ulo sa pulitika, naglaho ang asawa niya at iniwan siyang may sugat at bakas ng mga pasa sa malamig na sahig. Pero kilala ni Celine si Rico. Anak ito ng Mayor, mayabang at possessive. Babalik 'yun. At kapag bumalik 'yun, baka hindi lang pasa ang abutin niya.

​Kaya hatinggabi, bitbit ang natutulog na si Clara at isang maleta, tumakas siya.

​Mula nang bumagsak ang Villareal Group, lahat ng tinatawag niyang "friends" sa social circle ay naglahong parang bula. Walang gustong madikit sa isang eskandaloso at bankrupt na pamilya. Walang natira kundi si Sam. Isang tawag lang, binuksan agad nito ang penthouse para sa kanya.

​Pagdating niya sa Rockwell, mahigpit ang security. Ito lang ang lugar kung saan pakiramdam niya ay ligtas siya.

​Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ng unit, sinalubong agad siya ng isang maliit na bata.

​"Mommy!"

​"Clara ko." Binitawan ni Celine ang bag at lumuhod para salubungin ang anak nang mahigpit na yakap.

​Niyakap siya nito pabalik. Amoy baby powder at gatas. Ito lang... ito lang ang pahinga niya sa magulo niyang mundo.

​Hahalikan sana niya ito sa noo nang bigla siyang matigilan.

​Kumalas si Clara sa yakap at tumingala sa kanya gamit ang malalaki at expressive na mga mata. Ang mga matang 'yun...

​Biglang bumaha ang mga alaala mula sa coffee shop kanina.

​Noong sanggol pa si Clara, laging sinasabi ng mga tao na kamukhang-kamukha niya si Celine. "Mini-Celine" daw. Carbon copy niya, ang maputing balat, ang maliit na ilong. Pinaniwalaan din 'yun ni Celine.

​Pero habang tinititigan niya si Clara ngayon, sariwa pa sa isip niya ang mukha ni Jax kanina... parang binuhusan ng yelo si Celine.

​Ang hugis ng mga mata ni Clara. Ang matinding paraan ng pagkunot ng noo nito kapag nag-aalala. Ang kurba ng mga labi.

​Diyos ko.

​Habang lumalaki si Clara, lalo itong nagiging kamukha ni Jax.

​Pitongput-walong porsyento. Hindi maipagkakaila. Kung itatabi niya si Clara sa Jaxson De Silva na nakaharap niya kanina, walang magdududa sa lukso ng dugo.

​Alam kaya niya? Naghinala kaya siya?

​"Mommy? Why are you crying?" tanong ni Clara, pinapahid ang luha sa pisngi ni Celine gamit ang maliit nitong hinlalaki. "Masakit po ba 'yung boo-boo mo sa face?"

​"Wala 'to, baby," pagsisinungaling ni Celine, pilit na ngumiti habang itinatago ang nanginginig na mga kamay sa likod. "Napuwing lang si Mommy."

​"Clara! Andito ka lang pala!"

​Lumabas si Sam Perez galing sa kusina, nagpupunas ng kamay sa towel. Kahit naka-pambahay, mukha pa rin itong elegante. "Oh, Celine, andyan ka na pala. How was it? Anong sabi ng lawyer?"

​Binigyan ni Celine si Sam ng makahulugang tingin, isang senyas na huwag pag-usapan ang mga problema sa harap ng bata.

​"Clara, baby," malambing na sabi ni Celine. "Laro ka muna sa room, okay? I bought you a new quiet book. Nasa bag ni Mommy. Check mo dali."

​"Yehey! Thanks, Mommy!"

​Agad na tumakbo si Clara papasok sa guest room, iniwan ang dalawang babae sa malawak na sala na tinatanaw ang skyline ng Makati.

​Pagkasara ng pinto, bagsak-balikat na umupo si Celine sa sofa. Agad siyang tinabihan ni Sam at inabutan ng tubig.

​"So?" pang-uusisa ni Sam, nakataas ang kilay. "Spill. Tinanggap ba ni Atty. Cruz 'yung kaso? I heard takot daw ang lahat kay Rico."

​Umiling si Celine nang marahan. "Hindi sumipot si Atty. Cruz."

​"What?! Ang kapal ng mukha! So naghintay ka sa wala?"

​"No... someone else showed up." Humugot ng malalim na hininga si Celine bago binanggit ang pangalan. "Si Jax."

​Nabitawan ni Sam ang hawak na remote. "Jax? As in... Jaxson De Silva? Your ex? The scholar you dumped in the rain?"

​"Oo. Siya."

​"Wait, teka lang. Huminahon tayo." Mukhang litong-lito si Sam. "Bakit andun si Jax? Diba nasa New York 'yun? And why would he handle your annulment? Diba corporate lawyer siya?"

​"He took the case, Sam. Siya daw ang hahawak ng annulment ko kay Rico."

​"OMG," napasinghap si Sam at napatakip sa bibig. "This is destiny! Or tragedy. I can't decide."

​Mabilis na nag-type si Sam sa iPad niya. "Mars, alam mo ba kung sino na si Jaxson De Silva ngayon? Baka akala mo simpleng abogado lang siya ha."

​"Alam ko, nakita ko siya. He looked... expensive."

​"Expensive is an understatement!" Idinikit ni Sam ang screen ng iPad sa mukha ni Celine. "Look! He is the Managing Partner of Vanguard International Law Firm. Asia-Pacific Region Head!"

​Binasa ni Celine ang headline ng artikulo.

​Atty. Jaxson De Silva: The Ruthless Shark of Corporate Law.

Vanguard International expands to its 30th branch in London. Annual revenue exceeds $1 Billion.

​Naka-feature ang litrato ni Jax sa cover. Mukha itong makapangyarihan, nakakatakot, at hindi abot-kamay.

​Napalunok si Celine.

​Ang lalaking kahati niya noon sa isang cup ng instant noodles sa college, ngayon ay isa nang titan sa mundo ng batas. Habang siya... siya ay isang wasak na asawa na nagtatago sa condo ng kaibigan, walang pera at walang kapangyarihan.

​Talaga ngang bilog ang mundo.

​"Celine," seryosong tanong ni Sam. "Sa tingin mo... mahal ka pa niya?"

​Napatawa nang mapait si Celine. Tawa na walang halong saya. "Sam, gumising ka nga. Of course not. Pumunta siya dun para pagtawanan ako. He hates me. Ramdam ko 'yung galit niya kanina. He wants to see me suffer."

​"I don't know, ha," giit ni Sam, habang naka-krus ang mga braso. "With his status? His time is worth thousands of dollars per hour. Bakit siya mag-aaksaya ng oras para lang asarin ka? Unless... affected pa rin siya."

​"May asawa na ako, Sam. May anak na ako. At siya? He can have any supermodel or heiress he wants. Why would he be hung up on a bankrupt ex-girlfriend who shattered his ego?"

​Tumahimik si Sam. Tinitigan niya si Celine nang may halong awa at pagtataka.

​"Speaking of shattering his ego..." Lumapit si Sam nang kaunti, humina ang boses. "I've always wanted to ask you this, pero lagi mong iniiwasan. Anong nangyari noon, Celine? You loved Jax. I saw it. Ipiglalaban mo siya sa parents mo. You were ready to give up your inheritance. Tapos bigla na lang... one day, iniwan mo siya at nagpakasal ka kay Rico? Why?"

​Nag-iwas ng tingin si Celine.

​Tumingin siya sa bintana, sa view ng syudad na unti-unting nilalamon ng dilim.

​Bumalik sa isip niya ang gabing iyon anim na taon na ang nakakaraan. Ang mga luha, ang desperasyon, ang sakripisyong walang ibang nakakaalam.

​"Tapos na 'yun, Sam," bulong ni Celine, patay ang emosyon sa boses. "Wala ng point para pag-usapan pa."

​"But- "

​"Please." Pinutol ni Celine ang sasabihin nito. "Ayoko ng balikan."

​Nang makita ang sakit sa mga mata ni Celine, napabuntong-hininga na lang si Sam at umatras. Alam niyang hindi niya mapipilit ang kaibigan.

​"Okay. Fine. Change topic," sabi ni Sam sabay tapik sa tuhod ni Celine. "So anong plano mo ngayon? Hindi pwedeng si Jax ang lawyer mo kung ganyan ang tension niyo. Baka lalo lang gumulo."

​Tumango si Celine. Dahan-dahang napalitan ng determinasyon ang takot sa mga mata niya.

​"Hahanap ako ng ibang lawyer," desisyon niya. "Kahit sino. Kahit baguhan. I just need to divorce Rico."

​Tumayo siya. "I can't let Jax back into my life, Sam. Not with Clara around. Not with the secrets I'm keeping."

​Naglakad siya papunta sa guest room para tignan ang anak, iniwan si Sam na nakatingin sa likod niya, nagtataka kung anong mabigat na sikreto ang tinatago ni Celine Villareal.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 247

    Napakunot ang noo ni Jax. "Para sa akin? Bakit? Hindi ba ito ang 'weapon' mo sa kaso?"Ngumiti nang mapait si Celine. "Ang mga record na ito… ginawa ko ito para kay Clara at para sa'yo simula pa noong una.""Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jax. Ang kanyang puso ay nagsimulang tumibok nang mabili

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 246

    Nang makita ni Jax ang mga larawang iyon, ang mga sandaling hindi niya nakita, ang mga tawang hindi niya narinig, at ang paglaki ng anak na wala siya, biglang nagbago ang kanyang mukha. Nawala ang kaniyang pagiging kampante. Ang kanyang mga daliri ay bahagyang nanginginig habang tinitingnan ang mali

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 245

    Napakamot na lang ng ulo si Liam. "May sarili ka talagang math, 'no?"Umupo ang dalawa sa isang green metal bench sa gilid ng tennis court. Mainit ang bench dahil sa sikat ng araw, pero wala silang pakialam. Malayo ang distansya nila sa isa't isa at tila may isang invisible na pader na nakaharang.K

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 244

    Ang sikat ng araw sa Makati ay tila nakikisama sa tensyong namumuo sa loob ng tennis court ng Makati Sports Club. Ramdam ang halumigmig ng hangin at ang amoy ng bagong tabas na damo ay humahalo sa amoy ng pawis at determinasyon na namumuo sa paligid.Nang muling marinig ni Liam na tinawag siyang "ho

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 243

    Ang maliit na tea room sa tabi ng pangunahing lounge ng The Jade Willow sa Greenbelt ay mas tahimik. Mas simple ang mga gamit dito. Makikita ang isang mesa at dalawang upuan sa tapat ng bintana kung saan makikita rin ang mga kawayan na sumasayaw sa hangin ng Makati. Sa bandang kalayuan ay maaninanga

  • Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge   Kabanata 242

    Hindi sumagot si Jax. Tahimik lang niyang inaayos ang kanyang mga tiles."Sino namang nagsabing unlucky siya?" singit ni Sean. "Balita ko, may anak na ang ating bida. Sino ba sa atin ang may ganoong 'achievement' na?""Totoo ba 'yung chismis?" dagdag pa ni Liam. "Na ipinakulong mo raw 'yung nanay ng

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status