首頁 / Romance / Claimed By My Husband's Brother / CHAPTER 50: The Wrong Assumption

分享

CHAPTER 50: The Wrong Assumption

作者: GennWrites
last update publish date: 2026-11-09 16:19:24

CHAPTER 50: The Wrong Assumption

Hindi pa rin tumitigil si Lola Beatriz sa pagkukuwento. Kahit nasa edad sitenta na siya, halatang hindi siya nauubusan ng sasabihin. Mahirap siyang patahimikin, lalo na kapag may nakakausap siyang bagong tao.

“Alam mo, Yngrid, masyadong seryoso ang apo kong si Light. Ang cold, masyadong tahimik, at hindi talaga romantic,” komento niya habang umiiling.

Napangiti si Dani.

“Ganyan na talaga siya mula pagkabata. Masyadong mahigpit ang pagpapalaki sa kanya ng mga mag
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
已鎖定章節

最新章節

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 50: The Wrong Assumption

    CHAPTER 50: The Wrong AssumptionHindi pa rin tumitigil si Lola Beatriz sa pagkukuwento. Kahit nasa edad sitenta na siya, halatang hindi siya nauubusan ng sasabihin. Mahirap siyang patahimikin, lalo na kapag may nakakausap siyang bagong tao.“Alam mo, Yngrid, masyadong seryoso ang apo kong si Light. Ang cold, masyadong tahimik, at hindi talaga romantic,” komento niya habang umiiling.Napangiti si Dani.“Ganyan na talaga siya mula pagkabata. Masyadong mahigpit ang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya. Siya kasi ang panganay, kaya kailangan niyang maging matatag palagi. Hindi siya puwedeng magpakita ng kahinaan.”Bahagya siyang lumapit kay Dani at nagpatuloy.“Kaya kapag may nakikilala siyang bagong tao, lalo na kung babae, mukha talaga siyang walang pakialam. Parang ice cream na nakalimutang ilagay sa freezer.”Napatawa nang mahina si Lola Beatriz sa sarili niyang biro. Napangiti na lang si Dani kahit medyo awkward. Sa totoo lang, tama naman ang matanda. Ganoon na ganoon si Light.

  • Claimed By My Husband's Brother   KABANATA 49: A Night of Surprises

    KABANATA 49: A Night of Surprises~“KUYA RAVEN, kaibigan mo ba 'yung bagong dating?” mahinang tanong ni Drake kay Raven habang magkatabi silang nakatayo sa gilid ng ballroom. Kanina pa tahimik ang kapatid niya at si Irish. Halos hindi man lang nag-uusap ang mag-asawa.Sinundan ni Raven ang direksiyon ng tingin ng kapatid niya. Pagkatapos, tumango siya at lumingon kay Irish. “Come with me, hon. Sasalubungin natin yung kaibigan ko.”Nakaupo lang si Irish sa isa sa mga mesa at komportableng nag-aayos ng damit niya. Nang marinig ang sinabi ng asawa, napatingin siya kay Raven.Samantala, si Drake ay palihim na nagbigay ng senyas kay Irish. Gusto niyang tumanggi ito at manatili na lang sa tabi niya. Pero hindi iyon ginawa ni Irish. Tumayo siya mula sa upuan at inayos ang damit. Hindi naman sa gusto niyang sumama. Ayaw lang niyang magkaroon pa ng problema kay Doña Victoria kapag nalaman nitong hindi niya sinunod ang asawa niya.“Let's go, Hon,” sabi niya habang naghahanda.Iniabot ni Raven

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 48: Getting Ready Together

    CHAPTER 48: Getting Ready Together~“K-KUYA Light…”Mabilis na hinila ni Dani ang kamay niya para makabangon mula sa pagkakadapa sa ibabaw ni Light. Pero sa halip na pakawalan siya, bahagyang hinigpitan ng lalaki ang pagkakahawak sa kanya.“Stay like this for a little while,” paos na sabi ni Light. Halatang bagong gising pa ang boses nito.“H-Hindi puwede, Kuya Light.” Mabilis na umiling si Dani. Ayaw niyang bigla na lang pumasok si Julie at makita silang ganoon kalapit sa isa't isa. “Kailangan na nating pumunta sa hotel bago magsimula ang event.” Sinubukan ulit ni Dani na makawala, pero tila wala namang balak si Light na magmadali.“I like this position,” kaswal na sagot nito. May pilyong ngiti sa labi ng lalaki. At kahit bagong gising pa lang, hindi maikakailang mas lalong gumagwapo ito sa paningin ni Dani. “K-Kuya Light…” mahina ang tawag niya. Halos pakiusap na ang tono ng boses niya.Sa pagkakataong iyon, ngumiti lang si Light bago tuluyang binitiwan ang kamay niya. Agad na t

  • Claimed By My Husband's Brother   KABANATA 47: A Princess Transformation

    KABANATA 47: A Princess Transformation~HALOS HINDI makapaniwala si Dani sa nakikita niya sa salamin. Ilang hibla ng dati niyang itim na buhok ang nilagyan ng blonde highlights. Ang combination ng dalawang kulay ay bagay na bagay sa kanya. Mas lumiwanag ang mukha niya, at may kakaibang dating siyang parang mestiza.“Anong tawag po sa hairstyle na ito?” inosenteng tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa salamin.Nakatayo sa likuran niya si Julie, abalang inaayos ang mga kulot sa dulo ng buhok niya gamit ang curling iron. “Partial highlights, darling! Combination ng black and blonde. Classy, elegant, at bagay na bagay sa'yo.” Napangiti si Julie habang tinitingnan ang resulta sa salamin. “So, how do you like it?”Ilang beses na kumurap si Dani bago muling pinagmasdan ang sarili. “Gustong-gusto ko po!” masigla niyang sagot.Namumula ang pisngi niya sa tuwa. Hindi niya akalaing ganito kaganda ang magiging resulta. Para siyang nakakakita ng bagong version ng sarili niya, mas

  • Claimed By My Husband's Brother   KABANATA 46: A New Look

    KABANATA 46: A New Look~HINDI mapakali si Dani buong hapon sa opisina. Limang oras na siyang nasa trabaho mula nang dumating siya kaninang umaga, pero hindi niya magawang mag-focus nang maayos. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang kebaya na ipinangako ni Yngrid. Hanggang ngayon, wala pa rin itong update kung kailan matatapos ang damit.“Kung hindi talaga umabot… baka magkapareho na lang kami ng suot ni Yaya Ilay,” mahina niyang bulong sa sarili.Nakapulupot ang mga daliri niya sa ibabaw ng mesa. Pilit niyang pinipigilan ang lungkot na nararamdaman. Hindi na bago sa kanya ang tratuhin na parang hindi mahalaga, pero masakit pa rin pala kahit ilang beses mo nang maranasan.Mula sa kabilang bahagi ng opisina, palihim siyang pinagmamasdan ni Light. Napansin niya ang paulit-ulit na pagtingin ni Dani sa orasan. Paminsan-minsan, tinitingnan din niya ang digital clock sa laptop niya bago muling ibaling ang atensyon sa babae.Nang magtama ang mga mata nila, mabilis na umiwas ng tingin si

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 45: MALICIOUS SCHEMES

    CHAPTER 45: MALICIOUS SCHEMES—“HAHAHA...”Hindi mapigilan ni Yngrid ang tumawa nang mag-isa sa loob ng kaniyang silid habang nakatitig sa kaniyang sariling repleksyon sa salamin ng vanity table. Habang naglalagay siya kaniyang night skincare routine, ay hindi na nawala sa kaniyang mga labi ang mapang-insultong tawa na iyon.“Siguradong litong-lito ang babaeng 'yon kung bakit raw fabric lang ang nasa loob ng paper bag,” pabulong niyang usal habang may nakalokong ngisi sa kaniyang mukha.Bakas sa kaniyang mukha ang matinding pagmamalaki, na para bang may nagawa siyang isang napakadakilang bagay na dapat ipagdiwang. Subalit biglang narinig ang isang malamig at pormal na boses mula sa kaniyang likuran.“Bakit ka tumatawa nang mag-isa?”Awtomatikong tumigas ang katawan ni Yngrid. Tumingin siya sa salamin at nakita si Light na nakatayo hindi kalayuan sa kaniya, malamig at nanunuri ang mga mata habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng kaniyang asawa.Mabilis na humarap si Yngrid. “Kanina ka

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status