CHAPTER 4: The First Man Who Defended Her ~ MULING natigilan si Dani sa narinig. Pagkatapos siyang akusahan at ipahiya sa breakfast table na baog, ngayon naman ay gagawin pa siya nitong yaya? Wala ba talagang kahihiyan ang babaeng ito? Ngunit dahil sa kanyang mababang katayuan sa bahay at sa takot niyang gumawa ng gulo, hindi na nagprotesta si Dani. “Opo, Ate Yngrid,” sagot niya habang si Yngrid ay bumalik na sa pagtingin sa kaniyang tablet. “Halika rito, baby. Tutulungan ka ni Tita Dani na isuot ang sapatos mo.” Ngumiti nang bahagya si Dani at inakay si Aliyah paupo sa sofa, bago siya lumuhod sa harap ng bata para tulungan ito. Pasimpleng napangisi si Yngrid habang nakatingin sa kanya, nasisiyahan sa katotohanang napakadaling utos-utusan ni Dani. Hindi mapigilan ni Yngrid ang tawa sabay sinabi sa isang sarkastikong tono, “Bilisan mo naman, Dani. Bakit napakabagal mong kumilos?” “Tapos na, baby,” nakatitinging sabi ni Dani kay Aliyah pagkatapos maisuot ang sapatos, saka siya t
Última actualización : 2026-10-25 Leer más