Mag-log in
Madumi at mabahong rehas kung saan ikinulong ang isang siyam na taong gulang na batang babae. Tahimik na umiiyak sa may sulok, marumi na ang suot nitong kulay pink na dres at magulo na rin ang magandang buhok.
May binatilyo na dahan-dahan na naglalakad papunta kung saan naroon ang batang babae. "Walang mangyayari kung iiyak ka lang diyan, kainin mo na ang pagkain na 'to." Napaangat ng mukha ang batang babae na si Laura sa binatilyong si Erwan na may kataasan, sa tingin ni Laura hindi ganun kalayo ang agwat ng kanilang edad. Sampung taon na si Laura habang si Erwan naman ay trese anyos. Marusing ang suot ni Erwan at nakayapak lang ito, sira-sira ang t-shirt na suot nito. Naksuot nang sumbrero na itim kung kaya't hindi mo gaano makita ang kanyang mukha. Pero napansin ni Laura na may itsura ang nasabing binata sakabila ng ayos nito. Matangos ang ilong at ang boses nito may kalakihan at masarap sa pandinig. Ganun rin ang mata nito maganda at hindi mo alam kung galit ba ito o hindi. "A-Ayoko niyan, ang dumi ng pagkain na 'yan." tanggi ni Laura. Dahil may langaw na nakasunod at nagpapaikot-ikot sa dala-dala nitong pagkain. Nangingitim pa ang platong pinaglagyan ng pagkain, inilusot ni Erwan ang plato sa ilalim ng bakal at sumagi pa ang kanin. Mas lalo namang nandiri si Laura. Napaangat ang mukha ni Erwan kay Laura matapos nitong bitawan ang plato na nasa semento. Nakatingin sa kaniya ng seryoso kaya namann malayang napagmasdan ni Laura ang mukha ni Erwan lalo na ang dalawang pares ng mata nito. Nanlalim ito at itim na itim, binata na talaga kung titingnan si Erwan dahil sa tindig nito at dahil na rin sa matangkad pa ito. "Huwag ka ng maarte dahil magugutom ka lang at isa pa mamaya wala ng pagkain. Kainin mo na." Muling sabi ni Erwan, at may nilapag na isang basong tubig na halos matapon na ang laman dahil sa pabagsak na pagkakalapag nito sa semento. Matapos 'yun ay iniwan na ni Erwan si Laura, mangiyak-ngiyak na naman si Laura dahil mag-isa na ulit siya. Madilim ang pinaglagyan sa kaniya at tanging ilaw lang mula sa labas ang nagsisilbing liwanag. Walang ibang laman dito kundi siya lang at mga halo-halong basura at malamig na semento. Mommy, daddy nasaan na po kayo? Ayoko na dito. Bulong ni Laura sa isipan niya, isang araw palang simula ng kidnapin si Laura kasalukuyang nasa school siya no'n nang may sasakyang huminto sa harapan niya at isinakay siya "Kunin mo 'to, ilagay mo diyan para may sapin ka." Napadilat ang mata ni Laura nang makarinig ng boses, sinalubong ng mata ni Laura ang malamlam na mga mata ni Erwan. May dala itong dalawang karton, inilusot nito ang karton sa pagitan ng mga bakal. Nag-aatubili pa na abutin ni Laura ang karton pero sa huli ay kinuha niya ngunit nagtaka siya ng may kasunod itong inabot, isang supot ng plastic. Nanlaki ang dalawang magandang mata ni Laura dahil dalawang cup cake at isang orange juice ang na sa loob ng plastik. Napatingin si Laura kay Erwan. "Kainin mo na 'yan, alam ko hindi mo talaga yan kakainin. Ako na lang ang kakain niyan," seryoso ang boses na sabi ni Erwan. Hindi naman ako makapaniwala si Laura sinabi nito kaya hindi agad siya nakasagot. Namilog na lang ang mata niya ng dukutin ulit ni Erwan ang plato mula sa ilalim na dinapuan na ng ipis kanina, mabilis na kinain nito ang laman sa plato. "B-bakit mo kinain yan? Marumi na 'yan at-" "Huwag mo ng ituloy, ayos lang hindi ko naman nakita kung may dumapo na kahit ano dito sa pagkain. Sayang rin 'to at isa pa bihira lang rin naman ako makakain ng ganito." walang emosyon na sabi nito matapos ubusin ang pagkain. Hindi maipaliwanag ni Laura ang nasa loob niya pero nakaramdam siya ng lunggkot at habag dahil sa sinabi ni Erwan. Nakunsensya siya dahil binilihan siya nito ng pagkain. 'May pambili naman pala siya bakit hindi na lang siya bumili rin ng pagkainin niya, tapos ako binilhan pero ang sarili niya hindi.' Ito ang nasa isipan ni Laura habang nakatingin kay Erwan. "Hindi ko 'yan binili, kung iniisip mo. Ninikaw ko lang yan sa may tindahan, pero huwag mo ng intindihin pa 'yun. Kainin mo na lang." Bahagyang nagulat pa si Laura pero sa huli para bang natanggap agad niya ang sinabi ni Erwan. Para sa kaniya kahit mali ang ginawa nito hindi niya alam pero humanga ako siya kay Erwan, nangilid agad ang luha sa gilid ng mata niya. "Salamat, ano pala ang pangalan mo? Bakit ka na sa mga bad na mga lalaki na 'yon?" lakas loob na tanong ni Laura. Tiningnan lang ni Erwan si Laura at hindi sumagot, kaya nakaramdam ng lungkot si Laura dahil hindi nito sinabi ang pangalan. Tumalikod na si Erwan at nagsimulang maglakad palayo sa kaniya. Nakatanaw na lang si Laura sa likurannm ni Erwan habang naglalakad ito papalayo at bigla itong huminto. "Erwan." "Ha?" napahawak si Laura sa bakal dahil sa sinabi ni Erwan dahil hindi niya masiyadong narinig. "Erwan ang pangalan ko." "Erwan? Erwan?" dalawang beses na sambit ni Laura at napangiti, pilit na sinisilip ni Laura si Erwan sa pagitan ng bakal. "ERWAN! LAURA, LAURA ang pangalan ko." habol na sigaw ni Laura at napangiti ng lihim si Erwan at nagpatuloy na naglakad. ____ Madaling araw at hindi inaasahan ni Laura ang sumunod na mangyayari. May naririnig siyang mahinang pagtawag sa pangalan niya. Ginigising siya ni Erwan. "Gising, gumising ka bilisan mo." Napabangon naman bigla si Laura ng makita si Erwan at mukhang balisa ito Bakas rin sa marusing na mukha nito ang pagkatakot. "Erwan, bakit?" Sagot at pilit minumulat ang mata ni Laura. "Bilisan mo, tumakas ka na dito. Papatayin ka nila kapag nakuha nila ang perang hinihingi sa magulang mo." natatarantang sabi ni Erwan. Hindi ko naman lubos na maintindihan ni Laura dahil galing palang siya sa pagtulog at naguguluhan pa. Nakita niya na lang na bukas na ang kandado. Pumasok ito at nilapitan siya, hinawakan siya sa magkabilaan na balikat. "Sige na tumakas ka na habang mga lasing sila, tandaan mo ang pangalan na sasabihin ko sayo. Ang kumidnap sa'yo ay ang grupo ni Ka Selso ang numero unong sindikato na pinaghahap ng mga kapulisan. Ituro mo ang lugar na to, Laura." paliwanag ni Erwan habang marahan na niyuyug-yog ang balikat ni Laura na hindi pa rin nagsasalita. "Pa-paano ka? Sumama ka na sa akin puwede kang tulungan ng parents ko. Natatakot akong tumakas." naiiyak na sagot ni Laura. Pinakatitigan naman ni Erwan si Laura at pinunasan ang luha gamit ang sumbrero na suot ni Erwan. Titig na titig si Laura at natigilan ng malaya na niyang nakita ang kabuan ng mukha ni Erwan dahil ang gwapo pala nito, kahit ganun ang ayos nito. "Hindi ako puwedeng sumama sa'yo, ikaw na lang." sagot lang ni Erwan at muling sinuot ang sumbrero. "Baka saktan ka nila, dali na sumama ka na sa pagtakas ko. Para maiwanan mo na ang mga bad guy na 'yun," sambit pa ni Laura at tukoy sa mga kasama nito. "Ikaw na lang, kung sakaling manatili akong buhay. Hahanapin kita, Laura at ipagtanggol kita sa mga mananakit sa'yo, magiging makapangyarihan ako pagdating ng tamang panahon." seryosong pagkakasabi ni Erwan at hinatak na siya patayo. "Hihintayin ko 'yun." naiiyak na sabi ni Laura. "Laura." Napatingin si Laura kay Erwan habang hawak siya sa kamay bahagyang nakalingon sa kaniya. "Sa akin ka kapag nagkita tayong muli." Dahil sa sinabi ni Erwan ay may kung ano sa puso ni Laura, napangiti siya dahil sa sinabi ni Erwan. Dumaan si Erwan at Laura sa may likuran kung saan may mga matataas na talahib, kabisado iyon ni Erwan. Walang hintuan ang ginawa nila hanggang sa makalabas na sila at makarating sa may kalsada. Panay ang lingon ni Erwan sa paligid habang naghihintay na daraan na sasakyan para isakay si Laura. Hanggang sa may makita silang sasakyan na may dalang mga gulay, sinilip muna ni Erwan kung sino ang sakay no'n at ng makita niya na mag-asawang matanda na ay pinakiusap ni Erwan na isakay si Laura dalhin sa police station. "Yung sinabi ko." Sabi pa ni Erwan kay Laura, tumango si Laura at may gusto pa sana siyang sabihin kay Erwan pero nagtatakbo na ito papunta sa talahiban. Bago umandar ang sasakyan ay tumayo si Laura at kahit hindi niya nakikita si Erwan ay sumigaw siya. "Hoy! Hanapin mo ako aa! Hihintayin kita!" mas lalong dumaloy ang luha sa mata ni Laura at napapangiti naman ang mag-asawa na sinakyan niya. Samantala ng marinig yon ni Erwan ay napangiti siya dahil nagkukubli lang siya at hinihintay na umalis ang sasakyan kung saan nakasakay si Laura.LAURANAGISING AKO na masakit at makirot ang ibabang bahagi ko na naman dahil ilang ulit lang naman niya akong inangkin. Nakarinig ako ng tunog nang cellphone, napatingin ako doon banda sa may table malapit sa may pintuan. Yung katabi ko tulog na tulog naghihilik pa, napapangiti na tiningnan ko lamang siya. Dahil kahit tulog ang gwapo ng hinayupak.Dahan-dahan na bumaba ako ng higaan at paika-ikang nilapitang ang paulit-ulit na pagtunog ng cellphone ni, Erwan Nakita ko agad ang naka-rehestro sa screen, Xander? Dinampot ko ang cellphone at sinagot ko 'yon."Ashole! Kingina ka!Erwan! Ibalik mo sa akin si Laura. Kung hindi papatayin ko ang magulang niya ng saba!""Huwag! X-Xander, huwag na huwag mo 'yang gagawin. P-Pupuntahan kita, huwag mo sasaktan ang mga magulang ko." naiiyak na sagot ko, natigilan naman si Xander sa kabilang linya. "Laura! Talagang nasa piling ka ng gago na 'yan? Baka hindi mo kilala 'yang sinamahan mo ha!?" malakas na sabi niya."Pupun-" "Huwag mong kausapin an
LAURATulala na nakatingin lang ako sa kisame at pinapakiramdaman ang katabi ko na umayos na ng higa. Wala akong pinagsisihan na binigay ko kay Erwan, isa pa grabe ganun pala feeling no'n kahit masakit. Ang sarap pala,Sinulyapan ko si Erwan na nakapikit at napangiti, smula noon kaligtasan ko ang iniisip mo hanggang ngayon na nagkita na tayo. Nandiyan ka pa rin sa akin..."Patawarin mo ko dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko." Natigilan ako dahil akala ko tulog siya gising pala. Humarap siya sa akin at tiningnan ko ng tuwid ang mata niya at muli kong pinagmasdan ang gwapo niyang mukha. Kahit bata pa kami noon, hindi ko maitatangi na gwapo siya mas lalo pa siyang gumwapo ngayon at sobrang lakas ng dating. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan, dahil baka hindi ako makapagpigil na naman." Pinisil ko naman ang matangos niyang ilong. "Kapal mo! Tama na 'yon noh! Aba, nasarapan ka aa!" Natatawang sabi ko at napayuko ako dahil bigla akong nailang sa tingin niya na alam ko na naman ang
ERWAN"Puwede ba huwag mo nga akong hanapan ng babae, hindi ba kinuha mo si Laura sa araw mismo ng kasal namin tapos ngayon pupunta ka dito?" Pigil ang galit ko kay Xander dahil hangga't kaya ko pa."Sagutin mo lang ang tanong ko." seryosong tanong ko ulit."Wala siya dito! May lakad ako." Tinalikuran niya ako napahimas ako sa buhok ko, ba't ba ang tigas ng ulo mong babae ka? Makakatikim ka na talaga ng parusa sa akin oras na makita kita.Mabilis na sumakay ako ng kotse dahil matapos ang usapan namin ni Xander at sinabi niya na wala sa kaniya si Laura. Aalis na sana ako sa lugar na 'yon nang makarinig ako ng ugong ng sasakyan mula sa may likuran. Pinatakbo ko ang kotse ko patungo sa likod bahay ni Xander, nakita ko ang tauhan niya sa driver seat dahil nakabukas ang bintana nito. Napansin ko sa likod ng kotse na may nakasakay doon na dalawang taoNakaramdam ako na si Laura yon kahit pa medyo malabo ang salamin nang likuran parang kilala ko na kung sino 'yon. Laura!Mabilis na pinat
LAURAMatapos ang kabastusan na ginawa sa akin ni Erwan, bigla na lang siyang nawala. Iniwan ako rito sa kuwartong mag-isa, hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko dito.Gusto ko makaalis dito dahil nag-aalala ako sa mga magulang ko, kaya kailangan kong umisip ng paraan kung paano makakalabas dito. Lumibot ang mga mata ko sa paligid ng kuwarto at may nahagip ang mata ko, isang baseball bat. Nakasandal ito sa gilid ng cabinet, lumakad ako at nilapitan ito at napapangiti na lang ako sa naiisip ko. Bahala kang magalit. Lumapit ako sa may pintuan at pumuwesto sa harapan, iniangat ko ang baseball bat at ubod lakas na hinataw ko ang pintuan. Nayupi lang ito, kaya muli kong inulit ang paghampas. Nawasak ang gitna nito, ngunit bahagya lang kaya naman muli ko itong hinataw hanggang sa lumaki na ang sira. Kasya na ang tao kapag lumusot ka dito, napapangiti naman ako dahil sa wakas makakaalis na ako dito.Lumabas ako ng kuwarto at dahan-dahan ako'ng naglakad palabas. Wala naman ako napansi
XANDERFuck! Nasaan ka ng babae ka? Huwag mo ubusin pasensya ko Laura. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin. Nanginnginig ang kalamnan ko at binato kung saan ang hawak ko na baso na may laman na alak. Halos hindi ako makatulog sa pag-iisip na nasa ibang tao si Laura at hindi ko nagustuhan ang balita na kasama ay kaibigan na lalaki. Binayaran pa ng kung sino mang na tarantado na 'yun ang utang ng papa ni Laura."Boss, alam na namin kung sino ang may hawak 'kay Laura." Awtomatiko na napalingon bigla ang ulo ko sa biglang may magsalita sa likuran ko dahil nakaupo ako rito sa mini bar ko. Napansin ko agad ang ngiti sa mukha ni Arnold ang tapat ko na tauhan.Umikot muna ako paharap sa kanya bago sumagot. "Sino?" tanong ko lang. "Si, Erwan." Pagkarinig ko sa pangalan na 'yon naikuyom ko ang kamao ko. Napapamura ako ng ilang ulit sa isipan ko dahil ang tarantadong, Erwan pala ang may hawak 'kay Laura, paanong napunta sa kanya ang babae na 'yon? "Makakaalis ka na," mahinang bigkas
LAURANakakaramdam na ako ng inis dahil wala pa rin siyang sinasabi kung bakit niya ako kinuha. Pero kung totoong ayos lang si daddy 'di maganda hindi matutuloy ang kasal pero siya kaya ang nagbigay?"Ano pang hinihintay mo? Magpalit ka na ng damit mo," salubong ang kilay na baling niya sa akin.Tiningnan ko naman siya ng naiinis na tingin, lumibot ang mata ko sa paligid. Dahil hinahanap ko ang banyo siguro nabasa niya ang iniisip ko dahil umayos siya ng upo at tinuro niya banda doon sa may nakabukas na pinto. Noong nagbihis kasi ako nakaraan dito lang sa kuwarto at hindi na ako nag-abala pa na pumunta ng cr saka wala naman siya dito sa loob no'n ee, ngayon mukhang wala siyang balak na lumabas.Naglakad naman ako papunta doon sa tinuro niya na kanto at ganun na lang ang pamimilog ng mata ko dahil sa itsura ng banyo. Oh, my gosh! Nababaliw na ba siya? Paano ako gagamit nito kung ganitong makikita ka rin naman pala ako sa loob. Dahil gawa sa salamin ang buong c.r at kitang-kita ang mg







