Share

Chapter 5

Chap 5

--

2 days left

New morning has come and another day in hell. 

Naisipan kong gumala tutal mamamatay din naman ako. Pero habang papunta ako ng garden nakita ko sa likod ng building yung babaeng sinabunutan ako kahapon habang kahalikan si lumot. Agresibo ang dalawa at malapit ng mahubad yung babae. 

Napailing nalang ako saka hinayaan nalang sila sa ginagawa nila. Di ko akalaing yung lumot lang pala yun ang tinutukoy niyang boyfriend niya. Ano bang malay ko na shota niya yun. Wala naman sa itsura ng lalaking yun ang ganon ka-agresibo

"Hi!"biglang may lalaking humarang sa dinadaanan ko. Yung lalaking kapatid ng babaeng warfreak 

Pinanliitan ko siya ng mata "What do you want?"

"Your thank you.."aniya saka ngumiti ng malapad

Umirap ako "Thanks for your late rescue"I said sarcastically saka siya nilampasan pero humabol nanaman siya

"I said say thank you to me hindi yung manunumbat ka"

"What I've said is true. So please, go away na"I tried to be polite

"Yes I'm late but atleast I came"

"Your presence is not what I need"

"Yeah you didn't need me but I came"

Inis akong tumingin sakanya "Alam mo, kung manunumbat ka lang din naman wag ka nalang tumulong noh?"pinagkrus ko ang braso ko sa harap niya "Kasi kung ganyan ka din naman, sana di ka nalang tumulong"

"Ok ok sorry.."aniya habang nakataas ang mga kamay na animoy sumusuko "Hindi ko naman intensyon ang manumbat, I'm just telling you to say thank you"

"Ok, thank you.."

"Genuinely please"

"It's genuine.."

"No it's not"

Napabuntong hininga ako "Ok. Thank you so much, mister. And have a nice hell day"sarcastic akong ngumiti saka na siya nilampasan

Nang makalayo na ko sakanya agad nabura ang peke kong ngiti saka umirap sa kawalan.

Nakakainis! Yang mga lalaking yan talaga akala mo naman anlaki ng inambag sa mundo. Puro lang naman pa-pogi ang alam 

Nahinto ako sa paglalakad nang makita sa sulok ng supermarket ang isang taong nakasandal sa pader at nakapikit

Dali dali akong tumakbo palapit sakanya "Miss! Miss!"I said while waking her up. I stopped for a while to look at her. Naalala kong siya pala yung taong natulungan ko nung nakaraang araw. 'Anong ginagawa nito dito' "Miss! Gumising ka!"

Gulat siyang nagdilat ng mata saka pinorma ang daliri niya na parang cross na animoy isa akong aswang 

Sinamaan ko siya ng tingin "Vegetarian akong aswang. Di ako kumakain ng baboy"direkta kong sabi dahilan para dahan dahan niyang ibaba ang kamay niya saka yumuko "Anyways, ano bang ginagawa mo dito?"

"Bakit ko naman sasabihin sayo"nakanguso niyang sagot

"Your question is nonsense! Malamang nagtanong ako ehh"naiirita kong sabi sakanya kahit wala pa siyang ginagawang bagay na kaiinisan ko. 'Kasing nipis ng sinulid pasensiya ko!'

Mas lalo siyang napayuko at hindi nalang muling nagsalita.

Napabuntong hininga ako saka tumayo na't namili ng mga makakain ko habang sinusulit ang mga bagay bagay

"Hindi ka ba natatakot?"maya maya'y aniya

"Natatakot, syempre. Sinong baliw naman ang hindi?"sagot ko habang nasa mga pagkain ang paningin

"Kung ganon, bat nakukuha mo pang mamili ng pagkain kesa ang magtago?"

Huminto ako sa pagpili ng kukunin saka bumuntong hininga "Hindi naman porket mukhang ok yung tao, ok na talaga siya. Yung iba, mas pinipili lang talaga nilang itago yung nararamdaman nila kesa ang magmukhang mahina" matamlay akong tumingin sakanya "Oo nakakatakot ang lugar na toh, oo nakakatakot ang mamatay, pero mas nakakatakot yung di mo manlang napasaya yung sarili mo kahit saglit"seryoso kong dagdag sakanya saka muling binaling ang tingin sa tinitingnan ko kanina

I can see through my peripheral vision that she agreed with me. 'Mukhang masunurin naman tong babaeng toh'

Pero maya maya'y biglang tumunog ang malaking flat screen sa mataas na building kaya lumabas kaming dalawa ng mall. 

Agad naagaw ng atensyon ko ang limang mga lalaking buhat buhat ang babaeng duguan at wala ng kabuhay buhay

'22 — Citizen'

98 nalang kami. Kahit sa umaga nakukuha padin nilang pumatay. Napapansin kong puro babae ang pinapatay nila at puro citizen. Hindi kaya...may pattern toh?

Lumingon ako sa tabi ko pero nawala na yung babaeng kasama ko. 'Yeah right. I was about to discuss with her my own theory!'

"Hey!"sigaw ng pamilyar na boses. Napairap nalang ako sa kawalan saka inantay siyang makalapit sakin ng tuluyan "I've been looking for you everywhere. Nandito ka lang pala"aniya na hinihingal pa

"Sino bang nagsabi sayong hanapin mo ko?"

"No one. Gusto ko lang talaga makita ka"

"Would you please stop flirting with me?!"

His eyebrows furrowed "What?"he asked confusedly

I sighed heavily "Iba talaga kayong mga lalaki eh noh? Ang galing galing niyong manloko ng babae. You even have a guts to deny her!"

"I don't know what you're talking about"

I laughed sarcastically "Well, boys are boys. What do I expect"I exclaimed and left him

Pero agad siyang humabol "I honestly don't know what you're talking about but--"

"Oh please.."I cut him "Nakita kitang may kahalikan. You were kissing with the woman who attacked me yesterday"I shouted at him and showed him my scar

Sandali siyang tumitig sa sugat ko saka sinalubong ang tingin ko't unti unting nawala ang pagtataka sa mukha niya "I'm sorry. I'm sorry for what she have done to you" akmang hahawakan niya ako pero agad akong umiwas

"I don't need your apology. I don't care about you two! Ayoko ng ma-involve pa sainyo o kahit na sino! Leave me alone!"I shouted and didn't give him a chance to talk dahil umalis na ko

'Being involved by someone's life was a biggest mistake to be made' dahil sa huli, ikaw padin yung talo dahil hinayaan mong pumasok ka sa isang sitwasyong walang kasiguruhan

"Watch out!"huli na para sundin yung sinigaw ng isang lalaki dahil nauntog na ako sa isang pader

'Damn it!'

"Watch out next time"sabi ng lalaking pinagsabihan ako

Tumingin ako sakanya saka pinanliitan siya ng mata "You?!" I uttered while pointing at him. Kilala ko toh eh! Siya yung pasaway na winisikan ako ng tubig 

"Yeah.."tanging sinagot niya na may blankong tingin

"Uurrrgghh!! Why am I so unfortunate today!"I groaned while looking at him angrily

Tinaas niya ang dalawang mga kamay niya na animoy sumusuko "Relax!"aniya habang nakangisi na parang natatawa sa nangyari

"Don't you dare laugh.."nagbabanta kong sabi sakanya

Tinikom niya ang bibig niya saka kunyaring ziniper ito. Umalis na siya kaya napapadyak nalang ako sa inis dahil sa kahihiyang nangyari kanina

I was about to walk forward when suddenly someone spilled the water into me "What the--"nahinto ako sa sasabihin ko nang makita kung sino ang may pakana nun

"Opps, sorry.."aniya na kunyaring nagpapaawa pa pero nawala din yun saka siya tumawa ng malakas "Aww look at you! You look horrible!" I slapped her right cheeks, hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya napahawak siya sa nasampal kong pisngi niya

"Aww look at you, you look pissed!"I sarcastically said with an evil grinned

She was about to slap me when someone stopped her "Stop this 18!" biglang dumating si lumot habang nakahawak sa pulu-pulsuhan nung babae 

Nagpumiglas yung babae kaya agad kong sinamantala ang pagkakataon. Pinagsasampal ko siya sa sobrang inis habang hawak pa siya ni lumot "You deserve that! Betch!"sigaw ko sakanya

Marahas niyang tinanggal ang kamay ni lumot saka ako sinugod pero bago pa niya mahila ang buhok ko, pumagitna na agad si lumot "I said stop it!"sigaw na niya "Hindi ka ba titigil?! huh?!"

Hindi makapaniwalang tumingin sakanya yung babae "Seriously?! Your protecting her over me?!"

Matunog akong ngumisi "Yung taong inaangkin mo, iba yung pinipili. Kawawa ka naman"pang aasar ko sakanya

Humarap sakin si lumot "I'm sorry for--"hindi na niya nagawa pang tapusin ang sasabihin niya dahil agad ko na siyang sinuntok. Gulat silang tumingin sakin pero nanatili ang masama kong titig sakanya

"If you're trying to make me your slave just like her, then go to hell!"I shouted and leave them behind

They're not worthy for my respect

Habang naglalakad na ko pabalik sa bahay ko. Akmang bubuksan ko na yung pinto ng bahay pero, di ko mabuksan dahil naka lock

"Damn it! Seriously?! Karma agad?!"naiinis kong sabi sa pinto na parang magsasalita yun.

Wala akong nagawa kundi ang umikot sa likod ng bahay. Nilalamig pa ko dahil sa basang jacket ko. Agad akong humagilap ng tuwalya pero wala akong makita. Nagpalinga linga ako sa paligid hanggang sa mahagip ng mata ko ang tuwalya sa kabilang bahay. Sa kasamaang palad, dun pa sa bahay ng lalaking nang wisik sakin ng tubig

'Gosh! Ngayon lang ako mag nanakaw, promise'

Dahan dahan akong naglakad para kuhanin yung tuwalya. Anong malay ko baka mamaya nanjan lang pala yung lalaking yun sa loob

Nakuha ko ng tahimik yung tuwalya saka dali daling naghubad ng jacket at undies para walang makakita sakin.

"I won't forget this hell day!"mahina kong sabi saka inayos na ang pagkakatali sa tuwalya ko

Pero paglingon ko sa likod nandun yung lalaking walang modo dahilan para mabitawan ko yung tuwalyang hindi ko pa natatali ng maayos

"Damn it!"bulalas ko saka dali daling pinulot yung nahulog kong tuwalya. Agad din naman siyang tumalikod "Bastos!" I shouted

"Anong bastos, eh ikaw nga tong huhubad hubad kung saan saan"aniya habang nakatalikod padin sakin. Napabuntong hininga nalang ako't di na sumagot dahil mali din naman ako "Ano ba kasing ginagawa mo jan, bat ka n*******d"

"Naka lock yung pinto ko and I don't know how the hell can I enter now"naiinis kong sabi 

"Pumasok ka na sa bahay ko. Dun ka sa bahay magbihis di yung nakabalandra ka jan"aniya saka naunang pumasok ng bahay niya

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status