"Mang Nolan..." Mula sa loob ng bahay ay lumabas ako at nakangiting binati si mang Nolan,"Mas maaga yata kayo ngayon? Nag almusal na ho ba kayo?" Tanong ko sa kanya habang itinatali niya ang baka sa isang puno.Maaga siya palaging nag tatrabaho pero mas maaga yata siyang nag simula ngayon."Ah maaga kasing nasiging sina Nora... Luluwas daw sila ng bayan ng nanay niya kaya maaga rin akong bumangon para ihatid sila, Nag almusal na ako kanina pero gutom nanaman nga ako," sagot niya habang nag lalakad sa dako kung nasaan ang kalabaw na pinapasabsab niya sa damuhan.Yun naman ata ang sunod niyang aasikaduhin matapos ang mga baka.Giniginaw na sumunod naman ako sa bawat hakbang niya."Hmm... Kung ganun sumabay na po kayo sa aking mag kape," alok ko sa kanya sabay hatsing, mukhang mag kakasipon pa ata ako ah.Palibhasa'y malamig na ang panahon ngayon at uso nanaman ang magkasipon at trangkaso. "Magandang ideya nga iyan... Sige tatapusin ko lang ito at susunod na rin ako, mauna ka na at baka
Ilang minuto rin akong naiwang nakatayo roon sa damuhan na sinusundan ng tingin ang papalayong pigura ni mang Nolan habang iniisip ang mga sinabi niya sa akin.Hindi ko mapigilang mapangiti habang iniisip kung gaano ako kapalad na merong taong handang makinig sa akin at sabihin sa akin ang mga bagay na kahit ako ay hindi ko mapansin sa sarili ko.Hearing mang Nolan talks like that reminds me of my dad... Kaya hindi nakapagtatakang bukod sa pagiging malayong mag kamag anak nila ay naging matalik rin silang mag kaibigan.They are both loving and full of wisdom.Nag papasalamat talaga ako na kahit wala na si dad ay iniwanan niya naman ako ng isang mapagkakatiwalaang tao... Isang tao na walang pag dadalawang isip na ituring ako bilang sariling anak niya.I'm blessed...I know I am! Napapahid nalang ako ng luhang muling kumawala sa mga mata ko dahil sa tuwa at malapad na napangiti bago ako kumilos at nag lakad sa damuhan patungo sa kinaroroonan ni seb.Malapit lang ang kulungan ng mga manok
"Hmmm..." Ingit ko sa sofa kung saan ako natutulog nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng pag bukas sara ng pinto at nang taranghakan namin.Dahan dahan ang pag bukas at sara niyon na halatang ayaw makaistorbo pero humangga pa rin iyon sa pandinig ko kaya't naalimpungatan ako. Masyado nang madilim at tahimik ang paligid dahil kalaliman na ng gabi kaya naman ginapangan ako ng matinding takot nang marinig iyon! Malawak ang farm na ito at malayo sa mga kabahayan kaya nakapagtatakang may ibang taong maliligaw rito nang ganitong oras ng gabi at lalong lalo na wala dapat ibang tao na nag bubukas ng bahay ko.Nang mapagtanto kong baka ibang tao iyon ay agad akong napabalikwas at kinuha ang bakal na tubo na lagi kong itinatabi sa ilalim ng hinihigaan ko... You know? Just in case.Dahan dahan akong nag lakad patungo sa bintana... Maingat na maingat na hindi makagawa ng ano mang ingay at makaagaw ng pansin.Nang marating ko ang bintana ay pasimple at pigil nihinga akong sumilip.Hindi ko al
"Ehermm..." Pag tikhim ni Nora na muling umagaw sa pansin ko.Kanina pa niya iyan ginagawa pero hindi naman siya nag sasalita.Simula nang mag umpisa kaming maglaba ay panay na ang sulyap siya sa akin at pag tikhim para agawin ang pansin ko pero dahil malalim ang iniisip ko ay hindi ko nalang siya pinapansin. "Spit it out nora," sa wakas ay sabi ko sa kanya kaya itinigil niya ang pag kukusot ng mga damit at naiintrigang humarap sa akin.Sabi ko na nga ba at mayroon siyang gustong sabihin! Sanay kasi siyang lagi akong nag oopen up sa kanya ng problema ko noon at marahil ay naninibago siyang nag lilihim na ako sa kanya. "Anong problema?" Tanong niya na may kunot sa noo.Tinignan niya ako na may halong pagkadismaya at pag aalala. dismayado dahil hindi ako nag kukwento at nag aalala dahil nababakas sa mukha ko ang magkabahala. "Wala naman... Bakit mo natanong?" Pag sisinungaling ko sabay iwas ng tingin pero nilakihan lang niya ako ng mata tanda na hindi siya maniniwala sa sinasabi ko
"Hmm!" Nasisiyahan napatango tango ako matapos kong tikman ang niluluto ko.Lumalalim na ang gabi pero ngayon Lang ako nag luluto dahil natagalan akong mag sampay ng mga nilabhan namin kanina.Maaga ding umalis si mang Nolan at sumabay pauwi kay nora kaya hindi na niya ako nagawang ipagluto.Marahang ipinukpok ko ang sandok na gamit ko sa gilid ng kawali para alisin ang mga nakakapit na sarsa roon bago ako nag handa ng makakain sa hapag.Nang matapos akong mag hain ay nag palinga linga ako sa paligid para hanapin si seb pero hindi siya maapuhap ng paningin ko. Simula nang umuwi sila nora ay hindi ko pa ulit siya nakikita... Hindi kaya tumakas nanaman siya?Sinilip ko siya sa kwartong inuokupa niya maging sa sala pero wala siya roon kaya naman lumabas ako sa bakuran para doon siya hanapin... And there he is!Nasa may bandang bakod siya na medyo nakakubli sa malaking puno na naroon... Tatawagin ko na sana siya nang marinig kong may kausap siya sa telepono... Teleponong pinahiram ko sa
Humahangos na napabangon ako sa kama nang sa wakas ay nagising ako sa isa nanamang nakakatakot na bangungot!Napahilamos nalang ako sa mukha ko at nanghihinang pinahid ang luha kong dulot ng masamang panaginip.Sa takot na makasalubong at makita ko ulit si seb kagabi ay sa kwarto ko nalang ako natulog imbes sa sala na nakasanayan kona.As a result, nanaginip nanaman ako ng masama... Panaginip kung saan naroon si enzo at tinatanong ako kung bakit ko siya binigo!Bakit ko siya tinalikuran at bakit ako nag taksil sa kanya! It's that kiss!I can't shake the feeling that I'm betraying enzo for letting seb kiss me... Kaya kahit sa panaginip ay dinadalaw pa rin ako ng konsensya ko.Why can't I just move on?Why can't I live a normal life like everyone else? Everyone says that what happened to enzo isn't my fault, pero bakit sa tuwing susubukan kong mag tiwala ulit sa iba... Sa tuwing hinahayaan ko ang sarili kong mapalapit sa ibang tao, bakit parang laging hindi tama sa pakiramdam?Bakit sa
Where is he going?!Did he know what man?!Who is that man?!What are they talking about?!How did he find seb here?Maraming tanong ang naiwang tumatakbo sa isip ko ngunit hindi ako nakakuha ng kasagutan nang basta nalang umalis ang kotse kasama si seb.He didn't even tell me where he's going!"Para sa akin ba yan anak?" Bahagyang napapitlag ako nang mahimigan ko si mang Nolan na nasa tabi ko na pala ngayon.Hawak niya ang maputik na bota niya na marahil ay ginamit niya sa taniman ng palay kung saan siya nag tatrabaho kanina. "Ah oho mang Nolan,here you go," pag sisinungaling ko sabay abot ng tasa ng kape sa kanya.Hindi rin naman iyon maiinom ni seb dahil umalis lang siya ng ganun ganun nalang!"Ano bang tinatanaw mo riyan," tanong ni mang nolan sabay tingin sa gawing tinitignan ko.sinusundam ko kasi ng tingin ang papalayong pigura ng sasakyang sinakyan ni seb. "Uh...Kilala ho ba ninyo ang kotseng iyon?"Like I said before, may kalakihan ang farm namin kaya walang masyadong tao a
"Hey... You almost ready?" Dinig kong tanong ni seb sabay katok sa pintuan ng kwarto ko.It's been almost an hour since I finished bathing, pero heto parin ako at nakatanga sa harap ng salamin.Nag dadalawang isip pa rin ako kung tutuloy ba ako sa party ni Nora.Isang oras na akong nakatingin sa salamin pero hindi pa rin mawala sa isipan ko ang maraming agam agam.Kahit na anong titig ko sa salamin ay hindi ako nasisiyahan sa hitsura ko.Ito ang unang beses na lalabas uli ako ng farm kaya natatakot ako ng sobra.I have so much doubt in myself!Hindi pa ako kahit kailan nakaramdam ng ganito noon.I know I've got the looks pero ngayon ay pinag dududahan ko na ang sarili ko.Simula talaga ng gabing iyon ay nawala na ang lahat sa akin! Hindi Lang si enzo bagkus ay lahat ng lakas ng loob at confidence na meron ako... At hindi ko alam kung bakit!"Hello?! Aalis ba tayo or what?" Nahihimigan ko ang pagkabagot ni seb mula sa labas ng silid ko kaya naman napabuntong hininga nalang ako at dinamp