Thank you so much guys sa matyagang pag subaybay sa Kwento ni Seb at Ezrah. I hope you enjoyed it! Please don't forget to leave your feedback regarding this story. I'd like to know kung nagustuhan ba ninyo ang flow ng ating story at kung paano ko pa maiimprove ang aking pag susulat para mas mapaganda ko pa ang susunod na story para sainyo. Thanks guys! ily.
"Guilty!" Yan ang huling sinambit ng judge sa korte na naging dahilan ng malakas na ugong ng hiyawan at at iyakan sa kabuan ng silid.Ito ang huling araw ng hearing ng mga Luciano at walang pag sidlan ng tuwa ang puso ko nang malaman na lahat ng kasabwat sa mga krimen ay makukulong na rin sa wakas! Ang lahat ng ilegal na negosyo at operasyon ng mga Luciano ay naisara na sa wakas.Hindi ko maiwasang maluha sa sobrang saya habang tinitignan ko kung paano kaladkarin ng mga pulis ang mga Luciano pabalik sa kani-kanilang selda kung saan sila mabubulok at pag babayaran ang mga kasalanan nila."It's all gonna be okay love...wala nang manggugulo pang muli sa atin," Marahang sambit ni seb sa tabi ko sabay hinagkan ako sa tuktok ng ulo.Hindi ko pa rin maiwasang hindi maluha lalo na nang ilibot ko ang paningin ko sa loob ng korte. Napakaraming pamilya rito na kagaya ko ay nag luluksa rin at nag bubunyi kahit papaano.Naparami pala talagang nabiktima ng mga Luciano...kagaya ko ay hindi rin nila
"Well Well! Finally!" baling ni Kristy sa kagigising lang na si Seb.Kahit halata sa kanya ang panghihina ay pinilit pa rin niyang tumayo at lumapit sa akin. Kagaya ko ay nakagapos rin ang mga kamay niya kaya hindi niya ako magawang hawakan ngunit bakas sa mukha niya ang labis na pag aalala at awa. Guilt was written all over his face, kaya mas lalo akong nahabag sa kalagayan namin ngayon.All we ever wanted was to live a happy and quiet life! Was that too much to ask?!"Pasensya na! wala akong magawa...I promise, everything will be okay hmm?" may luhang tumutulo sa mga mata niya habang sinasabi niya iyon sa akin. Alam kong hindi totoo ang sinasabi niya, judging by our situation right now pero ngumiti pa rin ako ng pilit sa kanya at tumango.Alam kong walang kasiguraduhan ang kalagayan namin ngayon pero ayaw ko nang dumagdag pa sa bigat ng kalooban niya."Oh aren't you sweet! but don't make promises that you cannot keep Seb! dahil ngayong gabi ay siguraduhin kong mabubura na sa mundong
"Maraming salamat ho," sambit ko sa tindera na pinag bilhan ko ng tubig na maiinom sa di kalayuan. Isang buwan na rin ata kaming nandito kaya kahit papaano ay nakakabisado ko na rin ang lugar at ang kaunting tao na naninirahan malapit sa amin. Liblib ang lugar na pinaglalagian namin ni Ezrah pero kapag lumabas ka ng kagubatan ay mayroon din namang mga nakatira. Pagkatapos kong bumili ng isang galon ng malinis na tubig ay namili na rin ako ng kaunting pagkain na sapat para sa aming dalawa. Sa loob ng isang buwan naming pamamalagi dito at naging payak ang pamumuhay namin ngunit hindi maikakaila na mas masaya kami ngayon. Kahit papaano ay nawala ang mga isipin namin dahil tahimik naman ang lahat. Walang unexpected bwisita na darating nalang bigla, wala nang tampuhan dahil sa mga lihim ng nakaraan at wala nang mga Luciano na nagdadala ng kapahamakan.I know it's too early to tell pero sana ay naiwan na talaga sa nakaraan namin ang lahat.Maging si Ezrah ay hindi ko na nakikitang umiy
"Well, you remember how my family died, right?" panimula ko na siya namang tinanguan niya kaya naman tumikhim ako bago nag patuloy sa pagkukwento, "It's true that she's my ex Fiance but we broke up because she's one of the main reason bakit nawalan ako ng pamilya," saglit na tumigil ako dahil masakit pa rin sa akin na alalahanin ang pagkawala ng pamilya ko."Wait- I thought the Luciano killed them?" Naguguluhang tanong niya kaya tumango ako."Yes pero kasabwat siya...Noong mga panahon na nasa amin ka pa at inaalagaan nila mom ay nag karoon kami ng malaking pag tatalo, Nalaman kasi ng mga Luciano na kami ang witness ni dad sa pag kamatay ni Enzo ...They tried to bribe us not to testify, they tried to buy our silence, but of course, we said no. She wanted me to accept the money, but I refused. At first, I thought she understood, but weeks later, I found out that she's having an affair with one of the detectives," Huminga ako ng malalim bago nag patuloy."Noong araw na namatay ang pamily
SEBMatapos mamili ng kaunting supplies na gagamitin namin sa pag alis ay muli akong bumalik sa kotse at nag handa na bumalik sa farm.Malalim akong bumuntong hininga para klaruhin ang isip ko bago ko muling kausapin si Ezrah. Batid kong hindi maganda ang inasal ko kanina sa kanya...dala ng labis na pagkabalisa ay hindi ko nanaman nagawang isa-alang alang ang nararamdaman niya.Napakasakit sa aking marinig ang mga sinabi niya kanina pero naiintindihan ko siya. Nasasaktan ako hindi para sa akin kundi para sa kaniya dahil ilang beses na akong nangangako sa kanya pero palagi ko siyang binibigo. Tama naman siya sa sinabi niya...napakahirap ko ngang mahalin pero hindi ko magagawang iwanan siya kahit kailan. Naiintindihan ko kung bakit niya ako itinataboy ngunit matagal tagal na rin kaming nag sama para malaman ko kung ano talaga akong laman ng puso niya.Alam kong naninibugho lang siya kay Kristy pero wala naman siyang kailangang ipag alala dahil kung ano mang meron sa amin ni Kristy ay wa
"This isn't just about her Seb," Saglit akong tumigil sa pag sasalita para humigit ng malalim na paghinga bago nag patuloy, "I'm tired Seb...Mahal na mahal kita pero sobrang sakit mong mahalin! ang makasama ka? yan ang tunay na depinisyon ng kapit sa patalim! The more I hold onto you, the more it hurts. The deeper it cuts! The harder it bleeds! At ang tanging paraan lang para hindi na ako masaktan ay ang bitawan ka ng sapilitan!" puno ng emosyong sumbat ko sa kanya habang nag lalandas ang malayelong butil ng luha ko sa aking pisngi Maging ang mga luha ko ay nanlamig na rin dahil sa sakit. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga katagang binigkas ko sa kanya pero pareho namin iyong ikinatulala. Maging ako ay nabigla na ganun na pala kalalim para sa akin ang sakit sa dibdib ko.Kaya ba ganito nalang ang nararamdaman ko ngayon? kaya ba mas pinipili ko nalang siyang itaboy? dahil ba sobra na? dahil ba hindi ko na talaga kayang magtiis pa? Ganito na ba talaga kalalim ang sakit para ma