Matapos masaksihan ni Ezrah ang pagkamatay ng kaniyang kasintahan sa harapan niya mismo ay wala siyang nagawa kundi ang mag tago sa farm na ipinamana sa kanya ng yumaong mga magulang para lang takasan ang masasamang loob na nais rin siyang kitlan ng buhay. Nang akala niya ay magiging ligtas na siya sa lugar na pinagtataguan niya ay tsaka naman dumating ang isang misteryosong lalaki sa buhay niya. shot and severely beaten. Ganyan ang kalagayan ng nag hihingalong lalaki na bigla nalang lumitaw sa harap ng pintuan niya. At dahil nga sariwa Pa sa ala-ala niya ang pagkawala ng nobyo ay tinangka niya itong itaboy at tanggihang tulungan. Akmang pagsasarhan na sana niya ito ng pintuan nang bigla itong humandusay sa harap niya. Labag man sa kalooban niya ay wala siyang nagawa kundi tulungan at gamutin ang binata. Noong una ay pinilit niya itong itaboy pero bigo siya. Sa halip ay nag kasundo silang doon muna manatili ang lalaki kapalit ng pagtulong nito sa gawain sa farm. At sa araw araw na nakasama niya ang binata ay hindi niya maalis ang takot na nararamdaman niya sa katauhan nito, ngunit sa Kabila ng takot na iyon ay natangpuan Pa rin niya ang sarili na unti unting nahuhulog sa estranghero. Pero paano nga ba niya magagawang tuluyang mahulog at mag tiwala sa binata gayong wala siyang alam sa katauhan nito? At ano nga ba ang sikreto sa likod ng misteryoso niyang pagkatao? May kinalaman kaya ito sa nakaraan ng dalaga? Aksidente nga lang ba talagang napadpad roon ang binata? O may dahilan ito kung bakit gusto niyang manatili roon?
Lihat lebih banyakWARNING: TYPOS & GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!
This story is a work of fiction and imagination that might contain sensitive content such as crime and violence that is not suitable for everyone. Read at your own risk.
"Hmmm... " malungkot na napanguso si Ezrah nang marinig ang mga katagang binitawan ng kanyang nobyo na si Enzo. Batid naman niyang parte na iyon ng routine nilang dalawa at inaasahan na rin niyang mangyari iyon pero hindi pa rin maalis sa kanya ang malungkot sa tuwing mag papaalam ito. "Baby please don't make this hard on me than it already is... Alam mo namang nahihirapan ako kapag nalulungkot ka ng ganyan eh," malambing namang tugon ng nobyo sa kanya habang hinihimas nito ng kanyang hinlalaki ang baba niya. Mapait namang napangiti si Ezrah at napabuntong hininga pagkatapos ay napayoko. "I know... I'm sorry," tugon niya habang nilalaro ang mga kuko, "pero kailangan mo ba talagang lumayo kapag nag tatrabaho ka?" Nakasimangot na tanong niya sa lalaki. "Alam mo namang delikado ang trabaho ko hindi ba? ayoko lang na mapahamak ka," buong suyong sambit nito na mas lalo niyang ikinabuntong hininga ng malakas. "Yun na nga eh!" Bahagyang nagtaas ang boses niya na tila may bahid ng pagkainis, "alam kong delikado ang trabaho mo kaya nga ako nag aalala! bakit ba kasi sa dinami rami ng trabahong pwede mong piliin ay yung may kinalaman pa talaga sa mga kriminal ang pinili mo?!" Naiinis na hinampas niya sa dibdib ang nobyo kasabay ng marahang pag hikbi. Bahagya namang natawa si enzo sa inasal ng kanyang nobya. Hindi maikakaila na labis ang pagmamahal at pag aalala nito sa kanya. Sa ganitong pagkakataon ay hindi rin niya maiwasan na pagsisihan ng kaunti ang propesyong napili niya. Bata pa lamang ay pangarap na niyang maging isang abogado kagaya ng kanyang ama...Ngunit kalakip nun ay ang panganib na laging nakaabang. Bilang isang lawyer ay wala siyang magagawa kundi ang makipagsalamuha sa iba't ibang klase ng tao, kriminal man o hindi! Yan ang dahilan para laging mag alala ang kanya kapareha. "At nagagawa mo pa talagang akong pagtawanan?!" Singhal ng nobya sa kanya ng marinig ang marahang pag tawa niya. "Sorry..." Muli siyang tumawa habang buong pag mamahal na nakatingin ng diretso kay ezrah, "Wag ka nang mag alala... Hindi naman ganun kadelikado, it's not like I'm a policeman na kailangan makipagbarilan diba? Tsaka mag iingat naman ako lagi," pangangatwiran niya ngunit hindi pa rin kumbinsido si ezrah. Matalim ang tingin na pinukol nito sa kanya at histerikal na umiyak. "Mag iingat?! hindi delikado?! mga kriminal ang kalaban mo! And being a lawyer is just as dangerous as being a policeman! Don't give me that crap Enzo! Paano kung isang araw balikan ka nalang ng mga kriminal na ipinakulong mo?! Paano kung mapahamak ka?! Paano kung mawala ka sakin?! Paa--" mabilis na niyakap ni Enzo ang nobya para pakalmahin ito. Naiintindihan niya kung anong pinanggagalingan ng babae lalo pa't alam nito na isang malaking tao ang kalaban niya... Isang kilalang kriminal organization na hindi mahuli huli dahil sa lakas ng koneksyon nito. Kung magagawa lang niya na tanggihan ang kasong ito ay ginawa na niya para lang hindi na mag alala ang kanyang nobya. Pero kung tatakbo naman siya paano naman ang batas? Paano naman makukuha ng pamilya ng mga biktima ang hustisyang inaasahan nila? "Shhh...Shh..." Mahigpit na niyakap niya ang nobya at hinagod ang likod nito para kumalma, "Wag kang mag isip ng ganyan, I'll be fine I promise! And you know what?" Marahang kumalas siya ng yakap sa nobya at inangat ang tingin nito sa kanya. "What?" "Kapag natapos ko nang ipanalo ang kasong ito... I'll resign! Tapos pwede na tayong lumipat sa probinsya ninyo, mag sasaka nalang tayong dalawa roon kagaya ng pangarap mo at itutuloy na natin ang kasal nating matagal na nating pangarap...how's that huh?" Natigil bigla sa pag iyak si ezrah at puno ng pag tatanong ang mga matang tumingin sa nobyo. Tila hinihinuha niya kung nag bibiro ba ang nobyo o may katotohanan sa sinasabi nito. "A-are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong niya ngunit malapad na ngumiti ang lalaki at mabilis na tumango bilang pag sang-ayon. "Yes! Dead serious!" Puno ng determinasyong sagot ng lalaki dahilan para gumaan kahit papaano ang pakiramdam ni Ezrah. Bahagyang nabawasan ang pangambang nararamdaman niya. "You promise? gagawin mo yun para sakin?" Paniniguro ni ezrah habang pinipigil ang pag ngiti. "I promise baby!" Sagot nito sabay hila sa kanya palapit upang ikulong sa mahigpit na yakap at siliin ng matamis na halik pero mabilis na humiwalay si Ezrah at nag tatanong ang mga matang tumingin sa nobyo. "But...you love you job! Ayokong isuko mo ang pangarap mo at mga bagay na gusto mong gawin nang dahil sa akin! Oo nga at gusto kong kasama ka araw araw pero hindi ko naman gustong itigil mo ang buhay mo at umikot nalang ang mundo mo sakin!" Muling siyang napanguso at napayoko sa isiping isusuko ng nobyo niya ang lahat para sa kanya. "Hey listen... Yes I love my job, but I love you more than anything! At anong masama kung sayo lang iikot ang mundo ko? Ikaw naman talaga ang pangarap ko eh, natupad ko na ang halos lahat ng pangarap ko, may ipon na tayo at secure na ang future natin kahit hindi na tayo mag trabaho... Ikaw nalang ang kulang, ang pakasalan ka nalang ang huling pangarap na hindi ko pa natutupad," muli nitong hinaplos ang pisngi ng babae, "And as I said earlier, mag riresign ako pagkatapos ng kasong ito, magpapakasal tayo at mag bubukid at doon mag kakaron ng maraming anak! No more buts! That's final," buong pag mamahal at determinadong litanya ng nobyo bago siya muling siilin ng halik na ngayon ay hindi na niya tinanggihan.EZRAH Walang pag-aalinlangang tinugon ko ng mainit na halik ang mapag-anyayang labi ng kasintahan kong si Enzo, hindi ako ganun kakumbinsido sa gusto niyang gawin pero hindi ko rin maitatangging gusto ko rin ang plano niya. Enzo and I have been engaged for a long time, at tanging mga trabaho na lamang namin ang pumipigil sa amin na mag pakasal... Well mainly trabaho niya lang. You see, Enzo is a lawyer, and mind you, one of the best! Isa yan sa dahilan kung bakit kadalasan ay malalaking tao ang kumukuha sa kanya. Parte ng trabaho niya ang magtanggol o lumaban sa mga suspected criminal dahilan para maging delikado para sa kanya ang trabaho niya kaya naman hindi maalis sa akin ang palagiang mag alala. Hindi ko alam kung totoo bang mag riresign na siya pag katapos ng isang ito pero umaasa rin akong tutuparin niya. Hindi ko kayang mabuhay palagi sa pag aalala na baka hindi na siya makauwi sa akin. Hindi ko kayang mamuhay na parati nalang akong nangangamba sa lahat ng bagay. I can't have that! No one deserves to live like you always need to look over your shoulder, worrying about the danger that you and your family may or may not encounter. I want a peaceful life. A life where Enzo and our future children are far from any danger. Kasi sino ba naman ang gugustuhin na mamuhay sa magulong paligid hindi ba? "Hey! You okay?" Yugyog sa akin ni Enzo nang hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sa kawalan dahil sa malalim na pag iisip. "Huh? Oh yeah I'm fine! Ano nga ulit yung sinasabi mo?" Tanong ko para klaruhin ang sinabi niya kaninang hindi ko naintindihan. "Sabi ko ihahatid na kita," pag uulit nito na mabilis ko namang sinang ayunan. "Oh, okay, let's go!" Maikling sagot ko naman at tipid na ngumiti. Nag simula na siyang mag maneho ng tumingin siya sa gawi ko. "Come on... Umidlip ka muna ng kaunti habang wala pa tayo sa bahay, I know you're tired," bahagyang tinapik tapik niya ang hita niya gamit ang isang kamay para imuwestrang doon muna ako mag pahinga. Malayo layo pa ang byahe namin kaya naman sumunod nalang ako sa sinabi niya.. "And stop worrying already," sambit muli niya nang mapansin niya ang pananahimik ko. Isang matipid na ngiti lang ang itinugon ko sa kanya bago ko ipinikit ang mga mata ko. He's right...I really am tired, dahil ilang minuto lamang matapos akong humilig sa hita ni enzo ay nakaidlip na agad ako. Naalimpungatan nalang ako sa kalagitnaan ng byahe namin ng marahas na tapakan ni enzo ang break ng sasakyan dahilan para mauntog ako sa biglaang pag preno niya! "Oh shit! You okay?" Tanong niya ng makabawi sa pag kabigla. "Aw! It's okay... Anong nangyari?" Tanong ko habang pupungas pungas pa dahil sa antok. "I don't know... I bumped into this car...nag overtake siya at bigla nalang huminto sa harap natin," sagot niya na pinapahid ang kaunting dugo na nakuha niya ng mauntog rin siya sa manibela. "You're bleeding!" Nag aalalang sambit ko sa kanya ngunit tila wala lang iyon sa kanya. "I'm okay baby... Just wait here okay? Titignan ko lang kung walang ibang nasaktan," paalam niya sa akin bago siya bumaba ng kotse para tingnan ang sasakyan sa unahan namin. Hindi ko maintindihan kung bakit tila ginapangan ako ng kakaibang takot sa katawan nang lumabas siya ng sasakyan. Mabilis na iwinaksi ko ang ganoong pakiramdam habang pinipilit kong pakinggan ang sinasabi ni enzo sa driver ng isa pang sasakyan. Tila may kung ano silang pinagtatalunan kaya naman bumaba na rin ako para sana alamin ang nangyayari at awatin ang tila namumuong tensyon sa pagitan nila,ngunit ganun na lamang ang takot ko nang makita kong galit na lumabas ang dalawang lalaking may hawak na baril! Tila napako ako sa kinatatayuan ko ng itutok nila iyon kay enzo na ngayon ay nakataas ang kamay tanda ng pag suko. "Boss said 'This is for sticking out your neck into something that you shouldn't have!' " Yan lamang ang mga katagang binitawan ng isang lalaki bago umalingawngaw ang hindi ko mabilang na putok ng baril na walang mintis na tumama lahat sa katawan ni enzo! Pakiramdam ko ay namingi ang tenga ko dahil matining na ingay lamang ang naririnig kong pumapailanlang sa kailaliman ng gabi habang tila ba bumagal ang takbo ng lahat. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng nag yeyelong tubig kasabay ng hindi normal na pag tibok ng puso ko habang pinapanood kong dahan-dahang humandusay sa kalsada ang katawan ng lalaking pinakamamahal ko! Isang mapait na ngiti ang nakaukit sa labi niya habang nangungusap ang mga mata niyang nakatingin sa gawi ko. Ngayon ko lang nalaman na maaari pa Lang mag kaaroon ng tinig ang isang tingin... Tinig na nagsasabi sa aking tumakbo ako ng mabilis palayo sa panganib. Tinig ni enzo na tila nag mamakaawang iwanan ko na siya at iligtas ko ang sarili ko! "NOOOOO!!!!!" Yan ang tanging namutawi sa labi ko dahilan para maagaw ko ang atensyon ng mga lalaking bumaril kay Enzo. "Habulin mo! We can't afford any witnesses!" Utos ng isang lalaki sa kasama niya na mabilis namang tumalima. Mabigat ang loob ko na iwanan ang wala nang malay na si Enzo pero dahil sa sobrang takot ay mabilis rin akong kumaripas ng takbo. Dinig ko ang nakakapangilabot na boses ng dalawang lalaking naghahanap sa akin habang walang tigil ang pag takbo ko sa hindi ko makitang daanan. The surroundings were pitch dark, but my feet didn't seem to mind it! Tila may sarili itong isip dahil tuloy tuloy lang ito sa pag takbo at hindi alintana ang mga sugat na nakukuha ko sa bawat matatalas na sanga na natatapakan ko. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong tumatakbo dahil nang madapa ako sa hindi ko na mabilang na pag kakataon ay natagpuan ko nalamang ang sarili ko sa gitna ng kagubatan. Isang madilim at masukal na gubat na tila ba sumisigaw na dito na ang magiging kamatayan ko! Gustuhin ko man ay hindi ko magawang sumigaw ng tulong dahil sa takot na baka marinig ako ng mga taong humahabol sa akin. Samu't saring emosyon ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito ngunit nangingibabaw roon at lungkot at pagkasindak. Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi ang imahe ng walang buhay na si Enzo bago ako tuluyang nawalan ng malay!"Guilty!" Yan ang huling sinambit ng judge sa korte na naging dahilan ng malakas na ugong ng hiyawan at at iyakan sa kabuan ng silid.Ito ang huling araw ng hearing ng mga Luciano at walang pag sidlan ng tuwa ang puso ko nang malaman na lahat ng kasabwat sa mga krimen ay makukulong na rin sa wakas! Ang lahat ng ilegal na negosyo at operasyon ng mga Luciano ay naisara na sa wakas.Hindi ko maiwasang maluha sa sobrang saya habang tinitignan ko kung paano kaladkarin ng mga pulis ang mga Luciano pabalik sa kani-kanilang selda kung saan sila mabubulok at pag babayaran ang mga kasalanan nila."It's all gonna be okay love...wala nang manggugulo pang muli sa atin," Marahang sambit ni seb sa tabi ko sabay h******n ako sa tuktok ng ulo.Hindi ko pa rin maiwasang hindi maluha lalo na nang ilibot ko ang paningin ko sa loob ng korte. Napakaraming pamilya rito na kagaya ko ay nag luluksa rin at nag bubunyi kahit papaano.Naparami pala talagang nabiktima ng mga Luciano...kagaya ko ay hindi rin nila m
"Well Well! Finally!" baling ni Kristy sa kagigising lang na si Seb.Kahit halata sa kanya ang panghihina ay pinilit pa rin niyang tumayo at lumapit sa akin. Kagaya ko ay nakagapos rin ang mga kamay niya kaya hindi niya ako magawang hawakan ngunit bakas sa mukha niya ang labis na pag aalala at awa. Guilt was written all over his face, kaya mas lalo akong nahabag sa kalagayan namin ngayon.All we ever wanted was to live a happy and quiet life! Was that too much to ask?!"Pasensya na! wala akong magawa...I promise, everything will be okay hmm?" may luhang tumutulo sa mga mata niya habang sinasabi niya iyon sa akin. Alam kong hindi totoo ang sinasabi niya, judging by our situation right now pero ngumiti pa rin ako ng pilit sa kanya at tumango.Alam kong walang kasiguraduhan ang kalagayan namin ngayon pero ayaw ko nang dumagdag pa sa bigat ng kalooban niya."Oh aren't you sweet! but don't make promises that you cannot keep Seb! dahil ngayong gabi ay siguraduhin kong mabubura na sa mundong
"Maraming salamat ho," sambit ko sa tindera na pinag bilhan ko ng tubig na maiinom sa di kalayuan. Isang buwan na rin ata kaming nandito kaya kahit papaano ay nakakabisado ko na rin ang lugar at ang kaunting tao na naninirahan malapit sa amin. Liblib ang lugar na pinaglalagian namin ni Ezrah pero kapag lumabas ka ng kagubatan ay mayroon din namang mga nakatira. Pagkatapos kong bumili ng isang galon ng malinis na tubig ay namili na rin ako ng kaunting pagkain na sapat para sa aming dalawa. Sa loob ng isang buwan naming pamamalagi dito at naging payak ang pamumuhay namin ngunit hindi maikakaila na mas masaya kami ngayon. Kahit papaano ay nawala ang mga isipin namin dahil tahimik naman ang lahat. Walang unexpected bwisita na darating nalang bigla, wala nang tampuhan dahil sa mga lihim ng nakaraan at wala nang mga Luciano na nagdadala ng kapahamakan.I know it's too early to tell pero sana ay naiwan na talaga sa nakaraan namin ang lahat.Maging si Ezrah ay hindi ko na nakikitang umiy
"Well, you remember how my family died, right?" panimula ko na siya namang tinanguan niya kaya naman tumikhim ako bago nag patuloy sa pagkukwento, "It's true that she's my ex Fiance but we broke up because she's one of the main reason bakit nawalan ako ng pamilya," saglit na tumigil ako dahil masakit pa rin sa akin na alalahanin ang pagkawala ng pamilya ko."Wait- I thought the Luciano killed them?" Naguguluhang tanong niya kaya tumango ako."Yes pero kasabwat siya...Noong mga panahon na nasa amin ka pa at inaalagaan nila mom ay nag karoon kami ng malaking pag tatalo, Nalaman kasi ng mga Luciano na kami ang witness ni dad sa pag kamatay ni Enzo ...They tried to bribe us not to testify, they tried to buy our silence, but of course, we said no. She wanted me to accept the money, but I refused. At first, I thought she understood, but weeks later, I found out that she's having an affair with one of the detectives," Huminga ako ng malalim bago nag patuloy."Noong araw na namatay ang pamily
SEBMatapos mamili ng kaunting supplies na gagamitin namin sa pag alis ay muli akong bumalik sa kotse at nag handa na bumalik sa farm.Malalim akong bumuntong hininga para klaruhin ang isip ko bago ko muling kausapin si Ezrah. Batid kong hindi maganda ang inasal ko kanina sa kanya...dala ng labis na pagkabalisa ay hindi ko nanaman nagawang isa-alang alang ang nararamdaman niya.Napakasakit sa aking marinig ang mga sinabi niya kanina pero naiintindihan ko siya. Nasasaktan ako hindi para sa akin kundi para sa kaniya dahil ilang beses na akong nangangako sa kanya pero palagi ko siyang binibigo. Tama naman siya sa sinabi niya...napakahirap ko ngang mahalin pero hindi ko magagawang iwanan siya kahit kailan. Naiintindihan ko kung bakit niya ako itinataboy ngunit matagal tagal na rin kaming nag sama para malaman ko kung ano talaga akong laman ng puso niya.Alam kong naninibugho lang siya kay Kristy pero wala naman siyang kailangang ipag alala dahil kung ano mang meron sa amin ni Kristy ay wa
"This isn't just about her Seb," Saglit akong tumigil sa pag sasalita para humigit ng malalim na paghinga bago nag patuloy, "I'm tired Seb...Mahal na mahal kita pero sobrang sakit mong mahalin! ang makasama ka? yan ang tunay na depinisyon ng kapit sa patalim! The more I hold onto you, the more it hurts. The deeper it cuts! The harder it bleeds! At ang tanging paraan lang para hindi na ako masaktan ay ang bitawan ka ng sapilitan!" puno ng emosyong sumbat ko sa kanya habang nag lalandas ang malayelong butil ng luha ko sa aking pisngi Maging ang mga luha ko ay nanlamig na rin dahil sa sakit. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga katagang binigkas ko sa kanya pero pareho namin iyong ikinatulala. Maging ako ay nabigla na ganun na pala kalalim para sa akin ang sakit sa dibdib ko.Kaya ba ganito nalang ang nararamdaman ko ngayon? kaya ba mas pinipili ko nalang siyang itaboy? dahil ba sobra na? dahil ba hindi ko na talaga kayang magtiis pa? Ganito na ba talaga kalalim ang sakit para ma
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen