Nasa labas na ang lahat ng mga kaklasi ko dahil in-announce na kailangan na naming umuwi dahil may bagyo.
Wala akong payong kaya nakaupo pa rin ako sa upuan ko. Ewan ko ba sa mga kaklasi ko at excited lagi umuwi. Kahit umuulan ay sinusuong nila.Nagpalipas ako ng ilang minuto pero hindi pa rin tumutila ang ulan. Iilan na lang ang nakikita ko na nasa labas pa. Wala akong choice kung hindi ang lumabas na. Inilagay ko sa loob ng backpack ko yung notepad baka kasi mabasa pa 'yon.Nasa labas na ako ng room namin at akmang susuong na ako sa ulan nang may hunawak sa balikat ko. Nakakunot ang noo ko nang tingnan ko kung sino ito. Siya na naman."Don't. Mababasa ang notepad ko," sabi niya at binuksan niya ang payong na dala niya. "Let's go."Hinawakan niya ang braso ko at shi-nare niya ako sa payong niya. Wala talaga akong choice. Mabilis kaming naglakad hanggang sa makalabas na kami ng school. Tumigil kami sa waiting shed nitong school. "Ang lakas ng ulan," aniya at isinara ang payong niya. Hindi ko na siya tinitingnan at diretso lang tingin ko.Sobrang lakas nga ng ulan. Umupo ako sa upuan nitong waiting shed at bigla na lamang akong may naalala. "Hoy, Teedy! Tara habulan tayo!" Natatawang sabi nang batang Melina."Ate! Taya!" sabi ni Teedy at mabilis na tumakbo.Natigil si Melina sa paghabol kay Teedy nang bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan."Teedy! Teedy! Umuulan na, kailangan na nating umuwi!" sigaw nang batang Melina."Ate, maligo na lang tayo sa ulan. Dali na!" Nagpapaikot-ikot si Teedy habang ang mga kamay ay nakabukas ng maluwag. "Ikaw ang malalagot kapag napagalitan tayo, ha."Napatingin ako sa kan'ya nang tumabi ito sa akin. "Rain really makes me sad. Miss, I can see in your eyes the sadness," malamig na sabi niya habang nakatingin sa ulan.Napakagat ako sa labi ko dahil tama amg sinabi niya. Naalala ko kasi si Teedy! Siguradong malaki na ngayon 'yon. Hindi ko maiwasan ang mangulila para kina Mama at Teedy. Hindi ko siya sinagot at patuloy lang akong natingin sa ulan.Ilang minuto kaming nasa ganoong puwesto nang tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag—si Daddy."Hello, Dad?""Anak, where are you? I'm gonna fetch you. Ang lakas ng ulan, grabe.""I'm here at the waiting shed of the school po. Ingat po, Dad!""Okay, noted. Wait for me, okay?""Okay po."Ibinaba ko na ang phone ko at hindi ko sinasadyang mapatingin sa kinauupuan niya. Wala na siya roon.Agad akong tumayo para tingnan kung nasaan siya. Nakita kong naglalakad na ito papalayo kasama ang payong niya. He is really a weird one.Umupo na lang ulit ako at naghintay sa pagdating ni Daddy. Suddenly, I got curious about his notepad. Sa ilang taon na nagdaan sa buhay ko ay ngayon lang ulit ako naging curious sa ibang bagay at sa buhay ng iba. He hate rain. Ako naman noong bata ako ay nagsasaya kami kapag umuulan pero ngayon nagbago na. Iba na ang dulot ng ulan ngayon sa akin. It makes me sad. I know there is a reason why he hate rain. Sa kan'ya ba talaga ang notepad? Napaigtad ako sa kinauupuan ko nang may bumusina sa harap ng waiting shed. Si Daddy! Mabilis akong sumakay at isinara na ang pintuan ng sasakyan. Bahagya akong nabasa."Kumusta ang pag-aaral, Anak?" tanong ni Daddy.Pinupunusan ko ang braso ko gamit ang panyo ko, "Maayos naman po, isinali pala ako nila sa Instrumental Music Contest," sabi ko at nakita kong napatingin siya sa akin. Mabilis lang 'yon dahil nagmamaneho siya."Great. What instrument you will play?""A Guitar? Not sure pa po," sabi ko at pagkatapos ay narinig namin sa radyo, sa stereo nitong kotse ang balita.May bagyo nga at ang pangalan nito ay Susan. Magtatagal daw ito hanggang sa linggo. Paano kaya yung contest niyan? May pasok ba?Hindi na gaanong malakas ang ulan nang makauwi kami ni Daddy. Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay agad akong umakyat patungo sa kuwarto ko.Nagpalit ako kaagad ng damit at pabagsak na humiga sa kama. Nakatingin ako sa kisame nang may naalala ako. Right! Titingnan ko ulit ang pangalan nung may-ari ng notepad. Bumangon ako at kinuha ko ang backpack ko. Binuksan ko ito at kinuha ko roon ang notepad. Umupo ako sa kama habang naka-indian sit ang mga paa ko. Kung titingnan ito at parang ordinaryong notepad lang ito, walang design, walang palamuti o kung ano pa man. Kakaiba rin ang nasa loob nito.Muli ko itong binuksan at binasa ang pangalan nang may-ari nito."Jairus Bautista," basa ko sa pangalan niya.Napatingin ako sa bintana nitong kuwarto ko nang bigla na lamang kumulog at kumidlat nang malakas. Binitiwan ko ang hawak kong notepad at mabilis na tumayo. Isinara ko ang mga bintana dahil pumapasok na ang ulan pati na ang malakas na ihip nang hangin.Humiga ako sa kama at agad na nagkulubot gamit ang kumot. Nagsimula na naman ang malakas na ulan. Pinapakinggan ko lang ito hanggang sa namalayan ko na lang ay umiiyak na pala ako."Mel? Anak? Are you okay?" Narinig kong bumukas ang pintuan nitong kuwarto ko."Mel? It's okay, we're here," sabi ni Mommy na nakaupo sa gilid ng kama ko.Hindi ako siya sinagot at patuloy na umiiyak. Naramdaman kong niyakap niya ako. How I can stop crying? Kung ang nasa isip ko ay ang Mama ko at si Teedy! Sana kasama ko sila ngayon.Hindi ko na namalayan at nakatulog na pala ako. ---Kinabukasan ay maulan pa rin. Nag-announce na rin na walang pasok ngayon. Nakaupo ako sa upuan dito sa study table ko habang nasa kandungan ko ang ukulele ko. Wala akong guitar talaga e. Okay na rin siguro ito dahil instrumental pa rin naman. I started to play the ukulele. It's Rain Rain Go Away.This is the song that we play when there is a rain. Si Teedy ay ang kumakanta at ako naman ang tumutugtog. Yes, I miss that scenario.Naipikit ko ang mga mata ko habang tumutugtog. "Wow! Ang galing mong tumugtog, Ate!" sabi ni Teedy at umupo sa tabi ko.Nasa sala kami habang hawak ko ang gitara na regalo sa akin ni Mama. "Marunong ka bang kumanta, Teedy?" tanong ko."Oo, Ate. Ako pa! Rain Rain Go Away!" masayang sabi niya.Ang lamig ng panahon dahil umuulan. May hot chocolate na itinimpla si Mama para sa amin."Okay, I'll play it with my guitar and you will sing it. Noted?""Noted!"Iminulat ko ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pintuan nang kuwarto ko."Mel!" sigaw ni Mommy.Nakita ko ang halo-halong emosyon sa kan'yang mukha.Inilagay ko ang ukulele ko sa table at mabilis na sinundan si Mommy."Ano pong nangyari?" tanong ko kay Mommy habang pababa ako ng hagdan."Bilisan mo, Mel! Tumawag ka ng Ambulansya, bilisan mo!" utos sa akin ni Mommy at nakita kong nangingiligid na ang luha sa mga mata niya. Kahit hindi ko alam ang nangyayari ay ginawa ko na lang.Kinakabahan na rin ako. Ginamit ko ang landline dito sa bahay at sinimulan nang tawagan ang emergency call. Pagkatapos kong gawin 'yon ay agad kong pinuntahan si Mommy para malaman kung ano ang nangyayari.Natigil ako sa harap ng kuwarto dito sa ibaba kung saan ang workplace ni Daddy. Nakita kong umiiyak si Mommy habang ang ulo ni daddy ay nasa kandungan niya. Nahihirapang huminga si Daddy!"Daddy!" sabi ko at napaupo na rin pagkatapos ay tiningnan ko siya.Nanlumo ako sa nakikita ko ngayon. Hindi ko maiwasang mapa-iyak dahil ayokong isipin na baka mawalan na naman ako ng Ama.&n
"Imposible," rinig kong sabi ni Mommy.Kinuha ni Daddy ang remote sa akin at siya na ang pumatay sa TV. Napatingin ako kay Mommy."Bakit naman po? Ni hindi pa po natin alam kung nahanap na yung bangkay ni Mama kung sakaling namatay na po siya. Walang sinabi hindi po ba? Baka siya po—" natigil ako sa sinasabi ko nang lumapit sa akin si Mama at hinawakan ang dalawa kong kamay.Tiningnan niya ako sa mata at nakita ko ang malambot niyang tingin sa akin. "Anak, Mel, hindi ako tumutol sa kung ano man ang pinaplano mo pagdating sa totoong pamilya mo. Suportado ka namin ng daddy mo pero paano kung hindi siya 'yon? Paano kung kamukha lang talaga niya ang Mama mo? Artista 'yon, Mel," sabi sa akin ni Mama.Napayuko ako sa sinabi ni mommy. May punto siya pero hindi ko maiwasang umasa na sana siya nga 'yon. Si Mama. Kung sakaling siya 'yon ay baka kasama rin niya sa Teedy. How I wish na sana makita ko na talaga sila."Naiintindihan ko po, Mommy," sa
Bumalik na lang ulit ako sa room ni daddy. Nang makapasok ako ay wala si mommy, si daddy lang. Nakaupo ito at nakasandal ang likuran niya sa mga unan. Napatingin siya sa akin nang umupo ako sa isang mahabang sofa na narito."Saan ka galing?" tanong ni Papa.Tiningnan ko si Papa, "Nakita ko si Mama yung artistang kamukha niya. Nandito siya, Pa," sabi ko at nakita ko ang pagkunot ng kan'yang noo."Sigurado ka ba? Nakita pa lang natin siya kanina sa TV 'di ba? At ano naman ang ginagawa no'n dito?" tanong niya sa akin. Napaisip din ako sa mga sinabi ni Papa."Hindi ko po alam, Pa..." sabi ko at bigla ko na lang naalala na pinuntahan niya pala yung lalaki na tinulungan ko. "Pero nakita ko pong may pinuntahan siya rito," dagdag ko pang sabi."Sino? Kinausap mo ba siya? Nilapitan?"Napailing ako. "Kinabahan po ako at hindi ko rin po alam ang gagawin ko.""Ayos lang 'yon, Anak. Sasamahan na lang kita kapag maayos na ang lahat," sabi niy
"My, baka nagkakamali lang po si Nurse. Sige po ako na po ang bahala, mauna na po kayo," sabi ko at tinitigan niya muna ako bago umalis.Bumuntonghininga ako at pagkatapos ay humarap sa Nurse na nagpeace sign sa akin."Sorry po, Ma'am. Secret relationship lang po ba ang meron kayo?" panguusisa pa niya."Wala kaming relasyon. Bakit mo ba ako pinuntahan? May problema po ba?" tanong ko."Ano kasi, Ma'am. Si Sir..." sabi niya at hindi matuloy-tuloy ang sasabihin niya."Ano po ba 'yon?""Ayaw niya kasi sa amin gusto niya ikaw lang.""Sorry, Nurse pero hindi ko naman kasi talaga siya kilala at mas lalong hindi ko siya boyfriend. Aalis na po ako," paalam ko at iniwan na siya roon.Habang palabas ako ay nakaramdam ako ng guilt. Hindi ko alam parang gusto kong bumalik doon at tingnan ang kalagayan niya pero hindi ko na ginawa. Tama naman ang sinabi ko kanina e. Hindi ko siya kilala.Sakto naman paglabas ko ay tapos nang bumili ng
Humiwalay ako sa kan'ya at mabilis na lumabas sa Music Room. He is not thinking!Habang mabilis akong naglalakad ay kasing bilis din ito nang pagtibok ng puso ko. I even feel nervous! Nakakabigla ang mga ginagawa niya sa akin.Nakasalubong ko si Viola. Tumigil ako dahil kinausap ako nito."Babalik ka na sa room?" tanong nito sa akin.Tumango lang ako."Puwedeng sumabay na ako sa 'yo?""Yup," sabi ko at naglakad na kami.Habang naglalakad kami ay nakakunot pa rin ang noo ko. Naaalala ko kasi yung nangyari kanina."Melina," sabi ni Viola. Hindi ko siya tiningnan."Hmm?""Kilala mo pala si Jairus Bautista?" tanong iyon."Uh, no. Nakasabay ko lang siya sa Music Room. Why?""Nakakapanibago lang." Napatingin ako sa sinabi niya."What do you mean?" tanong ko at nakita kong napabuntonghininga siya."Hindi nakikihalubilo 'yon. Kahit si Gail ay hindi niya pinapansin. Wala naman din may pake
"What are you doing? Let me go!" Naiinis na sabi ko at itinanggal ko ang pagkakahawak niya sa wrist ko nang makalabas na kami sa bookstore."Ihahatid na kita pauwi," sabi niya."No." Matigas na sabi ko at iniwan siya roon.Hindi pa man ako nakakalayo roon nang mapatigil ako sa paglalakad ko. There is a familiar voice that I've heard. Lumingon ulit ako kung saan ko iniwan si Jairus. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may isang black fortuner na nakatigil sa harapan ng bookstore. May kinakausap si Jairus mula sa loob noon.Hindi kaya si Yenny Peninsula 'yon? Dahan dahan akong lumapit roon at doon ko narinig ang boses niya. Kabadong-kabado ako dahil pati sa boses ay kapareho niya si Mama."Hindi ka pa ba sasabay sa akin?" tanong niya kay Jairus."Hindi na po, Ma. May ihahatid pa kasi ako," sabi ni Jairus na walang pinagbago sa boses niya."Sino? Girlfriend mo?" Bigla siyang napatingin sa akin na kahit nakashad
"Jairus! Sandali!" Binilisan ko ang paglakad ko para lang maabutan siya. Bakit ba ang bilis niyang maglakad?Habol-habol ko ang hininga ko nang maabutan ko siya. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng pagka-ilang sa paraan ng titig niya sa akin.Nang maayos na ang paghinga ko ay umayos ako ng pagkakatayo ko. "Sundan natin si Gail, baka kung anong gawin no'n.""Walang gagawing masama 'yon. Pumasok ka na sa room mo," sabi niya at walang bakas na pag-aalala sa boses niya. Ganyan ka bang klasing lalaki?Akmang tatalikod siya nang tinawag ko ulit ang pangalan niya. Nilingon niya ako at hinintay ang sasabihin ko.Kinuha ko sa bag ang Jacket at ang Notepad niya."Here, thank you again." Ibinigay ko sa kaniya ang gamit niya at kinuha naman niya ito.Pagkatapos kong ibigay sa kaniya ang mga 'yon ay naglakad na ako papunta sa room ko. Habang naglalakad ako ay parang nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko alam
Tama ba yung narinig ko? Girlfriend daw?"Wait, wait!" Pigil ko sa kaniya kung saan man niya ako dadalhin.Binitiwan niya ang pagkakahawak sa akin at mataman akong tiningnan."Ayaw mo? Ayos lang, aalis na ako." Tatalikod na sana siya pero pinigilan ko siya."Sandali lang kasi! Binibigla mo ako e," sabi ko nang humarap ulit siya sa akin.Paano ba 'to? Kailangan talaga ngayon na magdesisyon? Urgh! I'm in between! Sayang naman kasi kung hindi ko matatanong 'yon baka doon ko na talaga makuha ang sagot sa lahat ng tanong sa isipan ko. Pero bakit kasi may kapalit pa?"Nakapag-isip ka na?""Wala na ba talagang ibang option? Tulad ng, ilibre kita sa mamahaling restaurant o kaya ipagsusulat kita ng lecture sa buong sem?""Wala na. Yun lang ang option," sabi niya.Napabuntonghininga ako. "Okay, fine. But can we have a rules?""Kung 'yan ang gusto mo, then we have a rules. Bago 'yan, let's go." Hinawa