Habang naglalakad kami palabas ng school ni Gail ay nakikinig lang ako ng music sa earphones ko.
Tinanggal ni Gail ang isa kong earphones sa kanang tainga ko. Napatingin ako sa kaniya. Ano na naman ba kaya?
"Mel, umuwi na raw sa bahay si Teedy. Sumakit daw yung tiyan niya. Puwede bang makisabay ako sa 'yo?"
"Oo naman para matingnan ko na rin si Teedy. Maghintay lang muna tayo," sabi ko sa kaniya na sinang-ayunan naman niya.
Nagtext din sa akin si Mama na papunta na raw sila sa school. Nasa labas kami ng school ni Gail, sa may gate. Nakikinig ako ng music habang siya ay kilig na kilig sa katext mate niya. Umayos ako nang makita ko ang sasakyan ni Mama. Huminto ito sa harapan namin.
"Tara na," sabi ko Gail at binuksan ang backseat. Sumunod naman siya sa akin.
"Kina Teedy na po tayo, Mama?" tanong ko at tumango lang siya. Nakasandal siya ang katawan niya sa backrest ng upuan at nakapikit ang mata. Pagod siguro.
"Mama mo pala ang k
After ten years...Nakaupo ako ngayon sa office ko rito sa shop. Everything went smooth. I have my own business now. My business is any kinds of intruments. Si Teedy naman ay nasa college na ngayon habang si Gail naman ay nasa abroad for her modeling career.Inihiga ko ang ulo ko sa desk ko. Ginamit kong unan ang braso ko. Kumusta na kaya si Jairus? Wala na talaga kaming balita sa kaniya. Namimiss ko na talaga siya.Umayos ako ng pagkakaupo ko nang may kumatok sa pintuan nitong office room ko."Come in!" Sigaw ko at bumukas ang pintuan."Hello, my beautiful, Ate!" Si Teedy.Napataas ang isang kilay ko. "Anong kailangan mo?" tanong ko dahil masyado niyang ginandahan ang Ate niya."Nandito kasi yung friends ko. Tapos bibili raw sila kaya baka naman daw.""Anong baka naman?" Napakamot siya sa kaniyang ulo."Discount." Ngingiting sabi niya."Okay. Hindi na dapat maulit 'to, ngayon lang." Mataray na sabi ko
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay agad na sumalubong sa akin si Teedy."Si Kuya Jairus—" pinatigil ko siya sa sasabihin niya.Pabagsak akong umupo sa sofa. Tumingin ako sa kaniya na nakatingin din sa akin na may pagtatanong."Huwag mong sabihin, nagkita na kayo?""Hindi," sabi ko at tumayo ako. "Pag-iisipan ko muna kung ano ang dapat kong gawin kapag nagkita kami.""Oh, okay."Nagpaalam ako sa kaniya na papasok na ako sa kuwarto ko. May sarili akong condo pero napili kong dito na muna ako matutulog ngayon. Agad akong nagpalit ng damit na pantulog at kinuha ko ang phone ko.Sinubukan kong hanapin sa internet ang pangalan niya at hindi naman ako nabigo. Mayroon itong isang malaking kompanya na kilala sa mundo ng showbiz. Ito siguro ang naiwang kompanya ng kaniyang Daddy. Ang kompanya niya ay isang talent search."Cloud Entertainment," pagkabasa ko sa pangalan ng kompanya.May mga sikat na band
Napasandal ako sa kinauupuan ko nang umalis na si Mr. Guevarra. Muli kong kinuha ang phone ko at tiningnan ang oras roon. Alas-dose na ng tanghali. Tumayo ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Bago ako lumabas ay tiningnan ko kung saan ang address nung kompanya ni Jairus. Balak kong puntahan siya para makipag-usap nang maayos.Nagsearch din ako ng malapit na restaurant sa kompanya nila. Mabuti na lang at meron kahit fast food chain lang. Sumakay ulit ako sa sasakyan ko at pinaandar na ito. Hindi pa rin mawala-wala sa isipin ko ang mga titig ni Jairus, bumalik yung dati. Yung una ko siyang nakita gan'on, ganoon ang paraan ng titig niya kanina. Hindi ko alam kung bakit, wala naman talaga kaming pinag-awayan.Pagkatapos kong kumain ng lunch ay dumiretso na ako sa kompanya niya. Pagkapark ko sa parking lot ay lumabas agad ako. Napakunot ang noo ko dahil ang daming tao sa labas ng building. Anong meron? May audition bang nagaganap?Kahit na ganon ang sitwasyon ay
Hindi ako pumasok sa bahay kung saan itinigil ni Jairus ang sasakyan ko. Nag-drive ako pauwi sa condo ko. Ayaw kong makita ako ni Mama o ni Teedy na umiyak ako.Buong gabi ay wala akong ginawa kung hindi ang alalahanin ang mga magandang nangyari sa aming dalawa hanggang sa dalawin ako ng antok.Kinabukasan ay hindi na ako nag-aksaya pa na maagang gumising dahil balak kong huwag na lang lumabas sa condo ko. Gusto kong magpaka-busy sa araw na ito pero napatampal ako sa noo ko nang mapagtanto kong nasa office ko pala yung laptop ko.Nagbihis ako at lumabas ako ng condo. Kukunin ko lang ang laptop, 'yon lang. Babalik din ako sa condo ko. Habang nag-da-drive ako ay nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Teedy, sinagot ko ang tawag niya at ni-loud speaker ko ito."Ate! Nandito ngayon si Kuya Jairus, hindi ka ba pupunta rito?" tanong niya.Bahagya akong kinabahan dahil sa narinig ko. Pangalan lang niya ay may epekto na sa akin."Hindi ako pupunt
Hindi ko alam kung paano natapos ang araw na 'yon na narito si Jairus sa condo ko. Iniwan ko lang kasi siya sa sala at nagkulong lang ako sa kuwarto ko. Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Napatingin ako sa alarm clock at nakita kong alas-otso na. Nakalimutan kong magset ng alarm pero ayos lang 'yon dahil wala naman akong gagawin ngayon. Bumangon na ako at lumabas na ako sa kuwarto. May parte sa akin na umaasa ako na narito pa rin siya. Bumagsak ang balikat ko nang wala akong makitang Jairus sa sala at sa kahit saang sulok nitong condo ko. Nalulungkot ako pero nung nandito siya para akong naiinis. Maayos pa ba ako? Kailangan ko na bang magpakonsulta? Naglakad na lang ako papunta sa kusina. Napakunot ang noo ko nang may nakahandang breakfast doon. May nakita akong isang note, kinuha ko 'yon at binasa. Good morning! Eat your breakfast before you go to work. Ily. Natigil ang pagbasa ko sa 'Ily' na nakalagay. Anong meaning nito? I love you? I lik
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.DO NOT PLAGIARIZE!-----------------------------------------------------------------------------------"Mama, saan po ba tayo pupunta?" tanong ko habang nakasakay kami sa bus.Nakaupo si Mama sa tabi ng bintana habang nasa kandungan niya ang kapatid ko na limang taong gulang.Tiningnan ako ni Mama, "Anak, sa totoo lang hindi ko rin alam." Nagsimula nang umiyak si Mama.Hindi ko maintindihan. Bakit umiiyak si Mama? May problema ba siya? Nitong mga nakaraang araw kasi ay panay ang away nila Mama at Papa hanggang sa hindi na nga umuwi si Papa. Pinapaliwanag naman sa akin ni Mama ang lahat pero parang ang gulo pa rin para sa akin."Huwag na po kay
Cold Stare: Let me tell you my story.Nakauwi na ako sa bahay at narito ako sa kuwarto nang paulit-ulit na um-e-echo sa isipan ko ang nabasa ko kanina habang nasa school pa lang ako. There is something strage in that notepad or journal of him.Napaka-mysterious naman kung sino man ang nagma-may ari nitong notepad. Pakiramdam ko ay malalim ang pinaghugutan niya ng lakas ng loob para isulat pa ang mga naganap sa buhay niya. I, actually want to that. Ang isulat lahat ng mga nararamdaman mo at yung mga pangyayari sa buhay mo. Pero hindi ko ginawa, I was afraid. Takot ako na baka may makabasa nito o kaya ay may makatuklas sa sinulat ko. That's why I end up handling my own unsaid and unwritten emotion by myself. Mahirap ikimkim kaya idinadaan ko na lang sa pakikinig ng music. Malibang man lang ako kahit pansamantala.Hindi ko na binasa pa kung ano ang kasunod na pahina. Ayokong manghimasok sa buhay ng iba. Kung may maghahanap sana mahanap na lang niy
Nasa labas na ang lahat ng mga kaklasi ko dahil in-announce na kailangan na naming umuwi dahil may bagyo.Wala akong payong kaya nakaupo pa rin ako sa upuan ko. Ewan ko ba sa mga kaklasi ko at excited lagi umuwi. Kahit umuulan ay sinusuong nila.Nagpalipas ako ng ilang minuto pero hindi pa rin tumutila ang ulan. Iilan na lang ang nakikita ko na nasa labas pa. Wala akong choice kung hindi ang lumabas na. Inilagay ko sa loob ng backpack ko yung notepad baka kasi mabasa pa 'yon.Nasa labas na ako ng room namin at akmang susuong na ako sa ulan nang may hunawak sa balikat ko. Nakakunot ang noo ko nang tingnan ko kung sino ito. Siya na naman."Don't. Mababasa ang notepad ko," sabi niya at binuksan niya ang payong na dala niya. "Let's go."Hinawakan niya ang braso ko at shi-nare niya ako sa payong niya. Wala talaga akong choice. Mabilis kaming naglakad hanggang sa makalabas na kami ng school. Tumigil kami sa waiting she