Hindi ako pumasok sa bahay kung saan itinigil ni Jairus ang sasakyan ko. Nag-drive ako pauwi sa condo ko. Ayaw kong makita ako ni Mama o ni Teedy na umiyak ako.
Buong gabi ay wala akong ginawa kung hindi ang alalahanin ang mga magandang nangyari sa aming dalawa hanggang sa dalawin ako ng antok.
Kinabukasan ay hindi na ako nag-aksaya pa na maagang gumising dahil balak kong huwag na lang lumabas sa condo ko. Gusto kong magpaka-busy sa araw na ito pero napatampal ako sa noo ko nang mapagtanto kong nasa office ko pala yung laptop ko.
Nagbihis ako at lumabas ako ng condo. Kukunin ko lang ang laptop, 'yon lang. Babalik din ako sa condo ko. Habang nag-da-drive ako ay nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Teedy, sinagot ko ang tawag niya at ni-loud speaker ko ito.
"Ate! Nandito ngayon si Kuya Jairus, hindi ka ba pupunta rito?" tanong niya.
Bahagya akong kinabahan dahil sa narinig ko. Pangalan lang niya ay may epekto na sa akin.
"Hindi ako pupunt
Hindi ko alam kung paano natapos ang araw na 'yon na narito si Jairus sa condo ko. Iniwan ko lang kasi siya sa sala at nagkulong lang ako sa kuwarto ko. Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Napatingin ako sa alarm clock at nakita kong alas-otso na. Nakalimutan kong magset ng alarm pero ayos lang 'yon dahil wala naman akong gagawin ngayon. Bumangon na ako at lumabas na ako sa kuwarto. May parte sa akin na umaasa ako na narito pa rin siya. Bumagsak ang balikat ko nang wala akong makitang Jairus sa sala at sa kahit saang sulok nitong condo ko. Nalulungkot ako pero nung nandito siya para akong naiinis. Maayos pa ba ako? Kailangan ko na bang magpakonsulta? Naglakad na lang ako papunta sa kusina. Napakunot ang noo ko nang may nakahandang breakfast doon. May nakita akong isang note, kinuha ko 'yon at binasa. Good morning! Eat your breakfast before you go to work. Ily. Natigil ang pagbasa ko sa 'Ily' na nakalagay. Anong meaning nito? I love you? I lik
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.DO NOT PLAGIARIZE!-----------------------------------------------------------------------------------"Mama, saan po ba tayo pupunta?" tanong ko habang nakasakay kami sa bus.Nakaupo si Mama sa tabi ng bintana habang nasa kandungan niya ang kapatid ko na limang taong gulang.Tiningnan ako ni Mama, "Anak, sa totoo lang hindi ko rin alam." Nagsimula nang umiyak si Mama.Hindi ko maintindihan. Bakit umiiyak si Mama? May problema ba siya? Nitong mga nakaraang araw kasi ay panay ang away nila Mama at Papa hanggang sa hindi na nga umuwi si Papa. Pinapaliwanag naman sa akin ni Mama ang lahat pero parang ang gulo pa rin para sa akin."Huwag na po kay
Cold Stare: Let me tell you my story.Nakauwi na ako sa bahay at narito ako sa kuwarto nang paulit-ulit na um-e-echo sa isipan ko ang nabasa ko kanina habang nasa school pa lang ako. There is something strage in that notepad or journal of him.Napaka-mysterious naman kung sino man ang nagma-may ari nitong notepad. Pakiramdam ko ay malalim ang pinaghugutan niya ng lakas ng loob para isulat pa ang mga naganap sa buhay niya. I, actually want to that. Ang isulat lahat ng mga nararamdaman mo at yung mga pangyayari sa buhay mo. Pero hindi ko ginawa, I was afraid. Takot ako na baka may makabasa nito o kaya ay may makatuklas sa sinulat ko. That's why I end up handling my own unsaid and unwritten emotion by myself. Mahirap ikimkim kaya idinadaan ko na lang sa pakikinig ng music. Malibang man lang ako kahit pansamantala.Hindi ko na binasa pa kung ano ang kasunod na pahina. Ayokong manghimasok sa buhay ng iba. Kung may maghahanap sana mahanap na lang niy
Nasa labas na ang lahat ng mga kaklasi ko dahil in-announce na kailangan na naming umuwi dahil may bagyo.Wala akong payong kaya nakaupo pa rin ako sa upuan ko. Ewan ko ba sa mga kaklasi ko at excited lagi umuwi. Kahit umuulan ay sinusuong nila.Nagpalipas ako ng ilang minuto pero hindi pa rin tumutila ang ulan. Iilan na lang ang nakikita ko na nasa labas pa. Wala akong choice kung hindi ang lumabas na. Inilagay ko sa loob ng backpack ko yung notepad baka kasi mabasa pa 'yon.Nasa labas na ako ng room namin at akmang susuong na ako sa ulan nang may hunawak sa balikat ko. Nakakunot ang noo ko nang tingnan ko kung sino ito. Siya na naman."Don't. Mababasa ang notepad ko," sabi niya at binuksan niya ang payong na dala niya. "Let's go."Hinawakan niya ang braso ko at shi-nare niya ako sa payong niya. Wala talaga akong choice. Mabilis kaming naglakad hanggang sa makalabas na kami ng school. Tumigil kami sa waiting she
Inilagay ko ang ukulele ko sa table at mabilis na sinundan si Mommy."Ano pong nangyari?" tanong ko kay Mommy habang pababa ako ng hagdan."Bilisan mo, Mel! Tumawag ka ng Ambulansya, bilisan mo!" utos sa akin ni Mommy at nakita kong nangingiligid na ang luha sa mga mata niya. Kahit hindi ko alam ang nangyayari ay ginawa ko na lang.Kinakabahan na rin ako. Ginamit ko ang landline dito sa bahay at sinimulan nang tawagan ang emergency call. Pagkatapos kong gawin 'yon ay agad kong pinuntahan si Mommy para malaman kung ano ang nangyayari.Natigil ako sa harap ng kuwarto dito sa ibaba kung saan ang workplace ni Daddy. Nakita kong umiiyak si Mommy habang ang ulo ni daddy ay nasa kandungan niya. Nahihirapang huminga si Daddy!"Daddy!" sabi ko at napaupo na rin pagkatapos ay tiningnan ko siya.Nanlumo ako sa nakikita ko ngayon. Hindi ko maiwasang mapa-iyak dahil ayokong isipin na baka mawalan na naman ako ng Ama.&n
"Imposible," rinig kong sabi ni Mommy.Kinuha ni Daddy ang remote sa akin at siya na ang pumatay sa TV. Napatingin ako kay Mommy."Bakit naman po? Ni hindi pa po natin alam kung nahanap na yung bangkay ni Mama kung sakaling namatay na po siya. Walang sinabi hindi po ba? Baka siya po—" natigil ako sa sinasabi ko nang lumapit sa akin si Mama at hinawakan ang dalawa kong kamay.Tiningnan niya ako sa mata at nakita ko ang malambot niyang tingin sa akin. "Anak, Mel, hindi ako tumutol sa kung ano man ang pinaplano mo pagdating sa totoong pamilya mo. Suportado ka namin ng daddy mo pero paano kung hindi siya 'yon? Paano kung kamukha lang talaga niya ang Mama mo? Artista 'yon, Mel," sabi sa akin ni Mama.Napayuko ako sa sinabi ni mommy. May punto siya pero hindi ko maiwasang umasa na sana siya nga 'yon. Si Mama. Kung sakaling siya 'yon ay baka kasama rin niya sa Teedy. How I wish na sana makita ko na talaga sila."Naiintindihan ko po, Mommy," sa
Bumalik na lang ulit ako sa room ni daddy. Nang makapasok ako ay wala si mommy, si daddy lang. Nakaupo ito at nakasandal ang likuran niya sa mga unan. Napatingin siya sa akin nang umupo ako sa isang mahabang sofa na narito."Saan ka galing?" tanong ni Papa.Tiningnan ko si Papa, "Nakita ko si Mama yung artistang kamukha niya. Nandito siya, Pa," sabi ko at nakita ko ang pagkunot ng kan'yang noo."Sigurado ka ba? Nakita pa lang natin siya kanina sa TV 'di ba? At ano naman ang ginagawa no'n dito?" tanong niya sa akin. Napaisip din ako sa mga sinabi ni Papa."Hindi ko po alam, Pa..." sabi ko at bigla ko na lang naalala na pinuntahan niya pala yung lalaki na tinulungan ko. "Pero nakita ko pong may pinuntahan siya rito," dagdag ko pang sabi."Sino? Kinausap mo ba siya? Nilapitan?"Napailing ako. "Kinabahan po ako at hindi ko rin po alam ang gagawin ko.""Ayos lang 'yon, Anak. Sasamahan na lang kita kapag maayos na ang lahat," sabi niy
"My, baka nagkakamali lang po si Nurse. Sige po ako na po ang bahala, mauna na po kayo," sabi ko at tinitigan niya muna ako bago umalis.Bumuntonghininga ako at pagkatapos ay humarap sa Nurse na nagpeace sign sa akin."Sorry po, Ma'am. Secret relationship lang po ba ang meron kayo?" panguusisa pa niya."Wala kaming relasyon. Bakit mo ba ako pinuntahan? May problema po ba?" tanong ko."Ano kasi, Ma'am. Si Sir..." sabi niya at hindi matuloy-tuloy ang sasabihin niya."Ano po ba 'yon?""Ayaw niya kasi sa amin gusto niya ikaw lang.""Sorry, Nurse pero hindi ko naman kasi talaga siya kilala at mas lalong hindi ko siya boyfriend. Aalis na po ako," paalam ko at iniwan na siya roon.Habang palabas ako ay nakaramdam ako ng guilt. Hindi ko alam parang gusto kong bumalik doon at tingnan ang kalagayan niya pero hindi ko na ginawa. Tama naman ang sinabi ko kanina e. Hindi ko siya kilala.Sakto naman paglabas ko ay tapos nang bumili ng