Share

Chapter 4

Sofia's POV

MAAGA akong pumunta sa school ngayon sinabay ako ni Kuya Stefan. Habang nasa sasakyan kami iniisip ko pa rin yung kahapon.

' Namimiss ko na ang bestfriend ko eh '

Bestfriend ko siya? Paano? Ibig sabihin may alam siya sa nangyari sakin 5 years ago? Oo minsan naiisip ko pa rin kung bakit ako nawalan ng alaala, kung bakit ako naaksidente. Pero may oras din na parang ayoko nang alalahanin kasi sumasakit nang sobra ang ulo ko. Sabi ko nga what's in the past stays in the past.

" Hey , you okay? " parang natauhan ako sa boses ni kuya.

" Yeah. " sabi ko lang, di ko alam kung may sinabi ba siya.

" Parang ang lalim kasi ng iniisip mo. " ani kuya.

" Wala may naalala lang ako. " should I say that I heard their conversation yesterday. Nah wag nalang hindi na din naman ako ganun kainteresado sa nakaraan ko.

Nakarating na kami sa school. As I expected wala pa masyadong tao kasi nga maaga ako. Pagdating ko sa classroom sarado pa kaya umalis muna ako at naghanap ng tatambayan. Nakarating ako sa tinambayan namin nung isang araw. Naghanap ako ng pwede kong pagtambayan at nakakita ako ng puno na walang nakatambay na tao. Naupo na ako pagkarating ko, sarap nang simoy ng hangin parang makakatulog ako nito. Pinikit ko muna ang mga mata ko.

Nagising nalang ako sa tapik sakin, pagdilat ko si Ace ang nakita ko. Hindi ko namalayan na nakatulog talaga ako.

" Pwede ba akong tumabi? " sabi niya. Di ako kumibo kasi nga bigla nalang akong nagising, kaya naupo nalang siya.

" Why did you wake me up? " medyo naiinis na sabi ko. Ikaw ba naman gisingin tapos magpapaalam lang pala na tatabi. Sinong hindi maiinis.

" Wala nagpaalam lang ako na tatabi kasi baka magalit ka pag bigla nalang akong tatabi sayo. " tsss di ako kumibo at pumikit ulit. " Kung hindi mo ako maalala pwede kitang tulungan. " dumilat ako saka tumingin sakanya.

" Can you just be quiet, i'm not interested on my past. Sumasakit lang ang ulo ko tuwing pipilitin ko makaalala. " sagot ko na halata na ang pagkainis. Nag iba ang ekspresyon ng mukha niya, lungkot ang nakikita ko. Well I don't really want to be rude kaya nga nanahimik na ako. Pumikit nalang ako at nagpigil.

" Sorry. Gusto ko lang naman makatulong. " sabi pa niya Di nalang ako kumibo nararamdaman kong nakatitig siya sakin.

" Don't stare at me. Di ako makaidlip. " sabi ko habang nakapikit pa din.

" SOFIA!!! " di ako gumalaw ng marinig ko yun, di ba nila ako titigilan. Hindi na ba ako magkakaroon ng katahimikan sa lugar na toh.

" Ahy tulog siya. " dinig ko pa.

" Oo tulog siya kanina pa. " sabi nung Ace.

" Bakit pala andito ka Ace? " di ako nag abalang dumilat para makita kung sino mga nagsasalita.

" Ahh eh nakita ko lang siya, mukhang tulog kaya nilapitan ko baka matumba siya. " paliwanag ni Ace.

" Salamat Ace ah, sige okay na nandito na kami pwede ka na pumunta kung saan ka pupunta. " di ko pa talaga kabisado mga boses nila lalo na't nakapikit ako.

" Ah sige kayo na bahala sa kanya ah. " naramdaman ko naman na umalis na siya sa tabi ko at may mga pumalit.

" Sofia gising na andito na kami. " nagkunwari ako na di pa magising agad pero sa pangalawang gising nila dun na ako unti unting nagbukas ng mga mata.

" Good morning sleeping beauty. " bati ni Shine na nakangiti.

" Grabe ah kahit natutulog ang ganda. " it's Astrid, unti unti ko nang nakakabisado mga pangalan nila.

" Let's go? " tanong ni Michelle sakin. Tumango lang ako as a sign of my approval. Naglakad na kami papunta sa room nang may masalubong kami na babae.

" Ikaw ba yung lapit nang lapit kay Ace? " tanong niya matapos lumapit sakin.

' I don't want to be in trouble kaya please lang layu-layuan mo ako.' Pagpipigil ko sa sarili ko.

" Ui Elena tumigil ka nga anu ba sinasabi mo diyan. ?" si Chloe ang nagsalita kasi nga nagpipigil akong sumagot sa babae na toh. Her name sounds familiar to me.

" Wag ka nga sumali dito hindi ikaw ang kausap ko. " sabi pa nito.

" At saka isa pa hindi naman siya ang lumalapit ah nakita mo ba? " si Astrid naman ang nagsalita.

Tinitigan ko lang yung Elena dahil nakatingin ito kay Astrid. Dapat ko ba siyang patulan, sabi ko pa naman kay Kuya Stef di na ko gagawa ng gulo.

I need to calm baka may magawa akong hindi maganda pag magkataon.

" Let's not waste our time here. Malapit na din mag flag ceremony. " Nauna ako sa kanila, sumisigaw yung babae kinukuha ang atensyon ko pero di na ko nag abala na tumingin sa kanya. I have to stay away from any dramas and troubles I have a bad temper. I become someone else kapag nauubos ang pasensya ko.

Nakarating na ako sa classroom di ko namalayan malayo pala ang pagitan namin ng mga kasama ko. Napabilis pala ang paglakad ko para lang makaalis sa babae na yon. What's with her? Si Ace nga tong lapit nang lapit sakin.

" Bilis mo maglakad girl. " hingal na sabi ni Michelle.

" Buti naman iniwasan mo na lang siya. " si Sunshine

" I avoid conflicts because I'm afraid of myself. " sabi ko sa kanila. Nauna na ako sa loob ng classroom at di ko na inantay pa ang sasabihin nila. Pag pasok ko sa loob nakita ko agad si Ace, naiinis ako magkakaproblema pa ata ako sa school na toh dahil sa kanya. Umiwas ako ng tingin sakanya at dumiretso sa upuan ko. Nakita ko na sumunod na sakin yung lima. Dumukdok na lang ako sa lamesa ko at pumikit. Narinig ko na lang na may kumausap kay Ace.

" Wag mo muna siya lapitan Ace, mainit ulo niya. "

di ko alam kung sino sa kanila ang kumausap kay Ace bahala sila diyan.

" Ano nangyari? " tanong ni Ace.

" Pag sabihan mo si Elena layu-layuan niya si Sofia. " tss narinig ko na naman ang pangalan na yun. Parang narinig ko na talaga yung pangalan na yun dati di ko alam kung saan.

" Teka teka anu ba nangyari? " sabi pa niya. Bumuntong hininga ako, bakit pa kasi nila sinasabi kay Ace. Magsasalita na sana ako nang may magsalita na naman.

" Sinugod ba naman si Sofia at sinabihan na layuan ka niya. Like what the F eh ikaw nga tong napapansin kong lapit nang lapit kay Sofia. "

KATAHIMIKAN

Wala akong narinig na nagsalita sa kanila.

* Bell Rings *

" Tara Sofia. "

Dumilat ako saka umayos sa pag upo. Tinatamad ako pumunta sa Flag Ceremony lalo't naunahan ako nang inis.

" Can I pass? " tukoy ko sa ceremony. Mukhang alam ko na ang sasabihin nila dahil sa ekspresyon ng mukha nila.

" Halika na di pwede yang sinasabi mo. " hila sakin ni Shine kaya napatayo na lang ako. I don't have choice then. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko nang hindi siya na-ooffend.

" You go first, I'll be right behind. " I let them walk first, ayoko ng may kasabay lalo na't badtrip ako.

At sa kamalas malasan nga naman madadaanan pa namin si Ace at yung Elena mukhang nag uusap at paglagpas namin di ko alam kung sadya bang nilakasan o malakas talaga ang boses ng babae na toh.

" Sige Ace mamaya magkita tayo. " di ko sila tinignan, diretso lang akong naglakad.

-----------

Lunch break na at hanggang ngayon wala pa rin ako sa mood kaya pilit akong hinihila nila Shine para kumain na. Well ayoko naman silang mapahiya because they're always beside me even though I don't ask for it.

" Fine let's go. " pag payag ko. Tumayo na ako ng kusa at pumunta na kami sa canteen.

Marami ng tao pagdating namin dahil siguro late kami dahil pinilit pa nila ako.

" Guys hanap lang kami ni Astrid ng upuan kayo na mag order para samin. " sabi ni Michelle saka niya sinabi kung anu ang bibilin. Ako, si Shine, Chloe at Kylie ang pumila. Pagkakuha namin ng mga pagkain hinanap namin kung saan sila nakakita ng upuan.

" Guys. " tawag ni Astrid. You've got to be kidding me. Andun lang naman sila sa table where Ace and his friends are. Lumapit na kami sakanila, tumingin pa ako sa iba baka sakaling may iba pang bakante pero wala na talaga. So I don't have any choice but to sit down.

" Sorry ah eto lang nakita naming bakante. " bulong sakin ni Michelle.

" Okay lang. " I said, but deep inside I hate the idea. Besides who am I to complain if I'm the reason why we are late. Di ko alam kung sinadya ba o talaga nagkataon lang na katapat ko si Ace. Yung table kasi rectangle 8 seater, tatlo lang sila magkasama dalawa silang lalaki at isang babae. Kumain na lang ako para matapos agad pero alam kong may nakatitig sakin.

" Ahmm Hi Sofia. Ako si Marielle alam kong di mo ko maalala kaya nagpapakilala ako. " bati nung babae. Tinignan ko naman siya para batiin pabalik, nakangiti siya sakin pero wala talaga ako sa mood para ngumiti.

" Hi. " bati ko, pagkatapos bumalik na ulit sa pagkain.

" Pagpasensyahan mo na lang babe mainit ulo nyan sa ginawa ni Elena. " di ko alam kung bulong ba yun o sadyang malakas lang boses nung isang lalaki na kasama ni Ace.

" Ako naman si Henry. " yung lalaki naman ang nagsalita kaya binalik ko ulit ang tingin ko sakanila. Tumango na lang ako ayoko kong magpakaplastic sa harap nila. Tinuloy ko nalang ulit ang pagkain ko.

Nang matapos kami kumain nagpaalam at nagpasalamat na sila Shine. Nagkayayaan silang pumunta sa tambayan. Kaya dun kami nagpalipas ng oras. Pumikit ako at di namalayang nakatulog.

I was in the middle of sleeping when I suddenly felt the need for a toilet break. Tumayo ako.

" Saan ka punta.? " tanong ni Shine.

" Toilet. " sabi ko. Tumayo siya.

" Sama ko naiihi din ako eh, kayo guys sino sasama.? " tanong niya sa iba nagtaas ng kamay si Astrid at Michelle.

" Sama kami magretouch ako. " si Michelle.

" Me too.. " sabi naman ni Astrid sabay kuha sa bag.

" Kayo dito lang? " tanong ni Shine kay Chloe at Kylie. Tumango lang sila at ngumiti kaya nagpunta na kami. Wala naman masyadong tao pag pasok namin kaya dumiretso na ako sa dapat kong gawin ganun din si Shine. Naiwan sa labas ng cubicle yung dalawa kasi nga daw magreretouch. Lumabas na ako pagkatapos ko di pa kasi sila tapos mag ayos nakisali rin si Shine.

Naglakad lakad ako palayo sa C.R dahil sa pagkainip ko at di ko sinasadyang may marinig.

" Layuan mo siya Elena. Wag kang gumawa ng gulo. " is that Ace? Sinilip ko sila nga nag uusap.

" Pwes siya ang layuan mo Ace, nagseselos ako bakit ba kasi lapit ka nang lapit sakanya. Anung bang meron sa babae na yun na wala ako. " nagulat ako, alam naman pala niya na si Ace ang lapit nang lapit sakin bakit kailangan niya pang gumawa ng ganung eksena.

" Marami Elena, saka isa pa siya yung babaeng matagal ko nang inaantay. "

" Ahh yun bang babae na iniwan ka 5 years ago? Ace paano ka nakakasiguradong gusto ka pa rin niya. "

' gusto ka pa rin niya '

Paulit ulit sa utak ko ang mga salitang narinig ko.

— Quick Flashback ( alaala na biglang pumasok sa isip ni Sofia ) —

" Iya may sasabihin ako sayo pero wag kang magagalit ah. " tinignan ko lang siya.

" A-ano yun? " aamin na kaya siya tulad ng lagi kong naiimagine. Oo may nararamdaman na din ako sakanya pero syempre ayoko na ako ang magfirst move.

" Promise ah di ka magagalit? " pangungulit niya.

Umiling lang ako at ngumiti. " Gusto kita Iya " sinabi niya yun nang nakatitig sa mga mata ko. Kinabahan ako di ko alam kung bakit, syempre kahit parang ramdam ko na eh nagulat pa rin ako. May magpapaganda pa pala sa araw ko kala ko buong araw na ko malulungkot.

" Ako din Ace gusto kita " sabi ko at niyakap niya ako.

— End of Flashback —

Bigla akong nahilo sa pagkakapasok ng alaala na yun at nagumpisa na namang sumakit ang ulo ko.

' No no this can't be happening again ' bago pa tuluyang sumakit ang ulo ko tumakbo na ako papunta sa clinic buti nalang malapit lang ito sa C.R na pinasukan namin.

Pagdating ko sa clinic nakita ako ng nurse saka niya ako nilapitan agad.

" Ok ka lang ba? Masakit na naman ba ulo mo? Halika mahiga ka muna kukuha ako ng pain reliever. " Nahiga na lang ako habang inaantay yung gamot. Maya maya lang ay ibinigay na niya ito saka ang tubig para mainom ko. Pagkatapos kong inumin nahiga nalang ulit ako at pumikit para magpahinga.

" Sasabihin ko nalang muna sa mga teacher mo this afternoon na iexcuse ka. " sabi ng nurse sakin.

Bigla akong napadilat.

" Hindi na po babalik din ako sa klase ipahinga ko lang ito saglit " pagkatingin ko sa oras meron pang 30 mins. kaya na toh para mawala yung sakit. Pag naiinuman ko kasi agad ng pain reliever di na siya masyadong sasakit.

" Oh sige ikaw ang bahala. Maiwan muna kita diyan may ipapasa lang ako sa principal. " paalam niya sakin. Pumikit nalang ulit ako pagkaalis niya. I need to rest, pero di na mawala sa isip ko yung alaala ko na yun. Si Ace at ako noon magkakilala talaga. At hindi lang basta magkakilala nagkaaminan pa kami. Kaya siguro pilit niya akong pinapaalala, at wala din siyang idea na wala akong maalala. Di ko alam ang kung anu ang nararamdaman ko sa alaala na yun. I really can't feel anything or should I say I also forgot how it feels back then when he said that to me. Pinapakiramdaman ko lang ang sarili ko, pano ako magrereact kung magkaharap kami ni Ace, anu nga bang mararamdaman ko.

Hindi na ko nakatulog pa sa kakaisip kaya inantay ko lang umepekto yung gamot na binigay ng nurse sakin pati na rin ang pag ring ng bell, na siyang sign na tapos na ang lunch break. Di rin nagtagal dumating na yung nurse at nagpaalam na din ako na aalis na. Paglabas ko ng clinic saka ko lang naalala sila Shine. Dumiretso ako sa pinagtambayan namin kasi siguradong wala na sila sa C.R pagdating ko wala na din sila doon, hindi kaya bumalik na sila sa classroom. Kaya dumiretso na ako sa classroom papalapit pa lang ako parang nagkakagulo sa loob anung meron? May mga nakasilip din kasing taga ibang room. Pagsilip ko silang lima nasa loob na at lahat ng kaklase tinatanong nila nang --

" Nakita nyo si Sofia? "

" Hindi nyo ba nakita si Sofia? "

Ayan ang mga pinagtatanong nila sa lahat pati rin si Ace nagtatanong sa mga kaklase namin. Di pa nila ako napansin na nakatayo sa pintuan sa sobrang busy nila.

" Saan kaya nagpunta yun baka sinumpong na naman yung ulo niya tapos wala pa siyang kasama pano na ba toh? " si Shine mukhang problemado na.

" Tagal niyo kasing mag make up eh yan tuloy nainip yun. " sisi naman ni Chloe sa tatlo.

" Wag na kayong magsisihan, walang may kasalanan okay? Tinignan ulit ni Henry ang buong lugar kung saan niyo siya huling kasama. " si Ace.

Kaya bago pa sila mag away dahil sakin nagpakita na ko.

" Guys I'm here " pagkasabi ko nun naglingunan silang lahat sakin at ang kinagulat ko tumakbo si Ace papunta sa akin at niyakap ako. Nagulat ang lahat lalo na ako. Di ako makagalaw lalong di ko siya maitulak dahil sa pagkagulat ko. Seryoso ba siya niyakap niya ako sa harap mismo ng mga kaklase namin. Maya maya parang natauhan din siya at lumayo hawak niya ang mga braso ko na parang ayaw niyang lingunin ang mga tao sa likod niya.

" S-Sofia a-ano kasi halla shit nakatingin ba satin lahat? " parang wala sa sariling sabi niya sakin. Tumango ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status