Nasaan na ba ang bruho na 'yon? Baka nabadtrip na iyon kakahintay sa akin.
Saglit akong napatingin sa relo ko. Whoah! Almost two hours na akong late. Grabe rin pala ang pangungulit ng Kenneth na 'yon! Tagal ng bangayan namin kanina.
Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng restaurant para hanapin si Cliff sa paligid.
Kaliwa, wala.
Kanan, wala rin.
Kaliwa, kanan--Oh my God!
Napatitig ako sa gitnang bahagi ng restaurant kung saan naroon siya. Anak ng tinapa! Ang guwapo ng ungas!
Nasa counter si Cliff, ang lalaking nagpakulong sa akin ilang araw na ang nakakalipas. He looked rugged yet refined in his biker-inspired blazer and scarf. At mas nakakadagdag pa ng appeal ang mahaba niyang buhok na maya't maya niyang sinusuklay gamit ang sariling kamay. Kung gugustuhin ko lamang titigan siya baka kahit abutan na ako ng war of the worlds kung saan may aliens na invader dito sa Earth, hindi pa rin ako magsasawang tingnan siya. Wala talagang kakupas-kupas ang kaguwapuhan niya. Idagdag pa ang height niya na mala-basketball player ang dating. Siguradong mapapatili ako kung mapapanuod ko siyang naglalaro ng basketball.
Ipinilig ko ang ulo ko. Ba't ako kinikilig?! At bakit ko pinupuri ang bwisit na 'to? Hmp!
Naglalakad na ako at malapit na ako sa kanya pero parang hindi pa niya ata ako napapansin. Bakit kaya nasa counter siya? Para siyang nagbibigay ng instructions sa mga staff ng restaurant ah?
Omo! Posible kayang siya ang may-ari nitong restaurant?!
Lumapit ako sa kanya. Bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. I was a confident person. Hindi basta-basta kumakabog ang dibdib ko na akala mo sesentensiyahan ako kapag may nakakaharap akong tao. Pero iba talaga nararamdaman ko mula nang dumating ang lalaking ito. Lagi akong kinakabahan.
Maya-maya, nakita ko na nilingon na ako ni Cliff. Napansin niya na yata ako. Tumayo ito at lumapit sa akin.
"Andrea Lara?"
Napakunot ang noo ako. "Lara na lang, ako ang nahihirapan kapag binabanggit ng tao ang buong pangalan ko, eh."
"Where's Ken?"
"Ahm, wala may gagawin pa raw. Umalis na." Napangisi ako. "Talagang naghanap ka pa ng picture ko for reference, ah? Saan mo naman nakuha 'yon?"
Ngumiti si Cliff. "Connections."
Binigyan muna niya ako ng nakakatunaw na tingin bago siya ngumiti ulit nang tipid. Ano ba naman itong si Cliff!
"I didn't recognize you from afar," sabi niya kaya napataas ang kilay ko. Parang nainsulto ako doon sa sinabi niya, ah!
I wore a simple longsleeve shirt and a straight-cut jeans right now. Ibang-iba ang outfit ko ngayon sa suot ko noong una kaming nagkita. Swan turned to ugly duckling siguro ang akala niya sa akin.
"Whatever!" Napairap ko bago inabot sa kanya ang cellphone. "Here's your phone. Aalis na ako. Adios!" Pagkasabi ko noon ay tumalikod na ako.
"Wait!"
"Anak ng! Bakit ba ang hilig n'yong mag--" Bigla akong natigilan. Parang nakuryente ako sa kamay niya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Leaving already? Let's eat first," aya nito.
Bakit parang hindi ako nagrereklamo nang hawakan niya ang kamay ko? Samantalang kanina--Nevermind!
"Hindi naman--" Wala na akong nagawa nang igiya niya ako patungo sa fountain ng restaurant.
Maganda ang ambiance dito. The place looked elegant with it's dramatic yellow and brown motif. Lahat ng mesa ay nasasapinan ng brown at yellow na mantel at may candlelight sa ibabaw. Nakahanda na rin ang mga pinggan, kubyertos, baso, at table napkin dito. Masasabi kong napaka-romantic ng ambiance dito. Kung sino man ang may obra ng magandang dekorasyon dito, papalakpakan ko nang bonggang-bongga. Hindi hamak na mas maganda ito sa ibang mga restaurant na napuntahan ko. At parang mas mahal din ang mga pagkain dito. Gaano ba kayaman si Cliff?
Napatingin ako sa magkahawak na mga kamay namin. I never felt nervous yet I felt like I was actually floating on air. I liked every bit of that feeling.
Wait nga! Saan naman nanggaling 'yon?!
"What do you want, Lara?" tanong nito at palihim akong napalunok bago sumagot.
"K-Kahit na ano na lang."
Argh! Bakit hindi ako makaangal! Ano bang nangyayari sa'kin? Hindi ko talaga mapahinahon ang puso ko sa mabilis na pagtibok nito habang hawak pa rin ni Cliff ang kamay ko.
"Okay, ako na lang ang mag-o-order." He slowly let go of my hands. "Stay here. May sasabihin lang ako sa executive chef ko," dugtong niya.
Tiningnan ko ang pagbagsak ng kamay ko nang bitawan niya ito. Parang nalungkot ako pero at the same time nakahinga na rin nang maluwag.
"Sige," mahinang sagot ko. Umalis na siya at naiwan ako rito sa lamesa. Palihim akong nagulat. Executive chef? So may-ari nga siya ng restaurant na 'to?!
Sinundan ko ng tingin si Cliff na naglalakad palapit ulit sa counter.
Bakit ganito? What's happening to me? Kailan lang ay inis na inis ako habang pinagkukuwentuhan namin siya ng mga kaibigan ko. Pero parang biglang naglaho iyon nang makita ko siya. Napangiti nga ako eh. Kumbaga, napalitan ang inis ko sa kanya ng kakaibang feeling, na kung ano, na hindi ko rin matukoy. At kung ano man iyon, nababahala na ako sa epektong ibinibigay sa akin no'n.
--
"Just a fraction of your love, fills the air..
And I fall in love with you, all over again.. You're the light that feeds the sun, in my world.. I'd face a thousand years of pain for my girl.." Pakikisabay ko sa kantang kasalukuyang tumutugtog dito ngayon sa restaurant.I had always love music. Pero tanggap ko nang hindi para sa akin ang pagkanta dahil sa pagkakaroon ko ng stage fright. I had confidence, pero hindi sa boses ko. Nakakatawa na nakakahiya nga ang naging karanasan ko noong nasa high school pa lang ako dahil sa pagkanta ko sa comedy bar. Ginawang katatawanan ng mga tao roon ang pagkanta ko. Mula noon, ayaw ko ng kumanta sa harap ng ibang tao.
"Very impressive!"
Bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Bigla ring nagwala ang tibok ng puso ko nang makita kung sino ang nagsalita.
It was Cliff, leaning confidently against a post not so far from me, and he was smiling. Kung makangiti naman ito, parang nakakita ng ginto sa minahan!
Wait, ako ba ang sinabihan niya ng impressive?
Bigla akong hindi makatingin nang diretso sa kanya. Shitness! Narinig niya ang pagkanta ko! Nakakahiya!
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Are you hungry?" tanong nito.
Pinilit kong ngumiti. "Oo, eh. Kaya nga nagwawala na ako rito. Haha!" Sabi ko na lamang habang pilit na tumatawa.
"I think that's not pagwawala. You have a beautiful voice, Lara."
"Sus! Hindi, noh! Ang pangit kaya ng boses ko," nahihiya kong sabi at nagtaka ako dahil matipid lang siyang ngumiti. "Oh? Bakit? Mang-aasar ka na ba?"
"No." Napailing ito.
Pabiro akong napasimangot. "Eh ano? Bakit ka nakangiti diyan?"
"Mas gusto kong kausapin ka sa personal kaysa sa cellphone."
Natigilan ako. "H-Huh?"
"Hindi mo kasi ako sinisigawan sa personal," Ngumiti ito habang nakatingin sa akin ng diretso.
Napakurap-kurap ako. Matipid lang ang ngiti niya pero natutulala na ako. Bakit kaya napakatipid nitong ngumiti? May presyo bang basehan? Parang isang libo ang presyo ng matamis niyang ngiti, isang milyon ang tawa, at isang bilyon ang isang malutong na halakhak. Ganoon? Grabe, kailangan ko yatang magpayaman para sa isang halakhak niya lang. Lol!
Dahil sa imagination ko, nagulat ako nang itinaas niya ang kamay niya na parang hahaplusin ang mukha ko. Napaurong ako para iwasan iyon pero walang silbi ang ginawa ko dahil nakalapat na ang kamay niya sa noo ko.
"May injury ka. Is this from the accident?" tanong nito habang nakatingin sa noo ko. Nagtaka ako sa nakita kong pag-aalala sa mukha niya. Concern siya sa akin?
Pero ang alam ko natakpan ko na nang tuluyan ng concealer ang pasa ko sa noo. Bakit napansin pa rin niya? Tinititigan niya ba ako?
"Magaling na 'yan, nauntog lang ako sa manibela," dahilan ko pero parang hindi pa ata siya kumbinsido sa sinabi ko.
"Lara, did you go to the doctor already?"
Natawa ako nang bahagya. "Ang OA, ah? Hindi na kaila--"
"Yeah, right. And then, saka ka magpapa-check up kapag nalaman mong hindi pala 'yan basta pasa lang?" seryosong kontra nito sa'kin.
I blinked a few times. Totoo nga yata ang nakikita kong pag-aalala sa mukha niya. Bakit siya nag-aalala sa'kin?
"Lara." Tinawag ako nito.
"H-Huh?"
"Dadalhin kita sa kaibigan kong doktor after natin kumain. You'll go with me, okay?"
Ano ba 'yon? Nagpapaalam o nag-uutos?
Hindi na ako umangal or nagsalita. Nang dumating ang mga pagkain namin, palihim akong napatingin kay Cliff. Unti-unti, bumalik ako sa realidad.
Hindi siya nag-aalala. Siguro nakokonsiyensya lang siya sa ginawa niyang pagpapakulong sa akin. Hindi na ako mag-iisip ng kung anu-ano pa. Ayoko nang dagdagan pa ang pag-iisip ko kay Edward.
Enough thinking something else, Lara. Hindi siya concern sayo, okay? Iyon lang 'yon, Lara. Iyon lang 'yon.
Nagising ako ng quarter to 6:00 p.m.Dahil sa nangyari kanina nahirapan ako makatulog. Buti na lang ay nakapagpahinga ako kahit dalawang oras lamang.Nakakahiya naman kasi. Alam pala ni Cliff na nagpapanggap lang akong tulog kanina sa biyahe. Paano ko siya haharapin nito ngayon? Hays! Bahala na nga.Muli kong tiningnan ang sarili sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng longsleeve crop top na kulay purple at black jagger pants. Nilugay ko lang ang buhok ko dahil kakatapos ko lang maligo kaya medyo basa pa ito. Nang masigurong presentable na ang itsura ko ay lumabas na ako ng kuwarto. Nasa dulo lang ng hallway ang pool area at mula doon ay naririnig ko na ang ingay ng mga kaibigan ni Cliff.Naglakad na ako papunta sa kanila at pagkarating ko pa lang ay napansin ko na agad na halos nandoon na silang lahat. Mukhang hindi nila napansin ang pagdating ko dahil may kanya-kanya silang ginagawa. Nilibot ko nang tingin ang paligid. Naghaharutan sa may gilid ng pool sina Joey at Joshua habang nagpap
"Kainis! Naiwan ko charger ko." Mariin kong bulong nang ma-realize ang katangahan ko. Sa lahat ng maiiwan, charger pa talaga?!Napaisip ako. Sigurado akong naipasok ko na kanina sa sling bag ang charger, pero ba't wala dito?!Napasulyap sa'kin si Cliff habang nagmamaneho. Mahigit isang oras na kaming nasa biyahe pero tahimik lang kami pareho. Kung siya ay naka-focus sa pagmamaneho, ako naman ay nagsuot na lamang ng headphones at nagpatugtog ng Paramore playlist ko. Pero sa kamalas-malasan nga naman, na-low batt na ang headphones ko kaya heto ako ngayon nag-iisip kung paano ako makakaiwas sa pakikipag-usap kay Cliff. Magkunwari nalang kaya ako na nakikinig pa rin ng music?Teka nga, ba't ba umiiwas akong makausap siya?! Magbabakasyon nga kaming magkasama tapos aarte ako? Hay nako self."Are you okay?" Pasimple akong nagulat sa biglang tanong ni Cliff. Napansin niya na naman siguro na hindi ako mapakali.Tipid akong ngumiti. "Ah, oo. Okay lang. Naiwan ko kasi charger ko. Hindi na ako ma
Lara's POV"48 out of 50. Hindi na masama." Bulong ko sa sarili habang tinitingnan ang huling cattleya na hawak ko. Kakatapos lang ng midterms kahapon at ngayon lang na-distribute lahat ng results.Dahil tapos na ang pre-hell week, magsisimula na bukas ang mahabang bakasyon namin. Wednesday na ngayon at ang sabi ni Cliff sa'kin ay susunduin niya ako dito sa bahay ng Friday pagkagaling niya sa society.Itinabi ko na ang mga gamit ko sa bag pagkatapos ay binuksan muli ang notes ko. Kanina pa ako nakadapa dito sa sarili kong kama habang nag-aaral dahil balak ko sana mag-advance review para sa mga susunod naming lessons. Hindi nga lang nakikipag-cooperate ang utak ko dahil ang dami kong iniisip.Hindi naman ako nagsisisi na pumayag ako sa pag-aya ni Cliff sa'kin sa Tagaytay, pero 'di pa rin mawala ang pangamba ko sa mga p'wedeng mangyari habang nandoon ako kasama siya. Mula Friday, hanggang Tuesday makakasama ko siya, 5 days 'yon!Sa totoo lang, dalawang araw ko nang pinipilit ang sarili k
Lara's POVLumipas na ang one week at halos mabaliw na ako kakaisip kung bakit mas lumalakas ang epekto ng presence ni Cliff para sa akin. Halos isang linggo na rin na madalas ko siyang nakakasama, hindi dahil sa practice kung hindi dahil kina-career niya yata ang pagpapanggap bilang boyfriend ko.Hindi naman sa nagrereklamo ako pero feeling ko kasi ako ang dehado sa set-up naming dalawa. Hindi ko naman alam kung paano ang gagawin dahil talagang consistent si Cliff sa pag-arte to the point na hatid-sundo niya na ako sa campus. Sabay din kami palagi kumain ng lunch at dinner, dahil pumupunta rin siya sa bahay. At madalas pa kaming lumalabas nang kaming dalawa lang. Kilala na tuloy kaming couple dito sa school dahil madalas kaming nakikitang magkasama.Napatitig ako sa kamay ko. Mga kamay ko na palagi niyang hawak at walang mintis iyon. Hays! Ayokong mas lumalim pa sa kaniya pero ayoko ring matapos 'to. Hindi pa ako sigurado sa feelings ko pero natatakot ako na baka umabot kami sa ganoo
"You're so cute." Pilyong ngumiti sa akin si Cliff kaya pilit akong ngumiti. Tiningnan ko ang dalawang kaibigan ko pati na rin si Pat at kitang-kita ko sa mga mukha nila na nagpipigil talaga sila ng tawa. "Ano'ng problema kung dim light ang gusto ko?" nagtatakang tanong ko. Hinawakan ako ni Mady sa braso pero hindi nito matuloy kung anuman ang gusto niyang sabihin dahil tawang-tawa ito. "M-May mali ba sa sagot ko?" "Oh my. I cannot! I'm sorry. Hindi na ako tatawa." Pinilit ni Mady ikalma ang sarili at huminga nang malalim. "Nakalimutan kong inosente ka pa." Nagsalubong ang kilay ko. "Ha?" "Nah. Nothing." "Gaga! Dare mo yan, magtanong ka ng maayos!" Hinampas ni Rhea si Mady habang pigil din ang pagtawa. Wait, so ito ang dare niya kay Mady? Ang tanungin ako? Tama ba ako? "Okay, okay. Here's my real question--" "Teka lang!" Pigil ko kay Mady. Napatingin naman agad ang iba sa akin. "Rhea, ayan ba ang pinalit mong dare sa kanya? To question me?" Tinaasan ako ng kilay ni Rhea
Lara's POV"Are you avoiding me?" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Cliff mula sa likuran ko."Ha? Patawa ka. Ba't naman kita iiwasan?" Alanganin kong sagot. Nagsimula na naman ang kabang nararamdaman ko everytime na malapit siya sa akin.Ano ba 'yan! Kaya nga ako nagpresinta na ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin para makalayo saglit kay Cliff, e. Pero heto, ilang minutes pa lang ang nakalipas lumapit na naman siya sa'kin."I don't know. Ramdam ko lang na parang iniiwasan mo 'ko." Rinig kong sagot nito. Hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy na lamang ang pagsasabon sa mga plato. "Can I help you?""I-Ikaw bahala." Lumapit sa katabing sink si Cliff at pumwesto sa gilid ko. "Marunong ka ba maghugas?""Of course, yes. I'm not a señorito," pilyong sagot nito.Natawa na lamang ako at maingat na inilagay sa sink na katapat niya ang mga nasabunan ko ng plato at baso. "Oh, ikaw magbanlaw. Ayusin mo, ha? Dapat