NAGULUHAN si Jared kung bakit ito biglang umiyak. “Bakit, nasaktan ka ba? Sakit ang masakit?”Umiling-iling naman si Lian habang humihikbi. “A-Ayos lang ako.”“Sigurado ka? Baka kailangan natin pumunta sa ospital?”“Hindi, ayos lang talaga ako.” Matapos ay pinunasan ang pisnging nabasa ng luha.Tumango lang si Jared saka bumangon pagkatapos ay inalalayan itong makatayo. Sunod ay tinulungan itong ayusin ang sarili, pinagpagan ang nadumihan nitong damit. “Ano bang nangyari sa’yo at bigla kang tumakbo sa kalsada?”Lumingon si Lian sa pinanggalingan. Hindi niya nakikitang humahabol si Zapanta kaya medyo nakahinag siya nang maluwag. Pagkatapos ay muling binalik ang tingin kay Jared. Gustuhin niya man sabihin ang nangyari ay pinili na lamang niyang manahimik.Ayaw na niya itong bigyan ng pagkakataon na muling manghimasok sa kanyang buhay. Ang nangyari sa kanya sa gabing iyon ay sasarilinin na lamang niya. “Salamat sa ginawa mong pagtulong,” ani Lian. “Tatanawin kong isang malaking utang na
NAGPALINGA-LINGA si Lian sa paligid, tinitingnan kung may iba bang nakatingin sa kanila ngunit wala kaya nakahinga siya nang maluwag. Hindi na niya gustong madikit ang pangalan kay Jared pero hindi niya inaasahan na may makakakilala pa rin sa kanya. “A-Anong sinasabi niyo, Mr. Zapanta? Baka, ibang tao ang tinutukoy niyo at hindi ako?”“Nag-iba man ang itsura at ayos mo ngayon ay hindi ako maaaring magkamali. Mula ka sa pamilyang Romero at anak—““Nagkakamali kayo!” agap ni Lian bago pa nito mabanggit ang pangalang ng magulang. “I’m Abigail Williams, Sir.”Pinanliitan ito ng tingin ni Zapanta, hindi kumbinsido. Kahit may edad na ay hindi siya nakakalimot ng mukha lalo na kapag… gusto niya ang babae.“Whatever your name is, hindi na mahalaga…” Sabay hagod ng tingin sa mukha nito pababa sa magandang hubog ng katawan. “Ba’t hindi muna tayo pumunta sa mas tahimik na lugar?” Sabay hila sa kamay nito.Nagpumiglas naman si Lian, pilit binabawi ang kamay. “P-Pasensiya na, Sir. Pero hindi ko pw
HUMINTO si Lian matapos makalayo sa elevator dahil nagiging emosyonal siya, pinipigilan ang luhang tumulo. Kahit hindi na siya ang dating Lian ay may pagkakataon na hindi niya pa rin maiwasang maapektuhan.Naroong nanginginig siya sa kaba sa tuwing nagtatagpo ang landas nilang dalawa ni Jared kahit anong pilit niyang tago.Sa tuwing naalala ang nakaraan, nahihirapan siyang huminga at dahil iyon kay Jared.Ito ang nagsisilbing bangungot niya sa buhay, pikit o mulat man ang mga mata.Sa loob ng ilang taon paghihirap mula sa nakaraan… Ilang beses niya rin naisip na sana… naglaho na lang siya ng tuluyan.Napahawak siya sa pader habang kinakalma ang sarili. Kailangan niyang huminga nang malalim dahil kung hindi ay aatake ang panic niya.Makalipas ang ilang sandali ay maayos na ang pakiramdam niya at nagagawa ng ngumiti. Matapos ay naglakad siya patungo sa isa pang importanteng meeting. Kaya kinalimutan niya ang mga nangyari maging si Jared.MATAPOS ang meeting ay dinala ni Lian ang mga kli
KANINA pa yakap ni Cain ang asawa na mahimbing na natutulog. Kahit gusto niyang bumangon at linisan ito ay hindi siya nagtangka sa takot na baka maalimpungatan at masira ang tulog.Hangga’t maaari ay gusto niyang makapagpahinga si Katherine dahil… nakailang ulit pa sila kanina hanggang sa mag-pass out ito sa pagod.Mayamaya pa, ay namatay ang ilaw sa phone na siyang nagsisilbing liwanag nila sa madilim na silid dahil nag-empty na ang battery. Maging ang malakas na ulan ay humina na rin at naging ambon na lamang.Ilang sandali pa ay napagpasiyahan niyang matulog na rin gaya nito. Ngunit kahit anong relax niya ay sumisilay talaga ang ngiti sa labi kaya natulog siya ng ganoon…PAPASIKAT pa lang ang araw nang magising si Katherine, matapos makaramdam ng kiliti sa leeg. Ngunit nang makita ang mukha ni Cain ay biglang rumagasa sa alaala ang nangyari kagabi.Ngayong nagising na siya at malinaw nang nakakapag-isip ay bigla siyang nahiya, agad na namula ang pisngi. Matapos ay sinubukan niyang
BULTA-BULTAHING kuryente ang naramdaman ni Katherine mula sa labi, na mabilis naglakbay sa buo niyang katawan.Naguguluhan din siya sa dapat gawin dahil ngayon na lamang niya ulit naramdaman ang ganitong emosyon. Nalilito siya sa dalawa… sinasabi ng utak niya na itulak ito palayo ngunit pinapangunahan na kaagad siya ng sariling katawan.Hindi niya dapat tinanggap ang halik nito pero heto… siya pa mismo ang tila uhaw na uhaw. Pilit sinasabayan ang mapagparusa nitong labi.Hanggang sa saglit na tumigil si Cain, mapagtanong itong tiningnan sa mga mata kung dapat ba niyang ipagpatuloy o hindi na ang binabalak?Ngunit sa mata nito, naroon ang pananabik kaya kahit alam niyang dapat na siyang huminto ay muli niyang inangkin ang malambot nitong labi.Nang biglang kumidlat kasabay ng kulog.Sa gulat ni Katherine ay napatili siya at niyakap ito. Niyakap din siya ni Cain hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan.Dinig ang pagpatak ng ulan sa bintana at biglaang paglamig ng temperatura. Ngunit ang
UMILING-ILING si Cain. “W-Wala… wala naman problema,” aniya habang nakakunot-noo.” Matapos ay bahagyang tumalikod, pasimpleng sumuntok sa hangin sa sobrang tuwa. Saka sinara ang pinto, kulang na lang ay i-lock para wala na talaga itong kawala.“… Hala, nakalimutan kong sabihin na magpapalipat ako sa ward,” ani Katherine.Lumapit agad si Cain saka naupo sa tabi ng kama. “Ba’t ka pa magpapalipat? Dito ka na lang kaysa makisiksik ka pa kasama ang ibang pasiyente.”“Isa lang ang kama.”“Edi, mag-request tayo ng isa. Magulo sa ward kaya nga lagi akong kumukuha ng private room para akin lang… pati ikaw,” ani Cain, sabay bulong sa huling dalawang salita.“Well, kasi mayaman ka naman kaya afford mo.”“Bakit, ikaw ba hindi? You’re born rich, I’m sure na pinalaki ka nila Mom at Dad na parang prinsesa.”Napakunot-noo si Katherine, alam niyang alam nitong lumaki siyang mahirap pero dahil nga nagka-amnesia ‘kuno’ siya at walang maalala sa nakaraan ay sinasabi nitong nagbuhay prinsesa siya. “Ako ba