NANG marinig iyon ni Adrian ay humigpit ang hawak niya sa bewang ni Stella. Iyon ang hindi niya hahayaang mangyari. “Don’t worry, hindi ka mapapa’no. Sinisiguro ko ‘yan,” aniya saka hinalikan ang tuktok ng ulo nito.Si Stella naman na nanatiling nakahiga sa katawan nito ay napangiti. Sa simpleng pang-uuto at pagmamanipula ay makukuha na niya ang gusto.At sa oras na mawala sa landas si Margaret ay siya na mismo ang gagawa ng paraan kay Katherine. Hindi na niya iaasa sa ibang tao ang trabaho dahil baka pumalpak na naman. “Talaga?” tanong niya naninigurado.Tumango ang binata habang inaayos ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha nito. “Ako nang bahala kay Margaret.”“Thank you!” sobrang tuwa ni Stella.Hinaplos-haplos ni Adrian ang likod ng ulo nito. “Bumangon muna tayo at baka madumihan ka.” Matapos ay saka ito inalalayan na makatayo. Niyakap niya ito sa bewang dahil natutumba. Tatawa-tawa naman ang dalaga, ang buong bigat ay nasa kanya na. “Maupo ka muna.” Saka ito binalik sa
NAMIMILOG ang mga mata habang napapakurap si Shannon. Naiintindihan naman niya ang sinasabi ng Ina ngunit naguguluhan pa rin. “Si tito Cain, Daddy ko?”Tumango si Katherine, hinaplos ang tuktok ng ulo ng anak pababa sa malambot nitong pisngi. “Siya ang totoo mong Ama.” Saka pinunasan ang gilid ng mata matapos maluha.Sumilay ay magandang ngiti ni Shannon. “Daddy ko na siya ngayon?! Can I really call him Daddy?” Matapos ay nagtatatalon sa sobrang tuwa. “Yehey!”Hinawakan ni Katherine ang anak nang muntik nang mahulog saka siya natawa. “Gustong-gusto mo talaga siya?”Eksaheradang tumango ang bata. “I love him!”Napakurap si Katherine saka bahagyang tumalikod upang punasan ang tumakas na luha sa mga mata. Hindi niya inaasahang sasabihin iyon ng anak. Pakiramdam niya ay may nagawa siyang pagkakamali nang ipagkait kay Shannon na makilala ang totoo nitong Ama.Matapos mapunasan ang luha ay muli siyang humarap sa anak ng nakangiti. Ngunit nang titigan ng anak ay tuluyan ng bumuhos ang emosyo
NANGHINA ang tuhod ni Cain at napaupo habang mariing nakapikit, ayaw maging emosyonal ngunit hindi nakayanan dahil mahal na mahal na niya ang bata. Tapos ngayon ay malalaman niyang… anak niya pala si Shannon?!“Bakit?” paulit-ulit niyang tanong. Hindi dahil nais niya ng kasagutan mula kay Katherine. Kung hindi dahil ‘bakit’ niya binalewala ang hinala sa totoong pagkakakilanlan ng bata?May duda na siyang kanya si Shannon ngunit mas naniwala siyang imposible iyong mangyari.“I’m sorry,” paghingi ng tawad ni Katherine.Umiling-iling si Cain saka tumayo, mabigat ang paa na nilapitan ang asawa. Niyakap niyang muli si Katherine. “Naiintindihan ko dahil sa dami ng pinagdaanan mo sa piling ko, tama lang na ilayo mo siya sa’kin.”Mahigpit silang nagyakapan habang umiiyak. Ilang sandali silang ganoon hanggang sa magambala ng katok sa pinto.Si Cain ang unang humiwalay sa yakap, mabilisang pinunasan ang luha sa mga mata at tinulungan pa si Katherine na punasan ang pisngi. Pagkatapos ay binuksan
NANG marinig ni Elma ang pangalang sinabi ng estranghero ay natigilan siya, maging ang bata ay na-excite. “Kilala mo po si tito Cain?” tanong pa ni Shannon.Rumehistro ang pagkabigla sa mukha ni Levi matapos marinig ang pangalan ng kaibigan. “You know him?”Tumango-tango ang bata. “He’s my tito—““Sir!”Nagambala sila ng papalapit na lalake. “Sir, kanina ko pa kayo hinahanap. Naghihintay na sa office niya si Medical Director.”“Sige, susunod na ‘ko,” ani Levi saka binalingan tingin ang Ginang at bata. “Sorry, but I have to go.” Saka naglakad palayo.Si Shannon naman ay tiningnan si Elma. “Kilala niya si tito Cain. Maybe they’re friends?”“Siguro nga… tara, umalis na tayo.” Saka marahang hinila ang kamay ng bata.Lumipas ang ilang oras ngunit nanatiling nasa malayo ang isip ni Katherine at kanina pa iyon napapansin ni Cain. “Ayos ka lang ba?” aniya habang nililigpit ang ilang gamit dahil naayos na ang discharged papers at maaari na silang makaalis. Pagtango lang ang ginawa nito kaya mu
MULING binalik ni Cain ang tingin sa bata, tinitigan niya nang matagal.Nang bumukas ang pinto at pumasok si Lucille dala ang supot ng pagkain ay nabaling na sa dala nito ang atensyon nilang lahat.Si Shannon ay nagtatatalon pa nga sa tuwa dahil makakakain na. Mabuti na lamang at marami-rami ang binili ni Lucille at sumapat naman sa kanila.Mga bandang alas-nuebe ay dumating ang Doctor for round checking sa mga pasiyente. May kasama itong intern Doctor at tatlong Nurse upang mag-assist para sa anim na pasiyenteng naroon, kabilang si Katherine.Huli siyang nasuri at ang sabi ay maaari na siyang makauwi kung kailan nito gusto.“Ano, magsi-stay ka pa ba?” tanong ni Cain.“Gusto ko nang umuwi. Ayokong magtagal dito at marami akong trabahong naiwan.”“’Wag muna trabaho ang isipin mo. Kailangan mo pa rin magpahinga. Saka ‘yung case ni Margaret, kailangan pa nating paghandaan. Natitiyak kong isu-summon ka nila sa court para tumistigo.”Tumango-tango si Katherine. “Sa tingin mo ba, makukulong
NAGDURUGO na ang kuko ni Margaret sa walang tigil niyang kakakagat. Ang mga mata ay hindi mapakali at sobrang gulo pa ng isip ng sandaling iyon.Hindi rin siya makausap nang maayos kahit anong pagtatanong ang gawin ng mga pulis habang nasa loob sila ng interrogation room.“Miss Tan, para sabihin ko sa’yo. Walang mabuting maidudulot ang pananahimik mo. Ang mas mabuti pa’y makipag-cooperate ka na lamang para matapos na tayo rito.”Umiling-iling lang si Margaret. Hindi siya tanga para hindi malaman na hinuhuli lang siya ng mga ito sa sariling bibig kaya hindi siya magsasalita kahit na anong mangyari.Nagkatinginan naman sa isa’t isa ang mga pulis at sabay na napailing. Alam nilang mahihirapan silang mapaamin ito ngunit hindi nila inaasahang talagang magmamatigas.“Wala ka bang abogado? Siya na lang ang kakausapin namin,” iyon ang sinabi ng isang pulis para matapos na ang trabaho nila.Natigilan si Margaret dahil walang magpi-presenta sa kanyang abogado. Wala siyang pera pambayad… maliban