Share

Chapter 37

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-10-19 17:15:38

HALOS sabay na dumating ang dalawang sasakyan sa parking lot ng restaurant. Ang isa ay minamaneho ni Levi, habang sa kasunod na kotse ay sina Rodrigo at Stephen. Padilim na ng oras na iyon kaya bukas na ang mga ilaw sa establishment, makukulay at nagkikislapang ilaw pang-akit sa mga customer.

Pagkababa nila sa sasakyan, agad na kumaway si Suzy. “Rodrigo! Stephen!” masiglang bati habang naglalakad palapit sa mga ito.

Ngumiti si Rodrigo at sumalubong din. “Uy, sakto! Akala namin malelate kami.”

Si Stephen naman ay magalang na tumango kay Levi.

Pagkatapos ay pinakilala naman ni Suzy ang dalawang kaibigan, “Levi, nakilala mo na last time si Rodrigo—while, ito naman si Stephen, kaibigan ko rin.”

Nagkamayan silang tatlo, sabay ng maikling bati at magalang na ngiti. Walang halatang ilangan, pero ramdam ang bahagyang pag-obserba ni Levi habang tinitingnan ang dalawa.

Pagkatapos ay pumasok na sila sa restaurant at agad inasikaso ng staff papunta sa bakanteng table. Nang una ay tahimik lang sil
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jonalyn Argulla Rivera
more po update po please
goodnovel comment avatar
Haydin Mangudadatu
sana wag Ng umangal ung daddy ni Suzy sa relasyon nila ni levi... more update
goodnovel comment avatar
lopezavon2
more po author exciting part ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 38

    NAGKATINGINAN sina Suzy at Rodrigo, kapwa may kabang nararamdaman ng sandaling iyon.“D-Daddy, sinong kumuha niyan? Don’t tell me, pinasusundan mo ‘ko?”Naningkit ang mata ni Jeffrey sa tanong ng anak. “May nakakita sa inyo. Ngayon, magpaliwanag sa sa’kin kung bakit kayo magkasama?”Muling tiningnan ni Suzy ang screen ng cellphone. Suot niya ang damit noong magpunta siya sa sementeryo kasama si Levi.“B-Binisita lang namin si ate Janna.”“Nang kayo lang dalawa?”Umiling-iling siya, ngunit hindi naman makuhang sumagot. Kaya si Rodrigo na ang nagsalita, “Kasama dapat ako, Tito—kaso, tinawagan kasi ako ng kaibigan ko. Nagpapatulong at hindi naman ako nakahindi kaya…” saka siya tumigil at baka mahalata nitong nag-iimbento siya ng mairarason.Tiningnan ni Jeffrey ang anak. “Totoo ba, Suzy?” Gusto niyang makasiguro dahil kilala niya ang anak. Kapag si Levi na ang involved, nagiging pasaway ito.Tumango si Suzy, hindi nag-aangat ng tingin dahil mahahalata siyang nagsisinungaling.“Uulitin ko

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 37

    HALOS sabay na dumating ang dalawang sasakyan sa parking lot ng restaurant. Ang isa ay minamaneho ni Levi, habang sa kasunod na kotse ay sina Rodrigo at Stephen. Padilim na ng oras na iyon kaya bukas na ang mga ilaw sa establishment, makukulay at nagkikislapang ilaw pang-akit sa mga customer.Pagkababa nila sa sasakyan, agad na kumaway si Suzy. “Rodrigo! Stephen!” masiglang bati habang naglalakad palapit sa mga ito.Ngumiti si Rodrigo at sumalubong din. “Uy, sakto! Akala namin malelate kami.”Si Stephen naman ay magalang na tumango kay Levi.Pagkatapos ay pinakilala naman ni Suzy ang dalawang kaibigan, “Levi, nakilala mo na last time si Rodrigo—while, ito naman si Stephen, kaibigan ko rin.”Nagkamayan silang tatlo, sabay ng maikling bati at magalang na ngiti. Walang halatang ilangan, pero ramdam ang bahagyang pag-obserba ni Levi habang tinitingnan ang dalawa.Pagkatapos ay pumasok na sila sa restaurant at agad inasikaso ng staff papunta sa bakanteng table. Nang una ay tahimik lang sil

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 36

    DINALA ni Levi ang dalaga sa art gallery dahil alam niyang mahilig ito sa ganoon. At makikitaan naman ng tuwa sa mukha si Suzy matapos nilang pumasok.Tahimik silang naglalakad pinagmamasdan ang malawak na pader kung saan nakasabit ang mga obra sa iba’t ibang kulay, estilo, at emosyon.“Ang ganda rito,” mahinang sabi ni Suzy, hindi maitago ang tuwa habang dahan-dahang naglalakad sa hallway. May ningning sa mga mata.Ngumiti si Levi. “Nagustuhan mo bang dito kita dinala?” tanong niyang tinanguan nito. “Naalala ko kasing mahilig ka nga pala sa art,” dagdag niya, ang kamay ay nakasuksok sa bulsa—naghahanap ng tiyempo na mahawakan ito sa kamay.“Madalas din akong pumunta sa mga ganito no’ng nasa States pa ‘ko. Thank you,” ani Suzy, saka ito tiningnan ng may ngiti sa labi at pagkatapos ay muling binalik ang atensyon sa mga paintings.Tumigil siya sa harap ng isang canvas na may kulay bughaw at gintong mga linya. “Parang ang payapa, ‘no?”“Oo,” sagot ni Levi, kahit wala naman siyang naiinti

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 35

    PINAGBUKSAN ni Cain ng pinto ang kaibigan, at bumungad sa paningin niya ang nakangising si Levi.Pero ang ekspresyong mababanaag sa kanyang mukha ay hindi na maipinta, parang ano man sandali ay makakapanakit na.Ngunit tila wala man lang napansin si Levi, at naglakad papasok—dire-diretso patungo sa kusina para maghanap ng maiinom.Binuksan niya ang refrigerator. “Wala kang canned beer?” Sabay tingin kay Cain pero hindi man lang siya sinagot. Kaya naghanap siya sa cupboard at ibang lagayan at baka may nakatago itong alak.Pero bigo siya kaya kumuha na lang siya ng malamig na tubig—feeling at home sa condo ng kaibigan.“Gusto mo ba?” tinanong niya pa, akmang kukuha ng isa pang baso para kay Cain.“Umuwi ka na,” tila nagtitimpi na lamang.Ngunit tila manhid si Levi, hindi man lang makaramdam. Pagkatapos magsalin ng malamig na tubig sa baso ay nilapitan niya ang kaibigan, marahang hinila ang kamay nito paupo sa sofa saka siya tumabi.Pagkatapos ay pinakatitigan niya ng ilang sandali ang m

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 34

    NILINGON ni Suzy si Rodrigo habang may namumuong luha sa mga mata. Pagkatapos ay patakbo itong niyakap na labis ikinabigla ng huli.“Uy, anong nangyayari sa’yo?” bulong ni Rodrigo, habang nakaalalay sa likod ng dalaga.Hindi agad nakasagot si Suzy dahil sa sobrang tuwa. Na-o-overwhelm pa siya sa nangyayari.Samantalang sa mata naman ni Thelma, maging ng ibang katulong na nag-a-arrange ng basket of flowers ay nagpapasalamat marahil si Suzy dahil sa binigay nitong bulaklak.“Ayos ka lang, girl?” bulong muli ni Rodrigo.Tumango si Suzy saka ito sinagot, “Sobrang saya ko lang. Kasi si Levi ang nagpadala ng mga bulaklak.”Muntik nang mapasinghap ng eksaherada si Rodrigo, buti na lamang at kaharap niya si Thelma na pinapanuod silang nagyayakapan ni Suzy kaya nakapagpigil pa siya. “Pero, girl… ba’t ako ang niyayakap mo? Baka mamaya niya, malaman pa ‘to ng boylet mo jumbagin ako.”Natawa si Suzy saka ito tiningnan pero ang kamay ay nanatili sa braso ng kaibigan, upang magmukha silang sweet na

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 33

    MAGTATANGHALI na nang magising si Suzy. Halos madaling-araw na kasi silang natapos mag-usap ni Levi kagabi—o mas tama sigurong sabihing nakatulugan niya ito habang naka-video call.Pagmulat ng mata, agad niyang hinanap ang cellphone. Pero ayaw mag-on—na lowbatt. Kaya bumangon siya sa kama at kinuha ang charger sa drawer.Habang nagcha-charge ang cellphone, ay pumasok siya sa banyo para maghilamos at toothbrush. Napapasayaw pa nga siya sa sobrang tuwa.Pagkababa ng hagdan ay nakasalubong niya ang isang katulong na paakyat. “Hi!” masiglang bati ni Suzy.Napatigil ang katulong, napakunot-noo. “Ah… hello po, Miss,” anito, medyo naguguluhan, bago nagpatuloy sa pag-akyat habang palihim na nagtataka sa inaakto nito.Dumiretso si Suzy sa kusina, kung saan abala ang kusinera sa pagluluto ng pananghalian. Amoy na amoy niya ang niluluto nito kaya bigla siyang natakam.“Hello! May natira pa bang pagkain?” aniya sabay lapit.Ngunit bago pa makasagot ang kusinera, sumabat na si Thelma na kararating

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status