NANG malayo na ang kotse ay marahas na binawi ni Katherine ang kamay mula sa asawa at galit itong tiningnan.Pero higit na mas mapanganib ang matalim na tingin ni Cain. "Bakit, gusto mo bang sa kanya na sumama?" mapang-akusa niyang tanong."Nasisiraan ka na nga! Anong kasalanan sa'yo ni Luke para gawin mo 'yun sa kotse niya?!""At talagang pinagtatanggol mo siya?!" balik tanong ni Cain."Kasi ikaw 'tong mali!""Anong mali sa ginawa ko? Mali bang bawiin ang asawa ko sa ibang lalake?"Napakunot-noo at hindi makapaniwala si Katherine sa naririnig. Parang lahat na lang ng sabihin at gawin niya ay binibigyan nito ng ibang kahulugan."Sa totoo lang, Cain, hindi na kita maintindihan. Kailan mo pa ako tinuring na asawa? Sa simula't sapul ay contractual lang ang relasyon natin, paulit-ulit mo 'yang sinasabi.""Oopss!" si Levi na hindi napigilan ang sariling mag-react. Natutuwa siya sa nangyayari, para siyang nanunuod ng pelikula. Pero nang balingan at tingnan nang masama ni Cain ay bigla siyan
PAGAK na natawa si Cain saka napatiim-bagang. Nanginginig ang kamay niya sa galit dahil sa sinabi ng asawa."Ulitin mo nga 'yung sinabi mo?!" aniya. "Ayaw mo na ngayong magpahawak sa'kin na dati namang hindi. Bakit, dahil ba sa Luke na 'yun? Sa'kin nandidiri ka pero sa kanya ay nagpapahalik ka pa?"Napakunot-noo si Katherine. "Anong pinagsasasabi mo? Ako, nagpapahalik sa kanya?! Kailan 'yun nangyari? Kahit na kailan ay hindi aabot sa gano'n ang pagkakaibigan namin. 'Wag mo'ng bahiran ng kung ano-anong ideya ang samahan naming dalawa.""Alam ko kung anong nakita ko, Katherine. 'Wag ka nang magmaang-maangan pa."Nanliit ang tingin ni Katherine saka napakagat-labi sa inis. Sa halip na makipagtalo ay mas mabuti pa sigurong lumabas na siya. Masiyado ng masikip para sa kanilang dalawa ang kotse."Sa'n ka pupunta?" Pigil agad ni Cain sabay hawak sa braso ng asawa."Bitawan mo 'ko, ayaw kitang kausap.""Hindi ka pwedeng umalis!"Nagpumiglas si Katherine pero wala siyang panama sa lakas ni Cai
NATAWA si Levi sa komento ni Jared. "Sinabi mo pa. Alam mo bang do'n sa ospital, para talaga silang mag-asawa na nag-aalala sa isa't isa. Tapos, boom! Dumating si Margaret at nagkagulo na ang lahat," kuwento pa niya. "At ito ang malupit--" Sabay hampas sa sariling hita dahil sa excitement. "May lalakeng bigla na lang kinuha si Katherine sa ospital tapos naabutan namin na--" bago pa man niya matapos ang sasabihin ay mabilis na siyang sinupalpal ni Cain sa bibig."Ang daldal mo talaga kahit na kailan!"Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Jared sa dalawa saka natawa. "Hindi ko alam na nagpapakalasing ka na ng dahil sa babae?" aniya kay Cain.Inalis naman ni Levi ang kamay nito sa kanyang bibig. "E, kung si Katherine lang din naman ang dahilan, why not?!""Anong sabi mo?!" react ni Cain."Ba't ko uulitin, narinig mo naman," ani Levi sabay pakita ng dila, senyales ng pang-aasar.Binato naman ni Jared si Levi ng takip ng bote ng alak. "Hindi mo ba alam ang kasabihan?" Saka umiling-iling. "
NAPAATRAS si Katherine sa gulat nang biglang sumulpot si Levi. Kahit si Luke ay ganoon din ang reaksyon.Naghintay si Levi ng sagot mula sa dalawa pero walang gustong magsalita kaya hinawakan na niya ang braso ni Katherine. "'Lika, sama ka sa'kin may pupuntahan tayo.""Sandali--" si Luke na akma itong pipigilan pero may isa pang lalake ang pumigil sa kanya."Ikaw nang bahala sa kanya," ani Levi sa assistant saka marahang hinila si Katherine."Sa'n tayo pupunta?""Gusto mong makita si Cain, 'di ba, kaya ka nasa labas ng kwarto? Pero wala siya ro'n, lumipat siya sa hide-out ko."Napakunot-noo si Katherine. Kung hindi lang niya kilala si Levi ay iisipin niyang miyembro ito ng sindikato sa pinagsasasabi.Sumakay sila ng elevator paakyat sa itaas na palapag. Habang naghihintay na makarating sa tamang floor ay napapangiti si Levi. Walang duda na tama ang hinala niya na hindi ito kayang tiisin ni Katherine, iyon nga lang ay nagwala na si Cain sa bar kaya ang pagkukunwaring nasaktan ito ay na
NAKAKAKABA ang kulog at kidlat na may pinaghalong malakas na buhos ng ulan. Parang sumasabay sa nararamdaman ni Katherine ng mga oras na iyon. Pinaghalong galit, lungkot at sakit.Dama niya rin ang lamig, gaya ng panlalamig niya nang masaksihan ang tagpo kanina.Nagbabadya ang kanyang luha habang paulit-ulit na sumasagi sa isip ang naabutang eksena. Si Cain na nasa kama habang nasa ibabaw naman si Margaret.Hindi niya gustong umiyak pero tinatraydor na siya ng sariling damdamin kaya mariin na lamang siyang pumikit kaysa pumatak pa ang luha sa mga mata.Ngunit bigla na lang prumeno ang sasakyan at muntik pa siyang mauntog sa upuan ng driver.Bago pa man siya makapagtanong kung anong nangyari ay nakita na niya sa harapan ang isang hindi kilalang sasakyan na humarang sa kanila. Pero hindi iyon ang bumigla kay Katherine kung hindi ang driver ng naturang kotse... si Cain!Madilim at matalim ang tingin nito na nagpakaba kay Katherine.Tinapik niya ang driver. "B-Bilis, Kuya. Umalis na tayo
SAMANTALANG sa mga oras na iyon sa ibang pribadong kwarto ay naroroon si Lian, magdamag na nakabantay sa Ama matapos na sabihin sa kanyang lumubha ang naging kondisyon nito.Pero sa ngayon ay ligtas na ito kaya napanatag na siya kahit papaano.Sa gabing iyon ay nagpasiya na siyang magpahinga dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makapagpahinga kahapon.Sa sofa siya pumuwesto at tuluyan nang natulog.Walang kaide-ideya na ilang minuto ang lumipas ay bumukas ang pinto at palihim na pumasok si Jared na kagagaling lang sa kwarto ni Cain.Ito ang tinutukoy ni Levi na dadalawin niya, si Lian ang sadya niya sa pagpunta sa ospital. Ilang araw na rin kasi itong hindi sumasagot sa tawag maging sa messages ang dalaga. Kaya inalam na niya kung nasaan ito at dito siya dinala ng nakalap na impormasyon.Habang mahimbing itong natutulog ay nilingon ni Jared ang Ama nitong nasa hospital bed. Sa tingin niya ay hindi ito magigising kahit pa mag-ingay siya base na rin sa mga nakakabit na aparato sa
MAHIGPIT na hinawakan ni Jared ang braso ng dalaga saka ito hinila patungo sa pinto."S-Sa'n mo 'ko dadalhin?" ani Lian sabay lingon sa hospital bed. "Ano ba, Jared, bitawan mo 'ko, hindi ako sasama!" Kailangan niyang manatili dahil walang magbabantay sa kanyang Ama."Kapag nagmatigas kay makikita ng lahat sa social media ang s*x scandal natin. Tingnan ko lang kung may mukha ka pang maihaharap," banta ni Jared.Nabigla si Lian. Hindi niya akalaing kaya iyong gawin ng dating nobyo. Pero, malaki na nga pala ang pinagbago nito.At ayaw iyong mangyari ni Lian kaya wala na siyang nagawa kung hindi magpatianod kung saan lugar man siya dalhin nito.Hanggang sa sumakay sila sa kotse at nagmaneho si Jared paalis sa lugar. Panay ang tanong ni Lian kung saan siya nito dadalhin.Kaya tiningnan ito ni Jared nang masama. "Ang ingay mo!"Saka lang natahimik si Lian. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na sila sa condominium building.Minsan ng nakapunta si Lian sa lugar nang dalhin siya ni Jar
NANIGAS sa puwesto si Jared nang marinig ang boses nito lalo na nang yakapin ni Sheena mula sa likod.Pagak pa ngang natawa nang harapin ang mapapangasawa, hinalikan sa pisngi para itago ang kalokohang ginagawa.Kahit ang totoo ay matagal ng alam ni Sheena na nambababae ito. Hindi rin siya tanga para hindi malaman na may itinatago ito kanina sa closet kaya nga sinasadya niyang lakasan ang ung*l para marinig ng babae.Hinahayaan niya ang nobyo sa kalokohan hindi dahil sa mahal niya ito kung hindi ay dahil sa kailangan niya ang koneksyon at pera ni Jared.Dahil dito ay unti-unting gumaganda ang estado ng buhay nila. Isang malaking asset si Jared kaya bakit niya pakakawalan?Kesehodang ilang babae pa ang iuwi nito ay wala siyang pakialam. Ang mahalaga sa kanya ay ang perang mapapakinabangan ng buo niyang pamilya.MALAPIT na ang bukang-liwayway nang magising si Katherine. Nagtaka pa siya kung bakit nalipat sa hospital bed.Pero hindi niya na lamang pinagtuunan iyon ng pansin at bumangon p
PAGLINGON ni Aaron ay saktong hawak na ni Katherine ang baso sa may table. Walang pagdadalawang-isip na ibinuhos sa kanya ang tubig. Kaya basang-basa ang ulo at mukha niya."Sh*t!" mura pa niya sabay tayo at pagpag ng mamahalin na damit. Tapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Anong problema mo?!"Inilapag ni Katherine sa table ang hawak na baso saka taas-noo na tiningnan ito. "Ba't 'di mo tanungin ang sarili mo kung anong pinoproblema ko?" Kahit nanggagalaiti sa galit ay nanatiling mahinahon at mahina ang kanyang boses.Naging matalim ang tingin ni Aaron. "Bakit, totoo naman ang sinasabi ko, a?! Anong mali ro'n?""Hindi ko dini-deny na kinasal ako't may anak na pero hindi ko gustong hinahamak ng iba ang pagkatao ko. Na parang mali na minsan akong nagmahal at may anak kami."Napakurap si Aaron, hindi pa rin makita ang pagkakamaling nagawa hanggang sa mapansin niya ang tingin ng staff at waiter."Anong tinitingin-tingin niyo?!" galit niyang sita sa mga ito. Pagkatapos ay hinila s
NAPAKUNOT-NOO si Katherine, ang ekspresyon ay parang nandidiri. "Anong pinagsasasabi mo? Mga kalokohan mo talaga, kaya tayo napagkakamalan, e."Tumawa naman si Sherwin. "Joke lang naman.""Well, obviously. Hindi magandang biro.""Nabo-bored na kasi ako ro'n sa unit ko, wala akong magawa. Ganito pala ang feeling 'pag tambay.""Malapit ng pasukan, ba't hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo sa university?""Nah... nakakatamad."Napanganga si Katherine. "What the...! Now I know kung ba't wala kang girlfriend at kung ba't ayaw mo pang mag-settle down.""You already want me to get married? Saka, anong kinalaman ng katamaran ko sa pag-aasawa?""Why not? You're old enough."Umiling si Sherwin. "Pa'no na lang kayo kung mag-aasawa na 'ko?""No!" biglang sigaw ni Shannon. "'Di ka pwede mag-asawa, Tito. Wala akong magiging kalaro.""Exactly!" react ni Sherwin.Natawa si Katherine. "Okay, baby. Hindi na pwedeng mag-asawa si tito Sherwin mo hangga't hindi mo pinapayagan," aniya saktong tumunog
HINAPLOS-HAPLOS ni Sherwin ang buhok ng bata. "Magbabay ka na sa kanila," aniya.Lumingon naman si Shannon at pagkatapos ay kumaway sa dalawa. "Thank you po sa tulong. Babye na po."Kumaway rin si Joey pero nanatili ang tingin ni Cain, parang nahipnotismo. "Ahm, Sir? Ayos lang kayo?" aniya nang mapansin na nakatitig lang ito.Napakurap si Cain. "Sha-Sha, right? Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay. "Ako nga pala si Cain, you can call me tito Cain."Ngumiti naman ang bata saka inabot ang kamay nito. Marahang pinisil bago bitawan. "See you, next time po!"Pagkatapos ay naglakad na palayo si Sherwin upang mabalikan si Katherine na naghihintay. "'Wag mo nang uulitin 'yun, a? Hindi ka dapat basta-bastang umaalis.""Sorry po. Akala ko kasi si Mommy 'yung sinundan ko, hindi pala.""Mabuti na lang talaga at mabait 'yung tumulong."Tumango-tango naman ang bata, nalulungkot dahil napagsabihan."Sha-Sha!" si Katherine na niyakap agad ang anak. "Sa'n ka ba nagpupupunta?!"Sumimangot at biglang
BIGLANG nabuhayan si Sheena nang dumating si Jared, naluha pa nga siya sa tuwa. Inangat ang dalawang kamay, animo ay inaabot ito. "M-Mabuti naman at nandito ka na. Dalhin mo naman ako sa ospital, nahihirapan na 'ko.""Nahihirapan ka na?" may pagkasarkasmong sabi ni Jared. "Nahihirapan ka na sa lagay mong 'yan?"Tumango-tango si Sheena, may ngiti sa labi. Hindi man lang pansin ang namumuhing tingin ni Jared. Ang nanginginig at mariin na pagkuyom ng kamay."Kung gano'n ay ba't mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Mamahinga ka na habangbuhay."Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Sheena ng marinig iyon. Hindi niya akalaing masasabi ni Jared ang ganoon kasamang bagay sa kanya."G-Gusto mo na 'kong mamat*y...? Matapos ng ginawa kong kabutihan sa'yo?! Wala kang utang na loob!"Napatiim-bagang si Jared, kulang na lang ay hatakin ang mukha nito pero nagpigil siya. "Sabihin mong gusto mong sabihin pero matagal ko ng pinagbayaran ang ginawa mo. Hindi porke't minsan mo 'kong tinulungan ay h
NAPAKUNOT-NOO si Cain sa narinig. Gulong-gulo siya at nagpalinga-linga sa paligid. "Pa'no nangyari 'yun? Tatlong araw?!" At nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Si Marc?" Pagkatapos ay bumangon, kahit masakit ang katawan ay pinilit niya ang sarili. "Anong nangyayari? Para akong nabugbog." Akmang tatanggalin ang nakakabit na IV fluids ng pigilan ni Stella.Lumapit naman si Helen sa kama saka hinawakan ang balikat ng anak. "Three days ago, nakatanggap kami ng tawag mula kay Marc. Ang sabi niya ay nabunggo ka ng kotse sa labas lang ng ospital," aniya upang unti-unti nitong maalala ang nangyari.Napahawak naman si Cain sa ulo ng bigla itong kumirot. Saka niya naalala ang lahat. "S-Si-Si Katherine! Siya 'yung pasaherong sakay ng nahulog na taxi sa tulay!" Wala ng paligoy-ligoy pa, hinablot niya ang IV fluids sa kamay."Cain!" react ni Helen."Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa asawa ko!"Sabay na napasinghap ang dalawang babae sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" naguguluhang t
DAHIL sa impact ay sumadsad pa ang taxi palabas sa barricade hanggang sa muntikan nang mahulog sa tulay. Kaunting maling galaw ay talagang bubulusok pababa ang sasakyan.Si Katherine na nasa backseat ay napahawak sa noo ng maumpog sa passenger seat. Kung hindi siguro siya nakapag-seatbelt ay baka lumipad na siya palabas.Kahit mahilo-hilo sa puwesto ay inalala niya ang kalagayan ng driver. "K-Kuya?" Ngunit hindi ito gumagalaw. Niyugyog niya pa ang balikat nito pero hindi pa rin nagkakamalay.Hanggang sa mapansin ni Katherine na umuuga ang taxi. Pagtingin niya sa labas ay napatili siya sa takot. Kalahati ng sasakyan ay lampas na sa barricade!Nagkukumahog siyang lumabas ng tila mahuhulog sila. Naririnig niya ang langitngit ng metal na bumibigay."S-Saklolo!" sigaw niya na kahit gusto ng lumabas ay hindi niya magawang gumalaw. Steady lang siya sa puwesto sa takot na mahulog ang taxi."Miss, 'wag kang gagalaw!" sigaw ng lalakeng nagmamagandang loob.Hanggang sa dumami na ang mga nakiki-u
KAHIT biglaan ang kasal nila ni Cain ay nakapag-hire pa rin ito ng photographer para may wedding photos sila.Kaya nang mabasa ni Katherine ang text message ay sinabihan niya ang dalawang bodyguard na samahan siya sa shop upang kunin ang mga litrato.Ilang minuto lang naman ang biyahe at narating na nila ang lugar. W-in-elcome siya ng staff at tinanong kung ano ang sadya sa lugar."Naka-receive ako ng message," aniya sabay pakita ng phone.Binasa naman ng staff ang mensahe saka siya iginiya papasok pa sa loob.Sa reception ay sinabi ng staff sa kasamahan ang kailangan ni Katherine."Ano pong pangalan, Ma'am?" tanong ng staff sa counter."Katherine Garcia-- Vergara."Tumango ang staff. "Sandali lang, Ma'am at titingnan ko rito." Yumuko ang babae, hinanap sa drawer ang kailangan ng customer.Habang naghihintay si Katherine ay nakarinig siya ng shutter ng camera kaya napatingin siya sa partition wall. Sa palagay niya ay may ibang customer ang shop kaya naririnig niya iyon."Ito na po, Ma
NABIGLA rin si Katherine sa naging reaksyon, hindi inaasahang magagalit siya ng ganoon.Nauunawaan naman ni Cain ang outburst nito dahil emosyonal pa. Pagkatapos ay binalingan si Marc. "Akin ng phone." Matapos matanggap ay kinausap si Margaret, "Ba't ka napatawag?" aniya saka pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Katherine at pagkatapos ay ni-loudspeaker ang tawag para marinig din nito. Gusto niyang ipakita na wala siyang ginagawang masama o hindi nito kailangan na mabahala sa tawag ng dalaga."Cain!" iyak ni Margaret sa kabilang linya. "Ang sama ng pakiramdam ko, parang lalagnatin ako."Napasulyap si Cain sa asawa, hindi maikakaila ang iritasyon sa mukha nito kaya hindi niya maiwasang matuwa. Dahil ngayon na lamang niya nakitang magselos si Katherine."Tawagan mo ang ospital, matutulungan ka nila.""Pero alam mo naman na ilag ako sa mga tao'ng hindi ko kilala," dahilan pa ni Margaret.Kunot na kunot ang noo ni Katherine dahil nayayamot na siya sa kaartehan ng babae. Sa inis ay bina
NATULALA ng ilang segundo si Katherine saka nagalit. "Anong klaseng biro 'yan?! Hindi nakakatuwa.""Hindi ako nagbibiro. Mismong assistant ni Jared ang kumontak sa'kin para ipaalam na naaksidente ito at si Lian."Habang nagpapaliwanag si Cain ay tumulo ang luha sa mga mata ni Katherine, na maging siya ay nabigla. Hinawakan ang pisnging nabasa ng luha.Nag-alala naman si Cain, lumapit at hinawakan ang magkabila nitong pisngi, pasimpleng pinupunasan ang luha. "Baby, kalma lang. Nandito lang ako." Nang hawakan niya kasi ay naramdaman niya ang panginginig ng katawan at panlalamig ng balat nito."H-Hindi naman totoo, 'di ba?" umaasang tanong ni Katherine. Naniniwala siyang hindi siya iiwan ng kaibigan. "Sabihin mo sa'king hindi totoo."Nahirapan sumagot si Cain hanggang sa hawiin ng asawa ang kamay niya at mabilis na lumabas sa sasakyan. "S-Sandali lang!" pigil niya pa nang tumakbo ito papasok sa ospital. Hinabol niya ito hanggang sa huminto sa isang makitid na pasilyo. "Katherine..." samb