Nasa loob na kami ng sasakyan ngunit pakiramdam ko naiwan sa loob ng city hall ang diwa ko. Hindi parin ako maka get over sa kissing scene na naganap. Mga sampong segundo lang naglapat ang labi namin pero hanggang ngayon ramdam ko parin ang malambot niyang labi. Narinig ko ang mahiyang pagtikim niya. Hindi ako umimik. Kahit ang lingunin siya hindi ko ginawa. Nakahalukipkip ako at sa labas ng sasakyan ang tingin. Bigla akong nakaramdam ng pagka ilang. Sa samo't saring naramdaman ko dahil sa paghalik niya, saglit kong hindi naramdaman ang kanina ko pang kumikirot na balakang. "Ihinto mo muna ang sasakyan, " mahinang usal ko nang makadaan kami ng drug store. "Bakit?" tanong niya na nasa drug store ang tingin. "Marami pa naman stocks ng gamot sa bahay. "Guilty na lumingon ako sa kanya. "Bibili ako ng pain killer, " mahinang usal ko hindi inalis ang tingin sa kanya. Nangunot ang kanyang noo. "Aanhin mo? Sabi mo sa akin magaling na ang balakang mo. Kaya nga hindi tayo nag follow up che
"May pasalubong pala ako. "Bumaba siya sa bisig ko at sinipat ang dala ko. "Wow, cake. Pero hindi ko pa naman birthday, mama. "Pinisil ko ang kanyang pisngi at kinuha ang cake. Inaakay ko siya papasok sa loob ng bahay. "Makakain ka na ng cake kahit hindi mo birthday.""Talaga, mama? " nangingislap ang mga mata sa tuwa na sambit niya. Binuhat ko siya at pina upo ng maayos sa upuan. Pinaghiwa ko silang dalawa ni nanay ng chiffon cake na binili ko. "Oo naman. Gusto mo kada sahod ni mama kakain ka ng cake? Iyon ang pasalubong ko sa tuwing uuwi ako. "Tuwang-tuwa na tumango siya at nilantakan ang cake na hawak. Hindi naman masama kung pagbigyan ko ang gusto ng anak ko. Ngayon lang ito nangyari sa kanya. Kaya habang kaya ko pang ibigay ang gusto niya, ibibigay ko sa abot ng makakaya ko. Matamis ang ngiti sa labi na kinain ko ang cake na sinubo niya sa akin. Panay ang kwento niya ng kung anu-ano habang kumakain. Pati kaklase niya na naka ihi sa pants naikwento niya. Nakakatuwa kasi laha
Sanay ang katawan ko sa trabaho. Pero ang magtrabaho buong araw ng walang kain hindi ko kaya, hindi ako sanay. Kaya mabilis akong manghina. Pagkalabas ko ng silid nakasalubong ko si Ma'am Elizabeth. Iniyuko ko ang aking ulo pagbigay galang kahit hindi naman niya deserve iyon. Lalagpasan ko sana siya nang magsalita siya na ikinatigil ko. "Punasan mo ang mga railings nitong hagdan mula doon sa itaas hanggang doon sa ibaba, " diniro niya ang sintido ko. "At kapag narakating sa anak ko na pinagtrabaho kita rito, malintikan ka sa akin! Naintindihan mo?! " mariin na usal niya. Kandalunok na tumango ako. Napahawak ako sa pader nang mapaatras ako ng banggain niya ako sa balikat at tuluyang lumakad papunta sa pupuntahan niya. Hindi ko alam ang pasikot-sikot nitong bahay kaya hindi ko alam kung saan siya pupunta. Humugot ako ng isang mamalim na paghinga at sinunod ang utos niyang punasan ang mga railings ng hagdan. Nakakabingi sa katahimikan ang bahay. Na para bang malaki ang kasalan mo kap
Nagsukatan kami ng titig. Gusto kong sabihin sa kanya na kaya ako naglilinis dahil ito ang gusto ng kanyang ina. Gusto kong sabihin na sinasaktan ako ng nanay niya hindi lang sa salita kundi pati sa pisikal. Ako ang unang umiwas ng tingin. Baka kapag nakipagtitigan pa ako sa kanya baka hindi ko mapigilan ang pag patak ng aking mga luha. Kinuha niya ang mop na hawak ko. "Alam ko naman iyon, Gueene pero..."Hinarap ko siyang muli dahil ang kulit niya. Ayaw niyang magpatalo at ayaw niyang pagbigyan ang gusto ko. "Hayaan mo na ako sa gusto ko! "Umawang ang kanyang mapulang labi ng marinig ang iritable kong boses. May kalakasan rin iyon at batid ko narinig iyon ni Ma'am Elizabeth sa ibaba. Pumungay ang kanyang mga mata na nakatunghay sa akin. "Galit ka ba sa akin?" ako naman ang natigilan sa sinambit niya. "Nagtatampo ka ba? " he asked softly. Umiling ako. Kinuha ko muli sa kanya ang mop sabay talikod. "Hindi. Wala namang dahilan para magalit at magtampo ako sayo, " usal ko pero ang to
Kapag ba sinabi ko kay Razen ang tungkol sa ginagawa sa akin ng nanay niya, mawakasan na ba iyon? O, baka mas malala pa ang aabotin ko? Siguro, piliin ko na lang ang manahimik at indahin lahat ng mga ginagawa niya. Lahat naman ng mga pangyayari ay nawawaksan. Hindi pa nga lang ito ang tamang oras at panahon. "Sorry.... " Tanging sambit ko. Nahihiya na ako sa abala na binigay ko sa kanya. Sa pag alala niya. Oo kargo niya ako dahil sa mata ng lahat mag-asawa kaming dalawa. Nangako rin siya sa akin na hindi niya ako pababayaan. Pero ako itong hindi nag iingat-o tamang sabihin na dahil sinasaktan ako ng nanay niya kaya ako nagkaganito. "Hindi ako galit. Naiinis lang ako makita na nasasaktan ka pala habang wala ako sa tabi mo, " malumanay niyang usal. "Nag aalala rin ako kasi paano kung mas malala pa ang mangyari sayo? Hindi ko alam ang gagawin ko, Gueene. Ano nalang ang sasabihin ko sa mga magulang mo kung uuwi ka sa kanila na puro sugat sa katawan?"Napayuko ako ng ulo. "Sorry... Hind
"What are you saying?! " pa singhap na wika ni Ma'am Elizabeth. "Iiwan mo ako na mag-isa rito sa malaking bahay na'to? ""My business needs me, Ma--""And I need you too," she said desperately. "You know that, son. Nagawa mo noon na asikasuhin ang mga negosyo mo na hindi ka lumayo sa akin, magagawa mo rin yan ngayon. Matulungan pa kita. ""Hindi na kasi ganoon ang sitwasyon, Ma. " malumanay siyang sabi ngunit mariing nakakuyom ang kanyang mga kamao. "My business needs me. Gueene needs me--""So, it's all about her, " mapakla niyang usal. "Siya pala ang dahilan kung bakit aalis ka sa bahay na'to. Ang dahilan kung bakit iiwan mo ako rito! ""It's not like that, Ma, " bahagya nang tumaas ang boses niya. Ramdam ko na ang tensiyon sa kanilang dalawa. "Kung doon ako sa Isla matutukan ko ang negosyo ko. May bahay ako doon, Ma. Ang hassle at malayo ang Isla dito sa mansyon, paano naman ang asawa ko? Wala na kaming oras sa isa't isa, " he sigh. "I'm sorry, Ma. But my decision if final. Uuwi ka
"Wow! Ang ganda ang bahay mo! "Namamangha na usal ko habang nilibot ng tingin ang buong kabahayan. Spanish style ang design sa loob ng bahay niya. May hagdan rin na katutad sa labas at diretso ito sa ikatlong palapag ng bahay at mga naglalakihang chandelier. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Thanks for the complement. Ako nag design nito. ""Wow! Talaga? So architect ka? ""Hindi ako architect. May kaunting alam lang ako sa pag design," iginiya niya ang daan papunta sa kitchen. "Manang Lisa nandito na ho kami. "Pinatay muna nito ang kalan bago humarap sa amin si Manang Lisa. Puti na ang mga buhok nito at tantiya ko nasa singkwenta na ang edad. "Ito na ba ang asawa mo? " nangingislap ang mga mata na sambit ni Manang Lisa. "Sa tagal ko ng naninilbilhan sayo sa wakas mayroon ka na ring nadala na babae rito at asawa mo pa, " humagikhik ito. "Ang ganda niya. Bagay kayo. "Naiilang na nginitian ko si Manang. Ang laki ng ngiti niya. Halata sa kanyang mukha na masaya siya na narito
Habang kumakain, naglumikot ang mata ko sa paligid. Kating-kati ang mga paa ko na ikutin ang buong lugar pero ayaw naman magpa-awat ang bibig ko sa paglamon. Masarap talaga kapag presko ang ihain sa hapag. "Lipat ka dito sa tabi ko, " wika ni Razen. Nagtataka naman na tiningnan ko siya. "Lipat ka dali. "Nawewerduhan man, sinunod ko ang sinabi niya. Lumipat ako sa kanyang tabi. At heto na naman ang puso ko, kumakabog nalang basta. "Tingin ka sa harap."Pag angat ko ng tingin, umawang ang labi ko. Tumambad sa akin ang humahalik ang araw sa dulo ng karagatan. Nag aagaw ang kulay dilaw at pula ng araw sa kalangitan at sa repleksiyon nito sa dagat na makapigil-hininga tignan. Ang ganda. Ngayon ko lang nasilayan ang paglubong ng araw na ganito ka lapit, ka ganda, at kamangha-mangha pagmasdan. Hindi ako nakontento sa pag upo lang. Tumayo ako at naglakad papunta sa dulo ng cottage. Itinaas ko ang aking kanang kamay at itinapat sa araw na halos lamunin na ng karagatan. "Ngayon ko lang n