Gueene pov. "Gueene..." His eyes widened when he saw me. Tears shimmered in his eyes. Binitawan niya ang mga prutas na bitbit at lumapit sa akin. "Wag ka muna bumangon, " pigil niya sa akin nang akma akong babangon. Hindi na ako nagmatigas dahil bigla akong nahilo. "Nasaan ako? " nanghihina na tanong ko. "In the hospital. You gave birth yesterday," a genuine smile appeared on his lips. Napakurap ako ng ilang beses. "A-Anong sabi mo? " Nauutal na tanong ko sa pagkabigla. Dahan-dahan kung ibinaba ang tingin sa akin tiyan, hindi na nga iyon malaki. Wala nang bakas doon na isa akong buntis. "Nawalan ka ng malay sa bahay niyo. Nang dalhin kita rito pumutok ang panubigan mo. Kaya nagdesisyon si Dok to make you a CS operation. Don't worry, healthy si baby. She is waiting at you to awake. Nasa nursery room siya. "Naluha ako sa kanyang sinabi. Mabuti naman at maayos ang anak ko. Kahit wala akong malay-tao, isinilang ko parin siya ng maayos. May ngiti sa labi na pinunasan niya ang pis
Gueene pov. Tama ba iyong narinig ko? Did he say those words? Natigilan na napatitig ako sa kanyang mukha. "Mahal kita... "He said it again in second time. Natuon ang aking paningin sa kanyang malamlam na mga mata na may maraming emosyon na nakabalot doon at isa na ang... pain. "Mahirap man paniwalaan ngunit... Maari mo na ba akong pakinggan? Pwede na ba ako magpaliwanag at sabihin sayo lahat ang katotohanan?" Malumanay na wika niya. Wala akong sagot. Tahimik lang ako na nakatunghay sa kanya. Hindi parin ako maka get over sa narinig. Ang kataga na iyon ang matagal ko ng gusto na marinig mula sa kanya. Ngunit hindi ako kumbinsido. Hindi parin sapat iyong narinig ko. Ito na ba ang tamang panahon para pakinggan siya? Ito na ba ang tamang oras para pagbigyan ang hiling niya? Tss, magmatigas pa ba ako e miss na miss ko na siya. Aminin ko, mahal ko parin siya. Ay mali. Dahil hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Nabalutan lang iyon ng galit at hinanakit ngunit nalusaw rin nang
"Inay! Itay! Halina po kayo at kakain na! " malakas na sigaw ko upang masiguro na marinig nila ako dahil nasa dulo na sila ng maisan nagbubunot ng damo. "Tanghali na po. Tama na muna iyan! "Pero mukhang ayaw pa nila tumigil sa ginagawa kaya inutusan ko na lang ang bunso namin na sunduin sila inay at itay doon sa dulo. "Ate, naman e! Ang layo kaya nila. Ang init pa, " pagdadabog niya. Pinanlakihan ko siya ng mata. " Bilisan mo na. Daanan mo na rin si Maureen doon sa sapa tapos na siguro iyon sa paglalaba. " Lalo siyang nagdabog. Mangiyak-ngiyak itong nagpapadyak na umalis upang sundin ang utos ko. Natawa nalang ako. Ako nga pala si Gueene Ysabelle Ignacio-Aloquin. Panganay sa tatlong anak. At proud ako na isang magsasaka ang mga magulang ko. Dito nila kami binubuhay na magkapatid. Maliit lang itong sakahan namin na minana pa ni Itay sa kanyang namayapang ama. Ang pagtatanim ng mais ang pangunahing pangkabuhayan namin. Sa kabila ng hirap at kapos sa pera nagawa parin nila kam
Natinag ako sa aking kinatayuan nang mag angat ito ng tingin. Na pansin niya siguro na may nakatingin sa kanya. Inilapag niya ang baso na wala nang lamang alak sa ibabaw ng mesa. Dumikwatro ito ng upo. “Ikaw ba iyong kaibigan na tinutukoy ni Shara?” wala sa sarili na tumango ako at lumapit sa kinaroonan niya. “Have a seat.” May sariling isip yata ang katawan ko at kusa na lang ako umupo sa tabi niya ngunit malaki ang ispasyo sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang nanyari sa akin. Kusa nalang na lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi nang hindi ko namamalayan. Kahit may kadiliman, nasisiguro ko na ang gwapo niyang lalaki. Yung ilong niya pang Spanish na ilong ang hugis. Ang tangos. Magkasalubong ang kanyang makapal na kilay. At ang kanyang pilik-mata ang haba…"Alam kong gwapo ako,” he said and licked his lower lips. “Pero sis, hindi tayo talo,” dinig ko ang pagbuntonghininga niya, nagsalubong kasi ang kilay ko dahil hindi ko na gets ang sinasabi niya. "It mean
Nagising ako sa hindi pamilyar na silid. Subrang sakit ng ulo ko pati ang buong katawan ko. Para akong binugbog. Mariin akong napapikit nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala sa aking sarili na nagawa ko ang bagay na iyon... Na isinuko ko ang aking pagkababae sa isang estranghero. Napabangon ako sa gulat nang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaki. Ngunit agad rin akong napahiga ulit at napa igik nang maramdaman ang sakit sa pagitan ng dalawang hita ko. Lumapit siya sa akin na may pag alala sa mukha. Ganoon parin ang suot niyang damit kagabi. Lukot na iyon at may bakas ng mantsa. Nahihiya na napaiwas ako ng tingin nang makalapit siya sa akin. "Na... Nasaan tayo? " mahinang tanong ko. "Sa hotel. Hindi ko kasi alam kung saan kita ihahatid kaya dito nalang kita dinala, " aniya. "Yung nangyari kagabi--, " "Sorry. Ano, wag mo ng isipin yun. " What?""Sorry... Hindi ko lang talaga alam kung ano ang nangyari sa akin kagabi kaya ko iyon nagawa sayo, " sabi ko sa m
"Saan ka noong kailangan ka namin?! Bakit umuwi ka pa?! " Napaluhod ako sa aking kinatayuan. Nawala lahat ng lakas ko sa mga narinig. Paanong patay na ang mga kapatid ko? Paano sila namatay? Walang tigil ang pag-agos ng luha. Tahimik akong tumatangis habang iniisip kung paano nangyari sa kanila iyon? Nadurog nang tuluyan ang puso nang tumangis si Itay. Subrang sakit pakinggan ang mga hagulgol niya. Sinikap kong tumayo upang daluhan siya ngunit walang lakas ang mga tuhod ko. Pagapang akong lumapit sa kanya. Nanginginig ang mga kamay na inabot ko ang palad niya ngunit tinabig niya iyon dahilan para masubsob ako sa sahig. "Yung mga kapatid mo... Walang awa nilang pinatay.. " tumatangis na sambit niya. "Tinatawagan ka nila ng mga araw na iyon... Humihingi sila ng tulong sayo! Pero nasaan ka?! Telepono mo nakapatay! " Sa subrang pagdamdam ko sa pagbintang nila sa akin na nagnakaw ako, hindi ko na napagtuunan ng pansin ang telepono ko. Lowbat iyon at hindi ko na-charge dahil dalawa
Ako buntis? Paano? Oo nga pala, wala nga pala kaming proteksyon ng gabing iyon. Hindi ko naisip na baka ma buntis ako. Ngunit hindi pwede... Hindi ako pwedeng mabuntis. Kauumpisa ko palang na patunayan ang sarili ko sa mga magulang ko na malayo rin ang marating ko balang araw, ngunit bakit na udlot na naman? Paano na ako? Paano ang batang nasa sinapupunan ko? Ayoko naman na wala ang batang ito. Wala siyang kasalanan. Hinarap ko si Inay na may takot sa mukha. "Buntis ka ba? "Hindi ko magawang sumagot. Hindi ko alam ang isasagot. Wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa akin maliban lang sa paglaki ng balakang at boobs ko. Ngayon lang ako nagsuka. Ngayon ko lang hindi nagustuhan ang luto ni Inay gayong paborito ko ang ginataang langka. "Buntis ka?! " pagalit na tanong ni Itay na kakalabas ng kanilang silid. Nakatayo lang ako sa tabi ni Inay, kinakabahan, natatakot kay Itay. Napahawak ako sa aking pisngi nang sampalin niya ako. "Warlito!" hiyaw ni inay at dinaluhan ako.Nakay
Kumapit si Inay sa braso ni Itay nang makita nito ang nag aapoy sa galit na mata ni Itay. Na anumang oras susugurin niya si Juancho. May ibinulong si Inay sa kanya dahilan para unti-unti itong kumalma. "Nandito na pala ang anak ko," wika ni mayor.Nang tingnan ko si Juancho, mukha itong sabog. Magulo ang buhok, gusot ang damit at pula ang mga mata. Amoy alak at sigarilyo pa. Mukhang inumaga sa inuman o kung saan man siya galing. "Pumasok muna kayo sa loob at doon nalang natin ipagpatuloy ang pag-uusap, " saad pa ni mayor at inakay ang anak papasok sa kanilang tahanan. May pabilog na mesa na gawa sa semento dito sa kanilang bakuran. Doon kami dinala ni mayor. Nagpahanda rin siya ng meryenda para sa amin ngunit wala doon ang atensyon namin. Mukhang hindi na makapagpigil si Itay kaya diritsahan niyang itinanong si Juancho. "May kinalaman ka ba sa pagkamatay ng mga anak ko?" Mahinang tanong ni Itay ngunit ramdam ko ang pagpigil nito sa galit niya dahil nasa teretoryo nila kami. Nan