Elara Pov
"Elara? Hey?" Malakas na tapik sa aking balikat ang napagbalik sa aking isip sa kasalukuyan. Bigla kasing dumaloy sa aking isip ang alaala kung bakit ako nawalan ng paniniwala sa pag-ibig nang makita ko ang mukha ni Alexander na siya palang groom ko. "Anong nangyari sa'yo? Bakit ka huminto sa paglalakad? Para kang nakakita ng multo." "Look at the groom," mahina ang boses na sabi ko kay Liam. Hindi pa yata nito napansin ang groom ko kaya. Tumingin nga si Liam sa groom at hindi nito napigilan ang mapatili ng bahagya nang makita ang seryosong mukha ni Alexander. Halos magdikit na ang mga kilay nito sa labis na pagkakakunot ng noo habang nakatingin sa akin. Akala naman ng mga taong nasa paligid namin na na-guwapuhan lamang si Liam sa groom kaya ito napatili kaya nagtawanan ang mga ito. Hindi nila napapansin ang tension na unti-unting nabubuo sa paligid namin. "Oh my God, Elara! Is this a joke? Binibiro ka ba ng tadhana?" hindi napigilang komento ni Liam sa mahinang tinig. "We shared the same thoughts. Iyan din ang naisip ko pagkakita ko sa kanya," sagot ko sa kanya. Malakas naman ang tugtog ng wedding march kaya hindi naririnig ng mga taong nasa paligid namin ang pinag-uusapan namin ni Liam lalo pa at mahina rin ang aming mga boses. Nagkunwari na lamang ito na may inaayos sa gown ko para hindi magtaka sila kung bakit ako biglang huminto sa paglalakad. "Oh my goodness! How can you face that shameless asshole?" may galit na tanong nito sa akin. "Mag-backout kaya ako sa kasal namin? Tiyak na mapapahiya siya. Makakaganti na rin ako sa ginawa niyang pananakit at pamamahiya sa akin noon." Napahigpit ang pagkakahawak ko sa boquet na nasa mga kamay ko. Ang balak kong pagganti sa kanya noon ay hindi nabigyan ng katuparan dahil hindi naman na kami nagkita. Nabalitaan ko na lamang na lumipad siya sa ibang bansa para doon mag-aral ng kolehiyo. Na-busy rin ako sa pagtatrabaho habang nag-aaral para may pantustos ako sa aking pag-aaral at sa pang-araw-araw kong gastusin. "Huwag kang magpadalos-dalos ng desisyon, Elar. Isipin mo ang dahilan kung bakit ka pumayag na magpakasal sa kanya," paalala sa akin ng kaibigan ko. Napahugot ako ng malalim na hininga. "Tama ka, Liam. Dapat kong isipin ang dahilan kung bakit ako pumayag sa kasal na ito," sang-ayon ko sa kanya. Itutuloy ko ang kasal at walang magbabago sa aking plano kahit pa natuklasan kong si Alexander Reed ang aking magiging husband-to-be. "Shall we?" Marahang tumango ako sa kanya pagkatapos ay itinuloy ko na ang paglalakad palapit kay Alexander. He is my demon in the past that I need to face. Baka kapag hinarap ko siya ay mawala ang phobia ko sa harapan ng maraming tao dahil siya naman ang may kagagawan kung bakit ako nagkaroon ng social phobia. Nagkaroon ako ng malaking takot na humarap sa maraming tao dahil natatakot ako na mapahiya, mapuna, at mahusgahan. Kaya nga si Liam lamang ang um-attend sa mga pagtitipon na kailangan ang presence ng aming kompanya. Kahit nga noong nag-graduate ako ng college ay hindi rin ako um-attend. Nakakapasok naman ako ng mall at sa mga restaurant dahil hindi naman nakatingin sa akin ang mga tao. Hindi nakapokus sa aking atensiyon nila kaya hindi nati-trigger ang aking phobia. Nang nasa tapat na ako sa harapan ni Alexander ay tila nais kong tumakbo palabas ng simbahan. Ang titig niya kasi sa akin ay katulad kung paano niya ako tinititigan noon habang tinatapak-tapakan niya ang boquet ng bulaklak na ibibigay ko sana sa kanya. Bumilis ang tibok ng aking puso at nakaramdam ako ng bahagyang pagsakit ng tiyan ko. Ibig sabihin ay nati-trigger ang aking phobia. Ito pa lang ang unang beses na nangyaring na-trigger ang aking phobia kahit na isang tao lamang ang kaharap ko. "Relax, Elara. Huminga ka ng malalim at pakalmahin mo ang iyong sarili," mahinang bulong ni Liam sa akin nang mapansin nito na tila nati-trigger ang aking phobia. Ginawa ko ang sinabi ng kaibigan ko. Huminga ako ng malalim. Pilit kong kinalma ang aking sarili. Hindi puwedeng hindi matuloy ang kasal namin dahil nakasalalay dito ang buhay ng aking ama. Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay nagawa kong pakalmahin ang aking sarili. Iniwasan ko na lamang salubungin ang nanunuot na titig ni Alexander para hindi magbalik sa aking isip ang pakiramdam ko nang araw na mapahiya ako dahil sa kanya. Pagkatapos ay tinapunan ko ng tingin ang kaibigan ko at bahagya akong tumango sa kanya para ipaalam sa kanya na okay na ako. Nang makuha ni Liam ang ibig kong sabihin ay kinuha niya ang kamay ko at iniabot kay Alexander. "Ingatan mo ang kaibigan ko, Alexander," nakangiting kausap ni Liam dito, pagkatapos ay bahagyang inilapit ng kaibigan ko ang kanyang bibig sa tainga ni Liam at may ibinulong. "Malaki ang kasalanan mo sa kanya kaya huwag mo siyang sasaktan ulit. Mananagot ka sa akin kapag ginawa mo iyon," banta nito kay Alexander. Kumunot naman ang noo ni Alexander nang marinig ang mga sinabi ng kaibigan ko. Nagtataka yata ito kung anong kasalanan niya sa akin ang tinutukoy ni Liam. Ngunit hindi na lamang nagtanong si Alexander sa kaibigan ko sa halip ay hinawakan ang nanlalamig kong mga kamay. Ngayon ako nagsisi kung bakit hindi ko isinuot ang bridal gloves sa aking mga kamay. Nalaman tuloy ni Alexander na nanlalamig ang mga kamay ko. Inlalayan ako ni Alexander palapit sa altar at sa harapan ng pari na magkakasal sa amin. "Hindi ka pa rin nagbabago, Elara. You're still shameless and gold digger. Ang tagal mo sigurong pinlano ang sandaling ito," mahinang bulong ni Alexander sa gilid ng aking tainga. Ramdam ko ang pinipigilan nitong galit sa bawat katagang binabanggit nito. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin pala ang tingin niya sa akin. Nakadama ako ng sakit ngunit mabilis ko itong inignora. Matagal nang nawala ang paghangang nararamdaman ko sa kanya kaya hindi ako dapat na makaramdam ng sakit sa mga sinabi niya. Hindi siya nararapat na hangaan. "Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago, Alexander. You're still as shameless and asshole as before," nakangiting sagot ko naman. Hindi mahahalata ng mga nanay namin at ninang na nagbabatuhan kami ng mga panget na salita dahil pareho kaming nakangiti sa isa't isa. Tumalim ang tingin ni Alexander sa akin ngunit inignora ko na lamang ito. Parang gentleman na tinulungan niya ako sa pagluhod sa harapan ng pari. "Pagsisisihan mo ang pagpapakasal mo sa akin, Elara," muli niyang bulong. Nakangiting tumingala ako sa kanya bago ko siya hinila ng malakas paluhod. Lihim akong nagdiwang dahil alam kong nasaktan ang tuhod niya sa pagluhod sa semento. "Matagal na akong nagsisi. Pinagsisihan ko kung bakit pa kita nakilala," ganti ko naman sa sinabi niya sa akin. Muling naningkit ang mga mata ni Alexander at akmang magsasalita ulit siya ngunit naunahan ito sa pagsasalita ng pari para umpisahan ang seremonyas ng kasal. Wala sa sinasabi ng pari ang aking isip. Iniisip ko kasi kung anong klaseng pakikitungo sa isa't isa ang mangyayari pagkatapos ng aming kasal. Paano ko pakikitunguhan ang taong dahilan kung bakit ako nagkaroon ng social anxiety disorder? Alam ko na hindi magiging madali ang buhay ko bilang asawa ni Alexander lalo pa at iniisip niyang pinlano ko ang lahat ng ito para siya makuha. Iniisip niyang isa akong gold digger. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang tingin niya sa akin noon pa man ngunit wala akong time para tanungin siya. Dahil wala na akong interes pang alamin kung bakit ganoon na lamang ang tingin niya sa akin kahit na hindi naman ako nanghingi sa kanya ng pera o kahit magpalibre sa kanya ng pagkain sa tuwing magkasama kami noon. Laman din ng aking isipan si Isabela. Nasaan na kaya ang babaeng iyon at hinayaan nitong magpakasal sa ibang babae si Alexander? Sa pagkakakilala ko pa naman sa kanya ay masyado siyang possesive. Wala pa nga silang relasyon ni Alexander ay inaangkin na niya ito noon. Or baka naman may relasyon na ang dalawa at inilihim lang nila sa amin kaya ganoon siya ka-possesive? Dahil lumilipad ang aking isip ay hindi ko namalayan na tapos na pala ang seremonyas. Ini-announced na ng pari na mag-asawa na kami ni Alexander at sinabi na rin nito sa groom ang mga salitang "You may kiss the bride now". Kaya nang hilahin ni Alexander ang aking leeg at mariing hinalikan sa mga labi. Sa gulat ko ay bigla ko siyang itinulak at malakas na sinampal sa mukha.ElaraKabadong kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Alexander. Bakit kaya niya ako ipinapatawag? Para magpasalamat dahil ibinigay ko sa kanya ang kalayaan niya noon? Dahil sa wakas ay nagawa na nitong pakasalan ang babaeng totoong mahal nang hindi ako inaalala."Come in," narinig kong sabi ni Alexander mula sa loob ng opisina nito.Huminga ako ng malalim at kinompose ang sarili bago ko binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair at abala sa pagbabasa ng kung anong papeles na hawak nito."Yes, Sir? Ipinapatawag mo raw ako. What can I do for you?" agad na tanong ko kay Alexander sa pinaka-propesyunal na tono nang lumapit ako sa kanya. Sa halip na sagutin ang tanong ko sa kanya ay ipinagpatuloy lamang ni Alexander ang ginagawa nito na para bang hindi niya ako narinig. Nakaramdam ako ng inis ngunit hindi ko lamang ipinahalata. Obvious namang nais niya akong pahirapan."So you just recently joined the company." Sa wakas ay kinausap din ako ni Alexand
ElaraMabilis akong nagyuko ng ulo nang malapit na si Alexander sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung nakita na ba niya ako o hindi. Dalangin ko na sana ay hindi niya ako napansin. Ngunit hindi dininig ang dasal ko dahil biglang huminto sa tapat ko si Alexander pati na rin ang assistant nitong kasama. Napilitan tuloy akong mag-angat ng mukha at sinalubong ang kanyang tingin.Blangko. Iyon ang ekspresyon na nasa mukha ni Alexander habang nakatingin sa akin. Hindi ko nakita na nagulat siya o kahit ano pa mang reaksiyon mula sa kanya. Para lamang siyang nakatingin sa taong hindi niya kilala."What are you doing, Elara? Greet our new CEO," mariing utos sa akin ni Ms. Agot. Nakatingin lang kasi ako sa mga mata ni Alexander at hindi nagsasalita."Ahm, welcome to FD Group, Mr. Reed," bati ko sa kanya in a very professional tone. Hindi mahahalata ng kahit na sino na kilala ko ang lalaking kaharap ko.Ilang segundong nakatitig lamang sa akin si Alexander ngunit hindi nagsasalita. Iniiwas ko t
ElaraIto ang unang araw ko sa FD Group bilang isa sa kanilang bagong hired na senior designer. Maganda naman ang puwesto na nilagyan nila ng magiging mesa ko dahil malapit sa glass window. Kapag gusto kong ipahinga ang mga mata at kamay ko ay puwede akong tumingin sa labas ng bintana kung saan makikita ko sa ibaba ang napakagandang man-made garden. Nasa eight floor ang kinaroroonan ko at ang man-made garden ay nasa seventh floor lamang.Maayos naman ang pakikitungo sa akin ng mga katrabaho ko. Pero siyempre, hindi maiiwasan na may mga taong mukhang inis sa'yo kahit na wala ka namang ginagawang masama sa kanila. Nang ipinakilala ako kasi kanina ay nakita ko ang pagtaas ng kilay ng team manager namin at isang junior designer na kasama nito. Nagkibit ng balikat na lamang ako at hindi pinagtuunan ng pansin ang dalawang iyon. Unang araw ko pa lamang sa trabaho kaya hindi puwedeng makipagbanggaan agad ako sa kanila. Masisira ang record ko sa kompanya.Kung tutuusin ay hindi lang dapat i
ElaraNagkatinginan kami ni George nang makita namin na nasa loob din pala ng restaurant na pinasukan namin sina Isabella at Alexander. Napakaliit talaga ng mundo. Sa Canada ay ilang beses kaming muntikan nang magkita ni Alexander sa mga kumpetisyon na pareho naming sinalihan ni Isabella.Bilang CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni Isabella ay sinasamahan nito ang huli para suportahan lalo pa at dinadala ng babae ang pangalan ng kompanya bilang representative nito. Hindi pa kami nagkakaharap ni Alexander dahil agad akong uniiwas kapag nasa malapit siya sa akin. Pero si Isabella ay dalawang beses pa lamang kaming nagkakaharap at nakapag-usap. Hindi naman nito nakikilala ang boses ko at natatakpan ng maskara ang kalahati kong mukha kaya hindi niya alam na ang palaging tumatalo sa kanya sa mga international competition na si Olivia at ang ex-wife ni Alexander ay iisa. Kapag nalaman niya ang katotohanang iyon ay natitiyak kong hindi niya ito matatanggap."Mom? I said kamukha ko ang la
ElaraHindi ko na mabilang kung ilang beses na akong humugot ng malalim na buntong-hininga magmula nang sumakay kami ng eroplano mula Canada papuntang Pilipinas. Paglapag naman ng eroplano sa international airport ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng halo-halong emosyon. Narito na ulit ako sa bansa kung saan maraming masasaya at masasakit na mga alaala akong naiwan bago ako nangibang bansa.Marami kaming masasayang alaala ni Liam na magkasama na kailanman ay hindi ko makakalimutan. At siyempre, hindi ko rin malilimutan ang masasakit na nangyari sa akin. Ang pagkamatay ng mga magulang ko, ang panloloko sa akin ni Alexander at ang pagkamatay ng best friend ko.Biglang nag-ulap ang aking mga mata nang maalala ko ang mga magulang ko at si Liam. Kahit mahigit anim na taon na ang nakakalipas ay sariwa pa rin ang sakit na dulot ng kanilang pagkawala. Mayamaya lamang ay namalisbis na sa aking pisngi ang mga luha na pinipigilan kong lumabas. Mabilis akong nagpahid ng luha bago pa man ito ma
Elara6 years later,"The winner for this year's International Fashion Designer Competition is none other than the mysterious woman! Olivia!" masayang pag-aanounced ng host sa sodonym na ginagamit ko. Umugong nag malakas na palakpakan at hiyawan mula sa audience na pinaghalo-halo ng iba't ibang lahi. "Congratulations for the five years consecutive winner for this competition, Olivia. Please come up to the stage to receive your trophy and other awards." Nakangiting umakyat ako sa stage at tinanggap ang aking parangal. Nagbigay rin ako ng maikling speech ng pasasalamat para sa mga audience at hurado na naniwalang ako ang karapat-dapat na mag-uwi ng trophy bilang winner sa taong ito.Pinalitan ko ang dating sodonym ko ng Olivia. Ginawa ko ito bilang kasama sa pagbabagong buhay ko sa Canada. Six years ago ay namatay si Liam. Binangga ng ten wheeler truck ang kotse ng best friend ko. Idineklara ng doktor na dead on arrival na ito.Halos gumuho ang mundo ko nang mawala ang kaisa-isang tao