Elara Pov
"What are you doing, girl? It was the last part of the ceremony." Bigla akong natauhan nang marinig ko ang boses na iyon ni Liam. Saka ko lang na-realized na nasa nga pala ako ng simbahan at ikinakasal kay Alexander. Namula ang mukha ko sa pagkapahiya. Nang tapunan ko ng tingin ang mga taong nasa paligid ko namin ay nakalarawan sa mukha nila ang shock at pagtataka. Tiningna ko si Alexander at halos mag-isang linya na ang makakapal nitong kilay sa labis na pagkunot ng noo. Ramdam ko na nagtitimpi lamang siya at nais na niya akong tirisin, hilahin palabas ng simbahan at itapon sa kalsada. Lihim akong huminga ng malalim at napipilitang ngumiti ng apologetic. "I'm sorry. I didn't mean to hit you hard, Alexander. May lamok kasi sa pisngi mo at nais ko lamang itong patayin. Hindi ko sinasadyang mapalakas ang pagkakatampal ko sa pisngi mo," I apologized to him out of my nose. Hindi ko naman talaga pinagsisisihan na nasampal ko siya. That slapped serves him right. Walang umimik sa mga taong nasa paligid namin. Mukhang hindi sila naniwala sa excuse na sinabi ko. Napuno tuloy ng tension ang loob ng simbahan. "Oh, well. I'm sorry to all of you. Marami talagang lamok na nakakapasok sa simbahang ito lalo na sa mga ganitong oras." Ang pari ang bumasag sa tension sa paligid. Hindi ko alam kung totoo ang sinabi niya o kaya lamang niya iyon sinabi para maalis ang tension. Ngunit lihim akong nagpasalamat sa kanya dahil biglang ngumiti ang pareho naming ina ni Alexander at aming ninong at ninang. Mukhang naniwala naman sila sa sinabi ng pari. "Mabuti ang ginawa mo, Elara. Hindi natin alam kung carrier ba ng dengue ang lamok na iyon o hindi. My son is lucky to have an alert wife like you," nakangiting sabi sa akin ng ina ni Alexander. "Elara is always like that. Masyado siyang alerto at maingat," nakangiting wika naman ni Liam pagkatapos ay palihim akong kinindatan. Natawa na lamang ako ng mahina ngunit nang muli akong napatingin sa mukha ni Alexander ay agad nabura ang ngiti sa aking mga labi. Madilim ang mukha nito at halatadong hindi naniniwala sa mga sinabi ko at ng kaibigan ko. Well, wala naman akong pakialam kung maniwala siya o hindi. Tinaasan ko pa siya ng kilay kaya tila mas lalo siyang nainis sa akin. "I will never forget this moment, Elara. You will pay for what you did," mariing bulong ni Alexander sa gilid ng aking tainga. Nagbabanta ang tono nito. Ngunit hindi ako nakadama ng takot sa kanya. Mas nananaig ang galit ko dahil sa ginawa niya sa akin. Masyadong malaki ang damage ng ginawa niya sa akin at ang isang sampal na ibinigay ko sa kanya ay hindi sapat para mapantayan ang damage na iyon. "Mabuti naman at hindi mo makakalimutan ang sandaling ito, Alexander. Para naman may maaalala ka na ginawa ko sa'yo sa tuwing maiisip mo ako," nakangiting sagot ko sa kanya ngunit may diin sa bawat salita. Akmang sasagot siya sinabi ko ngunit hindi natuloy dahil lumapit na sa amin ang mama niya kasunod ng aking ina para i-congratulate kami. "I'm happy for you, son, and Elara. Congratulations to both of you. I hope you will give me a grandchild next year," masayang kausap sa amin ng ina nito. Una nitong niyakap si Alexander bago ako na yumakap naman muna sa aking ina. "Mag-iingat ka palagi, Elara. Kapag may problema ka ay tumwag ka lang sa akin," naluluhang sabi naman sa akin ng mama ko matapos niya akong yakapin. "Hindi na ako makakapunta sa reception dahil kailangan ko nang magpunta sa airport kasama ang Papa mo." Tumango ako sa kanya at bahagyang ngumiti. "Thanks, 'Ma. I will never forget what you said." Bumalik na sa dating pagiging maalalahanin ang aking ina kaya naman kahit labag sa loob ko ang kasal na ito ay masaya pa rin ako dahil nabuwag na ang malaking pader na nakaharang sa pagitan naming dalawa. "Mag-iingat kayo doon. Huwag mo ring kalimutan na palagi akong i-update sa kalagayan ni Papa." Tumango lamang ang Mama ko at pagkatapos ay muli akong niyakap. "Dumiretso na tayo sa hotel kung saan ako nagpa-book ng special room para sa munting celebration ng kasal ng anak ko," narinig kong sabi ng ina ni Alexander sa ninong at ninang ng kasal namin at pati na rin sa pari. "Gustuhin ko man na magtungo sa reception ay hindi maaari dahil may naka-schedule pa akong mass after ng wedding na ito," sagot ng pari sa ina ni Alexander. "I'm so sad to hear that, Father. I will invite you for lunch next time if you have time," nakangiting sagot naman ng aking mother-in-law na sinagot lamang ng pari ng tango. Matapos makipag-usap sa pari ay naglakad na palabas ng simbahan ang aking mother-in-law kasama ang ninong at ninang namin. Ang mama ko naman ay lumabas na rin ng simbahan para maghanda sa pag-alis nila ni Papa papuntang Amerika. Nang mapatingin naman ako sa mukha ni Alexander ay nahuli kong matalim at nagbabanta ang tingin niya sa akin bago ako iniwan at naunang naglaglakad palabas ng simbahan. Mabilis ang mga hakbang nito na para bang may nakakahawa akong sakit kaya nais niyang makalayo agad sa akin. Naku, Beshy. Mukhang nais ka ng lamunin ng buo ng husband mo," puna ni Liam nang lapitan niya ako. "But in fairness, lalong naging guwapo sa paningin ko si Alexander kaysa noon," pahabol pa nito na may kasamang kilig. "Guwapo? Sa tingin ko mas tumanda siya ng dalawampung taon kaysa noong huli ko siyang nakita. Masyadong matured na ang kanyang mukha," mabilis kong kontra sa sinabi ng best friend ko. Ngunit ang totoo ay sang-ayon ako sa sinabi ni Liam. Mas naging guwapo nga si Alexander ngayon kaysa noon. Mas lumaki at lumapad ang katawan nito. Siguro ay natuto nang magbuhat ng barbell or mag-gym kaya mas gumanda ang katawan. Seryoso ang mukha ni Alexander ngunit tila mas nakadagdag pa sa karisma nito ang pagiging seryoso. "Really? Hindi ka naguwapuhan sa husband mo?" Nanlaki ang mga mata ni Liam at hindi makapaniwalang tiningnan akong mabuti. "Baka naman sinasabi mo lang iyan dahil hate mo siya. Aminin mong guwapo talaga siya ngayon kaysa noon." "Puwede bang huwag mo nang ipagpilitan sa akin ang opinyon mo? Wala akong pakialam kung napogian ka sa kanya basta ako hindi. Okay? Period!" nakasimangot na wika ko sa kanya. "Okay fine. Huwag ka nang ma-highblood at baka matumba ka pa diyan. Imbes na masayang reception ang dadaluhan ko ay burol ang puntahan ko," exaggerated na wika ni Liam. "Pero grabe magbiro ang tadhana sa inyong dalawa, Beshy. Akalain mong ang taong kinamumuhian mo ang siya palang magiging husband mo? Hindi mo ba alam na kaibigan ng mama mo ang mommy ni Alexander?" Humugot ako ng malalim na buntong-hininga bago mariing umiling. Noong nangyari ang eskandal kasi ay hindi man lang inalam ng mga magulang ko kung sinong lalaki ang namahiya sa akin at kung sino ang mga magulang nito. "Iisipin ko na lamang na pinagtagpo kami ng tadhana para makapaghiganti ako sa ginawa niyang pamamahiya sa akin noon." "Paano na ang kasunduan mo at ng kanyang ina na bibigyan mo siya ng apo? Hindi mo na ba itutuloy ang balak mong magpabuntis agad sa asawa mo pagkatapos ng kasal niyo para kapag nakapanganak ka na ay makikipag-divorce ka na sa kanya?" Bigla akong natahimik nang marinig ko ang mga sinabi ng kaibigan ko. Sa tingin ko ay hindi ko matutupad ang huling binanggit ni Liam. Sa tingin pa lang ni Alexander na tila nais na akong ibaon sa kinatatayuan ko ay imposible na may mangyaring intimate sa aming dalawa. At makakaya ko kayang makipag-siping sa kanya gayong sa tuwing makikita ko siya ay maaalala ko lamang ang expression niya at mukha ng mga ka-schoolmate ko na nanlilibak, nang-iinsulto at natatawa akin noon?ElaraKabadong kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Alexander. Bakit kaya niya ako ipinapatawag? Para magpasalamat dahil ibinigay ko sa kanya ang kalayaan niya noon? Dahil sa wakas ay nagawa na nitong pakasalan ang babaeng totoong mahal nang hindi ako inaalala."Come in," narinig kong sabi ni Alexander mula sa loob ng opisina nito.Huminga ako ng malalim at kinompose ang sarili bago ko binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair at abala sa pagbabasa ng kung anong papeles na hawak nito."Yes, Sir? Ipinapatawag mo raw ako. What can I do for you?" agad na tanong ko kay Alexander sa pinaka-propesyunal na tono nang lumapit ako sa kanya. Sa halip na sagutin ang tanong ko sa kanya ay ipinagpatuloy lamang ni Alexander ang ginagawa nito na para bang hindi niya ako narinig. Nakaramdam ako ng inis ngunit hindi ko lamang ipinahalata. Obvious namang nais niya akong pahirapan."So you just recently joined the company." Sa wakas ay kinausap din ako ni Alexand
ElaraMabilis akong nagyuko ng ulo nang malapit na si Alexander sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung nakita na ba niya ako o hindi. Dalangin ko na sana ay hindi niya ako napansin. Ngunit hindi dininig ang dasal ko dahil biglang huminto sa tapat ko si Alexander pati na rin ang assistant nitong kasama. Napilitan tuloy akong mag-angat ng mukha at sinalubong ang kanyang tingin.Blangko. Iyon ang ekspresyon na nasa mukha ni Alexander habang nakatingin sa akin. Hindi ko nakita na nagulat siya o kahit ano pa mang reaksiyon mula sa kanya. Para lamang siyang nakatingin sa taong hindi niya kilala."What are you doing, Elara? Greet our new CEO," mariing utos sa akin ni Ms. Agot. Nakatingin lang kasi ako sa mga mata ni Alexander at hindi nagsasalita."Ahm, welcome to FD Group, Mr. Reed," bati ko sa kanya in a very professional tone. Hindi mahahalata ng kahit na sino na kilala ko ang lalaking kaharap ko.Ilang segundong nakatitig lamang sa akin si Alexander ngunit hindi nagsasalita. Iniiwas ko t
ElaraIto ang unang araw ko sa FD Group bilang isa sa kanilang bagong hired na senior designer. Maganda naman ang puwesto na nilagyan nila ng magiging mesa ko dahil malapit sa glass window. Kapag gusto kong ipahinga ang mga mata at kamay ko ay puwede akong tumingin sa labas ng bintana kung saan makikita ko sa ibaba ang napakagandang man-made garden. Nasa eight floor ang kinaroroonan ko at ang man-made garden ay nasa seventh floor lamang.Maayos naman ang pakikitungo sa akin ng mga katrabaho ko. Pero siyempre, hindi maiiwasan na may mga taong mukhang inis sa'yo kahit na wala ka namang ginagawang masama sa kanila. Nang ipinakilala ako kasi kanina ay nakita ko ang pagtaas ng kilay ng team manager namin at isang junior designer na kasama nito. Nagkibit ng balikat na lamang ako at hindi pinagtuunan ng pansin ang dalawang iyon. Unang araw ko pa lamang sa trabaho kaya hindi puwedeng makipagbanggaan agad ako sa kanila. Masisira ang record ko sa kompanya.Kung tutuusin ay hindi lang dapat i
ElaraNagkatinginan kami ni George nang makita namin na nasa loob din pala ng restaurant na pinasukan namin sina Isabella at Alexander. Napakaliit talaga ng mundo. Sa Canada ay ilang beses kaming muntikan nang magkita ni Alexander sa mga kumpetisyon na pareho naming sinalihan ni Isabella.Bilang CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni Isabella ay sinasamahan nito ang huli para suportahan lalo pa at dinadala ng babae ang pangalan ng kompanya bilang representative nito. Hindi pa kami nagkakaharap ni Alexander dahil agad akong uniiwas kapag nasa malapit siya sa akin. Pero si Isabella ay dalawang beses pa lamang kaming nagkakaharap at nakapag-usap. Hindi naman nito nakikilala ang boses ko at natatakpan ng maskara ang kalahati kong mukha kaya hindi niya alam na ang palaging tumatalo sa kanya sa mga international competition na si Olivia at ang ex-wife ni Alexander ay iisa. Kapag nalaman niya ang katotohanang iyon ay natitiyak kong hindi niya ito matatanggap."Mom? I said kamukha ko ang la
ElaraHindi ko na mabilang kung ilang beses na akong humugot ng malalim na buntong-hininga magmula nang sumakay kami ng eroplano mula Canada papuntang Pilipinas. Paglapag naman ng eroplano sa international airport ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng halo-halong emosyon. Narito na ulit ako sa bansa kung saan maraming masasaya at masasakit na mga alaala akong naiwan bago ako nangibang bansa.Marami kaming masasayang alaala ni Liam na magkasama na kailanman ay hindi ko makakalimutan. At siyempre, hindi ko rin malilimutan ang masasakit na nangyari sa akin. Ang pagkamatay ng mga magulang ko, ang panloloko sa akin ni Alexander at ang pagkamatay ng best friend ko.Biglang nag-ulap ang aking mga mata nang maalala ko ang mga magulang ko at si Liam. Kahit mahigit anim na taon na ang nakakalipas ay sariwa pa rin ang sakit na dulot ng kanilang pagkawala. Mayamaya lamang ay namalisbis na sa aking pisngi ang mga luha na pinipigilan kong lumabas. Mabilis akong nagpahid ng luha bago pa man ito ma
Elara6 years later,"The winner for this year's International Fashion Designer Competition is none other than the mysterious woman! Olivia!" masayang pag-aanounced ng host sa sodonym na ginagamit ko. Umugong nag malakas na palakpakan at hiyawan mula sa audience na pinaghalo-halo ng iba't ibang lahi. "Congratulations for the five years consecutive winner for this competition, Olivia. Please come up to the stage to receive your trophy and other awards." Nakangiting umakyat ako sa stage at tinanggap ang aking parangal. Nagbigay rin ako ng maikling speech ng pasasalamat para sa mga audience at hurado na naniwalang ako ang karapat-dapat na mag-uwi ng trophy bilang winner sa taong ito.Pinalitan ko ang dating sodonym ko ng Olivia. Ginawa ko ito bilang kasama sa pagbabagong buhay ko sa Canada. Six years ago ay namatay si Liam. Binangga ng ten wheeler truck ang kotse ng best friend ko. Idineklara ng doktor na dead on arrival na ito.Halos gumuho ang mundo ko nang mawala ang kaisa-isang tao