Elara Pov
7 years ago... "Maganda na ba ako, Liam? Sa tingin mo ba magagandahan sa akin si Alexander? Baka i-reject niya ang proposal ko," nag-aalalang tanong ko kay Liam matapos niya akong lagyan ng makeup sa mukha. Buong araw akong excited at kinakabahan. Ni hindi na nga ako nakakain ng maayos sa araw na ito dahil excited ako sa pagdating ng gabi. Mahalaga sa akin ang gabing ito. Tonight is our senior high school graduation ball. Ngunit hindi lang iyon. Dahil ngayong gabi ay balak kong mag-propose kay Liam. Tatanuningin ko siya kung puwede ko ba siyang maging boyfriend. Liam and I are schoolmates. Hindi man kami magkaklase ay madalas pa rin kaming magkasama sa loob ng school ng campus. Malapit kasi kami sa isa't isa. Siya ang tinaguriang male campus crush samantalang ako naman ang female campus crush. Marami ang nagpi-pair sa amin as a couple kahit na hindi naman siya nanliligaw sa akin. Ngunit hindi man siya nanliligaw sa akin ay hindi rin naman niya kinokontra ang mga schoolmates namin na nanunukso sa aming dalawa. Hindi lang ako ang nagkaka-crush kay Liam kundi marami kaming mga kababaihang estudyante sa school namin. Masuwerte kasi kung sino ang magiging girlfriend niya dahil unang-una ay guwapo, tapos matalino pa, at bonus na lang na mayaman siya. Ngayong graduate na kami at magkakahiwalay na kami ng papasukang school ay nag-aalala ako na baka may makilala siyang iba babae sa college. Hindi ko naman kasi kayang mag-aral sa school na pinapasukan niya dahil hindi mayaman ang pamilya ko. Kaya ngayon pa lang, habang close kami sa isa't isa ay magtatapat na ako ng nararamdaman ko para sa kanya. Inayusan at nilagyan ng mga lobo na hugis heart ang area sa campus kung saan kami madalas na tumatambay ni Alexander kapag free time. Lahat yata sa school namin ay nakakaalam na magpo-propose ako sa kanya maliban mismo sa kanya. All of them are rooting for me to get Alexander's sweet "yes". "My goodness, Elara! Ilang beses mo nang itinanong sa akin iyan. Hindi pa ba nagagasgas ang tainga mo sa mga sagot ko?" natatawang biro sa akin ni Liam, ang best friend kong napaka-supportive. "Kung hindi lamang ako gay ay tiyak na magkakagusto rin ako sa'yo. You're very beautiful inside and out. At saka, alam naman ng lahat na mutual understanding kayo ni Alexander kaya imposible na i-reject ka niya. Baka nga naghahanda na rin siya ngayon na magtapat ng nararamdaman niya para sa'yo." Na-touch ako sa sinabi ni Liam kaya niyakap ko siya. "You're a very supportive best friend. I'm really lucky to have you." "Huwag na tayong magdrama. Umalis na tayo at baka ma-late pa tayo sa graduation ball." Nang tila ayaw ko pang lumabas sa silid ko ay kinuha niya ang maliit kong shoulder bag at isinukbit sa kanyang balikat bago ako hinila palabas ng bahay namin. Habang papunta kami sa school ay labis ang kabang nararamdaman ko. Parang tatalon na nga palabas ng dibdib ko ang puso ko sa labis na kaba at antisipasyon na nararamdaman ko. Hindi ko akalain na ang excitement at saya na nararamdaman ko ay biglang mapapalitan ng matinding pagkapahiya at pagkadurog ng puso ko. Pagdating sa gate ng school ay agad na may sumalubong sa amin na kaklase ko at katulong sa pagde-decorate ng place kung saan ako magpo-propose kay Alexander. "Mabuti naman at dumating ka na, Elara. Sumama ka sa akin. Bilis!" Hindi pa man ako nakakapagtanong sa kanya kung saan niya ako dadalhin at bakit anxious siya ay hinila na niya ang kamay ko. Dinala niya ako sa lugar kung saan naroon ang aking surprise proposal para kay Alexander. Maraming mga estudyante ang nakapalibot at tila may pinapanuod. Hinawi ng kaklase ko ang mga estudyante na nakaharang sa daraanan namin hanggang sa tumambad sa paningin ang hindi magandang eksena. Nasa harapan ng aking surprise proposal si Alexander at hawak ang flower bouquet na inihanda ko para sa kanya. Kinabahan ako nang makita kong madilim ang mukha niya at tila hindi masaya sa kanyang nakita. "Ano ang ibig sabihin nito, Elara?" naniningkit ang mga mata na tanong ni Alexander sa akin matapos basahin ang mga salitang "Will You Be My Boyfriend" na nakasulat sa bawat lobo. Hindi ako makapagsalita. Tila nalunok ko ang aking dila kaya hindi ko magawang sagutin ang tanong niya. Obvious naman kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakikita kaya bakit pa siya magtatanong? "Hindi pa ba obvious, Alexander? Magtatapat sa'yo si Elara ng kanyang nararamdaman at tatanungin ka niya kung puwede bang maging boyfriend?" wika ni Isabela, isa sa mga babaeng may matinding crush kay Alexander. "Ang kapal naman ng mukha mo para gawin iyan, Elara. Ano ang tingin mo sa akin? Cheap? Makikipagrelasyon ako sa babaeng girlfriend ng bayan? Sa babaeng hindi lang isa ang boyfriend kundi halos lahat ng mga lalaking guwapong estudyante sa school ay nagiging boyfriend niya? Sa babaeng gold digger?" Pagkatapos magsalita ni Alexander ay inihagis niya sa sahig ang bulaklak na hawak niya at inapak-apakan at dinurog ng kanyang mga paa. Mas lalo akong hindi nakapagsalita aa ginawa niya. Pakiramdam ko ay hindi mga bulakkal ang tinapak-tapakan at dinurog ng kanyang mga paa kundi ang puso ko. Ang buo kong pagkatao. Hindi ko rin akalain na maririnig ko kay Alexander ang mga masasakit na salitang ito. Bakit niya ito sinabi sa akin? Hindi ba niya ako kilala? Hindi ba niya alam na lahat ng mga balita tungkol sa mga nagiging boyfriend ko ay hindi totoo? I am no boyfriend since birth. At lahat ng mga balita sa akin sa school about sa pagiging playgirl ay hindi totoo. Para sa akin ay pagsasayang lamang ng oras kung papansinin ko ang mga fake news na iyan. Alam ko naman na lahat ng iyon ay hindi totoo. Ngunit hindi ko akalain na naniniwala pala si Alexander sa mga balitang iyon. Biglang nag-ulap ang aking mga mata at nanghina ang aking mga tuhod kaya hindi ko napigilan ang mapaupo sa sahig. Napalapit naman sa akin si Liam nang makita ang nangyari sa akin. "Stand up, Elara! Huwag mong pakinggan ang mga sinabi ni Alexander. Huwag kang malungkot. Sa halip ay maging masaya ka dahil nakita mo ang totoong ugali niya," wika ni Liam habang pilit akong itinatayo. "Pagsabihan mo iyang kaibigan mo, Liam. Sabihin mo sa kanya na huwag siyang ambisyosa. Hindi magugustuhan ni Alexander ang slut na katulad niya!" nakangising wika ni Isabela na halatadong tuwang-tuwa sa nangyari. "Slut!" "Gold digger!" "Ambisyosa!" "Walang hiya!" Ilan lamang iyan sa mga masasakit na salita ma ibinabato sa akin ng mga estudyanteng nakapalibot sa akin sa pangunguna ni Isabela. Dinampot nila ang mga bulaklak na dekorasyon at ibinato sa akin habang binabato rin ako ng mga panget na salita. Gusto kong humagulgol ng iyak ngunit ayaw tumulo ng aking mga luha. Masyado yata akong na-shock sa hindi ko inaasahang nangyari. Liam shielded me with his body para siya ang tamaan ng mga ibinabato sa akin ng mga estudyante. Galit na galit sila na para bang nakagawa ako ng malaking kasalanan sa kanila. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Isabela at Alexander na magkahawak ang mga kamay habang naglalakad palayo sa akin. Saglit na lumingon sa akin si Isabela at umismid bago. Lalong nadurog ang aking puso sa aking nakita. Sa pagkakataong ito ay tumulo na ang aking mga luha na kanina ay ayaw lumabas. Mahigpit na ikinuyom ko ang aking mga kamao. Hindi lang sakit ng dibdib at matinding pagkapahiya ang nararamdaman ko ngayon kundi galit. Galit para kay Alexander. Hindi naman niya ako kailangang ipahiya ng ganito kung hindi niya ako gusto. He could reject me in a nice way dahil hindi ko naman ipagpipilitan sa kanya ang akíng sarili. Ngunit mas pinili niyang ipahiya ako sa harapan ng aming mga ka-schoolmate. He is heartless! Kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang ito sa akin. At kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay gagantihan ko siya sa ginawa niyang ito sa akin! Ipaparanas ko rin sa kanya kung paano ang masaktan at mapahiya sa harapan ng maraming tao? Isinusumpa ka iyan!Elara Pov"Elara? Hey?" Malakas na tapik sa aking balikat ang napagbalik sa aking isip sa kasalukuyan. Bigla kasing dumaloy sa aking isip ang alaala kung bakit ako nawalan ng paniniwala sa pag-ibig nang makita ko ang mukha ni Alexander na siya palang groom ko. "Anong nangyari sa'yo? Bakit ka huminto sa paglalakad? Para kang nakakita ng multo.""Look at the groom," mahina ang boses na sabi ko kay Liam. Hindi pa yata nito napansin ang groom ko kaya.Tumingin nga si Liam sa groom at hindi nito napigilan ang mapatili ng bahagya nang makita ang seryosong mukha ni Alexander. Halos magdikit na ang mga kilay nito sa labis na pagkakakunot ng noo habang nakatingin sa akin. Akala naman ng mga taong nasa paligid namin na na-guwapuhan lamang si Liam sa groom kaya ito napatili kaya nagtawanan ang mga ito. Hindi nila napapansin ang tension na unti-unting nabubuo sa paligid namin."Oh my God, Elara! Is this a joke? Binibiro ka ba ng tadhana?" hindi napigilang komento ni Liam sa mahinang tinig. "We
Elara Pov"What are you doing, girl? It was the last part of the ceremony." Bigla akong natauhan nang marinig ko ang boses na iyon ni Liam. Saka ko lang na-realized na nasa nga pala ako ng simbahan at ikinakasal kay Alexander. Namula ang mukha ko sa pagkapahiya. Nang tapunan ko ng tingin ang mga taong nasa paligid ko namin ay nakalarawan sa mukha nila ang shock at pagtataka. Tiningna ko si Alexander at halos mag-isang linya na ang makakapal nitong kilay sa labis na pagkunot ng noo. Ramdam ko na nagtitimpi lamang siya at nais na niya akong tirisin, hilahin palabas ng simbahan at itapon sa kalsada.Lihim akong huminga ng malalim at napipilitang ngumiti ng apologetic. "I'm sorry. I didn't mean to hit you hard, Alexander. May lamok kasi sa pisngi mo at nais ko lamang itong patayin. Hindi ko sinasadyang mapalakas ang pagkakatampal ko sa pisngi mo," I apologized to him out of my nose. Hindi ko naman talaga pinagsisisihan na nasampal ko siya. That slapped serves him right.Walang umimik sa
Elara Pov Pagbukas ni Liam sa pintuan ng room ng luxury hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Alexander at pina-reserved ng aking mother-in-law ay nagulat ako sa aking nakita. Hindi ko inaasahan na marami pa lang inimbitang mga kamag-anakan at close friends ang aking mother-in-law. Ang usapan namin ay immediate family lamang at ang ninong at ninang ang mga bisita ngunit hindi nangyari. Dahil sa tantiya ko ay aabot ng tatlumpung bisita ang nasa loob ng silid.Lahat ng mga bisita ay nakangiti at nakatingin sa akin. Natutuwa silang makita ako. Ngunit ang pakiramdam ko ay parang pinagtatawanan nila ako. Minamaliit dahil hindi ako kasing-yaman ng pamilya ni Alexander."The bride is finally here!!!" Narinig kong sigaw ng tinig ng isang babae. Para akong napako sa bukana ng pintuan. Tila naka-glue ang aking mga paa sa sahig kaya hindi ko ito maihakbang. Naramdaman ko rin ang biglang pamamawis ng malamig ng aking mga palad."Lower your eyes, Beshy. Huwag mo silang tingnan sa mukha para hindi
Elara Pov"Sinasabi ko na nga ba't may pinaplano kang hindi maganda, Elara. Gusto mong magkaanak agad sa akin? For what? Para magkaroon ka ng pagkakataon na makahawak sa ariarian ng pamilya ko?" galit na tanong ni Alexander sa akin. Narinig naman niyang hindi ako ang nagsalita ng bagay na iyon kundi ang kaibigan ko ngunit sa akin pa rin siya nagalit. Nakatatak na talaga sa utak niya na masama akong babae kaya kahit anong marinig niya, kahit na hindi nagmula sa bibig ko ay iisipin niyang sa akin nagmula ang ideya. "Huwag ka namang magalit, Alexander. Binibiro ko lang naman si Elara. Never niyang gagawin iyon sa'yo." Agad na ipinagtanggol ako ng kaibigan ko laban kay Alexander."Really? Hindi niya gagawin iyon?" Tinapunan niya ako ng nang-iinsultong tingin. "Hindi nga ba't kinaya niyang mapahiya sa harapan ng maraming tao makapagtapat lamang sa akin ng pag-ibig niya?"Lihim akong napasinghap at napakuyom ng kamao nang ipaalala niya sa akin ang nakalipas na iyon na pilit kong kinakalimu
Elara PovNapalunok ako ng laway ko nang pumasok si Alexander sa loob ng silid na madilim ang mukha. Hindi ko inakala na babalik pa siya pagkatapos ng pag-uusap namin kanina."Mabuti naman at nandito ka na, Alex. Alagaan mo itong asawa mo dahil masyadong mahiyain," nakangiting kausap ng mother-in-law ko sa kanyang anak. Pasalamat ako na biglang nagbago ang madilim na expression ni Alexander nang humarap sa kanya ang kanyang ina. Siguro ayaw nitong makita na madi-disappoint ang ina nito kaya pinipilit na lamang nito ang sarili na magpakahinahon sa harapan ng kanyang ina. "Are you sure na mahiyain ang manugang mo, Mom?" nakangiting sagot ni Alexander sa kanyang ina. Iyong klase ng ngiti na para bang nagsasabi na nagkakamali ng iniisip ang kanyang ina dahil hindi ako mahiyain sa halip ay wala akong hiya. Ngunit mukhang hindi nahalata ng ina nito ang nais iparating ni Alexander o baka naman talagang hindi lamang ito pinansin ng mother-in-law ko."Yes, of course!" mabilis na sagot ng aki
Elara PovNakatitig lamang ako sa contract agreement na nasa kamay ko habang si Alexander naman ay nakataas ang isang kilay sa pagkakatingin sa akin."Yes. It's a contract agreement," he confirmed. "I told you that I won't let you have your way. So pirmahan mo na iyan para wala na tayong maraming usapan. Don't tell me ayaw mong pirmahan ang contract agreement na iyan dahil gusto mong maging Mrs. Reed forever?" Umiling-iling si Alexander na para bang sinasabi nito na imposibleng mangyari iyon.Lihim akong huminga ng malalim. Hindi naman sa ayaw kong pumirma sa contract agreement na ibinigay niya. Iniisip ko lang na pumirma na ako ng contract agreement sa kanyang ina tapos pipirma naman ako sa contract agreement ng anak. Ganito ba talaga ang mag-ina? Idinadaan lahat sa contract agreement ang gusto nilang mangyari?Sa halip na sumagot kay Alexander ay binasa ko ang mga condition na nilalaman ng contract agreement. Napakunot ang aking noo matapos ko itong mabasa. Lahat ng nakasulat na con
Alexander PovTahimik akong umiinom ng alak sa sulok ng bar na pagmamay-ari ni Edzel, ang best friend ko. Actually, co-owner din ako sa bar na ito. Dalawa kaming nagtayo sa negosyong ito dahil pareho kaming mahilig sa night life noong nag-aaral ako ng college abroad. Sabay kaming nag-graduate at bumalik sa bansa. Nag-open kami ng bar para kapag gusto naming uminom o mag-relax kapag may oras sa aminh mga busy schedules ay hindi na namin kailangan pang maghanap ng bukas at hindi mataong bar. Ngunit hinayaan kong si Edzel na lang ang mag-isang mag-manage ng bar dahil marami na akong responsibilidad sa balikat ko. Magmula nang bumalik ako sa bansa ay ako na ang namahala sa mga negosyong dati ang mom ko ang namamahala. Ngayon ay ako na ang CEO ng Reed Conglomerate. Nago-operate ito sa iba't ibang sektor tulad ng real estate, banking, at marami pang iba. Siguro, ang uri ng pamumuhay na mayroon ako ang siyang dahilan kung bakit hindi tumigil si Elara para magtagumpay ang plano nitong maging
Elara PovKanina pa ako nakahiga sa kama ngunit hindi ako makatulog. Naligo na nga ako para mapreskuhan ang pakiramdam ko at makatulog agad ngunit wala iyong epekto. Hanggang ngayon ay mulat pa rin ang mga mata ko at pabiling-biling sa higaan. Para bang maalinsangan sa katawan.Humugot ako ng malalim bago nagpasyang bumangon at bumaba sa kama. Kinuha ko ang nakasampay na puting bathrobe at isinuot bago ako lumabas sa kuwarto ko. May terrace sa tabi ng aking silid kaya nagpasya akong doon magpahangin at magpa-antok. Humawak ako sa barandilya at tumingala sa kulay blue na kalangitan. Maliwanag ang bilog na buwan kaya naman kitang-kita ko rin kung gaano kaaliwalas ng kalangitan. Napakatahimik pagmasdan ang mga ulap na marahang gumagalaw sa ihip ng hangin. Bigla tuloy akong naiinggit sa kanila. Mabuti pa sila, payapa sa itaas samantalang ang isip ko ay parang ulap na gumagalaw sa kahit saang panig dahil sa malakas na hangin na tumatangay sa kanila.Iniisip ko ang sinabi ni Liam sa akin.
Elara "Hindi mo pa siya dapat patayin, Rona. Ang usapan natin ay saka mo siya papatayin pagkatapos naming matikman at pagsawaan ang katawan niya," narinig kong pigil ni Henry kay Rona.Nagmulat ako ng mga mata at tinapunan ng masamang tingin ang lalaking nagsalita. "Mas gugustuhin ko pang patayin na kaagad ni Rona kaysa lapastanganin niyo ang katawan ko.""Well, sorry ka na lamang, Elara. Dahil iyon ang napag-usapan namin bago ka namin kidnapin," nakangising wika naman ni Dante. "Ang tagal na kitang gustong tikman at sa wakas ay matutupad na rin ito." Tila gutom sa pagkain na tinapunan ako ng tingin ni Dante mula ulo hanggang paa. Nakalarawan sa mukha nito ang matinding pagnanasa."Hindi ba kayo nandidiri sa babaeng iyan? Ilang beses na siyang tinikman ni Alex. Inubos na ni Alex ang sarap niya kaya at hindi kayo tinirahan. Gusto niyo pa rin ba siyang tikman?" inis na tanong ni Rona sa dalawang lalaki pagkatapos ay tinapunan ako ng nang-iinsultong tingin. "Nag-usap na tayo tungkol di
Elara Nagising ako sa loob ng isang silid at nakahiga sa malamig na sahig habang nakatali ang mga kamay at paa ko. Kahit na hirap ay agad akong bumangon. Napakunot ang noo ko nang makita kong hindi lang pala ako nag-iisa sa silid na iyon. Dahil katulad ko ay nasa silid din si Hannah at nakatali ang mga kamay at paa habang nakahiga sa sahig. Walang malay pa ito kaya hindi nito alam ang sitwasyon nito ngayon. Gamit ang puwit ay lumapit ako kay Hannah at malakas na niyugyog ang mga balikat niya para magising siya. Ilang saglit pa ay nagmulat na ito ng mga mata. Agad na nanlaki ang mga mata nito at galit na tinapunan ako ng tingin nang makitang nakagapos ang mga paa at kamay nito. "How dare you kidnap me, Elara! Release me now, or else I will let your whole family be imprisoned!" galit na sigaw nito sa akin. Malakas na tinampal ko siya sa braso sa inis. "Una, wala akong pamilya na maipapakulong mo kasama ko dahil patay na ang mga magulang ko. Pinatay sila last week lamang. Pangalaw
ElaraMatapos bumalik ang lakas ko ay nagpasama ako kay Liam para bisitahin ang puntod ng mga magulang ko. Muli, hindi ko napigilan ang mapahagulgol sa harap ng kanilang puntod. Ang sakit at bigat sa dibdib na wala na sila. Parang ngayon pa lang masyadong nagsi-sink in sa isip ko na wala na talaga sila. Na kahit kailan ay hindi ko na sila makikitang buhay at mayayakap ng mahigpit.Mas madali ko sigurong matatanggap na wala na ang mga magulang ko kung pareho silang namatay sa sakit o di kaya ay sa aksidente. Ngunit ang kaalaman na pinatay sila at pinilit nilang lumaban para mailigtas ang kanilang buhay ay nagpapahirap sa akin na tanggapin ang katotohanan na iniwan na nila ako."Tahan na, Beshy. Baka kung mapaano ka naman dahil sa labis na pag-iyak," awat sa akin ni Liam habang marahang hinahagod ng palad niya ang likuran ko.Pinahid ko ang aking mga luha at binigyan ng isang malungkot na ngiti ang kaibigan ko. "Don't worry, Bestie. Hindi na mauulit ang nangyari sa akin.""You can cry,
ElaraMasakit mang tanggapin ang nangyari sa mga magulang ko ay pilit ko iyong tinanggap. Hindi ako gagaling at babalik sa normal kung hindi ko ma-overcome ang trauma ko sa pagkamatay ng mga taong pinakaimportanteng tao sa sa akin. Ito na ang pangalawang beses na nagkaroon ako ng trauma. At parehong connected kay Alexander ang aking mga nagiging trauma. Hindi na dapat nagtagpo ang mga landas naming dalawa. Baka hanggang ngayon ay buhay pa rin ang mga magulang ko."Kumain ka, Beshy. Naglugaw ako para sa'yo. Sabi kasi ng doktor ay huwag ka munang pakainin ng matitigas na pagkain kaya pagtiyagaan mo na lamang ang niluto kong lugaw. "Dinala ni Liam sa bedside table ang dala nitong lugaw at isang baso ng tubig. Nakikita ko sa kilos at pagsasalita ng kaibigan ko na nais nitong maiyak ngunit pinigilan nito ang sarili. Siya na lamang ang kinakapitan ko. Kung katulad ko ay magbi-breakdown din siya ay sino na ang mag-aasikaso sa akin? Napakalaki ng utang na loob ko kay Liam. May sarili siyan
Elara Tulala ako habang nakahiga sa aking kama. Sa tabi ng kama ko ay nakaupo si Liam na hindi malaman kung ano ang gagawin. Magmula nang pagbalikan ako ng aking malay ay hindi pa ako nagsasalita. Pakiramdam ko bigla akong nawalan ng kakayahang magsalita. Hindi ko mahagilap ang boses ko kahit na gusto kong magsalita, humagulgol at sumigaw ng malakas. Paggising ko ay nakaupo na sa gilid ng kama ko ang aking kaibigan at marahang hinahaplos ang aking buhok. Halatado na katatapos pa lamang nitong umiyak. Siguro ay tumawag siya sa akin at nang hindi ko sinasagot ang tawag niya ay nagpunta na siya sa bahay ng mga magulang ko para alamin kung bakit hindi ko sinasagot ang tawag niya. At malamang nang dumating siya ay nalaman niya mula sa mga taong nag-uusyuso kung ano ang nangyari sa mga magulang ko. "Magsalita ka naman, Beshy. Huwag ka namang ganyan. Tinatakot mo ako," kausap sa akin ni Liam. Bahagyang nag-crack ang boses nito sanhi ng pagpipigil nitong umiyak. "Ano na ang gagawin ko magi
Elara Nagliligpit ako ng mga gamit ko sa ibabaw ng table ko at naghahanda para umuwi sa araw na iyon nang pumasok sa office ko si Liam. Malawak ang pagkakangiti nito nang maupo ito sa upuan na nasa harapan ng table ko. "What is it again this time? Malawak ang ngiti mo kaya natitiyak ko na may plano ka naman para sa akin, right?" Inunahan ko na siya. Kapag ganito kasi ang kilos niya pagpasok sa office ko ay tiyak may balak na naman itong gawin. "Don't worry, Beshy. This time, wala akong balak na iset-up ka ng date. I just came to follow-up," nakangiting sagot nito sa akin. Tumaas ang kilay sa sinabi niya. "Follow-up? For what?" Ano naman ang ipa-follow-up niya sa akin? "It's about my friend Rex. So, what do you think of him?" Nagkibit ako ng balikat. "Okay lang siya. Maayos naman siyang kausap. Gentleman siya at hindi bastos." "That's it? Wala ka nang ibang sasabihin pa tungkol sa kanya?" tanong ni Liam na biglang nalukot ang ilong nang marinig ang sinabi ko. "Wala ka bang
Elara Matapos kong ipagtabuyan si Alexander ay hindi na ulit siya nagpunta sa bahay ng mga magulang ko. Akala ko ay babalik pa siya ngunit hindi iyon nangyari. Aminin ko man o hindi ngunit nakaramdam ako ng disappointment dahil doon. Hindi na rin siya nagtangkang puntahan ako sa kompanya namin. Naisip ko na baka na-realized niyang mabuti nga siguro na magkahiwalay na kami ng tuluyan para walang gulo. "Beshy, may lakad ka ba mamayang gabi?" tanong sa akin ni Liam. Nasa loob kami ng opisina niya at nagmi-meryenda. Breaktime kaya nagkaroon kami ng time na magkuwentuhan. "Wala naman. Bakit?" "Can you come with me?" Nagdududang tinapunan ko siya ng tingin. "Ano na namang kalokohan ang nais mong gawin?" Umirap sa akin si Liam bago sumagot. "Hindi ito kalokohan, girl. May kakilala akong gusto ka niyang makilala. Actually, nakita ka na raw niya ng ilang beses ngunit wala siyang courage na lumapit sa'yo at magpakilala. Kaya hiningi na niya ang tulong ko since alam naman niyang best
Elara Nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko mula sa doktor na nag-asikaso kay Alexander na maayos na ang kalagayan niya. Hindi naman grabe ang tinamong pinsala niya sa ulo. Pasalamat din ako nang lumabas ang resulta ng CT Scan nito at hindi nagkaroon ng damage ang utak nito.Nang malaman kong okay na si Alexander at ano mang oras ay magigising na ito ay saka lamang ako nagpasyang umalis ng hospital. Ngunit pinigilan ako ni Edzel nang makita niyang aalis na kami ni Liam."Hindi mo ba hihintayin na magising si Alex bago ka umalis, Elara? Tiyak hahanapin ka niya kapag nagkamalay na siya," sabi ni Edzel sa akin. Alam ko na nais lamang niyang manatili ako sa tabi ni Alexander para magkaroon kami ng pagkakataong makapag-usap. Ngunit nakapagdesisyon na ako na tuluyan ko na siyang lalayuan kaya hindi ko na kailangan na manatili pa sa kanyang tabi."Sabi ng doktor ay ligtas na siya. Nandito naman kayo ni Rona kaya may magbabantay sa kanya," malamig ang boses na sagot ko sa kanya. Pagkatapo
ElaraMagmula nang ni-reject ko sa harapan ng maraming tao ang marriage proposal sa akin ni Alexander ay himalang gumaling ako sa karamdaman ko. Biglang nawala ang aking social phobia. Kung ano-anong paraan na ang ginawa namin noon pero walang epekto. At hindi ko akalain na ang makakapagpagaling lang pala sa akin ay iyong maranasan din ni Alexander ang mapahiya sa harapan ng maraming tao na ako ang may kagagawan.Pinadalhan ko siya ng divorce paper para lubusan na akong makakawala sa kanya. Masakit pero kailangan kong tanggapin na hanggang dito na lang kami. Ilang araw lamang ay bumalik na sa akin ang divorce paper na pirmado ni Alexander. Para lubusang wala na kaming koneksiyon sa isa't isa ay binayaran namin ni Papa ang mga nagastos ng ina ni Alexander sa pagpapagamot kay Papa. Hinintay ko na kasuhan ako ni Alexander sa pag-breach ng contract agreement namin gaya ng sinabi niya sa akin noon ngunit hindi naman niya ako kinasuhan. Siguro ay nagi-guilty pa rin siya dahil kung hindi sa