Elara6 years later,"The winner for this year's International Fashion Designer Competition is none other than the mysterious woman! Olivia!" masayang pag-aanounced ng host sa sodonym na ginagamit ko. Umugong nag malakas na palakpakan at hiyawan mula sa audience na pinaghalo-halo ng iba't ibang lahi. "Congratulations for the five years consecutive winner for this competition, Olivia. Please come up to the stage to receive your trophy and other awards." Nakangiting umakyat ako sa stage at tinanggap ang aking parangal. Nagbigay rin ako ng maikling speech ng pasasalamat para sa mga audience at hurado na naniwalang ako ang karapat-dapat na mag-uwi ng trophy bilang winner sa taong ito.Pinalitan ko ang dating sodonym ko ng Olivia. Ginawa ko ito bilang kasama sa pagbabagong buhay ko sa Canada. Six years ago ay namatay si Liam. Binangga ng ten wheeler truck ang kotse ng best friend ko. Idineklara ng doktor na dead on arrival na ito.Halos gumuho ang mundo ko nang mawala ang kaisa-isang tao
Elara"Napakawalang-hiya talaga ng Alexander na iyon! Sayang lang at pinagkatiwalaan natin siya! Kung naging lalaki lamang ako ay binugbog ko na siya. Ang sarap nilang pagbuhulin ng Isabella na iyon!" galit na reaksiyon ni Liam nang ipakita ko sa kanya ang mga litrato na sinend ni Isabella sa akin. Malakas ang loob ng babaeng iyon na mag-send sa akin ng ganoong pictures at sariling account pa talaga nito ang ginamit sa pag-send."Kung hindi lamang ako buntis at makakasama sa baby ko ang baka sinugod ko na siya sa bahay niya at sinabunutan. Ayokong may masamang mangyari sa baby ko kaya mas pinili ko na lamang na manahimik at lumayo," may lungkot ang tinig na sabi ko sa kaibigan ko."Ang landi talaga ng babaeng iyon. Alam na nga niyang may asawa na si Alexander ay kinalantari pa rin niya. Hindi na lang siya nagpakamot sa mga unggoy sa Manila Zoo para na-satisfy ang kati niya. At ang Alexander na iyon naman ay napakasinungaling. Amg sabi niya ay mahal na mahal ka niya pero ano ang ginawa
ElaraPagkagising ko kinaumagahan ay wala na sa tabi ko sa Alexander. Akmang babangon na sana ako nang makaramdam ako ng pagkahilo. Naupo na lamang ako sa kama at pinalipas ang pagkahilong nararamdaman ko. Mayamaya naman ay biglang humilab ang aking sikmura. Napatakbo ako papunta sa banyo habang nagduduwal.Hinang-hina ang pakiramdam ko nang bumalik ako sa kama. Ilang araw nang masama ang pakiramdam ko. Alam ko na morning sickness ang itong mga nararanasan ko kaya hindi na ako nag-abala pang magtungo sa hospital para magpa-check-up. Pahinga lamang ang kailangan ko. Pagkatapos kong maramdaman ang mga sintomas ng pagbubuntis ay babalik na ang dati kong lakas.Sa halip na bumaba ay sa sala ay nanatili ako sa silid at natulog na lamang. Tumawag na lamang ako sa staff ko sa shop para ipaalam na hindi ako makakapasok kaya sila na muna ang bahala sa shop. Maaasahan ko naman sila kaya palagay ang loob ko na iwan ang shop sa kanilang pangangalaga kapag wala ako.Tanghali nang muli akong magisi
Alexander Nasa bar ako ngayon kasama si Edzel at umiinom ng alak. Magmula nang magkabalikan kami ni Elara at nagpasyang magpakasal ulit ay ngayon na lang ako nagtungo sa bar para uminom."Hindi mo pa ba nasasabi kay Elara ang tungkol kay Isabella?" tanong ni Edzel sa akin matapos sumimsim ng wine sa baso nito. Agad nitong nahulaan kung ano ang problema mo. He really is my best friend. Hindi ko pa sinasabi sa kanya kung ano ang problema ko alam na agad niya.Bahagyang tumango ako sa kanya. "I don't know how to tell her, Bro. Natatakot ako na maging iba ang tingin niya. Baka mag-isip siya ng masama kapag nalaman niyang nagbalik na si Isabella at ngayon ay nagtatrabaho ito sa kompanya ko."Napalatak si Edzel sa narinig. "Mas lalo siyang mag-iisip ng masama kapag siya mismo ang makatuklas sa pagbabalik ng ex-girlfriend mo. Isipin mo kung ikaw ang nasa kalagayan ni Elara, Bro. Hindi ka ba mag-iisip ng masama kapag natuklasan mong nagbalik ang ex-girlfriend mo at nagtatrabaho sa kompanya
Elara"So, what happened? Kinompromta mo ba si Alexander tungkol kay Isabella?" tanong sa akin ni Liam. Nasa bahay niya kami dahil walang pasok ngayon sa opisina. Wala ang mag-ina nito sa bahay nila dahil nagbabakasyon sa ibang bansa. Kahit na nalulungkot ako dahil sa nangyayari ngayon sa buhay ko ay natutuwa naman ako para sa kaibigan ko. Pinangatawanan nito ang babaeng nabuntis nito at pinakasalan. Ngayon ay masayang nagsasama ang dalawa kasama ang cute na cute na inaanak ko."Hindi ko magawang itanong sa kanya ang bagay na iyon, Bestie. Wala akong lakas ng loob para sabihin iyon," mahina ang boses na sagot ko sa kanya matapos kong umiling. "Ngunit binigyan ko siya ng chance para kusang sabihin niya sa akin na nagbalik na si Isabella. Pero hindi niya ginawa. It means, he intentionally hid it from me."Humugot ng malalim na buntong-hininga si Liam at naaawang tinitigan ako. "Akala ko pa naman ay magiging happy ka na, Beshy. Akala ko tapos na ang unos at mga pasakit sa buhay mo.""Ak
Elara Parang nilamukos ang dibdib ko dahil sa aking nakita. Bagama't magkasama lamang ang dalawa sa kotse at walang ginagawang masama ay nakaramdam pa rin ako ng sakit. Isabella was Alexander's ex-girlfriend. His first love. Kung hindi lamang tinakot ni Rona ang babae ay hindi ito makikipaghiwalay kay Alexander at magpapakalayo. Kung siya lumayo noon ay mag-asawa at may mga anak na sana sila ngayon.The fact na hindi sinabi o binanggit man lamang sa akin ni Alexander na nagbalik na si Isabella at nagkikita ang dalawa ay labis naghatid sa akin ng sobrang sakit at takot. I felt jealous. Siguradong masayang-masaya ngayon si Alexander dahil nagbalik na ang babaeng tunay nitong mahal. At natatakot ako na baka isang araw ay bigla na lamang siyang makipaghiwalay sa akin para si Isabella ang pakasalan.Dahil sa aking natuklasan ay nawalan ako ng ganang sabihin kay Alexander ang magandang balita. Sinabihan ko na lamang ang driver na ihatid ako sa address na ibinigay ko sa kanya.Sa halip na s