Elara Pov
"Sinasabi ko na nga ba't may pinaplano kang hindi maganda, Elara. Gusto mong magkaanak agad sa akin? For what? Para magkaroon ka ng pagkakataon na makahawak sa ariarian ng pamilya ko?" galit na tanong ni Alexander sa akin. Narinig naman niyang hindi ako ang nagsalita ng bagay na iyon kundi ang kaibigan ko ngunit sa akin pa rin siya nagalit. Nakatatak na talaga sa utak niya na masama akong babae kaya kahit anong marinig niya, kahit na hindi nagmula sa bibig ko ay iisipin niyang sa akin nagmula ang ideya. "Huwag ka namang magalit, Alexander. Binibiro ko lang naman si Elara. Never niyang gagawin iyon sa'yo." Agad na ipinagtanggol ako ng kaibigan ko laban kay Alexander. "Really? Hindi niya gagawin iyon?" Tinapunan niya ako ng nang-iinsultong tingin. "Hindi nga ba't kinaya niyang mapahiya sa harapan ng maraming tao makapagtapat lamang sa akin ng pag-ibig niya?" Lihim akong napasinghap at napakuyom ng kamao nang ipaalala niya sa akin ang nakalipas na iyon na pilit kong kinakalimutan. Huminga ako ng malalim at ilang segundong pumikit para pakalmahin ang sarili ko. Pagmulat ko ng mga mata ay mas okay na ako at matapang kong sinalubong ang kanyang mga mata. "Don't worry, Alexander. Hindi kita lalasingin. Hindi ko kailangang gawin iyan para lamang anakan mo ako. Nagawa ko ngang mapakasalan mo, ang magkaroon pa kaya ng anak mula sa'yo." Sa halip na ipakita sa kanya na galit ako ay isang nakakainis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Alam ko na labis siyang maiinis sa sinabi ko at mas lalo niya akong pag-iisipan na masamang babae ngunit wala na akong pakialam pa. Kahit man lang sa pamamagitan ng pang-iinis o sabihin ang mga salitang ikagagalit niya ay magawa kong magantihan ang ginawa niya sa akin noon. Tama nga ako sa aking naisip. Dahil nang marinig ni Alexander ang sinabi ko ay mas lalong nagdilim ang kanyang mukha at mabilis siyang nakalapit sa akin. Mariin niyang hinawakan ang mga balikat ko at niyugyog ng malakas. "Tandaan mo ito, Elara. Hindi ka magtatagumpay sa anumang binabalak mong gawin. I will never touch you kaya huwag ka nang umasa pa na magkakaroon ka ng anak sa akin. Because it will never happen even in your wildest dream," nagngangalit ang mga ngipin na wika niya. Tinapunan ko naman siya ng tingin na naghahamon. "Really, Alexander? Just wait for it. Magugulat ka na lang dahil buntis na ako. Because I successfully raped you." Inalis ko ang mga kamay niyang nakahawak sa mga balikat ko. Nasasaktan na kasi ako sa mahigpit niyang pagkakahawak sa akin dahil halos bumaon sa malambot kong balat ang kanyang mga daliri. "Shamless, gold digger!" puno ng disgusto na wika ni Alexander bago walang paalam na iniwan kami at nagpupuyos ang kalooban na lumabas sa silid na kinaroroonan ko. Malakas na pumalakpak si Liam nang wala na sa loob ng silid si Alexander. "Very well, my beshy. Ganyan nga ang gawin mo. Inisin mo siya. Galitin mo siya. Ipakita mo sa kanya na hindi na ikaw ang Elara na madali at kayang-kaya niyang saktan." Huminga ako ng malalim at napailing. "Sa ginawa ko ay mas lalo lamang hindi magiging mapayapa ang pagtira ko sa bahay niya." "Paibigin mo na lang kaya siya, beshy? Who knows, kayo pala talaga ang itinadhana para sa isa't isa? Tiyak na magiging guwapo at maganda ang mga anak ninyo kapag pinaghalo na ang genes niyo." "Tumigil ka na nga diyan sa mga suggestion mong hindi nakakatulong sa akin." Mariin akong umiling. "Sa tingin mo ay mamahalin ako ng lalaking iyon gayong hanggang ngayon ay gold digger pa rin ang tingin sa akin?" "Ang tanong, mamahalin mo pa rin ba siya sa kabila ng ginawa niya sa'yo noon at sa kabila ng masamang tingin niya sa'yo?" nakataas ang kilay na tanong ni Liam. Mukhang nais niyang hulihin kung ano ang totoong nararamdaman ko ngayon kay Alexander. Batid naman niya kasi kung gaano ko kagusto noon si Alexander. Ngunit batid din nito kung gaano kasakit ang naramdaman kong sakit sa aking first love. "Magmula noong sinaktan niya ako ay ipinangako ko sa aking sarili na hindi na ako magmamahal pa, Liam. Ayoko nang masaktan." Sasagot sana si Liam ngunit biglang bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang aking mother-in-law na may dala na mukhang expensive bouquet ng mababango at magagandang bulaklak. "Kumusta na ang pakiramdam mo, Elara? Pinag-alala mo ako ng husto." Pagkapasok ng ina ni Alexander sa loob ng silid ay agad na ibinigay sa akin ng mga bulaklak at naupo sa gilid ng kama. "I'm okay now, Mom. Sorry at pinag-alala kita. And thank you for the flowers." Hindi ko ipinahalata sa ginang na naiilang akong tawagin siyang "mom". As much as possible ay ayokong makakita siya ng butas para magbago ang isip niya at bawiin ang pangako na siya ang gagastos sa lahat ng expenses ng mga magulang ko habang nasa abroad. "Huwag mo nang isipin iyon. Ang mahalaga ay magpagaling ka para makauwi ka na sa bahay niyo ni Alexander. Honeymoon niyo dapat ngayon pero heto at nasa hospital ka. Paano kayo magkakaroon agad ng anak niyan? Gusto ko ay may apo na ako by next year," nakangiting wika ng ina ni Alexander. Nagkatinginan naman kami ni Liam at nagpalitan ng makahulugang tingin. Mabuti na lang at hindi nagpang-abot sa silid ang mag-ina. Kung nagkataong nagpang-abot ang dalawa ay tiyak nasaksihan na ng mother-in-law ko kung paano ako tratuhin ng kanyang unico hijo. Baka magbago pa ang isip nito at maghanap ng ibang babae na makakapagbigay sa kanya ng apo. Kawawa naman ang aking ama kapag mangyari iyon. "Huwag po kayong mag-alala, Mom. Wala naman po akong sakit. Medyo na-overwhelming lang po ako kaya ako hinimatay. Sinisiguro ko sa inyo na nwxt year ay may apo na ho kayo." Lihim akong napangiwi sa sinabi ko. Para bang napakadali lamang ng nais mangyari ng mother-in-law ko at kaya kong i-fulfill agad iyon. "Aasahan ko iyan, Elara," nakangiting wika ng mother-in-law ko, halatadong nasiyahan sa sinabi ko kaya medyo nakadama ako ng guilt para sa kanya. Nais lang naman ng matamda na magkaroon ng apo dahil parang walang balak na mag-asawa ang anak nito. Mas lalo tuloy akong na-curious kung nasaan na si Isabella at kung bakit nagkahiwalay ang dalawa. "Teka, bakit wala rito ang asawa mo? Hindi ka ba niya dinalaw?" Napakunot ang noo nito nang maalala ang kanyanga anak. "Nandito kanina si Alexander, mother. Lumabas lamang siya para bumili ng prutas sa labas." Si Liam ang mabilis na sumagot sa ina ni Alexander. "Mabuti naman at pinuntahan ka niya rito. Akala ko hindi ka niya papansinin. Inisip ko na hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin dahil pinilit ko siyang ipakasal sa'yo," sabi ng mother-in-law ko na tila nakahinga ng maluwag. "Sa ganda po ng beshy ko ay impossibleng hindi siya pansinon ng anak ninyo," nakataas ang kilay na wika naman ni Liam. Huminga ng malalim ang ginang at biglang lumungkot ang mukha. "Magmula kasi nang magkahiwalay sila ni Isabella ay parang nawalan na siya ng gana na makipag-date sa mga babae." "Ano po ba ang dahilan at nagkahiwalay sina Alexander at ang girlfriend niya?" curious kong tanong. "At bakit ka naman nagtatanong kung bakit kami nagkahiwalay ni Isabella?" Tinig mula sa nakabukas na pintuan na hindi pala isinarado ng ina ni Alexander. Oh, man! Good timing talaga ang pagpasok ng lalaking ito sa silid.Elara "Hindi mo pa siya dapat patayin, Rona. Ang usapan natin ay saka mo siya papatayin pagkatapos naming matikman at pagsawaan ang katawan niya," narinig kong pigil ni Henry kay Rona.Nagmulat ako ng mga mata at tinapunan ng masamang tingin ang lalaking nagsalita. "Mas gugustuhin ko pang patayin na kaagad ni Rona kaysa lapastanganin niyo ang katawan ko.""Well, sorry ka na lamang, Elara. Dahil iyon ang napag-usapan namin bago ka namin kidnapin," nakangising wika naman ni Dante. "Ang tagal na kitang gustong tikman at sa wakas ay matutupad na rin ito." Tila gutom sa pagkain na tinapunan ako ng tingin ni Dante mula ulo hanggang paa. Nakalarawan sa mukha nito ang matinding pagnanasa."Hindi ba kayo nandidiri sa babaeng iyan? Ilang beses na siyang tinikman ni Alex. Inubos na ni Alex ang sarap niya kaya at hindi kayo tinirahan. Gusto niyo pa rin ba siyang tikman?" inis na tanong ni Rona sa dalawang lalaki pagkatapos ay tinapunan ako ng nang-iinsultong tingin. "Nag-usap na tayo tungkol di
Elara Nagising ako sa loob ng isang silid at nakahiga sa malamig na sahig habang nakatali ang mga kamay at paa ko. Kahit na hirap ay agad akong bumangon. Napakunot ang noo ko nang makita kong hindi lang pala ako nag-iisa sa silid na iyon. Dahil katulad ko ay nasa silid din si Hannah at nakatali ang mga kamay at paa habang nakahiga sa sahig. Walang malay pa ito kaya hindi nito alam ang sitwasyon nito ngayon. Gamit ang puwit ay lumapit ako kay Hannah at malakas na niyugyog ang mga balikat niya para magising siya. Ilang saglit pa ay nagmulat na ito ng mga mata. Agad na nanlaki ang mga mata nito at galit na tinapunan ako ng tingin nang makitang nakagapos ang mga paa at kamay nito. "How dare you kidnap me, Elara! Release me now, or else I will let your whole family be imprisoned!" galit na sigaw nito sa akin. Malakas na tinampal ko siya sa braso sa inis. "Una, wala akong pamilya na maipapakulong mo kasama ko dahil patay na ang mga magulang ko. Pinatay sila last week lamang. Pangalaw
ElaraMatapos bumalik ang lakas ko ay nagpasama ako kay Liam para bisitahin ang puntod ng mga magulang ko. Muli, hindi ko napigilan ang mapahagulgol sa harap ng kanilang puntod. Ang sakit at bigat sa dibdib na wala na sila. Parang ngayon pa lang masyadong nagsi-sink in sa isip ko na wala na talaga sila. Na kahit kailan ay hindi ko na sila makikitang buhay at mayayakap ng mahigpit.Mas madali ko sigurong matatanggap na wala na ang mga magulang ko kung pareho silang namatay sa sakit o di kaya ay sa aksidente. Ngunit ang kaalaman na pinatay sila at pinilit nilang lumaban para mailigtas ang kanilang buhay ay nagpapahirap sa akin na tanggapin ang katotohanan na iniwan na nila ako."Tahan na, Beshy. Baka kung mapaano ka naman dahil sa labis na pag-iyak," awat sa akin ni Liam habang marahang hinahagod ng palad niya ang likuran ko.Pinahid ko ang aking mga luha at binigyan ng isang malungkot na ngiti ang kaibigan ko. "Don't worry, Bestie. Hindi na mauulit ang nangyari sa akin.""You can cry,
ElaraMasakit mang tanggapin ang nangyari sa mga magulang ko ay pilit ko iyong tinanggap. Hindi ako gagaling at babalik sa normal kung hindi ko ma-overcome ang trauma ko sa pagkamatay ng mga taong pinakaimportanteng tao sa sa akin. Ito na ang pangalawang beses na nagkaroon ako ng trauma. At parehong connected kay Alexander ang aking mga nagiging trauma. Hindi na dapat nagtagpo ang mga landas naming dalawa. Baka hanggang ngayon ay buhay pa rin ang mga magulang ko."Kumain ka, Beshy. Naglugaw ako para sa'yo. Sabi kasi ng doktor ay huwag ka munang pakainin ng matitigas na pagkain kaya pagtiyagaan mo na lamang ang niluto kong lugaw. "Dinala ni Liam sa bedside table ang dala nitong lugaw at isang baso ng tubig. Nakikita ko sa kilos at pagsasalita ng kaibigan ko na nais nitong maiyak ngunit pinigilan nito ang sarili. Siya na lamang ang kinakapitan ko. Kung katulad ko ay magbi-breakdown din siya ay sino na ang mag-aasikaso sa akin? Napakalaki ng utang na loob ko kay Liam. May sarili siyan
Elara Tulala ako habang nakahiga sa aking kama. Sa tabi ng kama ko ay nakaupo si Liam na hindi malaman kung ano ang gagawin. Magmula nang pagbalikan ako ng aking malay ay hindi pa ako nagsasalita. Pakiramdam ko bigla akong nawalan ng kakayahang magsalita. Hindi ko mahagilap ang boses ko kahit na gusto kong magsalita, humagulgol at sumigaw ng malakas. Paggising ko ay nakaupo na sa gilid ng kama ko ang aking kaibigan at marahang hinahaplos ang aking buhok. Halatado na katatapos pa lamang nitong umiyak. Siguro ay tumawag siya sa akin at nang hindi ko sinasagot ang tawag niya ay nagpunta na siya sa bahay ng mga magulang ko para alamin kung bakit hindi ko sinasagot ang tawag niya. At malamang nang dumating siya ay nalaman niya mula sa mga taong nag-uusyuso kung ano ang nangyari sa mga magulang ko. "Magsalita ka naman, Beshy. Huwag ka namang ganyan. Tinatakot mo ako," kausap sa akin ni Liam. Bahagyang nag-crack ang boses nito sanhi ng pagpipigil nitong umiyak. "Ano na ang gagawin ko magi
Elara Nagliligpit ako ng mga gamit ko sa ibabaw ng table ko at naghahanda para umuwi sa araw na iyon nang pumasok sa office ko si Liam. Malawak ang pagkakangiti nito nang maupo ito sa upuan na nasa harapan ng table ko. "What is it again this time? Malawak ang ngiti mo kaya natitiyak ko na may plano ka naman para sa akin, right?" Inunahan ko na siya. Kapag ganito kasi ang kilos niya pagpasok sa office ko ay tiyak may balak na naman itong gawin. "Don't worry, Beshy. This time, wala akong balak na iset-up ka ng date. I just came to follow-up," nakangiting sagot nito sa akin. Tumaas ang kilay sa sinabi niya. "Follow-up? For what?" Ano naman ang ipa-follow-up niya sa akin? "It's about my friend Rex. So, what do you think of him?" Nagkibit ako ng balikat. "Okay lang siya. Maayos naman siyang kausap. Gentleman siya at hindi bastos." "That's it? Wala ka nang ibang sasabihin pa tungkol sa kanya?" tanong ni Liam na biglang nalukot ang ilong nang marinig ang sinabi ko. "Wala ka bang
Elara Matapos kong ipagtabuyan si Alexander ay hindi na ulit siya nagpunta sa bahay ng mga magulang ko. Akala ko ay babalik pa siya ngunit hindi iyon nangyari. Aminin ko man o hindi ngunit nakaramdam ako ng disappointment dahil doon. Hindi na rin siya nagtangkang puntahan ako sa kompanya namin. Naisip ko na baka na-realized niyang mabuti nga siguro na magkahiwalay na kami ng tuluyan para walang gulo. "Beshy, may lakad ka ba mamayang gabi?" tanong sa akin ni Liam. Nasa loob kami ng opisina niya at nagmi-meryenda. Breaktime kaya nagkaroon kami ng time na magkuwentuhan. "Wala naman. Bakit?" "Can you come with me?" Nagdududang tinapunan ko siya ng tingin. "Ano na namang kalokohan ang nais mong gawin?" Umirap sa akin si Liam bago sumagot. "Hindi ito kalokohan, girl. May kakilala akong gusto ka niyang makilala. Actually, nakita ka na raw niya ng ilang beses ngunit wala siyang courage na lumapit sa'yo at magpakilala. Kaya hiningi na niya ang tulong ko since alam naman niyang best
Elara Nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko mula sa doktor na nag-asikaso kay Alexander na maayos na ang kalagayan niya. Hindi naman grabe ang tinamong pinsala niya sa ulo. Pasalamat din ako nang lumabas ang resulta ng CT Scan nito at hindi nagkaroon ng damage ang utak nito.Nang malaman kong okay na si Alexander at ano mang oras ay magigising na ito ay saka lamang ako nagpasyang umalis ng hospital. Ngunit pinigilan ako ni Edzel nang makita niyang aalis na kami ni Liam."Hindi mo ba hihintayin na magising si Alex bago ka umalis, Elara? Tiyak hahanapin ka niya kapag nagkamalay na siya," sabi ni Edzel sa akin. Alam ko na nais lamang niyang manatili ako sa tabi ni Alexander para magkaroon kami ng pagkakataong makapag-usap. Ngunit nakapagdesisyon na ako na tuluyan ko na siyang lalayuan kaya hindi ko na kailangan na manatili pa sa kanyang tabi."Sabi ng doktor ay ligtas na siya. Nandito naman kayo ni Rona kaya may magbabantay sa kanya," malamig ang boses na sagot ko sa kanya. Pagkatapo
ElaraMagmula nang ni-reject ko sa harapan ng maraming tao ang marriage proposal sa akin ni Alexander ay himalang gumaling ako sa karamdaman ko. Biglang nawala ang aking social phobia. Kung ano-anong paraan na ang ginawa namin noon pero walang epekto. At hindi ko akalain na ang makakapagpagaling lang pala sa akin ay iyong maranasan din ni Alexander ang mapahiya sa harapan ng maraming tao na ako ang may kagagawan.Pinadalhan ko siya ng divorce paper para lubusan na akong makakawala sa kanya. Masakit pero kailangan kong tanggapin na hanggang dito na lang kami. Ilang araw lamang ay bumalik na sa akin ang divorce paper na pirmado ni Alexander. Para lubusang wala na kaming koneksiyon sa isa't isa ay binayaran namin ni Papa ang mga nagastos ng ina ni Alexander sa pagpapagamot kay Papa. Hinintay ko na kasuhan ako ni Alexander sa pag-breach ng contract agreement namin gaya ng sinabi niya sa akin noon ngunit hindi naman niya ako kinasuhan. Siguro ay nagi-guilty pa rin siya dahil kung hindi sa