“Karmela…” huminga nang malalim si Levie at pilit niyang tinagago ang kaba sa kanyang boses. “Ganito kasi…May guest tayong VIP, at gusto kang makasama nang pribado, kahit isang gabi lang daw.” nagdadasal siya na sana sa pagkakataong ito ay sumang-ayon si Karmela sa kaniyang sinabi. At isa sa paraan upang maisalba ang buhay ng kaniyang ina ay ang ma-operahan ito sa lalong madaling panahon at masimulan na ang kaniyang chemo-theraphy session kaya’t doble kayod ang ginagawa ni Karmela para masimulan na ang mga dapat gawin sa kaniyang ina. Bahagyang napaurong si Karmela at halatang nagulat sa sinabi niya. “Tshhh! Okay ka lang Levie? Hindi ba malinaw ang kontrata natin. Sinabi ko na sa’yo, na hindi ako ganung klaseng babae. Hindi ako sasama sa guest, kahit ano pa yang deal na yan! AYOKO! Ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko sana naman hindi ka makalimot sa napagkasunduan natin.” madiing sagot niya. “Oo naman naiintindihan kita. Alam kong may kasunduan tayo , Karmela, pero kasi…” Napatitig si Levie sa sahig, dahil pakiramdam niya ay wala siyang ibang magagawa para makumbinsi si Karmela. “Sabi niya , handa siyang magbayad ng dalawang milyon. Para sa isang gabi na makakasama mo siya. Saka sabi kasi niya kapag natuwa siya sayo ay maari niya pang dagdagan ang ibibigayn niya sayo. Saka Karmela, sabi niya kung hindi ka naman daw papayag ay ipapasara niya itong bar ko. At alam kong seryoso siya ng sabihin niya iyon. Alam kong kaya niyang gawin iyon.” Sa di inaasahan natigilan si Karmela. Humarap siya kay Levie at nakaramdam siya ng matinding galit at pagkasuklam sa mga narinig niyang sinabi ni Levie. “So, ang gusto mong mangyari ay isakripisyo ko ang sarili ko para maisalba ko ang negosyo mo? Ganuon ba?” malamig niyang tanong kay Levie, ang tono niya ay puno ng hinanakit. “Siyempre hindi ganoon ang ibig kong sabihin, Karmela, pero wala akong magawa. Kung hindi natin ito gagawin, mawawala ang lahat hindi lang sa akin kundi pati na rin sayo! Isa pa isipin mo na lang ang tungkol sa pangangailangan mo para sa pagpapagamot mo sa Mama mo. Alam kong kailangan mo ng pera “ pangungunsensya niyang sabi. Matagal na nanatiling tahimik si Karmela,. Sa bawat segundo na lumilipas, ramdam ni Levie ang pressure sa kaniyang ulo. Sa kabila ng lahat, alam niyang kahit anong sabihin niya, napakalaking bagay ang hinihingi niya kay Karmela. Dignidad na ang pinag-uusapan nila dito. “Please Karmela, Isang gabi lang,” halos bulong na pagmamakaawa ni Levie, hindi na maipinta ang mukha niya sa kaba. “Pramis ko sayo pagkatapos nito hinding-hindi na ito mauulit.” Nanatili pa ring tahimik si Karmela sa kaniyang pagkakaupo. “Karmela, ano ka ba naman. Ito na ang pagkakataon mo , isipin mo sa isang gabi magkaka dalawang milyon ka. Kahit saan ay hindi mo ito makukuha. Malaki ang matutulong ng perang ito para sa medical bills ng Mama mo. Lunukin mo na lang ang pride mo. Alam ko namang hindi mo gustong gawin ito pero isipin mo para sa kapakanan ng Mama mo." mararamdaman sa boses ni Levie ang pagmamakaawa pero determinadong mapa-oo si Karmela. Ilang minuto ding nag-isip si Karmela, sumandal siya sa upuan at humarap sa salamin. Isang malakas na malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan saka siya nagsalita.
"Sh*t wala na ba talagang ibang paraan para matustusan ko ang pangangailangan sa pagpapa-gamot ni Mama. Levie, ano ba naman itong kapalaran ko. Noong una , pumasok ako bilang stripper dito sa kasa kahit na alam mong hindi ko ito ginusto, ngayon naman ibebenta ko na ang sarili ko? At ibibigay ko ang puri ko sa isang taong hindi ko naman kilala?" Halos madurog ang puso ni Karmela sa kaniyang naisip. Napalunok siya, at pilit na pina-pakalma ang kaniyang sarili, ngunit dama niya ang lalim ng pagkasuklam sa kanyang sitwasyon. Nakatitig siya sa kanyang sariling repleksyon sa salamin, hawak ang maskara at wig na siyang proteksyon para itago ang totoo niyang pagkaka-kilanlan . " get’s naman kita. Isipin mo lang blessing in disguise na din ito para sayo.Diba ng doktor sayo na kailangang ma-operahan ang Mama mo sa lalong madaling panahon? Saka nakita ko si Tita noong huling pagbisita natin sa kaniya nakita kong hirap na siya sa kondusiyon niya. Yung perang makukuha mo para sa isang gabing ito ang makakatulong sa kaniya para guminhawa ang buhay niya. At baka sakaling gumaling na din siya . saka malay mo gumaling na ang Amnesia ni Tita." may pangungunsensyang sabi ni Levie.“Sige…” sagot niya, halos pabulong, at dama ang bigat ng salitang binitawan niya. “‘Pero, Levie, ito na ang una’t huling beses na gagawin ko to. Hindi ito ang trabaho ko. Mangako ka muna!”“Alam ko, Karmela. Oo pinapangako ko ito na ang una at huling beses na gagawin mo ito.” sagot ni Levie, bahagya siyang napayuko at parang nakalunok ng tinik sa bawat salitang kanyang sinabi. Dahil ang totoo ay hindi siya siguradong kung pagkatapos ng gabing ito ay pakakawalan pa siya ni Capt. Xian. Kilalang-kilala niya uto lalo na pagdating sa babae.AT THE HOTEL KARMELA MEDIOLA POV Nanginig ang kamay ko sa pagkuha ng cellphone sa aking bag at dali-dali kong di-nial ang numero ni Levie. Makalipas ng ilang ring ay sumagot na din ito sa akin. "Hello Levie! Ano ka ba naman?! bakit hindi mo kagad sinabi sakin na dito pala sa pinag-fu-full-time-an kong hotel ako makikipagkita sa Kapitan na yun!? Nakakainis ka naman, alam mong walang nakakaalam ng trabaho ko sa gabi. Pahamak ka talaga kahit kailan!" iritable kong singhal sa aming bar owner. "Hoy huh! Wag mo kong sisihin, bakit di mo ba nakita ang address nung binigay ko sayo kanina?" tanong sakin ni Levie. "tse kung nakita ko magtatanong ba ko sayo?! Sa inis ko kasi kanina hindi ko na binasa ang address, buti na lang naka wig pa rin ako, at buti na lang dala ko ang salamin ko pati . Naku ka talaga Levie kung hindi ko lang kailangan ng perang iyon hindi talaga ako pupunta dito." sagot ko kay Levie. Natawa sa akin si Levie. “Okay sige na, salamat talaga sa pagpayag mo Karmela. Dahil diyan, lahat ng hilingin mo sakin ay ibibigay ko.” malambing na sabi ni Levie sa akin “Hindi na … babayaran naman na ako ng lalaking yun. Okay na ako dun! Basta ang usapan natin , ito na ang una at huling beses na mangyayari ito.” “Oo ito na ang huli!” Nagtago muna ako sa gilid ng hotel para ayusin ang pagdi-disguise at saka ako tuluyang pumasok sa loob ng hotel ng sa gayon ay walang makakilala sa akin. Dahil sa nawala ako sa sarili ko sa gagawin ko ay hindi ko talaga namalayan ang address nitong hotel. Basta ko inabot ang papel na may nakasulat na address sa driver kanina at nagulat na lang ako ng huminto ang taxing sinasakyan ko sa tapat ng aking regular job.
Mula sa kabilang linya ng telepono sa kaniyang saradong silid ay kausap ni Prince ang kaniyang lawyer na kaibigan na siyang mapapagkatiwalaan niya na kumapit ng kaso niya. “Hello… Atty. Lawrence, ano ng nahanap mo tungkol sa kaso ko?” seryosong tanong ni Prince mula sa video call nila“Prince, mas kailangan mong maging maingat ngayon. Alam kong isa si Ms. Hailey Herrera sa pinaghihinalaan mo pero masisiguro kong wala siyang alam sa nangyari sayo. Aksidente lang talaga ang naging pagkikita niyo. Isa si Chramis sa mga binabantayan ko ngayon ng husto. Dahil magmula ng bumalik siya mula dyan sa US ay may kakaiba na siyang kinikilos. Palagi siyang lumalabas kasama ang isang lalaki!” tugon nito“Alam ko na yun” tugon niya tungkol kay Hailey “ano naman ngayon kung lumabas si Charmis kasama ang isang lalaki? Normal naman yun at single siya.” anas nitoSumeryoso ang mukha ni Atty. Lawrence “alam ko naman yun Prince, pero hindi mo naiintindihan ang ibig kong sabihin. Namataan siya ng mga de
Habang lumilipas ang mga araw, naging routine na nila ang mga ganoon: sa umaga ay therapy at pagpapa-inom ng gamot para kay Prince, sa hapon ay pinag uusapan nila ang tungkol sa negosyo at paminsanang training para kay Hailey , sa gabi ay nagluluto si Hailey para sa kanilang hapunan na kung noon ay bihira niyang gawin ngayon ay nakakasanayan na niya pagkatapos ay nanonood sila ng movies at maikling kwentuhan bago sila matulog. Unti-unting nasanay si Hailey sa presensya ni Prince. Ang pagiging makulit nito, ang mga pagbibiro niya na kahit na minsan ay nakaka offend nakasanayan na lang niya, at higit sa lahat, ang biglaang seryosong tingin kapag napapatingin ito sa kanya. Hindi din niya maipaliwanag pero parang nagbibigay ito ng kakaibang ibig sabihin sa kaniya.Isang gabi, matapos ang mahabang araw ng therapy at trabaho, nakaupo sila sa veranda. Tahimik na nakatingin si Prince sa mga bituin, habang si Hailey naman ay nakaupo sa tabi niya, may hawak na tasa ng tsaa.“Hailey,” biglang sa
Matapos ang hapunan, tinulungan niya si Prince bumalik sa kwarto. Doon nagsimula ang awkward na moment sa pagitan nilang dalawa. Hindi pa malaman ni Hailey kung paano niya gagawin ng magpatulong si Prince. “Hailey, pwede bang… tulungan mo ako dito?” mahina ang boses ni Prince at halatang nahihiya pero no choice na siya, hindi niya kayang yumuko para isuot ang pantulog niya. Napatigil si Hailey. “Ha? Ako? Eh… bakit ako? Saka nakakaloka ka naman Prince, baka mamaya kung ano pang makita ko.Juskupo naman” “Kung ayaw mo, tatawag ako ng nurse bukas. Pero ngayon… wala akong choice. Promise, hindi ako hihingi ng iba pa. Just this once.”Tila nakunsensya si Hailey sa sinabi ni Prince. Kaya kahit naiilang ay dahan-dahan siyang lumapit. Tinulungan niyang alisin ang kaniyang pang-ibaba at habang ginagawa niya iyon, naramdaman niya ang bigat ng sitwasyon. Nakaramdam siya ng pag iinit sa kaniyang mukha. Hindi niya maintindihan kung ano ang mararamdaman niya. Naiilang din siya at the same ti
Makalipas ang isang linggo ng pananatili sa ospital, sa wakas ay pinayagan na ring makalabas si Prince ng kaniyang mga doktor. Sobrang nanlumo siya sa nangyari sa kaniyang pamilya pero kailangan niyang bumangon para sa sarili niya.Kahit na malakia ng ibinagsak ng katawan at halatang nanghihina, nagawa nitong ngumiti habang inililipat siya ng mga nurse sa wheelchair. Kahit pa nakalabas na siya, malinaw pa rin ang bilin ng doktor sa kaniya; kailangan ng mahigpit na therapy para sa kaniyang mga paa at mag-pahinga muna sa pagtatrabaho, hindi puwedeng mapuwersa ang katawan niya dahil mas maaring mag resulta ito ng mas malala pa sa kaniyang inaasahan. Samantalang mula hallway ng ospital ay naglalakad si Hailey, hawak ang mga discharge papers na kinuha niya sa nurse station at ang kanyang Daddy ay abala sa pakikipag-usap sa doktor. Nang lumapit ang nurse na nagtutulak kay Prince, napatingin ito kay Hailey na abala sa papel.“hey Hailey,” mahina niyang tawag. Napalingon si Hailey. “Yes? An
Sandaling natahimik si Xian. Pinatong nito ang dyaryo sa mesa at nagbuntong-hininga. “Hailey, oo. Malungkot man, pero totoo. Nakausap ko ang isang business associate namin kanina. Hindi na kinaya ng father niya sa ospital. At bukas… pupunta tayo sa burol niya. Lilipad kami ng Mommy mo papunta ng US kasama ang iba pa naming kaibigan para makiramay.Kailangan din naming dalawin si Prince, lalo na’t ulila na rin siya sa kaniyang ina. Mahirap ang pinagdadaanan ng batang yun.”Parang may sumundot sa dibdib ni Hailey. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang mga palad. “Si Prince po? Kamusta siya?”“Wala na rin siyang ina, alam mo naman ‘yon. Kaya doble ang bigat ng pinapasan niya ngayon. Sabi ng mga kasama ko sa negosyo, nasa ospital pa rin siya. Nabaldado daw, hindi pa tiyak kung makakalakad pa siya ulit.”Hindi nakapagsalita agad si Hailey. Sa loob-loob niya, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman, lungkot ba, awa, guiltness dahil pinag isipan pa niya ito ng hindi maganda. Pero may mal
Nagtungo na siya sa banyo para mag-ayos ng kaniyang sarili. Hindi din siya nagtagal sa paliligo at nag-asikaso na siya sa kaniyang unang araw ng pagpasok.Huling tanaw sa salamin. Tinignan niya ang kaniyang light make up. Sinuot niya ang kaniyang hindi sobrang kaikliang palda na tinernuhan niya ng brown sleevless na may hindi kahalayaan ang disenyo sa may parteng dibdib na tinakpan ng kaniyang katernong kulay ng suit at high heels.Kung marunong sa fashion ang makakakita sa kaniya ay malalaman mong mayaman talaga siya dahil ang brand ng kaniyang mga gamit ay mula sa mga luxury brand. Mula sapatos hanggang sa mga aksesoryang gamit niya.“Oh God, guide me today. Nawa ay hindi ako mapag-initan ng mag among iyon.” Dasal ni Hailey bago tuluyang sumakay sa kaniyang sasakyan.Ang unang araw niya ay naging smooth, kakaunti ang trabaho taliwas sa inaasahan niya. Ani ng HR head ay binilinan lang sila ni Mr.Tan na sila muna ang bahalang magbigay ng task para sa kanya dahil nagkaruon ng biglaang