Nakasundo ko kasi ang bakla kong amo ko dahil siya ang tumulong sa akin para kahit papano masuportahan ko ang ilang pangangailangan ni Mama sa kaniyang pagpapagamot. Kaya alam din niyang hindi ko siya kayang tiisin. Wala din naman akong magagawa, tama si Levie , tila ito na ang magiging sagot sa lahat ng problema ko para maging maayos na si Mama. Ang aking puri, ngunit kapalit nito ay makikita kong magiging maayos muli si Mama. "Haist, nakakainis talaga! Bakit ngayon ko lang nalaman na dito pala to sa hotel na to, lalo tuloy akong kinakabahan.” pagmamaktol ko sa aking sarili habang nagmamadali akong naglalakad papunta sa elevator ng sa gayun ay wala ng ibang staff ng hotel na makakita sa akin at para na din maabutan ko ang oras na hinahabol ko. Napapangiwi na lang talaga ako sa pagkainis at matinding kaba. Bahala na, nandito na din naman ako. Dibale, siguro naman walang nakakita sakin. At kahit meron man hindi naman ako kaagad makikilala sa suot kong wig at salamin. Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng VIP suite sa nakasaad na address.
“Come in. Bukas ‘yan,” tugon ng isang boses ng lalaking matipuno. Bahagyang nanginig ang aking kalamnan , sa boses nito ay alam ko ng mawawasak ang aking pagkababae, mangiyak ngiyak na ako sa pintuan pa lang. Ang tagal kong iningatang puri ay hindi ko akalaing magwawakas lang pala ito sa ganitong paraan. Isinuot ko na ang aking maskara. Pinunasan ko ang aking luha at pinakalma ang aking sarili, nagmamadali kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng silid . Sa aking pagpasok , tumambad sa aking harapan ang isang lalaki na may maskuladong katawan, kulay tan ang kaniyang balat, ang kaniyang matangos na ilong ay tamang tama sa kaniyang malamlam na mata. Sumilay ang mapang-akit na ngiti sa kaniyang maninipis na labi na kinagat niya ng kaniyang mapuputi at pantay-pantay na ngipin. Ang kaniyang pisngi ay may bahagyang balbas. Sa edad niyang sa tingin ko ay nasa 40’s na ay masasabi kong may kakaibang karisma pa rin ito. Malakas pa rin ang dating niya. Maaninag ang pagiging professional ni Kapitan. Hindi ito ang ini-imagine kong lalaki na makakaharap ko ngayong gabi. Nakaupo siya sa isang mamahaling couch, naka-dikwatro ang mga paa, at nagmamasid sa akin na parang isang mabangis na hayop na handang sumunggab anytime . Kapit kapit niya ang isang baso na may lamang alak , bahagya niya iyong pinaikot ito sa kaniyang kamay at ininom.Habang papalapit ako ay natigilan ako at tila binuhusan ako ng malamig na tubig. {Damn it! Si Ninong Xian ang kliyente ko?! Fvck! }Hinila niya ako at parang hindi niya ako nakikilala. Nagulat ako ng bigla siyang magsalita. Halos mapalundag ako sa kinatatayuan ko.“Marunong ka bang mag-lap dance?” malamig na tanong ni Ninong sa akin . Naiintindihan ko na kung bakit takot na takot si Levie sa kaniya dahil naaalala ko ang mga kwento ni Mama tungkol kay Ninong Xian noong nakakaalala pa siya. Sinasabi niya kung gaano kabait si Ninong Xian pero ganuon din siya kahirap na maging kalaban dahil sa lupit niya. Habang naghihimagsik ang aking isipan dahil sa maling desisyong ginawa ko ay siya namang paglalaro ng pananabik sa mata ni Ninong Xian. Bahala na para sa dalawang milyon, ipipikit ko na lang ang mata ko. Tutal mukhang hindi niya ako nakikilala . Naalala ko ang bilin ni Levie na galingan ko para maisalba ang bar na aking pinagta trabahuhan at mailigtas ko si Mama sa halo-halong sakit niya. Tatapusin ko na ito kaagad para ibigay niya kaagad ang kabayaran para sa akin. Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakatayo at nakatitig lang sa kaniya. Nagulat ako ng muli siyang magsalita. "Miss. Ang sabi ko marunong ka bang mag lap dance?" Seryoso niyang tanong."susubukan ko. " tipid kong sagot . Kinuha ko ang baso sa kamay niya at sinalinan ito ng alak , isang lagok ko itong inubos at ibinaba ng pabagsak sa lamesa saka ko siya sinimulang sayawan sa kaniyang harapan. Kinapitan ko ang kaniyang batok at patalikod akong nagtaas-baba sa kaniyang harapan. Ginaya ko ang malanding pagsasayaw ko sa tubo sa ibabaw ng stage. Nilunok ko na lang ang katotohanang Ninong ko ang makakakuha ng aking puri. Humarap ako sa kaniya at sinalinan ko ang baso ng alak at pinainom ito sa kaniya. Sinalinan ko ulit ito at nilagok ito ng inuman. “Hmmm you’re getting it more interesting” bulong niya sa labi ko. Inaamin ko ang bango ng halimuyak ng kaniyang katawan. Sa edad niya masasabi kong alagang alaga niya ang katawan niya. Muli akong tumalikod sa kaniya at hinampas ang aking balakang kasabay ng musikang naririnig ko sa aking isipan. Inupuan ko siya habang gumigiling sa kaniyang pagkalalaki. Ramdam ko ang paninigas ng kaniyang talong na nakatago sa ilalim ng kaniyang manipis na pajama. na tanging saplot na tumatabing sa kaniyang napakagandang katawan. Bawat paghaplos ko sa kaniyang dibdib, ay talaga namang napapahanga ako. Saglit akong napatigil dahil bigla akong nakaramdam ng pag-iinit ng aking katawan ng haplusin niya ang aking braso. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang pakiramdam na parang naghahangad ako ng mas higit pa sa kung anong naiisip kong mangyari sa amin. Teka? Epekto ba ‘to ng gamot? Muli niyang pinagapang ang kaniyang daliri sa aking balat. Ang init . Para akong mapapaso. Pinakalma ko ang aking puso na parang handang kumawala anumang oras sa aking dibdib.Idinikit niya ang kaniyang labi sa aking earlobe at malumanay na bumulong "bakit ka huminto, ituloy mo lang. Ginaganahan na ako" ang boses niya ay mapang akit na parang kumiliti sa aking pagka-babae. Hindi ko alam pero parang naging sunod-sunuran ako sa aking Ninong. Humarap ako sa kaniya at pinagpatuloy ko ang aking paggiling. Napatigil ako sa kalagitnaan ng kapitan niya ang aking maskara at akmang tatanggalin ito."Please wag!... wag mo ng tanggalin ito, " mahina kong pakiusap na animo’y nagusumamo. Idinampi niya ang kaniyang malambot na labi sa aking manipis na labi. Saka siya muling nagsalita. Kung kanina ay malambing siya ngayon ay tila isang mabangis na hayop na hayok na hayok sa laman si Ninong. “Sige pagbibigyan kita, gusto mo pala ng pa mystery effect, hahayaan kitang nakakabit sa iyo ang maskara mo pero lahat ng ipapagawa ko sa’yo ay gagawin mo," napapailing ako at para akong natakot sa ibig niyang sabihin " wala kang magagawa dahil babayaran kita ng dalawang milyon,” malamig na sabi ni Capt. Xian sa akin, lumamig ang tinig niya at ang kaniyang mga kamay ay humigpit na naka-kapit sa aking braso. Ngumisi siya ng mapang-buska. Pakiramdam niya ay ari-arian na niya ako dahil sa dalawang milyong ibabayad niya sa akin.Ramdam ko ang bigat ng sitwasyon na pinasok ko, ang perang pinangako ni Capt. Xian na dati’y tila sagot sa lahat ng aking problema ngayon ay nagsilbing gapos sa aking mga kamay na hindi ko basta matatangal. Talagang nasa huli ang pagsisisi. Halos madurog ang aking puso sa bawat salitang binitiwan ni Capt. Xian, hindi ako makapaniwala na ganito kalupit ang Ninong ko.Wala na siyang pakielam, sinisinghot niya na parang adik ang aking leeg habang mahigpit niyang kapit ang aking bewang, ilang segundo lang ay naging malikot na ang kaniyang kamay. Malaya itong humahaplos sa lahat ng parte ng aking katawan , sa mga oras na iyun ay naramdaman ko ang bigat ng consequences ng pagbebenta ko sa aking sarili. Ngunit kahit labag sa loob ko ang lahat ng ito ay pumikit na lang ako, pilit kong ipinapasok sa isip ko ang payat, nahihirapan at hindi ko na nakakakilalang kalagayan ni Mama. Handa kong isakripisyo ang aking sarili kapalit ng kaligtasan ni Mama. {“Isang gabi lang, Karmela,” bulong ko sa akin sarili, pinipilit kong patibayin ang aking isip sa kabila ng matinding takot at pagnhihinayang na tila sumasakal sa akin.}Mula sa kabilang linya ng telepono sa kaniyang saradong silid ay kausap ni Prince ang kaniyang lawyer na kaibigan na siyang mapapagkatiwalaan niya na kumapit ng kaso niya. “Hello… Atty. Lawrence, ano ng nahanap mo tungkol sa kaso ko?” seryosong tanong ni Prince mula sa video call nila“Prince, mas kailangan mong maging maingat ngayon. Alam kong isa si Ms. Hailey Herrera sa pinaghihinalaan mo pero masisiguro kong wala siyang alam sa nangyari sayo. Aksidente lang talaga ang naging pagkikita niyo. Isa si Chramis sa mga binabantayan ko ngayon ng husto. Dahil magmula ng bumalik siya mula dyan sa US ay may kakaiba na siyang kinikilos. Palagi siyang lumalabas kasama ang isang lalaki!” tugon nito“Alam ko na yun” tugon niya tungkol kay Hailey “ano naman ngayon kung lumabas si Charmis kasama ang isang lalaki? Normal naman yun at single siya.” anas nitoSumeryoso ang mukha ni Atty. Lawrence “alam ko naman yun Prince, pero hindi mo naiintindihan ang ibig kong sabihin. Namataan siya ng mga de
Habang lumilipas ang mga araw, naging routine na nila ang mga ganoon: sa umaga ay therapy at pagpapa-inom ng gamot para kay Prince, sa hapon ay pinag uusapan nila ang tungkol sa negosyo at paminsanang training para kay Hailey , sa gabi ay nagluluto si Hailey para sa kanilang hapunan na kung noon ay bihira niyang gawin ngayon ay nakakasanayan na niya pagkatapos ay nanonood sila ng movies at maikling kwentuhan bago sila matulog. Unti-unting nasanay si Hailey sa presensya ni Prince. Ang pagiging makulit nito, ang mga pagbibiro niya na kahit na minsan ay nakaka offend nakasanayan na lang niya, at higit sa lahat, ang biglaang seryosong tingin kapag napapatingin ito sa kanya. Hindi din niya maipaliwanag pero parang nagbibigay ito ng kakaibang ibig sabihin sa kaniya.Isang gabi, matapos ang mahabang araw ng therapy at trabaho, nakaupo sila sa veranda. Tahimik na nakatingin si Prince sa mga bituin, habang si Hailey naman ay nakaupo sa tabi niya, may hawak na tasa ng tsaa.“Hailey,” biglang sa
Matapos ang hapunan, tinulungan niya si Prince bumalik sa kwarto. Doon nagsimula ang awkward na moment sa pagitan nilang dalawa. Hindi pa malaman ni Hailey kung paano niya gagawin ng magpatulong si Prince. “Hailey, pwede bang… tulungan mo ako dito?” mahina ang boses ni Prince at halatang nahihiya pero no choice na siya, hindi niya kayang yumuko para isuot ang pantulog niya. Napatigil si Hailey. “Ha? Ako? Eh… bakit ako? Saka nakakaloka ka naman Prince, baka mamaya kung ano pang makita ko.Juskupo naman” “Kung ayaw mo, tatawag ako ng nurse bukas. Pero ngayon… wala akong choice. Promise, hindi ako hihingi ng iba pa. Just this once.”Tila nakunsensya si Hailey sa sinabi ni Prince. Kaya kahit naiilang ay dahan-dahan siyang lumapit. Tinulungan niyang alisin ang kaniyang pang-ibaba at habang ginagawa niya iyon, naramdaman niya ang bigat ng sitwasyon. Nakaramdam siya ng pag iinit sa kaniyang mukha. Hindi niya maintindihan kung ano ang mararamdaman niya. Naiilang din siya at the same ti
Makalipas ang isang linggo ng pananatili sa ospital, sa wakas ay pinayagan na ring makalabas si Prince ng kaniyang mga doktor. Sobrang nanlumo siya sa nangyari sa kaniyang pamilya pero kailangan niyang bumangon para sa sarili niya.Kahit na malakia ng ibinagsak ng katawan at halatang nanghihina, nagawa nitong ngumiti habang inililipat siya ng mga nurse sa wheelchair. Kahit pa nakalabas na siya, malinaw pa rin ang bilin ng doktor sa kaniya; kailangan ng mahigpit na therapy para sa kaniyang mga paa at mag-pahinga muna sa pagtatrabaho, hindi puwedeng mapuwersa ang katawan niya dahil mas maaring mag resulta ito ng mas malala pa sa kaniyang inaasahan. Samantalang mula hallway ng ospital ay naglalakad si Hailey, hawak ang mga discharge papers na kinuha niya sa nurse station at ang kanyang Daddy ay abala sa pakikipag-usap sa doktor. Nang lumapit ang nurse na nagtutulak kay Prince, napatingin ito kay Hailey na abala sa papel.“hey Hailey,” mahina niyang tawag. Napalingon si Hailey. “Yes? An
Sandaling natahimik si Xian. Pinatong nito ang dyaryo sa mesa at nagbuntong-hininga. “Hailey, oo. Malungkot man, pero totoo. Nakausap ko ang isang business associate namin kanina. Hindi na kinaya ng father niya sa ospital. At bukas… pupunta tayo sa burol niya. Lilipad kami ng Mommy mo papunta ng US kasama ang iba pa naming kaibigan para makiramay.Kailangan din naming dalawin si Prince, lalo na’t ulila na rin siya sa kaniyang ina. Mahirap ang pinagdadaanan ng batang yun.”Parang may sumundot sa dibdib ni Hailey. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang mga palad. “Si Prince po? Kamusta siya?”“Wala na rin siyang ina, alam mo naman ‘yon. Kaya doble ang bigat ng pinapasan niya ngayon. Sabi ng mga kasama ko sa negosyo, nasa ospital pa rin siya. Nabaldado daw, hindi pa tiyak kung makakalakad pa siya ulit.”Hindi nakapagsalita agad si Hailey. Sa loob-loob niya, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman, lungkot ba, awa, guiltness dahil pinag isipan pa niya ito ng hindi maganda. Pero may mal
Nagtungo na siya sa banyo para mag-ayos ng kaniyang sarili. Hindi din siya nagtagal sa paliligo at nag-asikaso na siya sa kaniyang unang araw ng pagpasok.Huling tanaw sa salamin. Tinignan niya ang kaniyang light make up. Sinuot niya ang kaniyang hindi sobrang kaikliang palda na tinernuhan niya ng brown sleevless na may hindi kahalayaan ang disenyo sa may parteng dibdib na tinakpan ng kaniyang katernong kulay ng suit at high heels.Kung marunong sa fashion ang makakakita sa kaniya ay malalaman mong mayaman talaga siya dahil ang brand ng kaniyang mga gamit ay mula sa mga luxury brand. Mula sapatos hanggang sa mga aksesoryang gamit niya.“Oh God, guide me today. Nawa ay hindi ako mapag-initan ng mag among iyon.” Dasal ni Hailey bago tuluyang sumakay sa kaniyang sasakyan.Ang unang araw niya ay naging smooth, kakaunti ang trabaho taliwas sa inaasahan niya. Ani ng HR head ay binilinan lang sila ni Mr.Tan na sila muna ang bahalang magbigay ng task para sa kanya dahil nagkaruon ng biglaang